Share

Chapter 23:

last update Huling Na-update: 2025-04-18 13:33:13

Nagising si Aviannah nang tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha, dahil sa paglipad ng kurtina mula sa bintana. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang kakaibang itsura ng silid.

Napabalikwas siya ng bangon nang maisip kung nasaan siyang lugar. Pero kaagad ding nagbalik sa isipan niya ang sitwasyon niya ngayon. Oo nga pala at wala siya sa kanyang sariling silid sa kanilang tahanan. Oo nga pala at nasa ibang lugar at nasa ibang bahay siya.

Hahanapin sana niya ang cellphone niya pero naalala niyang wala na nga pala ito. Dahil walang kahit isang natirang gamit sa kanya pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa kanya. Aksidente na sinadya para mamatay siya.

Napahigit siya ng malalim na paghinga. Kumusta na kaya ang kanyang ama at ang kanyang mga kaibigan na kanyang iniwanan? Paano nga ba siya makababalik sa dating buhay kung may nagtatangka na sa buhay niya?

Naputol sa pag-iisip si Aviannah nang marahan niyang makita ang unti-unting pagbukas ng pintuan ng sili
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Too Wrong to Love   Chapter 30:

    “P-Pero… ngayon ko lang yata nalaman na takot ka pala sa linta,” nauutal na sabi ni Rowena kay Andrei habang si Aviannah ay nananatiling napako ang tingin sa lalaki.“Marami ka pa namang hindi alam sa akin,” pagkuwan ay sagot ni Andrei kay Rowena saka ito nagpatuloy sa ginagawang pagsasabon ng mga damit.“Ouch huh,” komento ni Rowena sa sinabi ni Andrei rito. “Pero totoo naman talaga. Marami pa akong hindi alam sa iyo. Pero hindi pa naman huli ang lahat at pwede pa kitang mas kilalanin, hindi ba?” Lumapit si Rowena kay Andrei at naupo rin ito sa tabi ng lalaki saka mabilis na yumakap sa braso nito. “Ikaw naman kasi eh, kailan ba kasi magiging tayo?” dagdag pa nito habang marahang hinimas ang braso ng lalaki na yakap nito. “Oo mo na lang naman ang hinihintay ko—ay!”Natigilan sa pagsasalita si Rowena at sa halip ay napatayo at napasigaw sa gulat, nang biglang tumayo at maghagis ng maliit na bato si Aviannah sa tubig.“Ay sorry, may nakita kasi akong linta banda roon,” wika ni Aviannah

  • Too Wrong to Love   Chapter 29:

    Maagang nagising ang diwa ni Aviannah dahil sa maingay na pagtilaok ng mga manok. Saka niya nakangiting marahang iminulat ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit kahit na napuyat siya ay napakagaan pa rin at napakaganda pa rin ng gising niya.“Good morning, Ate Belle!” nakangiting bungad sa kanya ni Tonya.“Good morning, Tonya!” nakangiting ganting bati naman niya sa bata.“Mukhang maganda po yata ang gising niyo ngayong umaga, ate.”Bumangon siya at matamis na ngumiti sa bata. “Sa tingin mo ba?”“Opo, ate. Hmm… mukha pong may maganda kayong napanaginipan o ‘di kaya ay mukha pong may magandang nangyari sa inyo kagabi bago kayo natulog.”Sandaling natigilan si Aviannah nang mabilis na nagbalik sa isipan niya ang nangyaring tagpo sa pagitan nila ni Andrei kagabi. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang paraan ng pagngiti ng lalaki sa kanya at ang marahang paghaplos nito sa ulo niya. Napanguso siya nang tila hindi niya kayang maitago ang kilig na nararamdaman sa bata. Paano ba naman kasi a

  • Too Wrong to Love   Chapter 28:

    Mariing nakagat ni Aviannah ang ibabang labi niya habang mainam na pinagmamasdan si Andrei na nakaupo sa isang tabi. Kasulukuyang nasa peryahan pa rin sila.“Kuya, kumusta? Nahihilo ka pa rin po ba?” tanong ni Tonya kay Andrei matapos nitong mapainom ito ng gamot.Mabuti na lang at nandito at kasama nila si Tonya. Dahil kung hindi ay hindi niya alam ang gagawin kay Andrei sa ganitong sitwasyon.“Okay na ako, Tonya. Salamat,” sagot ni Andrei sa batang babae.“Ikaw naman kasi, kuya eh. Bakit ka pa kasi sumakay roon? Eh hindi ka naman pinilit ni ate,” panenermon pa ni Tonya sa lalaki.Hindi umimik si Andrei sa bata at sa halip ay sinulyapan lamang siya nito. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng guilt dahil sa mga titig na iyon ng lalaki sa kanya.Kahit na kung tutuusin ay wala naman siyang kasalanan, ay para pa ring siya ang may kasalanan dahil sa inamin ng lalaki sa kanya kung bakit ito napilitang sumakay roon.Sa huli, nang bumuti na ang lagay ni Andrei at nang mawala na ang pagkahilo n

