Share

Kabanata 11 - Livia

"Hindi, sa katunayan ay maaari nila tayong marinig mula rito ngunit sa salamangkang ginawa ni Monica ay hindi nila tayo maririnig." Napatango naman ako, napatingin naman ako sa paligid ko. Nasaan naman kaya 'yung salamangkang sinasabi ni Leonardo?

"Wala ka talagang makikita dahil parang isang hangin ang ginawa kong salamangka." Napayuko ako sa sinabi ni Monica. Kailan kaya s'ya magiging malumanay?

Tumayo si Prinsipe Lucas. "Sa daan natin itutuloy ang pag-uusap. Mon, panatiliin mo ang ginawa mong salamangka habang tayo ay namimili."

"Masusunod, Mahal na Prinsipe."

Tumayo na si Leonardo at Monica kaya naman tumayo na rin ako. Nakita ko naman si Mathias na masaganang nakain ng tira namin. Napasapo ako sa aking noo, jusko.

Maalikabok ang paligid at puno ng mga tindahan ang kanan at kaliwang parte ng daan. Madungis ang mga batang nagtatakbuhan na titigil at yuyuko kapag nakikita kaming parating na. Nakakahiya ang bawat tingin na ipinupukol nila sa amin lalo na sa akin. Alam kong bago laman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status