LOGIN
Labing-walo ako noon.
Labing-walong gulang na wala nang magulang. Wala nang uuwian. Wala nang tatawag sa akin ng “anak” tuwing gabi. Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang ilibing sina Mama at Papa matapos ang aksidenteng iyon sa expressway. Isang iglap. Isang tawag sa telepono. Isang bangkay sa morgue. At isang buhay na hindi ko alam kung paano sisimulan muli. Hindi ako sanay maging mahina. Half-Spanish ang dugo ko sabi nila, may tapang. Pero anong silbi ng tapang kung wala kang pambayad sa kuryente? Kung ang mga taong dapat kumakalinga sa’yo—ang Tito at Tita ko—ay mas abala sa sugal kaysa sa pag-iyak sa pagkamatay ng kapatid nila? “Agatha, may naniningil na naman,” sabi ni Tita habang nakaupo sa sala, hawak ang baraha. “Ikaw na bahala.” Ako na bahala. Palaging ako na bahala. Kaya nang gabing iyon, nasa Maynila ako. Hindi para mag-enjoy. Hindi para magpakalasing. Hindi para maghanap ng pag-ibig. Nasa bar ako para maghanap ng paraan. Maingay ang paligid. Amoy alak at sigarilyo ang hangin. May tumatawa, may sumasayaw, may naghahalikan sa sulok na parang walang problema sa mundo. Samantalang ako, nakaupo sa bar counter, hawak ang basong hindi ko kayang inumin. Hindi ako umiinom. Hindi ako sanay sa ganitong lugar. Pero kailangan kong masanay. Dahil wala na akong ibang choice. “First time mo?” Napalingon ako sa lalaking umupo sa tabi ko. Matangkad. Malinis ang gupit. Naka-itim na polo na halatang mamahalin. May relo siyang mas mahal pa sa isang taong renta ng apartment. Hindi ko pa alam ang pangalan niya noon. Pero ramdam ko agad ang aura niya—mayabang. Sanay sa atensyon. Sanay na sinusunod. Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya nagpakilala. Tinitigan lang niya ako na parang sinusuri kung bagay ba ako sa mundo niya. Hindi ko siya nagustuhan agad. Masyadong kampante. Masyadong sigurado sa sarili. “Hindi ako interesado,” malamig kong sagot. Hindi siya natinag. Umorder pa siya ng panibagong alak, saka muling tumingin sa akin. “Hindi ka nandito para mag-enjoy,” sabi niya, tila ba nabasa ang isip ko. Nanahimik ako. Dahil tama siya. At ayokong may nakakaalam noon. “Magkano?” diretso niyang tanong. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. Hindi siya nagpaligoy-ligoy. Hindi siya nagkunwaring may romantic spark. Hindi niya ako tinanong kung anong pangalan ko. Magkano. Ganoon lang kasimple sa kanya. Tumayo ako. Balak ko sanang umalis. Pero bago pa ako makalayo, nagsalita ulit siya. “Eighty thousand.” Napatigil ako. Napabalik ako sa narinig ko, baka nag-kakamali lang ako. Para akong sinampal ng realidad. ₱80,000. Halos katumbas ng lahat ng utang na pinapasan ko. Halos sapat para makaluwag kami kahit ilang buwan. Halos sapat para hindi na ako bumalik sa ganitong lugar. Hindi ko siya tinignan. Hindi ko kaya. “Isang gabi,” dagdag niya. Isang gabi. Ilang oras lang. Ilang oras kapalit ng dignidad ko. Ilang oras kapalit ng pagkakataong makahinga. Nanginginig ang mga daliri ko habang mahigpit kong hinahawakan ang bag ko. Hindi ako ganito. Hindi ako babaeng binebenta ang sarili. Pero hindi rin ako anak na kayang panoorin na mawalan ng tirahan ang pamilya. Sa gabing iyon, mas pinili kong maging praktikal kaysa maging inosente. Hindi siya nagpakilala nang maayos, pero narinig ko ang pangalan niya nang tawagin siya ng isang lalaki sa kabilang mesa. “Albert!” Albert. Albert Clarence Kensington. Hindi ko pa alam noon na ang apelyidong iyon