Share

341 - Symptoms & Hunch

Author: Verona Ciello
last update publish date: 2026-04-16 15:34:37
GABI NA nang makauwi ang magkapatid sa bahay nito. Hinihintay sila ng kanilang lola sa sala, ngunit nang makita ang maputlang mukha ni Czarina, agad itong nag-alala.

“Ano’ng nangyari sa’yo, apo? Ang putla mo.”

“Ayos lang ako, La,” pilit niyang ngiti. “Napagod lang sa mall. Huwag na po kayong mag-alala.”

Hindi na siya pinilit ng matanda at niyaya na lamang silang kumain.

Halos wala nang nakakain si Czarina buong araw, kaya ramdam niya ang gutom. Pero pagkatikim niya ng pagkain, agad siyang napaku
Verona Ciello

thanks a bunch for reading! Your comments always make my day. Hope you’re having an amazing one too~ 🌸🫶

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   563 - He’s Living Here Too

    NANG MAGISING SI CZARINA kinabukasan, napansin niyang nasa hindi pamilyar na lugar siya.Agad siyang napabalikwas sa takot. “Hala! Kinidnap ba ako ni Damion?” kinakabahan niyang saad. “Posibleng mangyari ‘yon! Galit na galit ‘yon matapos ko siyang suntukin kagabi! Nagtatanim pa naman ng sama ng loob ang lalaking iyon!”“Habang tulog ako, dinala niya ako rito… Sandali... Ano’ng balak niyang gawin sa ‘kin?” Nanlamig ang buong katawan ni Czarina. “Ayoko nang isipin!”Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Marahan siyang bumaba ng kama at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Sisilip lang sana siya at tatakas kapag walang tao. Pero paglabas pa lang niya ng pinto, nakita niya si Tito Fran.“Tito Fran!” Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. “Mabuti nandito kayo!” Mabilis siyang lumapit dito. “Kinidnap din ba kayo ni Damion?”Natigilan si Tito Fran, saka napakamot sa batok. “Ha? Anong kinidnap, Miss?” naguguluhang tanong nito. “Nanaginip ba kayo?”“Uh...”Natigilan si Czarina. Mabilis niyang sinilip

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   562 - Wife

    “FOUND IT…” mahina niyang bulong.Maingat niyang binasa ng antiseptic ang cotton swab bago dahan-dahang idampi sa hiwa.“Medyo malalim pala ang pagkakahiwa,” sabi niya habang nililinis ang sugat. “Lalagyan ko muna ng antiseptic. Kapag namaga ito bukas, kailangan na nating magpunta sa hospital.”Tahimik lang si Damion. Habang abala si Czarina sa paglalagay ng gamot, palihim itong nakatingin sa mukha niya.Nang mag-angat ng tingin si Czarina, agad itong umiwas ng tingin.“You talk too much,” sabi nito sa malamig at bahagyang naiinip na tono.“Para rin naman sa ikabubuti mo,” sagot ni Czarina.

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   561 - Thief

    “MEREDITH… YOU THINK YOU’RE SO GREAT?”Nang marinig ang malamig na boses na iyon ay agad ding napatigil si Czarina. Napatitig siya sa madilim na pigura, saka nanginginig na nagsalita. “I-Ikaw… Magnanakaw ka na ka-boses si Damion, ‘di ba?”“Oh, really?” malamig na sagot ng lalaki. “Then look carefully.”Binuksan ni Damion ang flashlight ng cellphone niya. Sa liwanag, bumungad ang mukhang halatang nagpipigil ng galit.Tuluyan nang nanlumo si Czarina. “S-Sorry! Hindi ko alam na ikaw pala. Akala ko may magnanakaw na nakapasok.”Bigla siyang napakunot-noo. “Wait… bakit ka ba kasi nakatayo ro’n sa dilim? Huwag mong sabihing…” Tiningnan niya ito nang may pagdududa, “Magnanakaw ka talaga?”“Magnanakaw?” Napairap si Damion. “Ano namang mapapala ko sa pagnanakaw dito?”“I can’t find my cufflinks. Look around here.”Lalong naging awkward ang sitwasyon. Parang gusto na lang ni Czarina na lamunin siya ng lupa.“Um…” alanganin niyang sabi. “Tulungan na lang kitang hanapin.”“Forget it.” Hinawakan n

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   560 - Training

    KINABUKASAN.Napahawak si Czarina sa kanyang tyan dahil sa gutom. Gusto na niyang kumain, pero nang maalala niyang nakatira na ngayon si Damion sa kanila ay mas pinili niyang manatili sa kanyang kwarto.Hihiga na sana siya ulit nang muling tumunog ang kanyang tiyan. Napatingin si Czarina sa orasan at napansin na tila mabagal ang takbo ng oras.Napatitig siya roon nang may kumatok sa kanyang pintuan at pumasok iyon sa loob.Agad na lumiwanag ang mukha ni Czarina.“Tito Fran!” masigla niyang bati. “May dala ka bang breakfast? Gutom na gutom na ako! Anong ulam natin?”Napailing ang matanda. “Hindi kita dinalhan ng pagkain. Andito ako para yayain kang bum

