Share

Chapter 002

Penulis: Eliana Asher
last update Tanggal publikasi: 2026-08-10 07:52:29

ELARA

“Bagong paraan mo na naman ba ’to para hindi ako makawala sa ’yo?”

Parang may matalim na bagay na tumusok sa dibdib ko. “Anong sabi mo? Hindi gano’n ‘yon, Darius.”

“Hindi pa ba sapat na ginamit mo ako noon? Kailangan mo pa talagang gamitin si Lia para pigilan akong umalis?”

Hindi ako agad nakasagot. Mahigpit kong hinawakan ang medical records ni Lia hanggang sa halos magusot ang mga papel sa loob.

“Buwan-buwan binibigyan kita ng limang milyong piso para alagaan mo siya. Magkano ba ang kailangan mo?” malamig niyang sabi. “Sige, dadagdagan ko pa ng limang milyon. Sampung milyon kada buwan. Basta tigilan mo na ako, Elara.”

Masakit na hindi niya ako pinaniwalaan, pero mas masakit na akala niya kayang palitan ng pera ang pagiging ama niya.

“Ganito na ba talaga ang tingin mo sa akin? Na mukhang pera ako? Darius, tinanggap ko ang sustento mo dahil may sakit ang anak natin. Oo, kailangan namin ng pera, pero mas kailangan ka ni Lia bilang ama niya. Bakit hindi mo kayang ibigay iyon sa kanya?”

Ilang segundo ring natahimik ang kabilang linya. Maya-maya, tumunog ang notification ng cellphone ko. Agad ko itong tiningnan at nanlaki ang mga mata ko nang makitang may bagong transfer na sampung milyong piso sa bank account ko.

“Ibinigay ko naman ang lahat ng kailangan ni Lia. At alam kong sapat na iyon, Elara. Isa pa, ilang beses ko nang sinabi sa iyong gusto ko nang makipaghiwalay,” mariin niyang sabi. “Nakausap ko na si Lolo. Pumayag na siya.”

Parang tuluyang nawala ang lakas ko.

Limang taon kong tiniis ang lamig niya, umaasang balang araw ay matututuhan niya ring mahalin kami ni Lia. Ngunit sa bawat kaarawang hindi niya dinaluhan, sa bawat gabing hinintay siya ng anak namin, at sa bawat pagkakataong pera ang ipinadala niya sa halip na ang sarili niya, unti-unting namatay ang pag-asang iyon.

Pagod na ako. Hindi kayang tumbasan ng pera ang mga yakap na hinihintay ni Lia o ang mga tanong nitong hindi ko masagot.

Pero kailangan pa rin siya ng anak ko.

“Sigurado ka na bang gusto mong pakasalan si Ivory?”

Sandaling natahimik ang kabilang linya.

Si Ivory Roosevelt ang unang babaeng minahal ni Darius. Anak siya ng isang Dutch-Filipino billionaire at siya sana ang pakakasalan nito noon—hanggang sa malaman ng pamilya ni Darius na buntis ako.

Napilitan siyang pakasalan ako, habang ipinadala naman si Ivory sa Netherlands. Doon, nagpakasal siya at nagkaroon ng anak na lalaki na kasing-edad ni Lia. Nang mamatay sa cancer ang asawa niya, bumalik siya sa Manila. Halos mag-iisang buwan na sila ng anak niya dito sa Pinas.

At nang muli magkita sina Darius at Ivory, agad niya itong inalok ng kasal.

Mahinang natawa ang asawa ko. “Hindi ba halata, Elara? Kami dapat ang ikinasal noon kung hindi mo ako pinikot,” sarkastikong sabi niya.

Bumuka ang bibig ko upang sumagot, ngunit biglang naputol ang tawag.

Napabuntong-hininga ako at ibinaba ang cellphone. Ilang sandali pa ay napansin ko ang pangalang nakasulat sa pintuan ng kuwarto sa tapat ng silid ni Lia.

PATIENT NAME: DARIUS DEL VALLE

Nanlaki ang mga mata ko. 

Na-admit si Darius sa ospital? Bakit? 

Dahan-dahan akong lumapit at sumilip sa bahagyang nakabukas na p***o. Nakahiga si Darius sa kama hawak ang cellphone niya, suot ang hospital gown at may nakakabit sa suwero. Nasa tabi niya si Ivory, umiiyak habang hawak ang kamay niya.

“Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan,” nanginginig nitong sabi. “Ilang oras na lang, magsisimula na ang operasyon. Dahil sa kidney mo, mabubuhay ang anak ko.”

Nanigas ako at halos malagutan ng hininga.

Kaya pala hindi ko siya makontak kaninang umaga. Habang isinusugod sa emergency room ang sarili niyang anak, narito siya—naghahanda upang iligtas ang anak ng ibang babae.