ay may-ari ng kalahati ng probinsyang babalikan ko makalipas ang tatlong taon. Hindi ko alam na ang lalaking iyon ang magiging multo ng nakaraan ko. Sumama ako sa kanya. Walang holding hands. Walang sweet words. Walang pangako. Isa itong malinaw na transaksyon. Sa loob ng hotel suite na amoy mamahaling pabango at malamig na aircon, doon ko unang naramdaman kung gaano kalayo ang mundo niya sa mundo ko. Hindi siya bastos. Pero hindi rin siya malambing. May bisyo siya. Mayabang siya. Sanay siyang makuha ang gusto niya. At sa gabing iyon, ako ang gusto niya. Hindi ko na aalalahanin ang bawat detalye. Ang natatandaan ko lang— Tahimik siya matapos ang lahat. Parang may gustong sabihin pero pinili niyang huwag. Ako rin. Dahil kung magsasalita ako, baka tuluyan akong mabasag. Madaling-araw nang magising ako. Nasa kama pa rin siya, tulog. Mukha siyang mas bata kapag hindi nakasimangot. Sandali ko siyang tinitigan. Hindi dahil may naramdaman ako. Kundi dahil gusto kong tandaan ang mukha ng lalaking naging dahilan kung bakit ako nakaligtas. Sa side table, may sobre. Hindi ko na kailangang buksan para malaman kung ano iyon. ₱80,000. Kinuha ko. Tahimik akong nagbihis. Bago ako lumabas ng suite, sandali akong tumingin sa kanya. “Hindi mo ako pag-aari,” bulong ko sa sarili ko. At umalis ako bago pa siya magising. Sa taxi pauwi, doon ako umiyak. Hindi dahil sa ginawa ko. Kundi dahil alam kong simula noon, may parte ng pagkatao ko na hinding-hindi na babalik sa dati. Akala ko tapos na. Akala ko isang gabi lang iyon. Akala ko hindi na kami magkikita ulit. Hindi ko alam— Na makalipas ang tatlong taon, babalik ako sa probinsyang pagmamay-ari ng pamilya Kensington. At ang lalaking iniwan ko sa madilim na silid na iyon… Siya pala ang may-ari ng hotel na pagtatrabahuhan ko. At hindi siya sanay na iniiwan. Akala ko isang transaksyon lang. Isang pagkakamali na maitatago ko sa likod ng bagong buhay. Isang alaala na kayang lunurin ng panahon. Pero may mga gabing hindi nawawala. May mga matang kahit ipikit mo, malinaw pa ring nakatitig sa’yo sa dilim. Labing-walo ako noon. Bata, pero pagod na pagod na sa mundo. Wala na ang mga magulang ko. Ang bahay na dapat kanlungan ko ay naging kulungan ng utang at sigawan. Ang bawat araw ay parang laban na hindi ko naman piniling salihan. Kaya nang dumating siya sa harap ko— Si Albert Clarence Kensington. Hindi ko siya tiningnan bilang lalaki. Tiningnan ko siya bilang sagot. Saglit. Pansamantala. Isang paraan para makaalis sa pagkakalubog. Hindi ko inasahan ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi iyon bastos. Hindi iyon minamaliit ako. Parang sinusukat niya kung hanggang saan ang kaya kong tiisin. “Sigurado ka?” tanong niya noon. Oo, sigurado ako. Sigurado akong kailangan ko ng pera. Sigurado akong wala akong ibang pagpipilian. Pero hindi ako sigurado kung kaya kong kalimutan ang gabing iyon. Hindi ko na maalala kung paano nagsimula ang katahimikan sa pagitan namin. Ang naaalala ko lang ay ang bigat ng hangin, ang lamig ng silid, at ang init ng balat ko sa tuwing lalapit siya. May kung anong kakaiba sa kanya. Hindi siya nagmadali. Hindi siya marahas. Parang gusto niyang marinig ang bawat paghinga ko, parang may hinahanap siyang sagot sa mga mata ko. At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, may lalaking tumingin sa akin na parang hindi lang ako problema. Parang may halaga ako. Iyon ang mas mapanganib. Hindi ang paglapit niya. Kundi