Home / Romance / Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me / Chapter 003- One Last Birthday Wish

Share

Chapter 003- One Last Birthday Wish

Author: Eliana Asher
last update publish date: 2026-08-10 07:52:43

ELARA

“Mommy.”

Naalimpungatan ako at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakaupo sa tabi ng kama ni Lia. Masakit ang batok ko at bahagyang namanhid ang braso kong nakapatong sa gilid ng kama. 

Palubog na ang araw sa labas, at unti-unti nang dumidilim ang paligid. 

“Gising ka na, anak?” tanong ko habang inaayos ang kumot niya.

Tumango si Lia at marahang kinusot ang mga mata. “Gutom na po ako.” 

Agad kong kinuha ang food tray na iniwan ng staff kanina. Tinulungan ko siyang umupo at inayos ang unan sa likod niya. Isa-isa kong isinubo sa kanya ang pagkain, hinihintay siyang nguyain iyon bago muling kumuha ng panibago. Mahina pa rin siya, ngunit mas maayos na ang kulay ng mukha niya kumpara kaninang umaga. 

Habang kumakain, bigla siyang tumingin sa akin.

“Mommy, ano po’ng sabi ni Doc? Ayos lang ba ako?”

Napatigil sa ere ang kutsarang hawak ko. 

Pinilit kong ngumiti kahit parang may nakabara sa lalamunan ko. “Okay ka lang, anak. Kailangan mo lang magpahinga at inumin lagi ang mga gamot mo,” pagsisinungaling ko.

Hindi ko kayang sabihin sa kanyang dalawang buwan na lang ang natitira sa buhay niya. Hindi ko kayang burahin ang ngiti sa mukha ng anak ko. 

“Magaling naman po ako,” sabi niya. “Hindi na rin po ako umiyak kanina nang tinusukan ako, eh.” 

“Ang tapang naman ng baby ko.”

Marahan kong hinaplos ang buhok niya. Ngumiti siya, pagkatapos ay biglang lumiwanag ang mga mata niya na para bang nakalimutan niyang nasa ospital kami. 

“Mommy, birthday ko na po next month!”

Ngumiti ako. “Ano ang gusto mo sa birthday mo?”

“Princess cake po. Tapos maraming balloons.” Itinaas niya ang maliliit na kamay na para bang ipinapakita kung gaano karami ang gusto niya. Sandali siyang tumahimik bago mahinang nagtanong, “Pupunta po si Daddy, hindi ba?” 

Parang may kumurot sa puso ko.

Sa apat na kaarawan ni Lia, ni minsan ay hindi dumalo si Darius. Taon-taon, naghihintay ang anak namin sa pintuan hanggang sa makatulog siya sa sofa. Taon-taon, regalo, bulaklak, at pera lamang ang dumarating sa kanya. 

“Hindi na po ako magiging pasaway,” mabilis na sabi ni Lia. “Susunod na po ako lagi. Baka kaya hindi pumupunta si Daddy kasi makulit ako.” 

Agad kong ibinaba ang kutsara at hinawakan ang maliit niyang mukha. Nakatingin siya sa akin na parang naghihintay ng sagot sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. 

“Huwag mong isipin ’yan. Hindi ka pasaway, anak.”

“Pero bakit hindi po siya lagi pumupunta sa birthday ko?”

Napayuko ako upang hindi niya makita ang luhang namuo sa mga mata ko.

“Busy lang palagi si Daddy sa trabaho. Nagtatrabaho siya para mabili natin ang mga kailangan at gusto mong regalo.”

“Pero hindi ko po kailangan ng maraming regalo.” Yumakap siya sa stuffed toy niya at marahang hinimas ang kupas nitong tainga. “Gusto ko lang po siyang makasama sa birthday ko.” 

Napapikit ako sandali.

“Kakausapin ko siya,” pangako ko. “Susubukan kong papuntahin si Daddy sa birthday mo.”

“Promise po?”

Tumango ako. “Promise, anak.”

Ngumiti si Lia at muling kumain, hindi alam na iyon din ang hinihiling ko sa sarili ko—na sana, kahit minsan lang, piliin naman siya ng ama niya. 

***

Kinabukasan, pinayagan nang makalabas ng ospital si Lia matapos maging stable ang kondisyon niya. Isang araw lamang siyang na-admit, pero mahigpit pa ring bilin ni Dr. Ramirez na bantayan ang paghinga, pamamaga, at panghihina niya, at ibigay ang lahat ng gamot sa tamang oras. 

“Hindi ibig sabihin na stable siya ngayon ay ligtas na siya,” paliwanag ng doktor. “Kailangan pa rin natin ng donor sa lalong madaling panahon.”

Tumango ako habang mahigpit na hawak ang discharge papers. Napatingin ako kay Lia na tahimik na nakaupo sa kama habang abala sa stuffed toy niya. Tapos ang isang nurse sa tabi niya ay naghahanda para tanggalin ang swero sa kamay nito.

