Home / Romance / Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me / Chapter 005- Final Request: One Month as a Family

Share

Chapter 005- Final Request: One Month as a Family

Author: Eliana Asher
last update publish date: 2026-08-10 07:53:10

ELARA

Kumunot ang noo ni Darius. “What do you mean, Elara?”

Lumunok ako. Mabigat sa dibdib at dignidad kong hingin iyon sa kanya. Ngunit wala na akong pakialam kung magmukha akong desperada. Para kay Lia, kaya kong lunukin ang natitira kong pride. Kahit pagtawanan niya ako o isipin na isa na naman itong paraan para pigilan siyang umalis. 

“Isang buwan lang ang hinihingi ko sa ’yo, Darius. Gusto kong maranasan kung paano maging tunay mong asawa. Gusto ko ring maramdaman ni Lia kung paano magkaroon ng ama.” Huminga ako nang malalim upang patatagin ang nanginginig kong boses. “Pagkatapos ng isang buwan, gaya ng gusto mo, aalis kami. Hahayaan na kitang pakasalan si Ivory.” 

Biglang natahimik ang buong silid.

Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya natawa nang malakas. Napahawak siya sa tagiliran nang tila sumakit ang bagong tahi sa tiyan niya, ngunit bakas pa rin sa mukha niyang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Para sa kanya, katawa-tawa siguro ang hinihingi ko. Para sa akin, iyon na lamang ang pagkakataon kong mabigyan si Lia ng masasayang alaala kasama ang ama niya. Isang buwan. Sapat para sa nalalapit niyang kaarawan at maaaring iyon na rin ang huling buwang makakasama niya kami. Hindi niya alam kung gaano kahalaga ang bawat araw na lumilipas lalo na para kay Lia. 

Dahan-dahang lumapit si Darius. Maingat ang mga hakbang niya dahil sa operasyon, ngunit nanatiling matalim ang mga mata niyang nakatuon sa akin. Para bang sinusuri niya ang bawat galaw ko, naghahanap ng kasinungalingan o lihim na balak sa likod ng hinihingi ko. 

“Seryoso ka ba?” tanong niya. “Anong klaseng kondisyon ’yan?”

Tumango ako. 

“Seryoso ako, Darius. Gaya ng sinabi ko, hindi ko hinihingi ang pagmamahal mo. Sino ba naman ako para hingin iyon sa ’yo, hindi ba?” Mapait akong natawa dahil masakit amining wala akong karapatang umasa mula sa kanya. “Gusto ko lang na tratuhin mo akong asawa at tratuhin mo si Lia bilang anak mo.” 

Nanatili siyang tahimik kaya ipinagpatuloy ko.

“Kakain tayo nang sabay. Uuwi ka sa bahay at kakausapin mo kami araw-araw. Dadaluhan mo ang birthday party ni Lia. Maglaan ka ng oras sa kanya at magpakita ng kaunting pagmamalasakit.” Saglit akong nag-atubili bago idinagdag, “Kahit peke lang. Kahit pagpapanggap lang ang lahat, ayos lang.” 

“Pati sa ’yo?” malamig niyang tanong.

Napahigpit ang pagkakakuyom ko sa mga kamay. Hindi ko inaasahang tatanungin niya iyon, ngunit hindi na ako maaaring umatras.

“Oo. Kahit sa akin. Kahit fake affection lang, Darius.”

Nanatiling naningkit ang mga mata niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ko.

“Pagkatapos ng isang buwan,” pagpapatuloy ko, “aalis na kami ni Lia. Hindi na kami manggugulo sa buhay mo. Hindi mo na rin kami makikita pa.”

Mas lalong nanliit ang mga mata ni Darius. Hindi ko alam kung naiirita ba siya o naghahanap lamang ng panibagong dahilan upang pagdudahan ako.

“Kung pera ang kailangan mo, sabihin mo na lang,” mariin niyang sabi. “Kahit magkano, ibibigay ko. Bibigyan kita ng sapat na pera para makapagsimula ka ulit. Pati ang sustento ni Lia habang-buhay, sasagutin ko. Mas reasonable iyon kaysa sa kalokohang hinihingi mo, Elara.” 

“Hindi ko kailangan ang pera mo.”

Bahagya siyang napataas ng kilay. “Talaga?”

“Malaki na ang naipon ko mula sa sustento mo. Hindi ko naman ginastos ang lahat ng ipinapadala mo. Sapat na iyon para makapagsimula kami ni Lia sa ibang lugar.” 

Hindi marangyang buhay ang kailangan namin. Ang mahalaga ay mailayo ko si Lia at maipagamot siya. 

Hindi ko na sinabi sa kanya na matagal na rin akong tumatanggap ng freelance work bilang jewelry designer para sa isang malaking international company. Ginagawa ko iyon sa gabi, kapag tulog na si Lia. Hindi alam ni Darius na may sarili akong kinikita at unti-unti akong bumubuo ng buhay na hindi nakadepende sa apelyidong Del Valle. 

