Margaux
“Okay, tapusin niyo na ang mga dapat niyong tapusin. Kahit na midterm pa lang ay maigi nang handa kayo sa lahat, tandaan niyo graduating na kayo.”
“Yes ma'am!” sabay sabay na tugon ng aming klase sa paalala ng aming prof.
“Okay, dismissed.” Lumabas na ng silid si Ms. Cruz kaya nag sitayuan na rin ang mga kaklase ko.
Ako naman ay nanatiling nakaupo sa aking upuan at humarap sa labas ng bintana at nagsimulang tumanaw sa malayo.
Biglang nagbalik sa alaala ko ang lahat ng naging pag-uusap namin ng lalaki ng magising kami kinaumagahan…
***
Idinilat ko ang aking mga mata at nag-unat. Nagtaka pa ako kung bakit parang ang sakit ng aking katawan. Pumikit ulit ako dahil sa pagsalakay ng bahagyang sakit ng ulo.
Doon ko naalalang uminom nga pala kami ni Yvonne. Tapos ay umalis ito at nagpaiwan ako.
Parang rumaragasang tubig sa batis na nagsidaluyan ang mga nangyari. Agad akong napaupo at nasabunutan ang aking sarili.
“Judging with your action, mukhang naalala mo ang nangyari kagabi.”
Ang bilis ng naging pagpaling ko ng tingin ng marinig ko ang napakamachong tinig ng isang lalaki.
Napanganga ako ng makita kong nakatayo ang isang malaadonis na lalaking nakatingin ngayon sa akin hawak ang isang tasa ng kape na inilapag niya sa mababang cabinet na sinasandalan niya.
Hindi ko maiwasang mapalunok ng lumakad ito palapit sa akin.
“Good morning, Sugar.”
Huwaaaatttt!! Ano daw?
“E-Excuse me?”
“Don't tell me nakalimutan mo na agad ang tawagan natin,” sabi niya ng makaupo na ito sa kama.
“Wait, anong tawagan?” tanong ko na sigurado akong nakataas na ang mga kilay. “May boyfriend ako.”
Well, alam ko naman na wala na kami para sa kanya. Still, wala pa kaming formal break up.
Napansin kong tila nagtagis ang kanyang bagang kaya nakaramdam ako ng takot. Baka kriminal pala ang lalaking ito tapos ay isinuko ko sa kanya ang Bataan at pinasipsip ko ng aking mga pasas!
“I'm not a criminal or whatever running in your head.”
Nababasa niya ang iniisip ko?
“Kitang kita sa mukha mo. And let me tell you this, hindi ko kayang saktan ang sugar ko. Lalo na kung ipagpapatuloy mo ang pagtawag sa akin ng cupcake.”
“C-Cupcake?” Saan nanggaling yon? Nakakaloka! I admit alam ko ang mga nangyari kagabi at nagustuhan ko naman ‘yon. Pero yung cupcake?
Doon ko lang naalala ang lahat. Kung paanong sarap na sarap ako sa bawat gawin niya sa akin, sa buong katawan ko at kung makasabi pa ako ng more ay ganon na lang. Bigla ko ring naalala ang pa-cupcake ko na inamin naman niyang nagustuhan niya. At take note, naalala ko rin na sinabi kong gusto ko ang sugar!
“Yes, cupcake. From now on, you’re mine.”
“Ano? Hindi pwede!” Muli, napansin ko ang pagtatagis ng kanyang bagang dahil na rin sa pagtigas ng kanyang panga. Halatang halata sa itsura niya na nagpipigil siya ng galit lalo at biglang naningkit ang kanyang mga mata.Nakaramdam ako ng takot at bigla kong nahila ang kumot para lalong matakpan ang aking katawan. Ano ba itong napasukan ko? Sana pala ay sumama na ako kay Yvonne kagabi.
Umangat ang kamay ng lalaki at sinundan ko iyon ng tingin. Nanigas ang buo kong katawan ng makarating iyon sa aking pisngi at tsaka marahang hinagod. Napapikit ako dahil sa takot kahit na masarap sa pakiramdam ang ginagawa niya.
