Share

Chapter 004

Penulis: Eliana Asher
last update Tanggal publikasi: 2026-08-10 07:52:56

ELARA

Malakas ang pagkakasigaw ni Lia, ngunit hindi siya narinig ni Darius. Nakatayo ito sa dulo ng hallway at nakatalikod sa amin, abala sa pagtingin sa cellphone nito.

Hindi na siya nakasuot ng hospital gown. Naka-casual shirt at pantalon na siya, pero kapansin-pansin ang pamumutla ng mukha niya. Mabagal at maingat din ang bawat kilos niya. Paminsan-minsan ay napapahawak siya sa tagiliran, na para bang pilit lamang niyang tinitiis ang sakit mula sa operasyon.

“Nandito po ba si Daddy para sunduin tayo?” masayang tanong ni Lia.

Bumuka ang bibig ko, ngunit wala akong maisagot. Hindi ko kayang sabihin sa kanyang hindi kami ang dahilan kung bakit naroon ang ama niya. 

“Daddy!” mas malakas niyang tawag habang masiglang kumakaway.

Doon lamang napalingon si Darius.

Nagtagpo ang mga mata namin. Natigilan siya nang makita ako. Saglit na gumalaw ang tingin niya mula sa akin patungo kay Lia, ngunit nanatiling blangko ang mukha ko. Wala na akong lakas upang ipakita sa kanya kung gaano kasakit ang nalaman ko kahapon. 

Biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot, ngunit hindi ko narinig ang pinag-usapan nila. Ilang segundo lamang ang tawag bago niya ito ibinaba.

Hinila ni Lia ang kamay ko at sabik na lumapit sa kanya. Halos makaladkad niya ako sa pagmamadali, kahit mahina pa ang katawan niya.

“Daddy, nandito ka po ba para sunduin kami?” masiglang tanong niya.

Tumingin si Darius sa anak namin bago bahagyang tumango.

“Mm.”

Lalong lumaki ang ngiti ni Lia, na para bang sapat na ang maikling sagot na iyon upang burahin ang lahat ng araw na hinintay niya ang ama niya. 

Maya-maya, dumating ang assistant niyang si Victor.

“Sir… Madam, nakahanda na po ang sasakyan,” magalang nitong sabi, ngunit bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya kami ni Lia. 

Naunang naglakad si Darius, ngunit mabilis siyang sinundan ni Lia at hinawakan ang kamay niya. Saglit na napatingin si Darius sa maliliit na daliring nakapulupot sa palad niya, ngunit hindi niya iyon binawi. 

“Ang saya ko, Daddy,” sabi ng anak namin. “Kahit late ka na, at least binisita mo pa rin ako.”

“Mm,” muling tipid na sagot ni Darius.

Parang may muling pumunit sa dibdib ko.

Alam kong hindi siya pumunta sa ospital para kay Lia. Nagkataon lamang na naroon siya dahil ibinigay niya ang kidney niya kay Prince.

Hindi ko puwedeng sabihin kay Lia ang tunay na nangyari. Hahayaan ko na lamang siyang maniwalang dumating ang ama niya upang sunduin siya. Ayokong sirain ang munting kaligayahang matagal na niyang hinihintay, kahit ako ang tuluyang madurog kapalit nito.

Tahimik kaming sumakay sa sasakyan. Gaya ng dati, umupo si Darius sa harap, katabi ni Victor na siyang nagmamaneho. Kami naman ni Lia ay nasa likod.

Buong biyahe, walang nagsalita. Masayang nakatingin si Lia sa ama niya habang yakap ang stuffed toy niya. Paminsan-minsan ay sinusubukan niyang silipin ang mukha ni Darius sa rearview mirror. Samantalang ako ay nakatanaw lamang sa bintana, pilit nilulunok ang bigat sa dibdib ko. 

Pagdating sa Del Valle mansion, sinalubong kami agad ng yaya ni Lia.

“Pakibihisan at pakainin mo muna siya,” bilin ko. “May gamot pa siyang kailangang inumin.”

“Opo, Madam.”

Sumama si Lia sa yaya, ngunit bago sila umalis, lumingon pa siya kay Darius.

“Daddy, huwag ka pong aalis, ha?”

Hindi sumagot si Darius. Bahagya lamang itong tumango.

Nang mawala na sila sa paningin namin, tahimik akong umakyat sa ikalawang palapag. Sumunod sa akin si Darius hanggang sa pumasok kami sa silid na dapat sana ay para sa aming mag-asawa. 

Hindi naman talaga siya rito natutulog. Bihira siyang umuwi, at mas madalas akong manatili sa kuwarto ni Lia. Malinis at maayos ang kama, na para bang hindi kailanman ginamit ng dalawang taong kasal. Ngunit ngayon, kailangan naming mag-usap nang walang ibang makaririnig.