“Hindi ko rin babawiin ang mga designs na ginawa ko para sa Del Valle Fine Jewelry,” dagdag ko. “Sa inyo na ang lahat. Wala akong kukunin mula sa kompanya.”

“Kung gayon, bakit mo pa kailangan ang isang buwan?”

“Dahil gusto kong magkaroon si Lia ng magandang alaala kasama ka, Darius.” Bumaba ang boses ko. “At gusto ko lang ding maranasan kahit minsan kung paano maging tunay mong asawa bago ako tuluyang umalis.”

Napatitig siya sa akin, ngunit hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Hindi ko rin alam kung naunawaan ba niya ang bigat ng sinabi ko.

Tumalikod si Darius at naglakad patungo sa bintana. Ilang sandali siyang nanatili roon, tahimik at tila pinag-iisipan kung anong panibagong pakana ang itinatago ko.

Wala siyang ideyang wala na akong lakas para gumawa pa ng kahit anong kalokohan.

Pagod na akong ipaglaban ang pagsasama namin. Ang natitira kong lakas ay para na lamang kay Lia.

Maya-maya, muli niya akong hinarap.

“Sige papayag ako. Pero siguraduhin mo lang na tutuparin mo ang kasunduan natin. Kung hindi, malalagot ka sa akin.”

Tumango ako. “Maaasahan mo ‘yan.”

“Magpapagawa na ako ng draft para sa annulment agreement sa lawyer bukas. Isang buwan akong matutulog rito at gagawin ang hinihingi mo. Pagkatapos, pipirmahan mo ang lahat ng papeles para sa paghihiwalay natin.”

“Pero huwag kang mag-expect na magiging mabait ako sa’yo dahil lang pumayag ako,” malamig niyang dagdag.

Tumango ako kahit may kung anong kumirot sa dibdib ko. Napakadali para sa kanyang pumayag dahil alam niyang sa dulo ng lahat, makukuha rin niya ang kalayaang matagal na niyang hinihintay. 

“Huwag kang mag-alala, Darius. Alam ko ang ginagawa ko.”

Lumapit siya sa p***o, ngunit bago niya ito mabuksan, muli siyang lumingon sa akin.

“Be ready. Inimbitahan tayo ni Lolo para sa dinner mamaya. May gusto raw siyang linawin tungkol sa paghihiwalay natin.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Eliana Asher
maraming salamat po ♡´・ᴗ・`♡
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
thank u miss Author 🩷
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
kainis ang gantong lalaki.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 007- Our First Morning Together

    ELARAUnang araw ngayon ng kasunduan namin.Alas-sais pa lang ng umaga ay nasa kusina na ako, naghahanda ng breakfast. Nagluto ako ng pancakes para kay Lia, scrambled eggs, bacon, at kape para kay Darius. Hindi ko alam kung ano ang paborito niyang almusal. Limang taon kaming kasal, pero bihira naman kaming kumain sa iisang mesa.Pero hanggang sa matapos kong ihanda ang lahat, hindi pa rin umuuwi si Darius.“Mommy!”Napalingon ako nang makita kong papasok si Lia sa dining area kasama ang yaya niya. Nakasuot pa siya ng pajamas at magulo ang buhok. Agad siyang umakyat sa upuan at tumingin sa bakanteng puwesto sa kabilang bahagi ng mesa.“Nasaan po si Daddy?”Huminto ang kamay kong nag-aayos ng plato.“Baka paparating na siya.”“Dito po siya kakain?”Tumango ako. At kahit may kirot sa dibdib ay napangiti ako. “Oo kasama natin.”Lalong lumiwanag ang mukha niya. “Wow, talaga po? First time po natin makakasama si daddy sa breakfast!”Hindi ako nakasagot. Tama siya.Sa apat na taon ng buhay ni

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 006- The Family That Never Chose Me

    ELARATahimik ang buong dining room nang dumating kami ni Darius sa mansion ni Lolo Rowan. Nasa dulo ng mahabang mesa ang matanda, habang magkatabing nakaupo sa kanan niya sina Luciano at Agnes Del Valle—ang mga magulang ni Darius.Mula nang maupo ako, ramdam ko na ang malamig na tingin ni Agnes. Hindi naman bago iyon. Sa loob ng limang taon, ni minsan ay hindi niya ako itinuring na parte ng pamilya nila.Matapos ihain ang pagkain, si Lolo Rowan ang unang nagsalita.“Narinig kong gusto n’yo nang maghiwalay.”Napahinto ako sa pagkain. Tahimik lamang si Darius sa tabi ko.Tumingin si Lolo sa apo niya bago ibinalik sa akin ang tingin. “Sigurado na ba kayong dalawa? Ikaw, Elara? Sigurado ka na?”Huminga ako nang malalim bago tumango. “Sigurado na po ako, Lo. Pero humingi lang po sana ako ng isang buwang palugit.”Kumunot ang noo ni Luciano habang nanlaki naman ang mga mata ni Agnes.“Isang buwan?” tanong ni Lolo.“Opo. Nagkasundo po kami ni Darius na sa loob ng isang buwan, susubukan niyan