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   559 - Walking Through Hell

    “HAYAAN NA MUNA NATING MAG-STAY RITO SI SIR DAMION KAHIT ILANG ARAW LANG.”Halos lumabas na ang mga mata ni Czarina sa gulat. “Sandali… Tama ba ang narinig ko?” bulong niya sa sarili. “Pumayag si Tito Fran?”Hindi siya makapaniwala.Sa lahat ng taong posibleng tumutol, si Tito Fran pa ang inaasahan niyang hinding-hindi papayag.“Anong nangyari?” Sunod-sunod ang tanong sa isip niya.Pero alam niyang hindi iyon ang tamang oras para magtanong.Kaya tahimik na lang niyang itinabi ang lahat ng pagdududa, balak na kausapin na lang si Tito Fran kapag sila na lang ang magkasama.Mukhang kuntento naman si Damion. “Since there are no objections,” kalmado nitong sabi, “please arrange a room for me.”Bago pa makapagsalita si Tito Fran, mabilis nang sumingit si Czarina.“Tito Fran!” Pilit siyang ngumiti. “'Yung villa sa may entrance ng subdivision, maganda rin naman, 'di ba? Ibigay na lang natin sa kanya ang susi no'n.”“Ito ang advantage ng maraming bahay. Kapag doon siya tumuloy sa pinakamalayo

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   558 - Moving In

    NAGPASYA SINA CZARINA at Tito Fran na pansamantalang lumipat ng tirahan upang mailayo siya sa panganib. Bago dumilim, tahimik silang nagtungo sa isang pribadong villa sa liblib na lugar.Nagulat si Czarina nang malaman na pagmamay-ari ni Tito Fran ang buong subdivision. Ipinaliwanag niya na binili niya ang mga villa bilang patunay sa kanyang husay sa pamumuhunan, hindi para ibenta. Bagama’t hindi maintindihan ang kakaibang hilig nito, nagpasalamat na lamang si Czarina at nagpahinga sa kanilang bagong pansamantalang tahanan.Samantala, abala si Tito Fran sa pag-aayos ng kanilang mga gamit; si Czarina naman ay paulit-ulit na umakyat at bumaba ng hagdan. Pero hindi nagtagal, nainip din siya.Tahimik na tahimik ang buong lugar. Kung nasa city proper sila, ito sana ang pinakamasayang oras ng araw—bukas ang mga mall, café, bar, at kung anu-anong puwedeng puntahan.Pero rito wala siyang marinig kahit ano, pati ang hangin ay tila nananahimik. Sobrang tahimik na halos nakaka-ilang.Dahil wal

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   32 - Claimed & Proven

    “YES, THIS IS MY FIANCE, CZARINA OCAMPO,” malamig na wika ni Damion, habang inabot ang kamay ni Czarina, sabay bahagyang tango sa mga taong nasa harap nila.Nanlaki naman ang mga mata ni Czarina sa gulat. Fiancée?!Hindi siya makapaniwala sa narinig. Mabilis siyang napatingin kay Damion, tila ba uma

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   30 - Hit Me

    “NOTHING COMPLICATED. Just act as my fiancée.”“But I’m your fiance!” gustong isigaw ni Czarina ang katagang iyon kay Damion pero pinigilan niya ang sarili. Seeing Damion this obsessed at her, may chance kayang mawala ang galit niya sa oras na malaman ni Damion na siya talaga ang tunay nitong fianc

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   29 - Just Act For Me

    PAGKAALIS ni Lorenzo ay siyang pagtunog ng kanyang cellphone. Buong akala niya ay si Czarina ang tumawag sa kanya, kaya ang matamis nitong ngiti sa labi ay agad ding nawala nang makitang ang ama nito ang tumatawag.“What?” tamad niyang tugon sa ama nito.“You unfilial son!” sigaw ng ama nito mula sa

  • Trapped In The Zillionaire’s Sweet Obsession   28 - The Zillionaire’s Warning

    “...DO YOU REALLY WANT TO STAY WITH THAT MAN?”“No… I don’t want to…” mabilis na umiling si Czrarina. Hindi lang basta sumama kay Charles—ayaw na ayaw na niyang makita pa ulit ang lalaking iyon sa buong buhay niya.Mabilis siyang kumilos, binuksan ang pinto ng kotse at bumaba.Nang makita ito ni Dam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status