Tahimik ang buong opisina.Ang ilaw mula sa chandelier ay naglalaro sa dingding, nagkakalikot na parang lihim na nagmamasid sa kanila. Si Agatha ay nakatayo sa tabi ng desk, hawak ang kanyang clipboard, kahit alam niyang wala na itong silbi. Hindi niya maalis sa isip ang presensya ni Albert, na ngayon ay nakatayo sa harap niya, matagal na pinag-aaralan siya sa isang paraan na nagpapahiwatig na wala na siyang puwang para tumakas. Lumapit siya sa kanya ng dahan-dahan, bawat hakbang ay parang isang pagsubok, parang bawat galaw niya ay may nakatagong intensyon. “Tatlong taon,” bulong niya, parang hangin na sumasayaw sa paligid. Hindi siya sumagot. Tahimik lang si Agatha, pilit pinipigil ang tibok ng puso na tila sasabog. “Hindi ka ba marunong magpaalam?” tanong niya, boses niya mababa ngunit may pagmamay-ari. Napatingin si Agatha sa kanya. “Wala po akong dapat ipaliwanag, sir,” sagot niya, tinatangkang panatilihing kalmado ang boses. “Sir.” Parang isang kanto ng salita ang bigat
Read more