LOGINBIGLANG binalot ng panlalamig ang buong katawan ni Talia ng mga sandaling iyon. Gulong-gulo siya. Bakit siya dinudugo? “Hindi pa naman ito ang date ng menstruation ko," bulong niya habang pinipigilan ang kirot na nararamdaman.
Napa-preno siya at napasandal sa manibela nang maramdaman na tila may gumuhit na matinding sakit mula sa kanyang puson. Tila may bagay na gustong lumabas sa puson niya na hindi niya matukoy kung ano. "Oh shit... ang sakit!" Kahit nanginginig ang kamay, kaagad niyang kinuha niya ang phone na nakapatong sa dashboard at tinawagan ang bestfriend na si Bea. Dalawang ring lang ay sumagot na kaagad ito. "B-Bea... nasaan ka? Please, sunduin mo ako... nasa may highway ako palabas ng Forbes Park..." "Talia? What happened? Bakit parang hinihingal ka?!" tarantang tanong naman ni Bea. "I-It hurts... Please, bilisan mo...." “S-Sige, besty! Papunta na d'yan ang ambulance!” May kinse minutos ang lumipas nang marinig niya ang malakas na ugong ng ambulansiya. Mabuti na lang, nakatawag agad si Bea sa emergency hotline bago siya mag-pass out. Kaagad siyang isinakay sa ambulansya at ang mga sumunod na nangyari ay hindi na niya alam dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay... --- Alas-una na ng madaling araw nang muling magising si Talia. Nang mga oras na iyon ay kasama na niya si Bea. Ayon sa kanyang bestfriend ay ilang oras siyang nasa ER, bago inilipat sa recovery room. “Besty, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Bea. “Ano ba kasing nangyari sa'yo? Bakit nandun ka na naman sa Forbes? Ipinatawag ka na naman ng bruha mong mother-in-law ‘no? Pinagalitan ka na naman? Bakit ikaw ang pagagalitan, eh kasalanan naman ‘yun ni Caden? Kasalanan mo bang mahuli siya ng paparazzi na may kasamang ibang babae?” sunod-sunod na litanya ni Bea, bakas sa boses ang matinding galit. “Hayaan mo na, Bie. 'Di ka pa ba nasanay kay Madam Evelyn? Si Caden lang naman ang mahalaga sa kan'ya...” sagot naman ni Talia sabay ngiti ng mapait. Napairap naman si Bea sa narinig. “Ang hirap kasi sa'yo, napakabait mo kaya ginaganyan ka ng asawa at biyenan mong hilaw!” Bago pa makasagot si Talia, isang mahinang katok ang narinig niya mula sa pinto. Matapos niyon ay pumasok ang babaeng doktor na si Mrs. Reyes. "Good morning, Mrs. Montclair. I'm Doctor Reyes,” pakilala nito. “I'm sorry to tell you but ou had a miscarriage. You're six weeks pregnant." Parang biglang huminto ang mundo ni Talia sa narinig. Bigla-bigla, nawala ang ingay sa paligid at naging malakas na tibok ng puso lang niya ang naririnig. Nakatingin lang siya sa doktor at sa kaibigan habang dumadaloy ang mga luha sa gilid ng mata niya. Six weeks... Hindi niya alam kung kailan, paano, o bakit nangyari iyon. Pero ang tanging alam niya, ang batang iyon ay hindi na niya kailanman makikita... "Anak ng—!" galit na bulalas ni Bea pagkaraan ng ilang minuto, halos itapon ang hawak na tissue box. "Hindi ba alam ng gagong 'yon na buntis ka?” Tahimik lang si Talia dahil hindi rin niya alam kung paano nangyaring buntis pala siya. Irregular ang period niya, pero ngayong nawala na ang bata, bigla niyang naalala ang nakaraang buwan. Noong nagpunta sila ni Caden sa Australia para sa business trip, siya ang nag-alaga rito ng apat na araw bago bumalik sa Pilipinas. Doon siguro siya nabuntis. At sinabi pa ni Caden noon na tapos na raw ang "schedule" nila for that month. Pero pagbalik nila, pinapunta pa rin siya nito sa Montclair Villa sa Tagaytay para may mangyari sa kanila. “Mrs. Montclair, you were taking birth control pills while pregnant. That’s what caused the miscarriage, the baby could have been saved otherwise.” Napasinghap si Bea. "What?! Birth control pills?!" Si Talia naman ay hindi makapaniwala sa narinig. Birth control pills? “H-Hindi ako umiinom ng kahit ano, Doc..." Pareho silang nagulat ng kaibigan. Hindi naman siya kailanman gumamit ng contraceptives maski minsan. Kaya paano nagkaroon ng ganon sa katawan niya? "'Yung hayop na Caden na 'yon!" galit na sigaw ni Bea. “He’s the only one capable of doing this, for that bitch, Jessa Velasquez! Pinapainom ka n'ya ng pills nang hindi mo alam! Kung ayaw niya ng anak, sana sinabi na lang n'ya sa'yo!" Nanlambot si Talia sa sinabi ng kaibigan. Parang biglang naubos ang lakas niya ng mga sandaling iyon. Naisip niya ang mga nakaraang linggo kung saan tuwing matapos nilang magtalik ni Caden, laging siya nitong