Bago pa ako makakilos, bumukas nang tuluyan ang p***o at pumasok ang dalawang nurse. May dala silang stretcher at ilang medical equipment.

“Mr. Del Valle, ihahanda na po namin kayo para sa operation,” sabi ng isa sa kanila.

Mabilis akong umurong at nagtago sa gilid ng hallway. Nanlambot ang mga tuhod ko, kaya napakapit ako sa malamig na pader. Mula roon, tanaw ko pa rin si Darius habang inililipat siya ng mga nurse sa stretcher.

Hindi binitiwan ni Ivory ang kamay ni Darius. Namumugto ang mga mata nito sa kaiiyak, ngunit bakas sa mukha niya ang pag-asang maliligtas na ang anak niya.

“Darius, natatakot ako,” mahina nitong sabi.

Mahigpit na hinawakan ni Darius ang kamay ni Ivory. Iyon ang parehong kamay na ni minsan ay hindi niya iniabot kay Lia kapag natatakot itong tusukan ng karayom.

“Huwag kang mag-alala,” malumanay niyang sabi. “Compatible kami ni Prince. Magiging maayos ang lahat.”

Parang may kung anong tuluyang nabasag sa loob ko.

Halos isang buwan pa lamang mula nang bumalik sa Pilipinas si Ivory kasama ang anak niya, pero nagawa agad ni Darius ang lahat para sa kanila. Sinamahan niya si Prince sa mga doktor, sumailalim sa compatibility tests nang hindi ko man lang nalalaman, at ngayon, hindi siya nagdalawang-isip na ibigay ang kidney niya sa anak ni Ivory. 

Pero para kay Lia, wala siyang ginawa.

Apat na taon nang may sakit ang sarili niyang anak. Apat na taon niyang alam na maaaring mangailangan ito ng transplant ito, pero ni minsan ay hindi niya naisip na magpa-test para dito. 

Kanina lamang, sinabi ng doktor na dalawang buwan na lang ang maaaring itagal ni Lia. Nagmamakaawa akong ibigay ni Darius ang oras at pagmamahal niya sa anak namin, ngunit pera ang sinagot niya.

Samantalang para sa anak ni Ivory, handa niyang ibigay ang bahagi ng sarili niyang katawan para maligtas lang ito.

Dahan-dahang itinulak ng mga nurse ang stretcher palabas ng kuwarto. Sumunod si Ivory, patuloy na nakahawak sa kamay ni Darius. Binitiwan lamang niya ito nang makarating sila sa pintuang papunta sa operating room.

“Maghihintay ako rito,” umiiyak niyang sabi.

Ngumiti si Darius sa kanya. “Babalik ako.”

Pinanood ko silang dalhin si Darius palayo hanggang sa tuluyang magsara ang p***o ng operating room.

Doon tuluyang bumigay ang mga tuhod ko kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.

Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang hikbi. Pakiramdam ko ay may kamay na paulit-ulit na pumipiga sa puso ko.

Matagal ko nang tanggap na hindi niya ako minahal. Pero masakit lang isip na nagagawa niyang maging ama sa anak ng ibang babae, habang unti-unti namang namamatay ang sarili niyang anak sa kabilang kuwarto.

Pinilit kong tumayo at bumalik sa silid ni Lia. Pagpasok ko, mahimbing pa rin siyang natutulog habang yakap ang teddy bear niya.

Lumapit ako at marahang hinawakan ang malamig niyang kamay.

“Anak...” basag ang boses kong bulong.

Hindi ko na napigilan ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko. Yumuko ako at idinikit ang noo ko sa maliit niyang kamay.

“Patawarin mo si Mommy,” umiiyak kong sabi. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo na kaya palang iligtas ng daddy mo ang ibang bata… pero hindi ikaw.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 005

    ELARAKumunot ang noo ni Darius. “What do you mean, Elara?”Lumunok ako. Mabigat sa dibdib at dignidad kong hingin iyon sa kanya. Ngunit wala na akong pakialam kung magmukha akong desperada. Para kay Lia, kaya kong lunukin ang natitira kong pride. Kahit pagtawanan niya ako o isipin na isa na naman itong paraan para pigilan siyang umalis. “Isang buwan lang ang hinihingi ko sa ’yo, Darius. Gusto kong maranasan kung paano maging tunay mong asawa. Gusto ko ring maramdaman ni Lia kung paano magkaroon ng ama.” Huminga ako nang malalim upang patatagin ang nanginginig kong boses. “Pagkatapos ng isang buwan, gaya ng gusto mo, aalis kami. Hahayaan na kitang pakasalan si Ivory.” Biglang natahimik ang buong silid.Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya natawa nang malakas. Napahawak siya sa tagiliran nang tila sumakit ang bagong tahi sa tiyan niya, ngunit bakas pa rin sa mukha niyang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Para sa kanya, katawa-tawa siguro ang hinihingi ko. Para sa akin, i

