تسجيل الدخول“WHO came up with that code name?” Natigilan si Lyndon. “It sounds...” dagdag ni Talia habang pilit seryoso ang mukha, “a little cringe.” Bahagyang natahimik si Lyndon matapos marinig ang komento ni Talia. Maya-maya ay marahan nitong inayos ang salamin bago umubo nang mahina. “Si Sir Caden po ang gumawa ng codename.” Agad na natigilan si Talia. “Oh...” Tahimik na umiwas ng tingin si Lyndon habang pilit nananatiling kalmado ang mukha nito. --- LUMIPAS ang isang araw at isang gabi nang ganoon lamang. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Caden. Sa loob ng katawan nito, tila patuloy ang tahimik na digmaan sa pagitan ng virus at ng serum na itinurok nila rito. Bawat segundo ay parang laban sa pagitan ng buhay at kamatayan. At ang tanging patunay na buhay pa rin ito ay ang regular na tunog ng heart monitor sa tabi ng kama nito. Tahimik na nakaupo si Talia sa gilid ng hospital bed habang hawak ang maliit na cotton swab. Maingat niya iyong isinawsaw sa maligamgam n
BAHAGYA pa ring nanginginig ang buong katawan ni Talia habang nakatayo sa gitna ng malamig na hangin ng Bundok Resort.Hindi dahil sa ulan, hindi dahil sa lamig... kundi dahil sa sobrang bigat ng emosyon na halos hindi na kayanin ng dibdib niya.Kanina lang, pakiramdam niya tuluyan nang mawawala si Caden sa kaniya. Pero ngayon...buhay pa ito, humihinga.Mariin siyang napapikit habang pilit inaayos ang paghinga. Nandoon pa rin ang sakit at takot sa dibdib niya, ngunit kasabay no’n ay ang taos-pusong pasasalamat.“Mico...” paos niyang tawag habang namumula ang mga mata. “Thank you... thank you for saving him...”Tahimik siyang tiningnan ni Mico bago marahang umiling. “Hindi galing sa akin ang serum,” mahinahon nitong saad.Bahagyang natigilan si Talia. “Pinadala iyon ni Sir Lucas.”Marahas na kumabog ang puso niya, dahil sa natuklasan. Hindi makapaniwa siyang napatingin kay Mico habang tila bumagal ang paligid.“He said...” marahan nitong dugtong, “ayaw ka na raw niyang makitang umiiya
TAHIMIK na napatitig si Talia kay Caden habang hawak nito ang malamig niyang kamay.Sa ilalim ng mahamog na langit ng Grey Wharf, mas lalo lamang naging mabigat ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Ngunit pilit pa ring ngumiti si Caden, para bang sinusubukan nitong gawing magaan ang atmosphere sa pagitan nila.“This is my last gift for you,” mahina ngunit malinaw nitong saad.Bahagyang natigilan si Talia. Mula sa kinatatayuan nila ay tanaw ang kalahati ng Grey Wharf na nababalot ng ambon at ilaw. Ang mga pier, gusali, at makukulay na ilaw ng lungsod ay tila maliliit na bituin sa ilalim ng madilim na langit.“Kapag natuloy ang redevelopment project...” mababa nitong dugtong, “kalahati ng Grey Wharf mapupunta sa foundation under your name.”Nanlaki ang mga mata ni Talia. Matagal na niyang alam ang plano ni Caden para sa lungsod. Kapag natuloy ang proyekto, malaking bahagi ng pondo ng Montclair Group ang ilalaan para ayusin ang mahihirap na distrito sa Grey Wharf habang ang natiti
MAS LALO lamang dumami ang dugong tumutulo mula sa ilong ni Caden hanggang tuluyan nang mabasa ang puting panyo sa kamay ni Talia.Nanlaki ang mga mata niya habang nanginginig ang mga daliri.“Caden... don’t sleep...” basag na basag ang boses niyang saad. “Aakyat tayo sa loob. Tatawag tayo ng doctor... okay?”Ngunit mahina lamang na napangiti si Caden habang mas lalo siyang niyayakap.“Don’t be scared...” paos nitong bulong. “Mawawala rin ’to after a while.”Halos wala nang lakas ang boses nito. Mabigat na rin ang buong katawan nitong nakasandal sa kaniya. Halos madurog si Talia sa bigat at takot na sabay niyang nararamdaman.Ngunit kahit ganoon ay mahigpit pa rin siyang hawak ni Caden.“I just want...” mabigat nitong hingal, “to look at the stars a little longer.”Tuluyang bumagsak ang mga luha ni Talia. Pakiramdam niya ay may malamig na kamay na dahan dahang pumipiga sa puso niya.Maya maya ay mahina muling nagsalita si Caden.“Talia...” paos nitong tawag. “May wish ka pa ba?”Napah