ipinaghahanda sa maid ng juice o kaya mga soup. Could it be... doon niya nilagay ang gamot? "No! Imposible..." Pero habang iniisip niya iyon, mas lalo lang niyang naramdaman ang kirot sa dibdib niya. Dahil kung sakali man na totoo iyon, ay mas magiging masakit para sa kan'ya ang lahat. "Wait lang," galit na sabi ni Bea habang kinukuha ang phone sa bulsa ng suot na skirt. "Tatawag ako sa Montclair ngayon din—” "No, Bea..." mahina pero matatag na awat ni Talia. "Ano ka ba, Talia?! Pinatay nila ang anak mo!" Huminga siya nang malalim, pinilit maging kalmado kahit ang sakit-sakit ng dibdib niya. "He and I already decided to get divorced. Ayoko na. Hindi ko na kayang makasama si Caden at itrato ng parang sex object lang...” Natigilan naman si Bea na inamin ng kaibigan, nakatingin lang ito na para bang hindi makapaniwala. Tahimik lang si Talia nang ilang segundo, bago muling nagsalita. "Pero hahanapin ko kung sino ang may gawa nito. At pag napatunayan kong may kasalanan sila... hindi ko sila patatawarin." --- Malakas ang kulog nang magising si Talia Marquez sa gitna ng madaling-araw. Paulit-ulit siyang pumapaling-paling sa kama, pilit pinapatulog ang sarili pero bigo siya. Sa dim light ng lampshade, nakatingin lang siya sa puting kisame ng VIP room kung saan siya naroroon. At hindi sinasadya, ang mga alaala ay isa-isang bumabalik sa kanya simula noong dose anyos pa lang siya, hanggang sa panahong pinili niyang sundan si Caden Montclair, kahit mahirap, kahit masakit. She had been bound to him for twelve years—twelve long years of endurance, care, and love that seemed to mean nothing to him. She had given everything... her time, her heart, her entire self. And now? She was pregnant unexpectedly. Yes, it was an accident. But it was real. She truly was carrying his child. Napahawak siya sa tiyan niya, kahit alam niyang wala na itong laman. Bago pa man niya namalayan, tumutulo na ang masaganang luha niya. Tatlong taon silang kasal ni Caden pero ngayong gabi lang niya naramdaman na tapos na talaga ang relasyon nila. Napakasakit tanggapin na doon lang magtatapos ang lahat pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sa asawa. Masakit din para sa kan'ya na tanggaping ang kaisa-isang bagay na matagal na niyang hinihiling ay basta na lang kinuha— ang kanyang anak. Napahawak si Talia sa kanyang sinapupunan kahit alam niyang wala nang buhay ang naroroon. Napaupo siya sa gilid ng kama, tinakpan ang mukha habang humahagulgol. Hagulgol ng isang ina na pinagkaitan ng pagkakataon na makasama ang anak. Sa labas, tuloy lang ang malakas na buhos ng ulan, parang tahimik na nakikiramay sa bigat ng dibdib na dinadala ni Talia. At habang hilam ng luha ang mga mata, isang pangako ang namutawi sa nanginginig at namumutlang labi ni Talia. “Pagsisisihan mo ang lahat ng ito, Caden... Pagsisisihan mo!”“I JUST wanted to talk to you properly… but you never gave me the chance...”He was tall and upright, and even beneath the dim glow of the bay lights, Caden Montclair carried a presence that could bend the air around him. Commanding. Heavy. Impossible to ignore.Talia’s breath softened into the wind as she asked, barely above a whisper. “Caden… alam mo ba kung paano magmahal?”The sea breeze howled as if trying to swallow her voice.Caden looked at her, really looked. A complicated expression flickered through his eyes, sharp then soft, then unreadable again. His Adam’s apple bobbed with the weight of unspoken words.Then silence.A long, cold silence that felt even harsher than the wind hitting their faces. He didn’t answer. He couldn’t.And that silence… was enough.Talia let out a small, hollow laugh, one corner of her mouth lifting in a smile that was calm, steady, yet painfully resigned.“So that’s it.” She nodded to herself. “Ayaw mo lang talaga bitawan ang isang babaeng… minah
A FAINT mix of coffee grounds and crisp cedarwood enveloped her, isang amoy na pamilyar kay Talia.At nang makita ng mga tao sa paligid kung sino ang lumapit, halos sabay-sabay silang umatras, clearing a path with instinctive caution.Talia stiffened. “C-Caden, what are you—”She lifted her hands to push against his firm chest, pero hindi siya natinag. Instead, his arm wrapped tighter around her waist, anchoring her in place, controlled, steady, pero may halatang pinipigilang galit sa bawat paghinga niya.He lowered his head, his breath brushing dangerously close to her ear.“You left me waiting.”His voice was low, gritted, restrained na parang bawat salita ay kailangang idiin para hindi siya sumabog.Talia’s fingers trembled before she pulled her gaze away. “I’m sorry… I forgot.”A sharp exhale escaped him. His jaw flexed. His lips moved closer to her ear, halos dumampi.“Come with me.”Wala siyang pagkakataon na umangal.Hindi rin siya nabigyan ng oras para huminga. He tugged her s
