Mag-log in“Doon siya titira?”Tumango siya. “It's one of the options the doctor suggested.”Napababa ako ng tingin sa kamay naming magkahawak.Gusto kong sabihin na hindi ako komportable. Na hindi ko alam kung paano kikilos kapag nandoon na siya, lalo na kung madalas siyang tatawag kay Reiner at hahanapin ito sa tuwing may kailangan siya.Pero hindi ko masabi.Hindi naman ako walang karapatang tumutol. Alam kong maaari akong magsabi ng hindi. Asawa niya ako. Bahay namin iyon.Pero hindi ko alam kung boboses ba ako o hindi…Lalo na ngayon, nang nakikita kong talagang nag-aalala siya sa kalagayan ng dating asawa niya.“Do you think she'll be okay there?” iyon na lamang ang naitanong ko.“I hope so. The doctor believes familiar surroundings may help her settle down.”Tumango ako, bagaman hindi naman tuluyang nawala ang bigat sa dibdib ko.“Then... I guess we can try.”Bahagyang pinagmasdan ako ni Reiner. “Are you sure?”Hindi ko siya matingnan nang diretso. “Kung makatutulong iyon sa kaniya.”Hind
Armea’s POVTumango ako.Nang tuluyang makapasok si Reiner sa living area, naiwan akong nakatayo sa hallway kasama si Gerard. Nasa loob pa rin ang doktor at nurse, habang si Lydia ay nakaupo na sa sofa. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang likod ni Reiner habang lumalapit siya rito.Hindi ko na kailangang marinig ang mga salitang sasabihin niya. Alam kong muli niyang titiyaking maayos ang kalagayan nito. At alam ko ring hindi niya basta maiiwan ang isang babaeng kagagaling lang sa ganoong sitwasyon.Pero hindi rin ibig sabihin na hindi ako nasasaktan.“Ma’am,” mahinang tawag ni Gerard.Napalingon ako sa kaniya. “Hmm?”“May ipapakuha po ba kayo sa sasakyan? Maaari ko pong ipasunod.”Umiling ako. “Wala. Dito lang muna ako.”Hindi na siya nagtanong. Bumalik ang tingin ko sa loob ng living area, kung saan nakita kong may sinasabi ang doktor kay Reiner. Tila may ipinapaliwanag ito habang paminsan-minsang sinusuri ang pulso ni Lydia.Akala ko iyon na ang magiging katapusan ng araw na iyon.
“Get dressed, Wife. Come with me.”Iyon lang ang sinabi ni Reiner matapos ibaba ang tawag.Hindi na niya ako tinanong kung sigurado akong sasama. Alam niyang hindi ako papayag na maiwan habang hindi ko alam kung anong nangyayari kay Lydia.Pagdating namin sa rest house, narinig ko agad ang boses ni Lydia mula sa living area. Hindi iyon malakas na sigaw, kundi sunod-sunod na paghingal na sinasabayan ng pag-iyak.Nasa may p***o ang nurse, halatang hindi alam kung lalapit pa ba o magbibigay muna ng espasyo.Nasa sofa si Lydia. Magulo ang buhok niya at namumula ang mukha.May basong nakahandusay sa carpet at ilang gamit na nahulog mula sa side table. Hindi naman wasak ang buong silid gaya ng unang akala ko; sapat lang ang gulo para ipakitang may nangyaring hindi nila nakontrol.“Ma'am Lydia, dahan-dahan lang po. Hindi po namin kayo sasaktan,” mahinang sabi ng nurse.“Don't touch me!” Napaatras si Lydia nang bahagyang lumapit ito. “I said don't touch me!”Nang subukan siyang alalayan ng car
Naramdaman ko ang marahang paggalaw ng kama kasunod ng pamilyar na bigat ng braso ni Reiner na lumanding sa aking baywang.Isang malalim at paos na hininga ang pinakawalan niya sa may patani ng aking leeg, sapat para magpadala ng pamilyar na kiliti sa buong katawan ko habang unti-unting nagigising ang diwa ko sa sinag ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng master’s bedroom.Tatlong araw na ang nakalilipas.Tatlong araw mula nang maihatid namin si Lydia sa pribadong property ng mga Ramanov, at tatlong araw na rin mula nang mangyari ang matinding usapan namin sa study room tungkol sa Article 42 at sa nakatatakot na affidavit of reappearance.Sa loob ng tatlong araw na iyon, pinatunayan sa akin ni Reiner na iba siya. Iba siya kay Richard na naging duwag at itinanggi ako. Si Reiner, hindi ako binitiwan. Mas naging maalaga siya, mas mapang-angkin, na para bang bawat segundo ay sinusubukan niyang burahin ang bawat takot na dahan-dahang lumalaki sa dibdib ko.Dahan-dahan akong humarap
Naramdaman ko ang marahang pagyanig ng kama nang sumunod siya sa akin. Hindi niya ipinabigat ang kaniyang katawan, sa halip ay nanatili siyang nakatukod gamit ang mga siko sa magkabilang gilid ng aking ulo, habang ang kaniyang mga mata ay madilim at nagliliyab sa emosyon.“Armea...” paos niyang bulong, ang kaniyang hininga ay mainit na dumarampi sa aking mga labi.“I'm here,” pabulong kong sagot habang kusa kong ipinulupot ang aking mga braso sa kaniyang leeg, hinahatak siya pababa upang tuluyan naming pag-isahin ang aming mga hininga.Yumuko siya at muli akong hinalikan, marahas ngunit may kasamang matinding pag-iingat. Ang kaniyang dila ay dahan-dahang pumasok sa aking bibig, sinusuyod ang bawat sulok nito at ninanamnam ang lasa ko na tila ba uhaw na uhaw siyang hayop na matagal na nagtiis.Napaungol ako nang mahina sa gitna ng halik habang ang kaniyang isang kamay ay gumapang pababa sa aking baywang, itinataas ang laylayan ng aking suot upang pakawalan ang natitirang harang sa pagi
“Gusto kong makasama ka.”Hindi siya agad sumagot. Hinaplos niya ang pisngi ko, sinusuri ang mga mata ko na para bang gusto niyang tiyaking hindi ako napipilitan dahil lamang natatakot akong mawala siya.“Are you doing this because you want me, or because you're afraid I might choose someone else?”Napatigil ako.Masakit ang tanong, pero hindi ko iyon ikinagalit. Alam kong kailangan niyang malaman.“Both,” tapat kong sagot. “Gusto kita. At oo, natatakot ako. Hindi ko kayang magpanggap na hindi ako natakot nang makita kitang kasama niya kanina. So I wanted to be sure, you’re still mine.”Marahan niyang inilapat ang noo niya sa akin.“Then let me make that clear.”Tumayo siya at iniabot ang kamay niya. Tinanggap ko iyon.Paglabas namin ng study room, hindi niya ako hinayaang maglakad nang malayo sa kaniya. Nasa baywang niya ang isang kamay, at paminsan-minsan ay hinahaplos niya ang likod ko habang umaakyat kami sa hagdan.Pagpasok namin sa master bedroom, marahan niyang isinara ang pint







