Share

Kabanata 17 - Enemy?

Napadako ang mga mata ko sa katawan n'ya. Kulang ang salitang malinis sa porma n'ya ngayon. Tuwid ang tindig nito at mga matang nakakailang. Hindi ko alam kung bakit ganito s'ya tumingin, maganda ang mga mata n'ya pero hindi rin maitatangging nanghuhusga ang mga iyon. Hindi s'ya nagsasalita pero sapat na ang mga mata n'ya para masabi kong pinag-aaralan n'ya ako.

Makapal at maganda ang suot n'yang may kulay na pinagternong puti at maroon. Nakakadadag ng karisma n'ya ang malaki n'yang katawan at maliit na labi. Muli akong napaatras sa aking kinakatayuan.

"Si Leonardo ba ang pakay mo?"

Awtomatikong napalaki ang mga mata ko, bakit kilala n'ya si Leonardo? At bakit alam n'ya kung sino ang hinahanap ko? Lihim akong napamura sa aking isip, bakit kasi kailangan pa nila ako iwan? Timo ang nangyayari ngayon.

"Ipagpaumanhin mo pero wala akong oras na makipag-usap," tugon ko at mabilis na s'yang tinalikuran. Ayokong magkaroon kami ng ugnayan dahil 'yon ang pinakabillin sa akin ng Prinsipe. Saka k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status