  • Too Wrong to Love   Chapter 27:

    Napanganga si Aviannah nang makita niya ang peryahan na sinasabi ni Tonya. Hindi niya alam na peryahan pala ang tawag sa ganitong lugar. It was like an amusement park na paboritong puntahan nila ng mga kaibigan niya. Na-miss niya tuloy bigla ang dalawa niyang kaibigan, sina Sandra at Jamie. Napaisip tuloy siya kung kumusta na kaya ang dalawa ngayon. Tiyak siyang labis na itong nag-aalala sa kanya dahil hindi na niya kinontak pa ang mga ito pagkaalis niya ng siyudad.“Ate, tara mag-rides po tayo. Ano pong gusto ninyong unahin?” masayang lapit sa kanya ni Tonya.“Huh? Uhm…”“Sanay ka ba sa rides?” tanong naman ni Andrei sa kanya at pagkuwan ay bumalin ito ng tingin kay Tonya. “Tonya, huwag mo siyang dalhin sa matataas na rides. Doon lang sa kaya niya,” bilin nito sa bata.“Opo, kuya!” magiliw na sagot ni Tonya saka ito tumingin sa kanya. “Tara na po, Ate Belle!” Hinila siya ni Tonya patungo sa caterpillar ride. Bumili roon ng ticket si Tonya para sa kanilang dalawa.“Dalawa lang?” nagta

  • Too Wrong to Love   Chapter 26:

    Mainam na pinagmasdan ni Aviannah ang single na motor na sasakyan ni Andrei. Nawala sa isipan niya na kahit kailan ay hindi pa pala siya nakakasakay sa ganitong klase ng sasakyan. Ito ang unang beses kung sakali. Kaya namang pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya ngayon.“Ate! Tara na po,” masayang sabi sa kanya ni Tonya saka ito lumapit sa motor.Kasunod nito ay ang paglabas naman ni Andrei mula sa loob ng bahay. Dumeretsyo ito ng lapit sa motor nito saka ito bumalin ng tingin sa kanya. “Marunong kang umangkas?” tanong nito sa kanya na hindi niya alam kung paano sasagutin. “Okay. Pwedeng first time mo or… hindi mo maalala,” sagot ng lalaki sa sarili nitong tanong sa kanya.“Huwag ka mag-alala, Ate Belle! Ako po ang bahala sa iyo,” mayabang na sabi sa kanya ni Tonya kasabay ng paglapit nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay saka marahang hinila palapit sa motor. Nagpatianod naman siya sa bata.Pinagmasdan niya si Andrei na binuksan ang maliit na box sa motor nito sa

  • Too Wrong to Love   Chapter 25:

    Sa huli ay wala na ngang nagawa pa ang matanda at pinagbigyan na lamang siya sa kagustuhan niya.“Hahaluin ko po ito gamit ang kamay ko? Sigurado po ba kayo?” takang tanong ni Aviannah sa matanda habang nasa harapan niya ang isang kalderong may bahaw na kanin.“Oo, ija. Durugin mo ang kanin at haluin gamit ang kamay mo para hindi ka mahirapan. Isasangag natin ‘yan para hindi sayang,” tugon sa kanya ng matanda na hindi pa rin niya mapaniwalaan. O sadyang hindi lang niya alam na ganoon talaga ang proseso nito?Bago niya haluin gamit ang kamay niya ang bahaw na kanin ay naghugas muna siya ng mabuti. Siniguro niyang malinis ang kanyang mga kamay bago siya humawak sa pagkain. Nang matapos siya ay ginisa na iyon ni Mang Gener sa mainit na kawaling may mantika at sibuyas. Nauna na kasing nakapagprito ng isda ang matanda. Hindi niya na ring sinubukang magpaturo no’n dahil takot siya sa pagpilansik ng mainit na mantika mula sa kawali.Pinagmasdan niya ang matanda sa masipag nitong paghahalo ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status