SAMANTALA, sa headquarters ng Lee Pharmaceutical sa Singapore, balot ng makapal na dilim ang buong city skyline sa labas ng floor-to-ceiling windows. Tahimik na nakasandal si Lucas sa mamahaling leather chair sa loob ng executive office nito. Malamig ang ekspresyon niya habang isa-isang binabasa ang mga dokumentong nasa mesa. Tanging mahinang tunog lamang ng ulan sa salamin ang maririnig sa buong silid. Ngunit maya maya lamang ay biglang bumukas ang pinto. Mabilis na pumasok ang assistant nito habang halatang kinakabahan. “President Lee...” hirap nitong saad. “Nawawala po si Miss Faye.” Bahagyang humigpit ang hawak ni Lucas sa hawak nitong fountain pen. Unti unti itong napatingin pataas. Madilim ang mga mata nito. Walang emosyon ang mukha. “Kung saan niya gustong pumunta...” malamig nitong saad, “karapatan niya ’yon.” Kahapon lamang ay personal niya itong dinala sa ospital. At doon natapos ang batang nasa sinapupunan nito. Dapat matapos na rin doon ang magulong koneksyon ni
SAMANTALA, lalo pang lumakas ang ulan sa Grey Wharf. Mabibigat na patak ng ulan ang walang tigil na humahampas sa malalaking salamin ng mansyon habang malalakas na alon naman ang nag uumpugan sa malayong pantalan.Tahimik na nakatayo si Bea sa veranda habang nakatanaw sa madilim at maulang kalangitan. Pakiramdam niya ay para siyang nakakulong sa isang malamig at tahimik na mundo na wala nang daan palabas.Pitong araw na ang lumipas. Pitong araw mula nang sabihin ni Mr. Crest na ipapadala siya palayo sa Grey Wharf. At hanggang ngayon, hindi pa rin iyon nangyayari. Mahigpit niyang niyakap ang sarili habang pilit nilalabanan ang malamig na hanging dala ng ulan. Ngunit maya maya lamang ay may biglang tumakip na makapal na coat sa mga balikat niya. Mainit pa iyon, tila kahuhubad lamang.Bahagyang nanigas si Bea. Dahan dahan siyang lumingon. At agad niyang nakita si Mr. Crest na nakatayo sa likuran niya. Matangkad itong nakaharang sa malamig na hangin habang tahimik ding nakatingin sa malak
“LYNDON,” utos niya, hindi man lang nilingon ang assistant. “Cancel all remaining partnerships under Jessica’s name. Lahat ng proyekto ng Montclair Group na konektado sa pamilya niya, ipatigil mo. Effective today.”“Sir?” nagulat si Lyndon, halatang hindi makapaniwala.“Do it.” Napalalim ang boses
MABIGAT ang hangin nang magkamalay si Talia. Masakit ang ulo niya, kumikirot ang sentido, at parang umiikot ang paligid. Nasa malamig siyang sahig, at nang subukan niyang igalaw ang kamay niya, saka lang niya naramdaman ang matinding sakit sa pulsuhan dahil sa pagkakagapod niya.“Anong nangyari? Na
“WHERE is he? Did you catch that bastard?”Paglabas ni Caden Montclair sa silid, sinalubong sila ng katahimikan sa hallway ng VIP ward. Kasunod niya si Lyndon, bitbit ang tablet at ilang folder ng report. Tahimik ito sa una, halatang nagdadalawang-isip kung dapat bang magsalita.“Sir…” mahina niton
“THAT woman... she killed your child, Caden - Talia's child!" Sa isang iglap, biglang lumiwanag ang lahat para kay Casen. Unti-unting nag-sink in sa kanya ang mga piraso ng katotohanang hindi niya pinansin kanina. Ang galit ni Talia, ang sampal, ang mga hagulgol sa likod ng nakasarang pinto, at