Isinara ko ang p***o bago siya hinarap.

“Alam ko ang ginawa mo.”

Bahagyang kumunot ang noo niya.

“Nakita kita kahapon. Alam kong nag-donate ka ng kidney sa anak ni Ivory.” 

Natigilan si Darius. Nawala ang kamay niyang nakahawak sa tagiliran, at tuluyan siyang humarap sa akin.

Napabuga ako ng mabigat na hininga. Akala ko ay sisigaw ako kapag nakaharap ko siya. Akala ko ay iiyak ako at magmamakaawa kung bakit nagawa niyang piliin ang anak ng ibang babae.

Ngunit wala nang luhang lumabas sa mga mata ko.

“Nasa kabilang kuwarto lang ang sarili mong anak, pero si Prince ang pinili mong iligtas,” sabi ko. “Agad kang nagpa-test para sa kanya at hindi ka nagdalawang-isip na ibigay ang kidney mo.”

“Elara—”

“Apat na taon nang may sakit si Lia,” putol ko. “Ilang beses kitang nakiusapang magpa-test, pero palagi kang tumatanggi. Sinasabi mong sapat na ang perang ibinibigay mo.” 

Mahigpit kong naikuyom ang mga kamay ko. Bumaon ang mga kuko ko sa palad, ngunit hindi iyon kasing sakit ng bigat na matagal ko nang kinikimkim. 

“Pero nang malaman mong kailangan ni Prince ng kidney, ginawa mo agad ang lahat. Wala pa silang isang buwan dito sa Pilipinas, pero nagawa mo nang maging ama sa kanya sa paraang hindi mo kailanman ginawa kay Lia.” 

Nanigas ang panga niya.

“Hindi mo alam ang buong sitwasyon, Elara.”

“Hindi ko kailangang malaman ang buong sitwasyon para makita kung sino ang pinili mo, Darius,” mabilis kong sagot.

Tahimik siyang tumingin sa akin, ngunit wala akong nakitang pagsisisi sa mukha niya. Tanging pagkainis at pagod ang naroon, na para bang ako pa ang nagpapahirap sa kanya. 

“Sinabi ko na sa iyo,” malamig niyang sagot. “Ibinibigay ko naman ang lahat ng kailangan ni Lia.” 

“Ang ano? Pera?”

“Dahil iyon naman ang kailangan ninyo, hindi ba?” walang emosyon niyang wika.

Napatawa ako nang mapait. Tinalikuran ko siya sandali upang pigilan ang sarili kong tuluyang bumigay. Napahawak ako sa gilid ng mesa at huminga nang malalim bago ko siya muling hinarap. 

“Sige,” mahina ngunit mariin kong sabi. “Makikipaghiwalay na ako sa iyo.”

Nanlaki ang mga mata ni Darius. Sa unang pagkakataon, nakita kong lumiwanag ang mukha niya—na para bang iyon ang pinakamatagal na niyang hinihintay na marinig mula sa akin.

“Pero may isang kondisyon ako.”

Agad na naglaho ang bahagyang saya sa mukha niya.

“Ano na namang pakulo ’yan, Elara? Alam mo namang hindi ako pumapayag na may kondisy—”

“Hindi ko hinihingi ang pagmamahal mo, Darius.”

Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya, kahit pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang natitira kong dignidad.

“Isang buwan lang bilang tunay na asawa ko at ama ni Lia. Pagkatapos, palalayain na kita.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 005

    ELARAKumunot ang noo ni Darius. “What do you mean, Elara?”Lumunok ako. Mabigat sa dibdib at dignidad kong hingin iyon sa kanya. Ngunit wala na akong pakialam kung magmukha akong desperada. Para kay Lia, kaya kong lunukin ang natitira kong pride. Kahit pagtawanan niya ako o isipin na isa na naman itong paraan para pigilan siyang umalis. “Isang buwan lang ang hinihingi ko sa ’yo, Darius. Gusto kong maranasan kung paano maging tunay mong asawa. Gusto ko ring maramdaman ni Lia kung paano magkaroon ng ama.” Huminga ako nang malalim upang patatagin ang nanginginig kong boses. “Pagkatapos ng isang buwan, gaya ng gusto mo, aalis kami. Hahayaan na kitang pakasalan si Ivory.” Biglang natahimik ang buong silid.Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya natawa nang malakas. Napahawak siya sa tagiliran nang tila sumakit ang bagong tahi sa tiyan niya, ngunit bakas pa rin sa mukha niyang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Para sa kanya, katawa-tawa siguro ang hinihingi ko. Para sa akin, i