ang paraan ng pagkalito ko. Pagkatapos ng lahat, nang mahimbing ang tulog niya at ako’y gising na gising, doon ko napagtanto ang totoo— Hindi pera ang kinatatakutan ko. Kundi ang posibilidad na maalala ko siya. Kinuha ko ang sobre. ₱80,000. Hindi ko binilang. Ayokong bilangin ang halaga ng sarili ko. Umalis ako bago pa sumikat ang araw. Walang paalam. Walang lingon. Akala ko iyon na ang huli. Pero hindi pala ganoon ang mga gabing may marka. Tatlong taon ang lumipas. Dalawampu’t isa na ako. Mas tahimik. Mas maingat. Mas sanay magpanggap na wala akong nakaraan. Bumalik ako sa probinsya dahil mas mura ang renta, mas simple ang buhay. Nakapasok ako bilang receptionist sa isang kilalang hotel. Hindi ko alam na pagmamay-ari pala iyon ng pamilya niya. Hanggang sa isang araw— Narinig ko ang boses na hindi ko kailanman nakalimutan. “Agatha.” Isang salita. Isang pangalan. At bumalik ang lahat. Hindi ko agad siya nilingon. Pero ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. Parang may kuryenteng gumapang sa balat ko. Nang magtama ang mga mata namin, doon ko nalamang hindi lang ako ang may alaala. May kung anong nag-iba sa kanya. Mas seryoso. Mas matalim. Pero may apoy pa rin sa mga mata niyang minsan nang tumingin sa akin sa dilim. “Ikaw ba ‘to?” mahina niyang tanong. Gusto kong tumawa. Parang hindi niya ako kilala. Parang hindi kami nagbahagi ng isang gabing hindi ko kayang kalimutan. “Oo,” sagot ko, pilit ang pagiging propesyonal. “May kailangan po ba kayo, sir?” Sir. Parang sampal ang salitang iyon sa pagitan namin. Tinitigan niya ako nang matagal. At sa sandaling iyon, alam kong hindi ako makakatakas. Pinatawag niya ako sa opisina niya kinabukasan. Malaki ang silid. Malamig. Amoy kahoy at mamahaling pabango. Parehong-pareho sa gabing iyon. “Bakit mo ako iniwan?” Diretso. Walang paligoy-ligoy. Napangiti ako ng bahagya. “Wala naman tayong usapan na kailangan kong manatili.” Naglakad siya palapit. Hindi mabilis. Hindi mabagal. Kontrolado. “Hindi ka man lang nagpaalam.” “Hindi naman kailangan.” Pero ang totoo? Natakot ako. Hindi sa kanya. Kundi sa sarili ko. Dahil sa tuwing lumalapit siya, may bahagi sa akin na gustong bumalik sa gabing iyon—hindi dahil sa pera, kundi dahil sa pakiramdam na may pumili sa akin. At iyon ang hindi ko dapat maramdaman. Simula noon, lagi niya akong hinahanap. May meeting daw. May report daw. May kailangan daw linawin. Pero ang totoo, hinahanap niya ang sagot sa tanong na hindi niya maamin. At ako? Unti-unti akong nahuhulog sa bitag na akala ko ako ang may kontrol. Hindi ko pa alam noon— Na ang pagbabalik niya sa buhay ko ay hindi simpleng coincidence. Hindi ko alam na engaged na pala siya. Hindi ko alam na may babaeng naghihintay sa apelyido niya. Hindi ko alam na may mga mata palang nakamasid sa bawat galaw ko. Ang alam ko lang— Sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin, bumabalik ang init na pilit kong nililimutan. Isang gabi, pinatapos niya ako ng trabaho nang late. Tahimik ang buong floor. Nasa iisang mesa kami, magkalapit. Hindi sinasadya—o baka sinadya—nagkabanggaan ang tuhod namin sa ilalim ng mesa. Parang may apoy na gumapang sa balat ko. “Gusto mo maniwala o hindi,” mahina niyang sabi, hindi inaalis ang tingin sa mga papel, “hindi kita makakalimutan.” Natuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung galit ba ang nararamdaman ko o takot. O mas masahol pa—pag-asa. “Sir, engaged na kayo,” paalala ko, pilit