LOGINLooking for your next romance read? Here are my 10 novels on GoodNovel! ONGOING • I Died Loving Him, Now He Begs for My Heart — Newest • Too Late to Win Back His Betrayed Wife — Books 1–3 • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO — Books 1–9 • Secret Affair with My Hot Ninong — Books 1–2 • The Billionaire's Exclusive Maid COMPLETED • Love for Rent — Books 1–7 • Never Fall Again to the Heartless Billionaire — Books 1–3 • The CEO's Cold Ex-Wife • Unlove Me Not • The Ex-Convict Billionaire Choose your next read, and thank you very much for your continued support!
“Ana Robles, hanggang kailan mo kakapitan ang anak ko?”Hindi umiwas ng tingin si Ana kay Donya Victoria. Nasa lobby sila ng Wonder World, kung saan may mga bisitang naghihintay sa reception.“Magandang umaga po. Kung tungkol kay Kurt ang sadya ninyo, mas mabuting siya ang kausapin ninyo.”“Don't act innocent! Simula nang lumapit ka uli sa anak ko, ayaw na niyang umuwi!”“Hindi po ako ang lumalapit sa kanya. Hindi ko rin siya pinipigilang umuwi.”“Kung ganoon, bakit dito siya nakatira?”“Si Kurt po ang dapat ninyong tanungin.”May ilang bisitang napalingon. Ayaw ni Ana na maabala ang mga ito dahil sa personal nilang problema.“Maaari po ba tayong lumipat sa meeting room? Mas tahimik doon.”Tiniyak muna niya sa reception na bakante ang maliit na meeting room. Sumunod ang matanda, bagaman hindi nawala ang pagsimangot nito. Pagkapasok nila, inilapag ni Ana ang dalang folder sa mesa.“Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mo?” bungad ng biyenan. “Inuuto mo ang anak ko.”“Hindi po ako ang
“Ana, puwede ba kitang yakapin? Kahit ngayong gabi lang? May nabasa akong nakabubuti raw ang yakap para sa baby.”Napalingon si Ana kay Kurt. Sa mahinang liwanag mula sa bintana, nakita niya ang pag-aalangan nito.“Kurt, huwag mong idahilan ang anak natin sa lahat ng gusto mong gawin.”“A hug will help you relax, nabasa ko lang,” sagot nito. “Pero hindi ako doktor. Gusto lang talaga kitang yakapin. Kung ayaw mo, okay lang.”Napatitig siya sa unan sa pagitan nila. Dati, maraming gabing naghintay siyang kusang lumapit ang asawa. Ngayon, ito ang naghihintay ng pahintulot.“Sige. Pero sandali lang. Para sa baby natin.”Inalis niya ang unan. Lumapit si Kurt, ngunit huminto bago siya hawakan. Si Ana ang sumandal sa dibdib nito. Ipinatong ng lalaki ang braso sa kanyang balikat.“Komportable ka?”“Oo.”Pamilyar ang amoy ng cologne nito. Sa ilalim ng kanyang pisngi, naririnig niya ang tibok ng puso ni Kurt. Naalala niya ang mga gabing sinasadya niyang magising para salubungin ito, umaasang kah
“This is for the baby.”Tinitigan ni Ana si Kurt sa tapat ng elevator. “Bakit kailangan mong bumili ng bahay at lupa?”“Gusto kong magkaroon kayo ng sarili ninyong tirahan.”“May trabaho ako. Hindi mo kailangang bilhin ang lahat para sa amin.”“I know. Pero isipin mo, may sariling kuwarto ang anak natin, may hardin at lugar na paglalaruan. Hindi naman kayo habangbuhay maninirahan sa resort.”May punto ito, ngunit ayaw niyang muling masanay si Kurt na magdesisyon nang hindi siya kinakausap.“Wala pa akong binibili,” paglilinaw nito. “May nakita lang akong bahay. Tingnan mo muna. Kung magustuhan mo, saka natin pag-usapan.”“Ikaw, saan ka titira?”“Dito sa resort.”“Hindi ka sasama sa amin?”“Unless gusto mo. Hindi ako magpipilit. Pupunta lang ako kapag gusto mo.”Napatingin siya dito. Nag-aalok ang asawa ng tahanan para s akanilang mag-ina.“Unahin natin ang panganganak at mga kakailanganin ng bata,” sabi niya. “Pag-usapan natin ang gastusin at mga checkup.”“Gagawa tayo ng listahan?”N