“Nakausap ko na rin ang dati kong kasamahan sa America,” dagdag niya. “May donor silang kasalukuyang nasa paired-donation program. Ayon sa initial records, compatible siya kay Lia.” 

Parang biglang nabuhay ang pag-asa sa dibdib ko. Napahigpit ang hawak ko sa mga papel habang mabilis na bumilis ang tibok ng puso ko. 

“Compatible po talaga?”

“Sa initial screening, oo. Pero kailangan nilang makita at masuri si Lia roon bago makumpirma ang transplant.” 

“Pupunta kami next month,” sagot ko agad. “May mga kailangan lang akong ayusin dito bago kami umalis.” 

Kailangan kong ayusin ang paghihiwalay namin ni Darius. Kailangan kong tuparin ang pangako ko kay Lia para sa birthday niya. Pagkatapos noon, aalis na kami.

“Tawagan mo sila sa lalong madaling panahon,” sabi ni Dr. Ramirez. “Huwag kang mag-alala. Ipinareserba ko na sa kanila ang kidney para kay Lia habang inaayos natin ang evaluation niya.” 

“Maraming salamat, Doc,” naiiyak kong sabi ko habang nakangiti.

Tumango siya bago lumabas ng kuwarto. 

Sa unang pagkakataon, para akong nabunutan ng tinik at nakahinga nang maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko at pumikit sandali.

Salamat sa Dios. May pag-asa pang mabuhay ang anak ko.

Ilang minuto matapos alisin ng nurse ang suwero ni Lia, inayos ko ang mga gamit namin. Maingat kong inalalayan ang anak ko pababa ng kama at isinuot sa kanya ang jacket niya.

“Uuwi na po tayo?” masayang tanong niya.

“Oo, anak.”

Magkahawak-kamay kaming lumabas ng kuwarto. Abala ako sa pagbitbit ng bag at mga dokumento kaya hindi ko agad napansin ang lalaking nakatayo sa dulo ng hallway.

Ngunit biglang huminto si Lia.

Naramdaman kong kumawala ang maliit niyang kamay sa pagkakahawak ko. Napatingala siya at agad na lumiwanag ang mukha niya.

“Daddy!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
kawawa nmn si lia🥲
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 007- Our First Morning Together

    ELARAUnang araw ngayon ng kasunduan namin.Alas-sais pa lang ng umaga ay nasa kusina na ako, naghahanda ng breakfast. Nagluto ako ng pancakes para kay Lia, scrambled eggs, bacon, at kape para kay Darius. Hindi ko alam kung ano ang paborito niyang almusal. Limang taon kaming kasal, pero bihira naman kaming kumain sa iisang mesa.Pero hanggang sa matapos kong ihanda ang lahat, hindi pa rin umuuwi si Darius.“Mommy!”Napalingon ako nang makita kong papasok si Lia sa dining area kasama ang yaya niya. Nakasuot pa siya ng pajamas at magulo ang buhok. Agad siyang umakyat sa upuan at tumingin sa bakanteng puwesto sa kabilang bahagi ng mesa.“Nasaan po si Daddy?”Huminto ang kamay kong nag-aayos ng plato.“Baka paparating na siya.”“Dito po siya kakain?”Tumango ako. At kahit may kirot sa dibdib ay napangiti ako. “Oo kasama natin.”Lalong lumiwanag ang mukha niya. “Wow, talaga po? First time po natin makakasama si daddy sa breakfast!”Hindi ako nakasagot. Tama siya.Sa apat na taon ng buhay ni

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 006- The Family That Never Chose Me

    ELARATahimik ang buong dining room nang dumating kami ni Darius sa mansion ni Lolo Rowan. Nasa dulo ng mahabang mesa ang matanda, habang magkatabing nakaupo sa kanan niya sina Luciano at Agnes Del Valle—ang mga magulang ni Darius.Mula nang maupo ako, ramdam ko na ang malamig na tingin ni Agnes. Hindi naman bago iyon. Sa loob ng limang taon, ni minsan ay hindi niya ako itinuring na parte ng pamilya nila.Matapos ihain ang pagkain, si Lolo Rowan ang unang nagsalita.“Narinig kong gusto n’yo nang maghiwalay.”Napahinto ako sa pagkain. Tahimik lamang si Darius sa tabi ko.Tumingin si Lolo sa apo niya bago ibinalik sa akin ang tingin. “Sigurado na ba kayong dalawa? Ikaw, Elara? Sigurado ka na?”Huminga ako nang malalim bago tumango. “Sigurado na po ako, Lo. Pero humingi lang po sana ako ng isang buwang palugit.”Kumunot ang noo ni Luciano habang nanlaki naman ang mga mata ni Agnes.“Isang buwan?” tanong ni Lolo.“Opo. Nagkasundo po kami ni Darius na sa loob ng isang buwan, susubukan niyan

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 005- Final Request: One Month as a Family