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 005- Final Request: One Month as a Family

    ELARAKumunot ang noo ni Darius. “What do you mean, Elara?”Lumunok ako. Mabigat sa dibdib at dignidad kong hingin iyon sa kanya. Ngunit wala na akong pakialam kung magmukha akong desperada. Para kay Lia, kaya kong lunukin ang natitira kong pride. Kahit pagtawanan niya ako o isipin na isa na naman itong paraan para pigilan siyang umalis. “Isang buwan lang ang hinihingi ko sa ’yo, Darius. Gusto kong maranasan kung paano maging tunay mong asawa. Gusto ko ring maramdaman ni Lia kung paano magkaroon ng ama.” Huminga ako nang malalim upang patatagin ang nanginginig kong boses. “Pagkatapos ng isang buwan, gaya ng gusto mo, aalis kami. Hahayaan na kitang pakasalan si Ivory.” Biglang natahimik ang buong silid.Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya natawa nang malakas. Napahawak siya sa tagiliran nang tila sumakit ang bagong tahi sa tiyan niya, ngunit bakas pa rin sa mukha niyang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Para sa kanya, katawa-tawa siguro ang hinihingi ko. Para sa akin, iy

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 004- The Choice He Made

    ELARAMalakas ang pagkakasigaw ni Lia, ngunit hindi siya narinig ni Darius. Nakatayo ito sa dulo ng hallway at nakatalikod sa amin, abala sa pagtingin sa cellphone nito.Hindi na siya nakasuot ng hospital gown. Naka-casual shirt at pantalon na siya, pero kapansin-pansin ang pamumutla ng mukha niya. Mabagal at maingat din ang bawat kilos niya. Paminsan-minsan ay napapahawak siya sa tagiliran, na para bang pilit lamang niyang tinitiis ang sakit mula sa operasyon. “Nandito po ba si Daddy para sunduin tayo?” masayang tanong ni Lia.Bumuka ang bibig ko, ngunit wala akong maisagot. Hindi ko kayang sabihin sa kanyang hindi kami ang dahilan kung bakit naroon ang ama niya. “Daddy!” mas malakas niyang tawag habang masiglang kumakaway.Doon lamang napalingon si Darius.Nagtagpo ang mga mata namin. Natigilan siya nang makita ako. Saglit na gumalaw ang tingin niya mula sa akin patungo kay Lia, ngunit nanatiling blangko ang mukha ko. Wala na akong lakas upang ipakita sa kanya kung gaano kasakit an

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 003- One Last Birthday Wish

    ELARA“Mommy.”Naalimpungatan ako at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakaupo sa tabi ng kama ni Lia. Masakit ang batok ko at bahagyang namanhid ang braso kong nakapatong sa gilid ng kama. Palubog na ang araw sa labas, at unti-unti nang dumidilim ang paligid. “Gising ka na, anak?” tanong ko habang inaayos ang kumot niya.Tumango si Lia at marahang kinusot ang mga mata. “Gutom na po ako.” Agad kong kinuha ang food tray na iniwan ng staff kanina. Tinulungan ko siyang umupo at inayos ang unan sa likod niya. Isa-isa kong isinubo sa kanya ang pagkain, hinihintay siyang nguyain iyon bago muling kumuha ng panibago. Mahina pa rin siya, ngunit mas maayos na ang kulay ng mukha niya kumpara kaninang umaga. Habang kumakain, bigla siyang tumingin sa akin.“Mommy, ano po’ng sabi ni Doc? Ayos lang ba ako?”Napatigil sa ere ang kutsarang hawak ko. Pinilit kong ngumiti kahit parang may nakabara sa lalamunan ko. “Okay ka lang, anak. Kailangan mo l

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 002- The Kidney He Gave Away

    ELARA“Bagong paraan mo na naman ba ’to para hindi ako makawala sa ’yo?” Parang may matalim na bagay na tumusok sa dibdib ko. “Anong sabi mo? Hindi gano’n ‘yon, Darius.”“Hindi pa ba sapat na ginamit mo ako noon? Kailangan mo pa talagang gamitin si Lia para pigilan akong umalis?” Hindi ako agad nakasagot. Mahigpit kong hinawakan ang medical records ni Lia hanggang sa halos magusot ang mga papel sa loob. “Buwan-buwan binibigyan kita ng limang milyong piso para alagaan mo siya. Magkano ba ang kailangan mo?” malamig niyang sabi. “Sige, dadagdagan ko pa ng limang milyon. Sampung milyon kada buwan. Basta tigilan mo na ako, Elara.” Masakit na hindi niya ako pinaniwalaan, pero mas masakit na akala niya kayang palitan ng pera ang pagiging ama niya. “Ganito na ba talaga ang tingin mo sa akin? Na mukhang pera ako? Darius, tinanggap ko ang sustento mo dahil may sakit ang anak natin. Oo, kailangan namin ng pera, pero mas kailangan ka ni Lia bilang ama niya. Bakit hindi mo kayang ibigay iyon s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status