Share

Kabanata 10 - Four Different Levels

Bakit may uod? Napatingin ako sa lamesa at nagulat ako sa nakita. Isang mangkok ng uod, piniritong langgam? Yuck! Salagubang ba ang isang 'yun? Hito na parang inesteam? At palaka? Jusmeyo!

Napatingin na lang ako sa itaas, ano ba 'yun? Parang umurong ata ang aking gutom dahil sa nakita. Ang gaganda at kaguguwapo nila pero ito pala ang kinakain nila. Anong bituka ang meron sila?

Napatingin naman ako sa katabi ko ng biglang may narinig akong malutong na pagnguya. Tangay-tangay n'ya ang isang ipis. Sunod-sunod s'yang kumuha sa mangkok at mabilis na sinubo iyon, sarap na sarap si Monica. Napahawak ako sa aking sintido dahil pakiramdam ko ay naliliyo ako sa aking nakikita. Napatingin naman ako kay Leonardo habang hinihimay yung hito. Seryoso ba s'ya d'yan? Luto na ba 'yun?

Napalunok na lamang ako. Ang buong akala ko naman ay makakakain na ako ng ayos ngunit hindi pala. Alam kong sa mundo ng tao ay meron ding nakain ng mga 'yun

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status