“Open your eyes sugar,” sabi niya kaya naman nag-aalangan kong idinilat ang aking mga mata. “Whether you like it or not, you are mine. Kung may boyfriend ka, I don’t care as long as he doesn’t touch you or I’ll cut his hands off.”
“N-No—”
“You were saying, sugar?” tanong niyang nakataas ang mga kilay habang hinahagod ng kanyang hinlalaki ang aking mga labi. Nakakatakot siyang tignan, hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko.
***
“Hoy! Ano’t tulala ka dyan?” napaigtad ako ng bigla akong kalabitin ni Yvonne. “Kanina pa kita tinatawag hindi ka tumitingin, wala na ang prof niyo, lika na!”
Hinila na niya ako kaya naman tuluyan na akong napatayo at napasunod na sa kanya. Ilang araw na ng mangyari iyon at nagdahilan lang ako kay Yvonne at kay Mommy kinaumagahan at sinikap na wala silang mahalata. Mabuti na lang at puro nasa katawan ang mga kiss mark na iniwan sa akin ng lalaking ‘yon kaya tagong tago sa damit ko.
Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko naman na siguro siya makikita pa lalo at mukha siyang ibang lahi kahit na marunong siyang manalog. Baluktot nga lang.
Dinala ako ni Yvonne sa canteen para kumain at tuluyan ko ng iwinaglit sa isipan ko ang lalaking ‘yon na hindi ko na inalam ang pangalan. Itago ko na lamang siya sa code name na “cupcake”. Eeewww… ang corny!!
Hello!!Thank you so much po sa inyong suporta.Sa mga nagbigay ng gems, likes, comments at gift share, maraming, maraming salamat po. Hindi po ito aabot sa ganito kung hindi dahil sa mga readers na sumusubaybay. Sana po ay suportahan niyo rin po ang iba ko pang mga akda.Nilagyan ko lang ng kaligayahn si Margareth at Sam kaya medyo nadagdagan. Syempre, hindi rin natin dapat pabayaan ang kumpanya na iiwan nila Margaux at Draco. Higit sa lahat, ang happiness din nila Mr. & Mrs. Pinto. Ayaw kong malungkot sila kapag sa Germany na nakatira si Margaux, hehehe...Anyway, thank you po ulit. At kita-kits pa rin po sana tayo sa susunod kong story.God bless sa lahat!!-MysterRyght
MargauxPagkalipas ng isang buwan ay lumipad na nga kaming pamilya pabalik ng Pilipinas. Ang mga biyenan ko ay naiwan pa at isang linggo bago ang kasal ang flight.Sinalubong kami nila Mommy na ang kambal din naman ang agad na nilapitan. Pinagtag-isahan nila ni Dad habang si Margareth ay tila nahihiyang nakatingin sa akin kahit na nga nakangiti pa ito.Umangat ang aking mga braso para yakapin siya. Mabilis naman siyang lumuob sa aking mga bisig. Kasunod ay narinig ko ang kanyang paghikbi.“Hey, what’s wrong?” tanong ko sabay layo sa kanya ng bahagya pero ang mga kamay ko ay nasa kanyang magkabilang balikat.“Nothing, namiss lang kita ng sobra…”“Sus… halos araw-araw tayong nag-uusap thru video call.”“Iba pa rin ang sa personal.” Sa bagay nga naman.Niyaya na kami nila Dad kaya nman sumakay na kami sa SUV. Si Dad sa driver’s seat katabi si Draco habang kami naman nila Mommy, Margareth at ang kambal sa likod.Sa bahay ng aking mga magulang kami tumuloy at nadatnan na namin doon ang mag
Margaux“Cupcake, look!” tawag ko agad kay Draco habang hawak ang cellphone. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinipindot ang message na sinend sa akin ni Margareth. May attachment iyon, isang digital wedding invitation.Agad namang lumapit si Draco. Nakakunot ang noo habang sinisipat ang screen.“Really?” bulalas niya, halatang gulat na gulat. “Is this… real?”Tumango ako pero halata ring litong-lito ako.“Hindi ko rin alam,” sagot ko, napapailing habang muling tinititigan ang invitation na may eleganteng floral border at naka-emboss na mga pangalan: Samuel & MargarethHumigpit ang hawak ko sa phone. “Cupcake… hindi naman siguro… I mean, alam mo na…”Napatingin ako sa asawa ko. At doon ko nakita ang seryosong titig niya, puno ng pag-aalala. Hindi para sa akin, kundi para sa kakambal ko.Ngunit agad din iyong nawala at huminga ng malalim. “Hindi naman siguro, Sugar. Isa pa, kilala natin si Margareth. Alam niya ang buong nakaraan, as in lahat. Hindi siya papasok sa ganitong bagay kung h
