Home / Romance / Too Late to Win Back His Betrayed Wife / Kabanata 260 The Distance Between Them

Share

Kabanata 260 The Distance Between Them

last update publish date: 2026-10-10 11:57:12

Hindi kaagad nakasagot si Nick.

Nasa harap niya si Don Aurelio, naghihintay. Sa likuran ng matanda, nanatili ang bantay, sapat ang layo upang hindi makisali sa usapan.

“Mahal ko po si Avery.”

“May mahal bang sinasaktan?”

Napayuko siya.

“Hindi sapat ang pagmamahal na sinasabi mo para manatili siya,” dagdag ni Don Aurelio. “Hindi niya kailangang patuloy na masaktan para lamang mabuo ang pamilya ninyo.”

Wala siyang maisagot na hindi magiging panibagong palusot.

Naalala niya ang pagkaing inihanda.
Maria Bonifacia

Dear readers, if you're enjoying Too Late to Win Back His Betrayed Wife, I hope you'll also try my other romance series! * Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO — Books 1–9 (Ongoing) * Love for Rent — Books 1–7 (Completed) Maraming salamat po!

| 11
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
More updates mamaya! Taos pusong pasasalamat po sa inyong suporta!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 263 By His Side

    Tumango si Nick kay Ana.“Pasensiya ka na sa pakikialam ko.”Hindi siya nito sinagot.Itinupi niya ang dokumento at ibinalik sa envelope. May asawa si Ana na ayaw siyang ipakilala bilang asawa. Hindi niya kailangang dagdagan ang sakit nito sa pamamagitan ng mga tanong para sa pansariling interes.Nagpaalam siya, saka bumalik sa sasakyan.***“Hustisya para sa mga biktima!”Kinabukasan, iyon ang sumalubong kay Nick sa harap ng PrimeArc.May mga larawang nakataas sa labas ng gate. Sa tabi ng mga iyon, mga karatulang may pangalan ng mga nasawi at panawagang panagutin ang kumpanya. May isang lalaking naka-sling ang braso, katabi ng babaeng may hawak na litrato.“Sa likod po tayo, sir?” tanong ni Oscar.“Dito na lang para makausap ko sila.”“Sir, baka mapahamak po kayo.”Pagbaba niya, may nakakilala sa kanya.“Mamamatay-tao ka!”Huminto si Nick.Lumapit ang guwardiya, ngunit itinaas niya ang kamay upang pigilan ito.“Ginagawa ng PrimeArc ang lahat upang maibigay ang tulong na kailangan ng

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 262 The Secret Wife

    “Si Ana Robles, sir.”Hindi kumilos si Nick.Sa paligid niya, naroon pa ang ingay ng sports complex. May tumatawa sa court, may tumatawag sa isang bata.“Ana Robles?”“Opo.”“Ang receptionist sa Top Legal Aid?”“Siya nga po.”Kilala niya si Ana. Si Dominic mismo ang nagpakilala rito sa kanya. Ngunit ni minsan, hindi niya naisip na asawa ito ni Kurt. Kamakailan lamang din niya nalaman na si Kurt ang founder ng Top Legal Aid. Akala niya ay assistant ito ni Don Aurelio dahil ito ang kausap niya ito tungkol sa pakikipagkita sa mga anak.“Anong patunay mo?”“Ipapadala ko po ang mga nakumpirma ko, kasama ang kaugnay na larawan. May kopya rin po ng marriage certificate sa report.”“Siguraduhin mong sila iyon.”“Opo, sir. Pareho ang buong pangalan at ang iba pang detalyeng kinumpirma ko.”Ibinaba ni Nick ang telepono.Hindi sapat ang pangalan lamang.Hindi siya maaaring magparatang dahil gusto niyang may makitang mali kay Kurt.Nang dumating ang report, napatitig siya sa larawan.Magkatabi si

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 261 Still Complete in a Picture

    “May kinalaman ba ito sa kaso, sir?”Nasa kabilang dulo pa ng pasilyo ang pintong nilabasan nina Avery at Kurt. Wala na ang dalawa, ngunit naroon pa rin sa isip niya ang paraan ng paglapit ng asawa sa lalaki.“Personal,” sagot niya.“Anong impormasyon po ang kailangan ninyo?”“Kung may girlfriend siya. O nililigawan. Bigyan mo ako ng pangalan.”Natahimik ang kausap bago sumagot.“Sige, sir. Tatawag ako kapag may nakumpirma.”Ibinaba ni Nick ang telepono.Kanina lamang, tinanggap niyang wala siyang karapatang panghimasukan ang buhay ni Avery.Ngayon, nagbabayad siya upang malaman ang tungkol sa lalaking kasama nito.Alam niyang lumalampas na naman siya.Gayunman, hindi niya binawi ang utos.Bumalik si Atty. Tuazon, may dalang folder.“Nakausap ko ang kabilang abogado tungkol sa mga kopyang ipinakita. Kailangan nating balikan ang approval at ang report na pinagbatayan mo.”Ipinasok niya ang telepono sa bulsa.“Sa opisina?”“Oo. May kailangan akong linawin bago tayo gumawa ng susunod na

