Share

Kabanata 21 - Thana

"Ang sabi ng Prinsipe Lucas ay kasama mo raw s'ya Monica," wika nito.

Gusto kong magsalita para makita n'ya ako pero inuunahan ako ng hiya. Napatingin ako kay Monica no'ng ito'y tumayo, dumapo ang mga mata nito sa akin. Nakatingin lang s'ya sa mga mata ko at mayamaya pa ay napa-irap ito.

Tumalikod ito sa akin saka pumunta sa isang bintana at doon dumungaw. Kailan kaya matatanggal ang galit n'ya sa akin? Hindi ko kasi kayang may nilalang na may galit sa akin at sa katotohanan pang lagi ko s'yang makakasama, ang hirap gumalaw.

"Ikaw ba si Cenn?"

Nalipat ang tingin ko sa nagsalitang si Thana.

Napatango ako. "Oo, ako nga."

Sumilay na naman ang ngiti n'ya. "Kung ganoon ay ikaw ang bago naming makakasama sa akademya?" tanong n'ya habang binubuksan ang bag na kanyang daladala.

Hindi ko naman s'ya mapunto dahil ito lang naman ang una naming pagkikita. "Paano mo nakilala ang Prinsipe Lucas?"

Lihim akong napakagat sa aking labi, heto na naman ako sa mga ganyang tanong. Ano isasagot ko? Hindi ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status