CADEN listened quietly, both hands resting at his sides but unconsciously tightening as Mang Rick continued his narration. The forgotten pieces of his past na matagal nang nakabaon, matagal nang hindi binabalikan, were now being pieced together by someone else’s memories. And each fragment felt heavier than the last.Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niyan ng mga oras na iyon. For several seconds, tahimik lang siya. Then, in a low, steady voice, he asked, “‘Yong batang ‘yon… ang pangalan ba niya ay Aliyah?”Mang Rick blinked, trying to recall. Then suddenly, his expression lit up with certainty. “O-Oo, Sir Caden! Aliyah ang pangalan niya!”He nodded vigorously. He remembered. “At sinabi mo noon… babalikan mo siya pagkatapos ng Bagong Taon.”Caden’s heart jolted violently in his chest the moment he heard those words. Parang tinamaan ng isang matulis na bagay. He promised. He remembered vaguely, faintly, like a fading dream but he remembered making a promise. To return
"IT'S ALRIGHT. I'm here."Lucas's voice was calm but tight with concern habang mabilis na sinuyod ng tingin ang bawat bahagi ng katawan ni Talia, looking for bruises, signs of injury, anything out of place."Nasaktan ka ba? May gumawa ba nito sa'yo?"Talia shook her head, though her face still carried traces of shock. "I'm fine. Na-lock lang ako. But... Lucas, hindi ba ako ang next na aakyat onstage? Bakit wala pa akong cue?"Lucas sighed, expression complicated."Hinanap kita kanina. But there wasn't enough time. Kaya... ako na ang naglabas ng formula on your behalf."Talia's breath hitched-disappointment flickering across her face despite her effort to remain composed. She swallowed, forcing a faint smile."I see... Then I'll rely on you again, senior."Lucas softened. "Don't worry. The effect is just as strong. I'll arrange another opportunity para makilala mo lahat officially. For now... mas safe kung hindi ka muna lalabas. Chris's people are still watching the area closely."At t
THE MOMENT the spotlight hit the stage, lahat ng mata ay napako sa maliit na pigura na naglalakad palabas.A child. Around nine or ten. Nakasuot ng white mini lab coat na may embroidered initials na DR.N. She looked young, too young.nAnd kahit composed ang lakad niya, halatang may konting kaba sa paghinga niya.The entire crowd froze. Murmurs erupted like a sudden wave."Bata? Ano 'to, prank?""Seryoso? Siya si Dr. Nova?""Are they kidding the entire pharmaceutical industry?"Even the medical directors sa front row ay hindi nakapagpigil, napatingin sa isa't isa, shocked, confused, borderline insulted.Caden's brows pulled together, jaw flexing. His fingers tapped against the armrest unconsciously, slow at first, then faster.He expected many things.Pero hindi ito. The little girl approached Lucas and leaned toward him, whispering something sa tainga niya.The change was instant. Lucas's confident smile vanished. His brows tightened. His expression darkened.He cleared his throat, adj
THE MOMENT Caden saw her, para bang may automatic switch sa katawan niya. His feet moved before his mind could catch up.“Talia.”His voice wasn’t loud, pero ramdam ang bahagyang pigil na panic, isang magkahalong pag-asa at takot na matagal niyang kinuyom.Lucas paused mid-step. Saglit siyang tumingin kay Caden, then leaned slightly toward Talia, whispering something low and unreadable.“Mauna na ko sa loob,” sabi ni Lucas, calm and controlled.After that, naglakad siya papasok kasama ang ilang delegates. Naiwan sina Caden at Talia sa mahabang hallway, just the two of them, enclosed by cold fluorescent light and thick silence.Talia slowly lifted her gaze. Walang galit sa mga mata niya. Wala ring init. Just distance, sharp, polite, and painfully unfamiliar. It felt like facing a stranger.Caden’s throat tightened. “Talia… I’m sorry.” Mahina, at basag ang boses niya. “That night… hindi ko sinadyang makarating. I was late. And you got hurt. How’s your injury?”Talia’s expression didn’t







