LOGINPagod na ang katawang lupa ni Lorraine. Ngunit iyon iyong klaseng pagod na may kasamang saya. Sobrang saya ng puso niya at walang halos mapaglagyan ang saya niya.Iyong tipong kahit sumasakit na ang mga paa niya sa kakalakad, hindi niya pa rin mapigilang ngumiti kapag naaalala niys ang nangyari sa buong araw nila ni Tyron. Nakasandal siya ngayon sa passenger seat habang yakap-yakap ang malaking stuffed toy na napanalunan ni Tyron para sa kaniya.Ang laki talaga ng stuffed toy na to at halos matakpan na nito ang kalahati ng katawan niya. Sa tuwing titingnan niya iyon ay hindi niya mapigilang mapangiti.Hindi dahil sa stuffed toy kundi dahil sa paraan kung paano niya iyon nakuha. Dahil sa isang lalaking halos makipagdigmaan sa game booth para lamang maiuwi iyon para sa kaniya.“You love it huh?” tanong sa kaniya ni Tyron nang makaupo na ito sa driver seat at nakita siya na tinititigan ang laruan.Syempre, sino bang hindi magugustuhan kung pinaghirapan itong makuha diba?Sus, ang sabihin
Hindi alam ni Lorraine kung bakit tila mas kinakabahan siya kaysa kay Tyron, ang lakas ng kabog ng dibdib niya nang sinabi nitong kukunin nito ang stuffed toy. Napakagat na lang siya sa daliri niya. Putek! Hindi naman siya ang sasali sa laro pero bakit kinakabahan siya. Hindi rin siya ang gumagastos bakit parang siya pa ngayon ang namomroblema.At lalong hindi siya ang nakatayo ngayon sa harap ng game booth na parang may personal na laban sa malaking stuffed bear na nakasabit sa gitna. Pero heto siya, nakatayo sa gilid ni Tyron at mahigpit ang kapit sa strap ng maliit niyang purse at hindi maalis ang tingin sa lalaking kasalukuyang nakaharap sa laro.Kailangan niyang panoorin si Tyron at baka kapag natalo ito ay awayin nito ang nagbabantay sa game booth. Natawa na lang siya sa naisip niya.Natatakot ka ba talagang awayin ni Tyron ang nagbabantay o gusto mo lang masigurado na makuha nga ni Tyron? Tudyo ng utak niya. Sus! Palusot ka pa talaga, Lorraine. Mga rason mo talaga, expired na.
Hindi na sana papansinin ni Lorraine ang game booth.Sa totoo lang, masaya na siya sa simpleng paglalakad nila ni Tyron sa loob ng amusement park. Pakiramdam niya nga ay sapat na ang buong araw na iyon para manatili sa alaala niya nang matagal. Kulang na lang ay gawan pa niya ng diary eh, dahil sobrang saya niya talaga. Halos wala na siyang paglagyan ng tuwa niya.Mula nang dumating sila ay para siyang batang muling nakawala sa paaralan pagkatapos ng mahabang linggo ng quizzes at exams. Tuwang-tuwa talaga ang puso niya na pati yata inner child niya ay na-heal ng date nilang to. Ang main point lang naman sana ng date na to is maranasan din ni Tyron ang ganitong experience pero pati siya ay naki-heal na rin ng inner child.Nakailang rides na sila ni Tyron at nakailang tawanan na rin pero parang hindi pa rin sila napapagod. Hindi na yata niya mararamdaman ang pagod kasi parang lamang ang saya at hilo niya ngayon. At kahit ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang bahagyang panginginig ng ka