    ELARAKumunot ang noo ni Darius. “What do you mean, Elara?”Lumunok ako. Mabigat sa dibdib at dignidad kong hingin iyon sa kanya. Ngunit wala na akong pakialam kung magmukha akong desperada. Para kay Lia, kaya kong lunukin ang natitira kong pride. Kahit pagtawanan niya ako o isipin na isa na naman itong paraan para pigilan siyang umalis. “Isang buwan lang ang hinihingi ko sa ’yo, Darius. Gusto kong maranasan kung paano maging tunay mong asawa. Gusto ko ring maramdaman ni Lia kung paano magkaroon ng ama.” Huminga ako nang malalim upang patatagin ang nanginginig kong boses. “Pagkatapos ng isang buwan, gaya ng gusto mo, aalis kami. Hahayaan na kitang pakasalan si Ivory.” Biglang natahimik ang buong silid.Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya natawa nang malakas. Napahawak siya sa tagiliran nang tila sumakit ang bagong tahi sa tiyan niya, ngunit bakas pa rin sa mukha niyang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Para sa kanya, katawa-tawa siguro ang hinihingi ko. Para sa akin, iy

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 004- The Choice He Made

    ELARAMalakas ang pagkakasigaw ni Lia, ngunit hindi siya narinig ni Darius. Nakatayo ito sa dulo ng hallway at nakatalikod sa amin, abala sa pagtingin sa cellphone nito.Hindi na siya nakasuot ng hospital gown. Naka-casual shirt at pantalon na siya, pero kapansin-pansin ang pamumutla ng mukha niya. Mabagal at maingat din ang bawat kilos niya. Paminsan-minsan ay napapahawak siya sa tagiliran, na para bang pilit lamang niyang tinitiis ang sakit mula sa operasyon. “Nandito po ba si Daddy para sunduin tayo?” masayang tanong ni Lia.Bumuka ang bibig ko, ngunit wala akong maisagot. Hindi ko kayang sabihin sa kanyang hindi kami ang dahilan kung bakit naroon ang ama niya. “Daddy!” mas malakas niyang tawag habang masiglang kumakaway.Doon lamang napalingon si Darius.Nagtagpo ang mga mata namin. Natigilan siya nang makita ako. Saglit na gumalaw ang tingin niya mula sa akin patungo kay Lia, ngunit nanatiling blangko ang mukha ko. Wala na akong lakas upang ipakita sa kanya kung gaano kasakit an

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 003- One Last Birthday Wish

    ELARA“Mommy.”Naalimpungatan ako at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakaupo sa tabi ng kama ni Lia. Masakit ang batok ko at bahagyang namanhid ang braso kong nakapatong sa gilid ng kama. Palubog na ang araw sa labas, at unti-unti nang dumidilim ang paligid. “Gising ka na, anak?” tanong ko habang inaayos ang kumot niya.Tumango si Lia at marahang kinusot ang mga mata. “Gutom na po ako.” Agad kong kinuha ang food tray na iniwan ng staff kanina. Tinulungan ko siyang umupo at inayos ang unan sa likod niya. Isa-isa kong isinubo sa kanya ang pagkain, hinihintay siyang nguyain iyon bago muling kumuha ng panibago. Mahina pa rin siya, ngunit mas maayos na ang kulay ng mukha niya kumpara kaninang umaga. Habang kumakain, bigla siyang tumingin sa akin.“Mommy, ano po’ng sabi ni Doc? Ayos lang ba ako?”Napatigil sa ere ang kutsarang hawak ko. Pinilit kong ngumiti kahit parang may nakabara sa lalamunan ko. “Okay ka lang, anak. Kailangan mo l

  • Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me   Chapter 002- The Kidney He Gave Away

    ELARA“Bagong paraan mo na naman ba ’to para hindi ako makawala sa ’yo?” Parang may matalim na bagay na tumusok sa dibdib ko. “Anong sabi mo? Hindi gano’n ‘yon, Darius.”“Hindi pa ba sapat na ginamit mo ako noon? Kailangan mo pa talagang gamitin si Lia para pigilan akong umalis?” Hindi ako agad nakasagot. Mahigpit kong hinawakan ang medical records ni Lia hanggang sa halos magusot ang mga papel sa loob. “Buwan-buwan binibigyan kita ng limang milyong piso para alagaan mo siya. Magkano ba ang kailangan mo?” malamig niyang sabi. “Sige, dadagdagan ko pa ng limang milyon. Sampung milyon kada buwan. Basta tigilan mo na ako, Elara.” Masakit na hindi niya ako pinaniwalaan, pero mas masakit na akala niya kayang palitan ng pera ang pagiging ama niya. “Ganito na ba talaga ang tingin mo sa akin? Na mukhang pera ako? Darius, tinanggap ko ang sustento mo dahil may sakit ang anak natin. Oo, kailangan namin ng pera, pero mas kailangan ka ni Lia bilang ama niya. Bakit hindi mo kayang ibigay iyon s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status