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 004

    ELARAMalakas ang pagkakasigaw ni Lia, ngunit hindi siya narinig ni Darius. Nakatayo ito sa dulo ng hallway at nakatalikod sa amin, abala sa pagtingin sa cellphone nito.Hindi na siya nakasuot ng hospital gown. Naka-casual shirt at pantalon na siya, pero kapansin-pansin ang pamumutla ng mukha niya. Mabagal at maingat din ang bawat kilos niya. Paminsan-minsan ay napapahawak siya sa tagiliran, na para bang pilit lamang niyang tinitiis ang sakit mula sa operasyon. “Nandito po ba si Daddy para sunduin tayo?” masayang tanong ni Lia.Bumuka ang bibig ko, ngunit wala akong maisagot. Hindi ko kayang sabihin sa kanyang hindi kami ang dahilan kung bakit naroon ang ama niya. “Daddy!” mas malakas niyang tawag habang masiglang kumakaway.Doon lamang napalingon si Darius.Nagtagpo ang mga mata namin. Natigilan siya nang makita ako. Saglit na gumalaw ang tingin niya mula sa akin patungo kay Lia, ngunit nanatiling blangko ang mukha ko. Wala na akong lakas upang ipakita sa kanya kung gaano kasakit a

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 003

    ELARA“Mommy.”Naalimpungatan ako at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakaupo sa tabi ng kama ni Lia. Masakit ang batok ko at bahagyang namanhid ang braso kong nakapatong sa gilid ng kama. Palubog na ang araw sa labas, at unti-unti nang dumidilim ang paligid. “Gising ka na, anak?” tanong ko habang inaayos ang kumot niya.Tumango si Lia at marahang kinusot ang mga mata. “Gutom na po ako.” Agad kong kinuha ang food tray na iniwan ng staff kanina. Tinulungan ko siyang umupo at inayos ang unan sa likod niya. Isa-isa kong isinubo sa kanya ang pagkain, hinihintay siyang nguyain iyon bago muling kumuha ng panibago. Mahina pa rin siya, ngunit mas maayos na ang kulay ng mukha niya kumpara kaninang umaga. Habang kumakain, bigla siyang tumingin sa akin.“Mommy, ano po’ng sabi ni Doc? Ayos lang ba ako?”Napatigil sa ere ang kutsarang hawak ko. Pinilit kong ngumiti kahit parang may nakabara sa lalamunan ko. “Okay ka lang, anak. Kailangan mo

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 002

    ELARA“Bagong paraan mo na naman ba ’to para hindi ako makawala sa ’yo?” Parang may matalim na bagay na tumusok sa dibdib ko. “Anong sabi mo? Hindi gano’n ‘yon, Darius.”“Hindi pa ba sapat na ginamit mo ako noon? Kailangan mo pa talagang gamitin si Lia para pigilan akong umalis?” Hindi ako agad nakasagot. Mahigpit kong hinawakan ang medical records ni Lia hanggang sa halos magusot ang mga papel sa loob. “Buwan-buwan binibigyan kita ng limang milyong piso para alagaan mo siya. Magkano ba ang kailangan mo?” malamig niyang sabi. “Sige, dadagdagan ko pa ng limang milyon. Sampung milyon kada buwan. Basta tigilan mo na ako, Elara.” Masakit na hindi niya ako pinaniwalaan, pero mas masakit na akala niya kayang palitan ng pera ang pagiging ama niya. “Ganito na ba talaga ang tingin mo sa akin? Na mukhang pera ako? Darius, tinanggap ko ang sustento mo dahil may sakit ang anak natin. Oo, kailangan namin ng pera, pero mas kailangan ka ni Lia bilang ama niya. Bakit hindi mo kayang ibigay iyon

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 001

    ELARAHindi ko akalaing dumating na ang araw na pinakakinatatakutan ko.Sa ilang salita lang ng doktor, tuluyang gumuho ang mundo ko.“Pasensya na, Ms. Elara. Nasa end-stage renal disease na si Lia. Halos hindi na gumagana ang isang kidney niya. Kung hindi tayo makahanap agad ng donor, maaari siyang mamatay.”Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid ko. Nanlamig ang buong katawan ko, nanghina ang mga tuhod ko, at halos hindi ako makahinga. Nakatingin ako kay Dr. Ramirez, ngunit hindi ko na maintindihan ang mga sumunod niyang sinabi. Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko—bilang na ang natitirang oras ng anak ko.“Hindi,” mahina kong sabi habang napapailing. “Four years old pa lang si Lia. Hindi puwedeng mangyari ito.”“Alam kong napakahirap tanggapin—”“Baka may mali sa resulta, Doc,” agad kong pagputol. “Masigla naman siya kahapon. Baka kailangan lang ulitin ang tests. Dalhin natin siya sa ibang ospital. Kumuha tayo ng ibang specialist for second opinion. Kahit ano, gagawin k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status