na matatag. Ngumiti siya. Hindi masaya. “Hindi lahat ng engagement ay desisyon ng puso.” Doon ko naramdaman ang unang tali sa pulso ko. Hindi literal. Kundi emosyonal. Isang tali na dahan-dahang humihigpit sa tuwing lumalapit siya. Hindi ko pa alam noon— Na ang pinakamapanganib na kulungan ay hindi bakal. Kundi damdamin. At habang pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong hindi ako mabibihag muli, unti-unti kong nararamdaman ang kabaligtaran. Dahil sa bawat titig niya, sa bawat paglapit niya, sa bawat pagbigkas niya ng pangalan ko— May bahagi sa akin na gustong manatili. Na gustong piliin siya. Na gustong maniwala na hindi ako pagkakamali. Hindi ko pa alam noon— Na ang gabing iyon, tatlong taon na ang nakalipas, ay hindi pala pagtatapos. Kundi simula ng pagkakabihag ko. Hindi sa pera. Hindi sa pangalan niya. Kundi sa lalaking hindi ko dapat mahalin— Pero hindi ko rin kayang takasan.Tahimik ang lobby. Ang mga ilaw ay malabo, halos malumanay na lamang ang ningning ng chandelier sa kisame. Ang mga empleyado ay tapos na sa kani-kanilang gawain, at tanging ako ang naiwan sa front desk, nagtatapos ng mga papeles at nagbibilang ng mga resibo. “Pst… pst…” Parang may narinig akong malakas na tunog ng elevator, ngunit ni hindi ko pinansin. Baka sound effect lang ng aircon. Biglang bumukas ang elevator. Lumabas siya. Albert Clarence Kensington. Para bang napuno ng liwanag ang buong lobby. Ang lakas ng presence niya—hindi ko maiwasang huminto sa ginagawa ko. Ramdam ko ang hangin na dumadaan sa kanya habang papalapit siya sa front desk. “Miss… sumunod ka sa office ko,” ang malamig niyang boses, pero may kasamang tawa na hindi ko maunawaan. Hindi ko alam kung anong puwede kong sabihin. “Opo, sir…” ang napako sa aking labi, halos walang boses. Ang puso ko ay mabilis ang tibok. Ang kamay ko’y nanginginig habang pinupunasan ko ang mga dokumento na parang wala akong ginag
Tahimik ang lobby ng Kensington Grand Hotel. Ang malalawak na bintana ay hinahayaan ang huling liwanag ng hapon na dumampi sa makintab na marble floor. Si Agatha Caddel ay nakaupo sa likod ng reception desk, nakatingin sa screen ng computer, ngunit hindi talaga nakatutok sa trabaho. May presensya siya na hindi niya maalis sa isip. Albert Clarence Kensington. Tatlong taon na ang nakalipas, pero parang kahapon lang nang makita niya ang lalaking iyon—ang lalaking nagbago ng kanyang buhay sa isang gabi na puno ng pangako na hindi niya hiningi. Ngayon, naroroon siya sa kanyang harapan—naglalakad sa lobby, nakangiti sa mga empleyado, walang kaalam-alam kung paano niya ibabalik ang sarili sa dati. Agatha: “Bakit ngayon? Bakit sa hotel na ito? Bakit hindi siya nagpakita sa Maynila na lang?” Lumapit siya sa HR desk para makausap ang supervisor niya. “Ma’am, maaari po ba akong magpalit ng shift bukas?” tanong niya, mahinang tinig na halong kaba at pag-iingat. “Agatha, may problema
( POV – Agatha Caddel) Hindi ko alam kung bakit simula nang dumating siya kahapon sa lobby, parang hindi na ako mapakali. Parang may matang nakamasid kahit wala naman. Parang may aninong sumusunod kahit mag-isa lang ako. At higit sa lahat—parang bumalik ako sa gabing pilit kong nilibing sa alaala ko. Maaga akong pumasok sa Kensington Grand Hotel. Tulad ng dati, maayos ang uniporme, nakapusod ang buhok, may pilit na ngiti sa labi. Sa labas, kalmado. Sa loob, magulo. Isang linggo pa lang ako rito pero pakiramdam ko, taon na ang binilang ng dibdib ko sa kaba. Dahil sa kanya. Albert Clarence Kensington. Ang lalaking akala ko ay isa lang pagkakamali sa nakaraan. Ang lalaking iniwan ko bago pa mag-umaga. Hindi ko alam na siya pala ang may-ari ng hotel na pinasukan ko. Hindi ko alam na babalik siya sa buhay ko nang ganito. At hindi ko alam kung ano ang mas kinatatakutan ko—ang galit niya, o ang posibilidad na maalala niya ako. “Agatha, pinapatawag ka raw sa HR mamaya,” sabi ng
Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang multong bumabalik sa alaala mo, o ang taong akala mo ay hindi mo na muling makikita. Tahimik ang lobby ng Kensington Grand Hotel nang mga sandaling iyon. Amoy mamahaling pabango, marmol ang sahig, at kristal ang mga chandelier na tila mga bituing nakabitin sa kisame. Sa probinsyang ito, iisa lang ang pangalan na may bigat—Kensington. At ngayon, nasa teritoryo nila ako. Maayos ang postura ko sa likod ng front desk. Nakapulupot ang buhok ko sa maayos na bun, minimal ang make-up, at pilit ang propesyonal na ngiti. Ilang linggo pa lang ako rito, pero pakiramdam ko ay unti-unti ko nang nabubuo ang sarili ko. Isang bagong Agatha. Isang Agathang hindi na kailangang magbenta ng dignidad para mabuhay. Hanggang sa bumukas ang pinto ng lobby. Hindi ko siya agad nakita. Ang napansin ko muna ay ang paggalaw ng paligid. Ang biglang pagtahimik ng mga empleyado. Ang bahagyang pagyuko ng iba. Ang respeto. Ang takot. Saka ko siya naramdaman. Parang m
Hindi ko alam kung anong mas nakakapagod—ang magpanggap na maayos ang buhay ko o ang paulit-ulit na paalalahanan ang sarili kong hindi na ako ang dating eighteen-year-old na desperada. Tatlong taon na ang nakalipas. Tatlong taon mula nang iwan ko ang isang gabi na hindi ko dapat maalala pero hindi ko rin kayang kalimutan. Ngayon, nasa probinsya na ako. Malayo sa Maynila. Malayo sa mga ilaw ng bar. Malayo sa mga alaala. At heto ako, naka-uniporme ng receptionist sa Kensington Grand Hotel—pinaka marangya sa buong bayan. Marmol ang sahig. Kristal ang chandelier. Ang amoy ng lobby ay pinaghalong mamahaling pabango at bagong polish na kahoy. Sabi nila, pag-aari raw ng pamilya Kensington ang halos lahat dito—mula hotel hanggang farm, pati mall sa kabilang highway. Hindi ko masyadong inalam. Trabaho lang ang kailangan ko. Hindi ko kailangan ng komplikasyon. “Agatha, ikaw muna sa front. May darating na investors,” sabi ng supervisor ko. Tumango ako. Ngumiti. Professional. Sanay na ako
Tatlong taon mula noong gabing iyon na pilit kong ibinaon sa limot. Tatlong taon mula noong iniwan ko ang ₱80,000 sa alaala ko at piniling huwag nang lumingon. Ngayon, dalawampu’t isa na ako. At heto ako—nakatayo sa gitna ng isang marangyang lobby, nakasuot ng maayos na uniporme, may nameplate na may nakasulat na: AGATHA CADDEL – RECEPTIONIST bulong sa sarili kaya naman napangiti ako. Hindi na ako ang labing-walong taong desperadong umiiyak sa likod ng taxi. Hindi na ako ang batang takot sa kinabukasan. O iyon ang gusto kong paniwalaan. Ang probinsyang ito ay hindi ordinaryo. Tahimik, malinis, at napakayaman. Halos lahat ng gusali, lupa, at negosyo—iisa ang apelyido. Kensington. Naririnig ko ang pangalang iyon halos araw-araw. Kensington Farm. Kensington Mall. Kensington Suites. Kensington Holdings. Pero para sa akin, pangalan lang iyon. Isang pamilya ng mga negosyanteng hindi ko naman kailangang makilala. Ang mahalaga, may trabaho ako. At sa wakas… nakaka-ipon.