Hindi na maalala ni Lorraine kung kailan siya huling naging ganito kasaya. Siguro noong bata pa siya, noong wala pa siyang iniisip na trabaho. Noong hindi pa umiikot ang mundo niya sa lesson plans, quizzes, attendance sheets, at mga batang kailangang pagsabihan na huwag magtakbuhan sa hallway.Siguro noon.Ganito nga siguro yong tinatawag nilang adulthood. Yong parang puro trabaho na lang ang iniisip mo. Hindi nakakatuwa pero wala ka rin namang choice kundi magtrabaho kasi kailangan mo ng pera.Pero ngayon, sobrang saya niya. Hindi man lang niya naisip na teacher siya ngayon. Pwede naman sigurong magsaya muna siya diba? Break from work muna, parang ganon. Dahil sa mga sandaling ito, pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging bata.At kasalanan iyon ni Tyron.Tinitigan niya ang salarin kung bakit siya nandito. Wala ring mapaglagyan ang tuwa nito ngayon. Kung gaano siya kasaya ay parang mas double ang tuwa na nararamdaman ni Tyron.Pagkababa nila mula sa carousel ay hindi pa rin nawawal
Hindi alam ni Lorraine kung bakit siya natatawa habang hinihila siya ni Tyron papunta sa pinakamalapit na clothing store sa loob ng amusement park. Siguro dahil sa sobrang excited nitong bumili sila ng pantalon o siguro naman dahil sa ekspresyon nito.Para kasi itong batang nakahanap ng bagong laruan at nakakatawa iyon para sa isang lalaking katulad ni Tyron. Kung may ibang makakakita rito ngayon, malamang hindi nila paniniwalaang ito ang parehong lalaking kinatatakutan ng mga empleyado sa kompanya nito.Ang lalaking walang ngiti sa mga business magazines. Ang lalaking laging seryoso. Dahil sa mga sandaling ito ay parang ibang tao ang kasama niya. Sobrang gaan nito kasama, sobrang saya niya at alam mo yong walang halong pagkukunwari talaga.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak at agad niyang iniwas ang tingin dito. Hanggang ngayon pa rin talaga ay hindi pa rin siya sanay. Hindi pa rin siya sanay sa katotohanang si Tyron mismo ang kusang humahawak sa kaniya.Parang natural lamang
Wala siyang idea kung saan siya dadalhin ni Tyron. Wala rin naman kasi itong binanggit na lugar na gusto nitong puntahan nila. Hindi katulad sa mga past dates nila na sinasabi nito kung saan sila pupunta. Pero ngayon ay hindi man lang siya binigyan nito ng hint.Habang tumatakbo ang sasakyan sa kahabaan ng kalsada ay panaka-naka siyang sumusulyap sa bintana at sinusubukang hulaan ang destinasyon nila. Eh, kaso, hindi niya rin alam ang lugar na dinadaanan nila kaya wala rin siyang napala.Sa una ay inisip niyang baka sa isang mamahaling restaurant gaya dati o baka naman sa isang museum. Posible rin namang sa isa sa mga resort na pagmamay-ari ng kumpanya nito. Kung tutuusin, iyon ang mga lugar na mas bagay sa isang lalaking tulad ni Tyron diba? Elegant at sophisticated at bagay sa status nito sa buhay.Ngunit nang unti-unting lumitaw sa kaniyang paningin ang napakalaking ferris wheel sa di kalayuan, dahan-dahang nanlaki ang kaniyang mga mata. Napakurap pa siya ng ilang beses at baka nam
Napatulala na lamang si Lorraine sa mga narinig niya. Kahit alam niyang tama ang narinig niya na sinabi nito ay parang gusto niyang maging klaro. Parang gusto niya ulit marinig dito ang sinabi nito. Talaga bang ganon ang paningin ni Tyron sa kaniya?Agad siyang napailing. Hindi pwede! Hindi niya da
Hindi pa rin makapaniwala si Lorraine sa narinig niya na sinabi ni Tyron. At higit sa lahat ay hindi niya mapigilang matawa halos sumakit na ang tiyan niya kakatawa. Paulit-ulit pa rin kasing umiikot sa isip niya ang sinabi ni Tyron kanina.
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p