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 004

    ELARAMalakas ang pagkakasigaw ni Lia, ngunit hindi siya narinig ni Darius. Nakatayo ito sa dulo ng hallway at nakatalikod sa amin, abala sa pagtingin sa cellphone nito.Hindi na siya nakasuot ng hospital gown. Naka-casual shirt at pantalon na siya, pero kapansin-pansin ang pamumutla ng mukha niya. Mabagal at maingat din ang bawat kilos niya. Paminsan-minsan ay napapahawak siya sa tagiliran, na para bang pilit lamang niyang tinitiis ang sakit mula sa operasyon. “Nandito po ba si Daddy para sunduin tayo?” masayang tanong ni Lia.Bumuka ang bibig ko, ngunit wala akong maisagot. Hindi ko kayang sabihin sa kanyang hindi kami ang dahilan kung bakit naroon ang ama niya. “Daddy!” mas malakas niyang tawag habang masiglang kumakaway.Doon lamang napalingon si Darius.Nagtagpo ang mga mata namin. Natigilan siya nang makita ako. Saglit na gumalaw ang tingin niya mula sa akin patungo kay Lia, ngunit nanatiling blangko ang mukha ko. Wala na akong lakas upang ipakita sa kanya kung gaano kasakit a

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 003

    ELARA“Mommy.”Naalimpungatan ako at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakaupo sa tabi ng kama ni Lia. Masakit ang batok ko at bahagyang namanhid ang braso kong nakapatong sa gilid ng kama. Palubog na ang araw sa labas, at unti-unti nang dumidilim ang paligid. “Gising ka na, anak?” tanong ko habang inaayos ang kumot niya.Tumango si Lia at marahang kinusot ang mga mata. “Gutom na po ako.” Agad kong kinuha ang food tray na iniwan ng staff kanina. Tinulungan ko siyang umupo at inayos ang unan sa likod niya. Isa-isa kong isinubo sa kanya ang pagkain, hinihintay siyang nguyain iyon bago muling kumuha ng panibago. Mahina pa rin siya, ngunit mas maayos na ang kulay ng mukha niya kumpara kaninang umaga. Habang kumakain, bigla siyang tumingin sa akin.“Mommy, ano po’ng sabi ni Doc? Ayos lang ba ako?”Napatigil sa ere ang kutsarang hawak ko. Pinilit kong ngumiti kahit parang may nakabara sa lalamunan ko. “Okay ka lang, anak. Kailangan mo

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 002

    ELARA“Bagong paraan mo na naman ba ’to para hindi ako makawala sa ’yo?” Parang may matalim na bagay na tumusok sa dibdib ko. “Anong sabi mo? Hindi gano’n ‘yon, Darius.”“Hindi pa ba sapat na ginamit mo ako noon? Kailangan mo pa talagang gamitin si Lia para pigilan akong umalis?” Hindi ako agad nakasagot. Mahigpit kong hinawakan ang medical records ni Lia hanggang sa halos magusot ang mga papel sa loob. “Buwan-buwan binibigyan kita ng limang milyong piso para alagaan mo siya. Magkano ba ang kailangan mo?” malamig niyang sabi. “Sige, dadagdagan ko pa ng limang milyon. Sampung milyon kada buwan. Basta tigilan mo na ako, Elara.” Masakit na hindi niya ako pinaniwalaan, pero mas masakit na akala niya kayang palitan ng pera ang pagiging ama niya. “Ganito na ba talaga ang tingin mo sa akin? Na mukhang pera ako? Darius, tinanggap ko ang sustento mo dahil may sakit ang anak natin. Oo, kailangan namin ng pera, pero mas kailangan ka ni Lia bilang ama niya. Bakit hindi mo kayang ibigay iyon

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 001

    ELARAHindi ko akalaing dumating na ang araw na pinakakinatatakutan ko.Sa ilang salita lang ng doktor, tuluyang gumuho ang mundo ko.“Pasensya na, Ms. Elara. Nasa end-stage renal disease na si Lia. Halos hindi na gumagana ang isang kidney niya. Kung hindi tayo makahanap agad ng donor, maaari siyang mamatay.”Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid ko. Nanlamig ang buong katawan ko, nanghina ang mga tuhod ko, at halos hindi ako makahinga. Nakatingin ako kay Dr. Ramirez, ngunit hindi ko na maintindihan ang mga sumunod niyang sinabi. Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko—bilang na ang natitirang oras ng anak ko.“Hindi,” mahina kong sabi habang napapailing. “Four years old pa lang si Lia. Hindi puwedeng mangyari ito.”“Alam kong napakahirap tanggapin—”“Baka may mali sa resulta, Doc,” agad kong pagputol. “Masigla naman siya kahapon. Baka kailangan lang ulitin ang tests. Dalhin natin siya sa ibang ospital. Kumuha tayo ng ibang specialist for second opinion. Kahit ano, gagawin k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status