“Puwede, Kurt… pero paano kung si Lolo mismo ang humiling na magsama tayong muli dahil sa anak natin?”Nawala ang ngiti ni Kurt. Nakatayo pa rin sila sa tapat ng elevator ng Wonder World.“Then I'll talk to him.”“Ano ang sasabihin mo?”“Ang napag-usapan natin. Magtutulungan tayong palakihin ang bata, pero hindi kita pipiliting makipagbalikan.”Hindi inaasahan ni Ana ang sagot. Ilang araw pa lamang mula nang malaman ni Kurt ang pagbubuntis, at hindi pa niya alam kung hanggang kailan nito kayang tuparin ang mga pangako.“Gusto kong maging bahagi ng buhay ng anak natin,” dagdag nito. “Pero hindi mo kailangang bumalik sa akin para magawa ko iyon.”“Kung ganoon, bukas natin sabihin kay Lolo. Alas-kuwatro, pagkatapos ng trabaho ko.”“Whenever you're ready.”Kinabukasan, ilang minuto bago mag-alas-kuwatro, inilabas ni Ana ang sobre ng ultrasound mula sa bag. Hindi niya mapigilang mapangiti ng makita ang munting larawan. Bumalik sa alaala niya ang mabilis na tibok ng puso na narinig nila ni
Tumaas ang kilay ni Ana. “Talaga?”“Kung ganoon, huwag mo akong basta pupuntahan. Sa totoo lang, ayaw nga kitang makita.”Nakatayo si Ana sa bukana ng elevator, hawak ang folder. Nasa tapat ng kuwarto si Kurt.“Kung iyon ang gusto mo, susundin ko.”“Talaga?”“Oo. Masaya na ako sa pagkakataong ibinigay mo na maging ama ng anak natin.”“Hindi ko sinabing umalis ka. Pero ayoko nang magsama tayo. Sinabi kong buntis ako dahil karapatan mong malaman. Huwag mo akong kulitin.”“I understand. Para sa baby lang ang paglapit ko.”Lumabas siya sa elevator at tumabi sa pasilyo.“Puwede kang tumira dahil resort ito ng mga Altamirano. Pero huwag kang basta pupunta sa opisina o kuwarto ko. At ako ang magsasabi sa iba tungkol sa pagbubuntis kapag handa na ako.”“I promise.”Nagpaalam siya at pumasok sa kuwarto. Naupo siya sa kama, nakatingin sa tiyan. Hindi ito ang pamilyang pinangarap niya. Ngunit bibigyan niya ng payapang buhay ang anak, magkasama man sila ni Kurt o hindi. Hindi lang naman siya ang
“Ano iyon, Ana?”Nakahawak ang asawa sa baso ng tubig. Matagal itong nakatingin sa kanya bago huminga nang malalim.“Kurt, may kailangan kang malaman.”“I'm listening.”Matagal na nakatitig lamang si Ana sa kanya.“Buntis ako.”Natigilan siya. Parang hindi niya naunawaan ang narinig.“What?”“Magkakaanak tayo, Kurt.”Napatingin siya sa tiyan nito, saka muling sinalubong ang mga mata ni Ana. “Are you serious?”“Oo. Nagpatingin ako sa doktor. Positibo ang resulta.”“I'm going to be a dad?”Tumango ito.Napahawak si Kurt sa bibig. Kanina, nakikiusap siyang bigyan ng isa pang pagkakataon. Ngayon, may batang darating sa buhay nila. Hindi niya alam kung uunahin ang tuwa o panghihinayang.“Totoo, Ana? Magkakaanak tayo?”“Kurt—”“Okay ka lang ba? Nahihilo ka pa? May masakit ba? Dadalahin kita sa ospital ngayon. Mas okay yata sa ibang bansa magpagamot,” aniyang hawak na ang balikat ng asawa.“Teka lang, huminahon ka.”“Pasensya ka na. Hindi ko alam ang gagawin.”“Paminsan-minsan akong nahihilo