SamSa unang pagkakataon, nakita ko siyang walang alinlangan. Walang takot. Walang pagtanggi. Nasa kwarto kami na pinangarap ko na sanang mapuno ng mga alaala naming dalawa at ngayon, magsisimula na ang unang pahina ng kwentong iyon.Magkatapat kami sa paanan ng kama. Tahimik at parehong kabado. Parehong alam kung anong maaaring mangyari, pero mas nangingibabaw ang kagustuhang maramdaman ang bawat segundo na magkasama.Nakatitig siya sa akin. Sa likod ng mahinang ngiti niya, naroon ang tanong: Handa na ba tayo talaga?At sa titig ko, sana ay nakita niya ang sagot: Oo, pero hindi kita pipilitin.Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Maingat at marahan na parang kinukumpirma pa rin kung maaari. At nang hindi siya umatras, ipinikit niya ang mga mata at sinalubong ang mga labi ko.Ang halik naming iyon ay hindi katulad ng dati. Wala na iyong kilig na paunti-unti. Ito'y halik na humihingi ng pahintulot, halik na may kasamang pangakong “babalutin kita ng pag-aalaga.”Nang alisin ko ang kanyang
MargarethKung may sikreto mang hindi ko nais ibunyag, ito ‘yung sa amin ni Sam.At kung may sikreto mang ayaw kong mawala, ito rin ‘yon.Mula noong gabing hinalikan ko siya, hindi na kami nagbitaw. Hindi man kami lantaran, hindi man kami malaya, pero totoo kami sa isa’t isa. Sa bawat tawag tuwing madaling araw. Sa bawat text message na may simpleng “Ingat ka” o “I miss you.” Sa bawat sulyap kapag nagkakasalubong sa events na kailangan naming magpanggap na hindi kami sobrang close sa isa't-isa, lahat ng iyon ay sa amin.At sapat na iyon. Para sa ngayon.Last sem ko na sa college, at sa dinami-dami ng dapat kong alalahanin, thesis, internship, graduation requirements ay si Sam pa rin ang laging nakababad sa utak ko. Isang mensahe niya lang ay kaya nang pasayahin ang buong araw ko. Isang tawag sa gabi, habang nakasandal ako sa unan, ay sapat nang dahilan para makatulog akong may ngiti sa labi.At kapag nagkikita kami, kahit pa palihim, kahit pa sa loob ng kotse niya habang nakaparada sa
SamHindi ko alam kung paano kong nagawang huminto.Nandyan na. Hawak ko na. Ramdam ko na ang init ng labi niya, ang paglalambot ng katawan niya sa bawat haplos ko, ang unti-unting pagbagsak ng pader na itinayo niya sa pagitan namin mula noon.Pero bigla akong natigilan. Hindi dahil sa pagdududa sa nararamdaman ko, kundi dahil sa tindi nito.Gusto ko siyang halikan. Hindi lang basta halik. Gusto kong damhin siya. Mahawakan siya. Maging dahilan ng bawat paghina ng tuhod niya. Pero hindi ako lumampas. Hindi ako nagpadala.Dahil habang tinititigan ko siya, nakita ko ang kabuuan niya. Hindi lang ang pulang labi, o ang malalambot niyang mata. Nakita ko ang takot. Ang pangamba. Ang pagkalito.At hindi ko kayang samantalahin iyon.Pinikit ko ang mga mata ko, mariin. Napailing ng bahagya. Hindi ako santo, malayo ako roon. Pero sa kanya, gusto kong maging maingat.Dahan-dahan akong lumayo mula sa pagkakayuko sa kanya. Nangangatog ang loob ko, pero pinilit kong manatiling buo. Hindi ako naglaka