LOGINPlease don't forget to follow, rate and comment po. :)
ELARAUnang araw ngayon ng kasunduan namin.Alas-sais pa lang ng umaga ay nasa kusina na ako, naghahanda ng breakfast. Nagluto ako ng pancakes para kay Lia, scrambled eggs, bacon, at kape para kay Darius. Hindi ko alam kung ano ang paborito niyang almusal. Limang taon kaming kasal, pero bihira naman kaming kumain sa iisang mesa.Pero hanggang sa matapos kong ihanda ang lahat, hindi pa rin umuuwi si Darius.“Mommy!”Napalingon ako nang makita kong papasok si Lia sa dining area kasama ang yaya niya. Nakasuot pa siya ng pajamas at magulo ang buhok. Agad siyang umakyat sa upuan at tumingin sa bakanteng puwesto sa kabilang bahagi ng mesa.“Nasaan po si Daddy?”Huminto ang kamay kong nag-aayos ng plato.“Baka paparating na siya.”“Dito po siya kakain?”Tumango ako. At kahit may kirot sa dibdib ay napangiti ako. “Oo kasama natin.”Lalong lumiwanag ang mukha niya. “Wow, talaga po? First time po natin makakasama si daddy sa breakfast!”Hindi ako nakasagot. Tama siya.Sa apat na taon ng buhay ni
ELARATahimik ang buong dining room nang dumating kami ni Darius sa mansion ni Lolo Rowan. Nasa dulo ng mahabang mesa ang matanda, habang magkatabing nakaupo sa kanan niya sina Luciano at Agnes Del Valle—ang mga magulang ni Darius.Mula nang maupo ako, ramdam ko na ang malamig na tingin ni Agnes. Hindi naman bago iyon. Sa loob ng limang taon, ni minsan ay hindi niya ako itinuring na parte ng pamilya nila.Matapos ihain ang pagkain, si Lolo Rowan ang unang nagsalita.“Narinig kong gusto n’yo nang maghiwalay.”Napahinto ako sa pagkain. Tahimik lamang si Darius sa tabi ko.Tumingin si Lolo sa apo niya bago ibinalik sa akin ang tingin. “Sigurado na ba kayong dalawa? Ikaw, Elara? Sigurado ka na?”Huminga ako nang malalim bago tumango. “Sigurado na po ako, Lo. Pero humingi lang po sana ako ng isang buwang palugit.”Kumunot ang noo ni Luciano habang nanlaki naman ang mga mata ni Agnes.“Isang buwan?” tanong ni Lolo.“Opo. Nagkasundo po kami ni Darius na sa loob ng isang buwan, susubukan niyan
ELARAKumunot ang noo ni Darius. “What do you mean, Elara?”Lumunok ako. Mabigat sa dibdib at dignidad kong hingin iyon sa kanya. Ngunit wala na akong pakialam kung magmukha akong desperada. Para kay Lia, kaya kong lunukin ang natitira kong pride. Kahit pagtawanan niya ako o isipin na isa na naman itong paraan para pigilan siyang umalis. “Isang buwan lang ang hinihingi ko sa ’yo, Darius. Gusto kong maranasan kung paano maging tunay mong asawa. Gusto ko ring maramdaman ni Lia kung paano magkaroon ng ama.” Huminga ako nang malalim upang patatagin ang nanginginig kong boses. “Pagkatapos ng isang buwan, gaya ng gusto mo, aalis kami. Hahayaan na kitang pakasalan si Ivory.” Biglang natahimik ang buong silid.Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya natawa nang malakas. Napahawak siya sa tagiliran nang tila sumakit ang bagong tahi sa tiyan niya, ngunit bakas pa rin sa mukha niyang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Para sa kanya, katawa-tawa siguro ang hinihingi ko. Para sa akin, iy
ELARAMalakas ang pagkakasigaw ni Lia, ngunit hindi siya narinig ni Darius. Nakatayo ito sa dulo ng hallway at nakatalikod sa amin, abala sa pagtingin sa cellphone nito.Hindi na siya nakasuot ng hospital gown. Naka-casual shirt at pantalon na siya, pero kapansin-pansin ang pamumutla ng mukha niya. Mabagal at maingat din ang bawat kilos niya. Paminsan-minsan ay napapahawak siya sa tagiliran, na para bang pilit lamang niyang tinitiis ang sakit mula sa operasyon. “Nandito po ba si Daddy para sunduin tayo?” masayang tanong ni Lia.Bumuka ang bibig ko, ngunit wala akong maisagot. Hindi ko kayang sabihin sa kanyang hindi kami ang dahilan kung bakit naroon ang ama niya. “Daddy!” mas malakas niyang tawag habang masiglang kumakaway.Doon lamang napalingon si Darius.Nagtagpo ang mga mata namin. Natigilan siya nang makita ako. Saglit na gumalaw ang tingin niya mula sa akin patungo kay Lia, ngunit nanatiling blangko ang mukha ko. Wala na akong lakas upang ipakita sa kanya kung gaano kasakit an
ELARA“Mommy.”Naalimpungatan ako at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakaupo sa tabi ng kama ni Lia. Masakit ang batok ko at bahagyang namanhid ang braso kong nakapatong sa gilid ng kama. Palubog na ang araw sa labas, at unti-unti nang dumidilim ang paligid. “Gising ka na, anak?” tanong ko habang inaayos ang kumot niya.Tumango si Lia at marahang kinusot ang mga mata. “Gutom na po ako.” Agad kong kinuha ang food tray na iniwan ng staff kanina. Tinulungan ko siyang umupo at inayos ang unan sa likod niya. Isa-isa kong isinubo sa kanya ang pagkain, hinihintay siyang nguyain iyon bago muling kumuha ng panibago. Mahina pa rin siya, ngunit mas maayos na ang kulay ng mukha niya kumpara kaninang umaga. Habang kumakain, bigla siyang tumingin sa akin.“Mommy, ano po’ng sabi ni Doc? Ayos lang ba ako?”Napatigil sa ere ang kutsarang hawak ko. Pinilit kong ngumiti kahit parang may nakabara sa lalamunan ko. “Okay ka lang, anak. Kailangan mo l
ELARA“Bagong paraan mo na naman ba ’to para hindi ako makawala sa ’yo?” Parang may matalim na bagay na tumusok sa dibdib ko. “Anong sabi mo? Hindi gano’n ‘yon, Darius.”“Hindi pa ba sapat na ginamit mo ako noon? Kailangan mo pa talagang gamitin si Lia para pigilan akong umalis?” Hindi ako agad nakasagot. Mahigpit kong hinawakan ang medical records ni Lia hanggang sa halos magusot ang mga papel sa loob. “Buwan-buwan binibigyan kita ng limang milyong piso para alagaan mo siya. Magkano ba ang kailangan mo?” malamig niyang sabi. “Sige, dadagdagan ko pa ng limang milyon. Sampung milyon kada buwan. Basta tigilan mo na ako, Elara.” Masakit na hindi niya ako pinaniwalaan, pero mas masakit na akala niya kayang palitan ng pera ang pagiging ama niya. “Ganito na ba talaga ang tingin mo sa akin? Na mukhang pera ako? Darius, tinanggap ko ang sustento mo dahil may sakit ang anak natin. Oo, kailangan namin ng pera, pero mas kailangan ka ni Lia bilang ama niya. Bakit hindi mo kayang ibigay iyon s







