Share

Chapter 249

Penulis: MysterRyght
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-25 23:43:55

Margaux

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, parang sa pelikula, at ang unang bumungad sa akin ay ang gwapo at panatag na mukha ni Draco. Nakangiti siya, para bang kanina pa ako hinihintay magising. Para akong nalunod sa titig niya na matamis, puno ng pagmamahal, at tila ba nagpapasalamat na muli akong bumalik sa kanyang mundo.

Bago pa man iyon, bahagya ko nang naririnig ang mga boses sa paligid, malumanay ngunit masigla, kaya hindi na ako nagtaka nang isa-isang sumilip ang mga mukha ng mga mahal ko sa buhay. Parang panaginip na naging totoo.

“How are you feeling, Sugar?” tanong ni Draco habang hinawakan ang kamay ko at marahang hinalikan iyon. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad na kanina lang habang nasa delivery room ako ay damang-dama ko.

Ngumiti ako, kasunod ang pag-angat ng aking kamay papunta sa kanyang pisngi. Kinulong ko ito sa aking palad, sabik na sabik sa presensya niya. Ewan ko ba, natulog lang naman ako ng ilang oras, pero parang ilang taon kaming nagkalayo.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 250

    MargauxNginitian ko si Sam, pilit mang hindi halata, ramdam ko ang kaba at pag-aalangan sa kanyang mukha na parang may kinikimkim na hindi niya alam kung paano sisimulan. Napakagat ako sa labi nang maalala ko kung paano siya bigla na lang sumugod sa meeting room habang nag-uusap kami ng kanyang mga magulang.Galit siya noon, lalo na sa kanyang ama. Akala niya kung ano na naman ang pinagsasasabi ni Kuya Dennis sa akin, pero ang totoo, humingi lang ito ng tawad. Gusto niyang itama ang pagkukulang niya noong mga panahong ako'y iniwan at nasaktan.Pero hindi na nalaman ni Sam ang lahat ng iyon, dahil agad niya akong inalalayan palabas na parang ayaw niya akong marinig o masaktan pang muli. Agad niya akong pinagkatiwala kay Margareth na nakasunod sa kanya.Sinabi ng kakambal ko na hinanap ako ni Sam ng mapansin na wala ako sa office ni Draco kaya sinabi niya kung nasaan ako.“Congratulations sa pagiging Mommy,” ani Sam. Mahina ang kanyang tinig, parang may buhol sa lalamunan. Alam kong hi

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 249

    MargauxDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, parang sa pelikula, at ang unang bumungad sa akin ay ang gwapo at panatag na mukha ni Draco. Nakangiti siya, para bang kanina pa ako hinihintay magising. Para akong nalunod sa titig niya na matamis, puno ng pagmamahal, at tila ba nagpapasalamat na muli akong bumalik sa kanyang mundo.Bago pa man iyon, bahagya ko nang naririnig ang mga boses sa paligid, malumanay ngunit masigla, kaya hindi na ako nagtaka nang isa-isang sumilip ang mga mukha ng mga mahal ko sa buhay. Parang panaginip na naging totoo.“How are you feeling, Sugar?” tanong ni Draco habang hinawakan ang kamay ko at marahang hinalikan iyon. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad na kanina lang habang nasa delivery room ako ay damang-dama ko.Ngumiti ako, kasunod ang pag-angat ng aking kamay papunta sa kanyang pisngi. Kinulong ko ito sa aking palad, sabik na sabik sa presensya niya. Ewan ko ba, natulog lang naman ako ng ilang oras, pero parang ilang taon kaming nagkalayo.

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 248

    Margareth“Bakit ba nandito ka?” tanong ni Margaux, kita sa kanyang mukha ang gulat at kaunting inis. Araw ng kanyang scheduled caesarean section, at kahit alam kong ayaw niyang magkaabala, syempre, nagpunta pa rin ako sa ospital. I mean, kambal kami at hindi ko palalampasin ‘to.“Nung bored ka ay panay ang yaya mo sa akin, tapos ngayon na lalabas na ang mga pamangkin ko ay parang gusto mo silang sarilinin,” tugon kong may halong tampo bilang pang-aasar. Bahagya kong itinaas ang kilay, sabay umupo sa gilid ng kama niya. “Unfair ka talaga.”“Hindi naman sa ganon...” Napayuko siya, hawak-hawak ang tiyan. “Alam kong may pasok ka at–”“Don’t say anything,” putol ko agad sa kanya, marahan pero buo ang boses ko. “Kapatid kita, Margaux. Kambal. Kaya kahit sa moral support man lang ay gusto kong maramdaman mo ako.”Tiningnan niya ako, may kirot sa mga mata niya. Pagod? Takot? Excitement? Baka lahat.“Isa pa,” dagdag ko, “kakagaling ko lang sa school no. Hindi ako basta-basta tatamad-tamad.”“

