Mag-log inSa buong buhay ko bilang estudyante, ngayon lang ako nahirapang huminga nang normal sa loob ng isang classroom.Hindi naman kulang sa hangin. Gumagana pa rin naman ang naghihingalong electric fan sa kisame. Ang problema lang, masyadong mabango ang katabi ko. Bawat galaw ni Mateo Castillejo, tuwing nagbubuklat siya ng pahina ng notebook, tuwing inaayos niya ang kwelyo ng puting polo shirt niya, o tuwing humihinga lang siya nang simpleng paghinga, sumasabog ang amoy ng mamahaling pabango niya sa direksyon ko.Hancel, makinig ka kay Sir Bernardino, saway ko sa sarili ko habang pilit na isinusulat ang mga petsa sa whiteboard. Magiging guro ka. Kailangan mong mag-focus sa kasaysayan, hindi sa katabi mong mukhang pinadala ng Diyos para subukan ang katatagan ng pananampalataya mo.Pero paano naman ako makakapag-focus kung mula sa gilid ng mata ko, kita ko ang perpektong side profile niya? Ang tangos ng ilong, parang pwede kang mag-slide pababa. Ang haba ng pilikmata, mas mahaba pa sa pasensy
HANCEL POVApat na taon ang nakakaraan…Kung may olympics lang para sa pagpigil ng antok habang nakikinig sa alas-dos ng hapong klase, sigurado akong naka-gold medal na ako.Nakatukod ang baba ko sa kaliwang palad ko habang nakatitig sa electric fan sa kisame na parang naghihingalo na sa bagal ng ikot. Mainit at maalinsangan talaga. At sa harapan namin, walang tigil sa pagle-lecture si Sir Bernardino tungkol sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Mahal ko ang kurso ko, pangarap kong maging guro sa Filipino at Panitikan pero Diyos ko naman, kahit si Jose Rizal siguro ay aantukin sa tono ng boses ng propesor namin ngayon."Kaya mga anak," mahabang paliwanag ni Sir Bernardino habang nagsusulat sa whiteboard, "tatlong daan at tatlumpu't tatlong taon tayong napasailalim sa korona ng Espanya. Hindi lang lupain ang kinuha nila, kundi pati ang—"Naputol ang litanya ni Sir nang may kumatok. Sabay-sabay kaming napalingon sa nakasarang pinto ng classroom.Bumukas ito nang bahagya at sumilip
Tatlong taon. Isang pangako. At isang kasalang hindi siya ang bride. Sa loob ng unibersidad nagsimula ang lahat. Si Hancel, isang simpleng dalagang nangangarap maging guro sa Filipino, at si Mateo Castillejo, ang guwapong Espanyol na kaklase niyang pansamantalang tumira sa Pilipinas dahil sa negosyo ng kanyang pamilya. Akala ni Hancel, sapat na ang pagmamahal nila para malampasan ang distansya nang bumalik si Mateo sa Espanya matapos silang makapagtapos ng kolehiyo. Ngunit gumuho ang mundo niya nang matuklasan ang mapait na katotohanan: nakatakda na palang ikasal si Mateo sa anak ng isang mayamang angkan doon. Isang arranged marriage na ni minsan ay hindi nito binanggit sa kanya. Naiwan si Hancel sa Pilipinas na durog ang puso at puno ng katanungan, laro lang ba talaga ang lahat para kay Mateo, o tulad niya ay biktima lang din ito ng dikta ng pamilya? Pilit na niyang ibinabaon sa limot ang sakit nang dumating ang isang pagkakataong hindi niya matatanggihan. Napili siyang maging coac
Amoy ng bagong tabas na damo, pulbos ng chalk, at ang masiglang ingay ng mga estudyanteng naghahabulan sa pasilyo.Nakatayo ako sa tapat ng malaking bakal na gate ng San Isidro High School, mahigpit na yakap ang makapal kong lesson plan at ang isang lumang tote bag. Sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari sa buhay ko, suot ko muli ang simpleng uniporme ng isang guro, isang malinis na cream blouse at itim na paldang hanggang tuhod. Walang dyamante, walang takot, at walang armadong bantay na nakasunod sa bawat galaw ko.Dalawang buwan na ang lumipas mula nang humarap ako sa korte. Kahapon lang, ibinaba na ng hukuman ang pinal na hatol: habambuhay na pagkakakulong nang walang piyansa para kay Wilbert Vanguard. Tapos na rin sa wakas. Tuluyan nang nakasarado ang pinto ng nakaraan."Kinakabahan ka ba, Ma'am Valdemor?"Napalingon ako sa tabi ko. Nakatayo roon si Leobert, suot ang kanyang pormal na polo barong, nakangiti nang malawak habang nakatingin sa akin. Wala na ang bakas ng
Nang tuluyang sumara ang mabigat na bakal na pinto sa likuran ng nagwawalang si Wilbert, tila isang dambuhalang ulap ang biglang nahawi sa loob ng buong courtroom.Tahimik pa rin ang lahat sa loob ng ilang segundo, tila hindi makapaniwala sa nasaksihan. Ang bilyonaryong kinatatakutan ng bansa, ang lalaking laging nakasuot ng mamahaling suit at may malamig na ngiti sa harap ng mga camera, ay tuluyang nagpakita ng tunay niyang anyo sa harap ng hukuman.Malakas na humampas ang mallet ng hukom. "Court is adjourned until further notice! The prosecution and defense will be notified of the next schedule for the continuation of the presentation of witnesses."Kasabay ng pagtayo ng hukom upang bumalik sa kanyang silid, sumabog ang ingay sa buong bulwagan. Nagmamadaling tumayo ang mga mamamahayag, kanya-kanyang pindot sa kanilang mga cellphone at mikropono upang i-report ang nangyari. Sa kabilang mesa, nakayuko lamang ang limang abogado ni Wilbert, mabilis na nagliligpit ng kanilang mga gamit n
Malamig ang mikropono sa harapan ko, ngunit mainit at matatag ang daloy ng dugo sa aking mga ugat.Sa loob ng limang buwan, paulit-ulit na sinabi ni Wilbert Vanguard na walang sinuman ang makikinig sa akin. Na ang boses ko ay walang laban sa bilyun-bilyong piso niya. Ngunit habang nakaupo ako sa witness stand, nakatingin sa hukom, sa mga mamamahayag, at sa halos isang daang taong tahimik na naghihintay sa bawat salitang lalabas sa bibig ko, alam kong nagsinungaling siya.Tumayo ang punong piskal, si Atty. Mendoza, at lumapit sa gitna ng bulwagan."Miss Valdemor," malinaw at mahinahong panimula niya. "Maaari mo bang sabihin sa hukuman kung paano ka napunta sa mansyon ng akusadong si Wilbert Vanguard limang buwan na ang nakakaraan?"Huminga ako nang malalim. Hindi ako tumingin kay Wilbert. Itinuon ko ang paningin ko sa hukom."Hindi ako pumunta roon nang kusa, Your Honor," malinaw na sagot ko, umaalingawngaw ang boses ko sa mga speaker ng courtroom. "Kinuha niya ako mula sa San Isidro l
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw