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 260 The Distance Between Them

    Hindi kaagad nakasagot si Nick.Nasa harap niya si Don Aurelio, naghihintay. Sa likuran ng matanda, nanatili ang bantay, sapat ang layo upang hindi makisali sa usapan.“Mahal ko po si Avery.”“May mahal bang sinasaktan?”Napayuko siya.“Hindi sapat ang pagmamahal na sinasabi mo para manatili siya,” dagdag ni Don Aurelio. “Hindi niya kailangang patuloy na masaktan para lamang mabuo ang pamilya ninyo.”Wala siyang maisagot na hindi magiging panibagong palusot.Naalala niya ang pagkaing inihanda. Ang mga regalong hindi ginalaw. Ang susi sa kanyang palad.Lahat iyon, pagtatangkang pabalikin si Avery.“Don Aurelio, humihingi po ako ng dispensa sa ginawa ko kay Avery at sa pag-aakusa ko sa inyo nang walang basehan.”Hindi ngumiti ang matanda.“Kung tapat ka, ipakita mo sa paggalang sa desisyon niya. Huwag mo na siyang guluhin pa.”Tumango si Nick bago nagpaalam.***Sa mga araw bago ang nakatakdang hearing, paulit-ulit nilang binalikan ni Atty. Tuazon ang mga dokumento.Hindi na niya hinana

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 259 The Price of His Choices

    “Sino ang nagsabi sa iyo? Malamang sinisiraan lang ako.”Hindi sinagot ni Nick ang tanong.Nasa harap niya si Nessa, isang kamay sa sandalan ng sofa. Wala na ang ngiting sumalubong sa kanya.“Hindi iyan ang tanong ko.”“Nick, hindi mo naiintindihan—”“Kung totoo bang nabuntis ka. Iyon lang ang hinihingi kong sagot.”Nanatili siyang malapit sa pinto.Dati, sapat nang makita niyang nangingilid ang luha nito upang lumapit. Ngayon, hindi niya magawang humakbang patungo rito dahil baka kung ano ang magawa niya.“Oo naman. Nabuntis ako, ilang buwan kaso nakunan ako. Kasama pa kita sa ospital.”“Umamin na si Tala.”Napatigil si Nessa.Saka humigpit ang panga nito.“Huwag kang maniwala! Wala siyang karapatang sabihin sa iyo ang—”“Ang totoo?”Hindi ito sumagot.“Natakot akong mawala ka,” sabi ni Nessa.Napatawa siya nang walang saya.“Kaya pinaniwala mo akong may anak tayong nawala?”“Gusto ko lang manatili ka.”Napahawak si Nick sa sariling batok.May mga gabing nag-alala siya kung kumakain

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 258 The Lie That Kept Him

    Hindi siya pinatigil ni Audrey sa pag-iyak.Nanatili lamang ang mga bisig nito sa paligid niya hanggang humupa ang paghagulgol.“Matagal talaga ang healing process,” sabi ng kaibigan. “May mga araw na akala mo magaan na, tapos may malalaman ka o maaalala, sasakit ulit. Pero hindi ibig sabihin na bumalik ka sa simula.”Pinunasan ni Avery ang pisngi.“Parang wala akong natutuhan.”“Meron. Dati, inuuna mong unawain siya kahit ikaw ang nasasaktan. Ngayon, alam mong puwede kang lumayo.”Napatingin siya kay Audrey.“Hindi mo kailangang mawala muna ang pagmamahal bago mo protektahan ang sarili mo,” patuloy nito. “At hindi mo kailangang magpanggap na okay ka para masabing matatag ka.”Huminga si Avery, ngunit nanginginig pa rin ang pagbuga niya ng hangin.“Pagod na akong umiyak.”“Kung ganoon, pahinga muna. Hindi mo kailangang lutasin ngayong araw ang lahat ng nararamdaman mo.”Binuksan ni Avery ang pinto ng kotse at naupo sa driver’s seat. Sumakay si Audrey sa tabi niya.Hindi niya pinaandar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status