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 247

    MargarethSobra ang excitement na nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag, pero para akong batang sabik sa field trip.Imagine, pinagpatuloy ko lang ang kursong kinuha ni Natasha na Business Management at hindi ko inakalang magagamit ko ito para hindi lang sa sarili ko, kundi para rin protektahan ang kumpanyang matagal nang gustong angkinin ng iba. Sinadya nila iyon. Pinlano. Kaya pati si Natasha ay kinuha rin ang kursong ito. Pero hindi siya ang nagtagumpay kung hindi ako.At syempre, sino pa ba ang naging tutor ko kundi si Margaux? May iba pa ba na mas karapat-dapat? Siya lang talaga. At ngayon, heto kami ulit, magkasama sa opisina ni Draco. Wala siya ngayon dahil nasa lunch meeting siya sa labas kasama ang isang kliyente. Ayaw niya sanang kami ang maiwang mag-isa rito, pero pinilit na namin siya lalo na at magkasama naman kami.“Sa totoo lang, sa negosyo, nothing is constant,” simulang wika ni Margaux habang tinatapik-tapik ang notebook niya. “You have to be innovative para mag-stay

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 246

    Margareth“Hi, Margaux…” bati ni Sam, may ngiti sa labi ng masalubong namin siya papunta sa opisina ni Draco. Saglit na nagtama ang mga mata namin nang gumanti ng ngiti ang kambal ko.At gaya ng dati, may kung anong dumaan sa pagitan naming dalawa, parang malamig na hangin na dumampi sa balat sa gitna ng mainit na araw. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o ako lang ang nakakaramdam. Pilit ko iyong idinaan sa isang simpleng kibit-balikat. Hindi pwedeng bigyan ng kahulugan. Hindi dapat.Kilala ko siya. Alam ko kung sino siya sa buhay ng kapatid ko.He’s Sam. Margaux’s ex. At pamangkin ni Draco.Ayoko ng complications. Lalo na kung ang posibleng magiging epekto ay hindi lamang sa akin kundi sa kambal kong si Margaux.“Nag-usap kayo ng Tito mo?” tanong ni Margaux habang kinikindatan si Sam.“Ha? Ah—eh… oo.” Medyo alangan ang tono niya, at hindi ko rin pinalampas ang panakaw niyang sulyap sa akin. Parang may gustong sabihin pero pinipigilan. O baka naman nagkakamali lang ako?“Ok

  • Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle   Chapter 245

    MargarethNag-aaral na ako ngayon, at masasabi kong ibang-iba talaga ang mundo kapag may pera. Para bang lahat ng proseso ay biglang naging madali. Walang pila, walang abala, at lalong walang tanong-tanong.Isang kumpas lang ng kamay, ayos na lahat. Hindi ko maiwasang mapaisip… kung hindi kaya ginamit nina Natasha ang identity ko noon, mararanasan ko rin kaya ang ganito?Pero siguro nga, dapat na rin akong magpasalamat. Dahil sa ginawang ‘yon, nabura na rin ang pangalang “Elen Moncidad” at pinalitan lang ng Margareth Pinto. Salamat na lang din sa hospital records at sa DNA test na nagpapatunay na hindi ako isang palaboy na napulot lang sa lansangan, kundi tunay ngang bahagi ng pamilyang ito.Tapos na ang gulo. O kung hindi man tuluyang tapos, ay bahagyang lumamig na ang unos. At ngayon, narito ako bilang isang estudyanteng masaya, pero may kaunting kaba sa dibdib.Hindi kasi madali. Aminado akong hirap ako noong una. Hindi naman kasi ako ‘yung talagang pumapasok dati sa eskwelahan. No

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status