แชร์

Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)
Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)
ผู้แต่ง: ms.chinita

Chapter 1: Mr. Stranger, I Want You

ผู้เขียน: ms.chinita
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-11-03 12:51:34

Cheska

Napahawak ako sa ulo ko habang unti-unti nang umiikot ang paligid. Pangatlong beses na ring sa akin tumapat ang bote ng beer. Akala mo mga baliw ang buong cheerdance squad habang nagtatatalunan at nagsisigawan, tila bang aliw na aliw sa kalokohan nila. Yung iba pa, walang habas na pinapalo ang braso ko.

Ito na naman kami. Gimmick night. Walang tigil na alak, tawanan, at dare. At heto ako, ang laging talo sa spin-the-bottle. At gaya ng dati, lasing na naman.

“Kainis! Okay, truth!” reklamo ko, nakapamewang pa na para bang kaya ko pang lumaban sa kanila.

Pero agad akong pinutol ni Jules, ang pinaka-maloko sa grupo. “Hep-hep-hep! Ang dami mo nang truth, Cheska. Dare ka naman ngayon.” Nakasimangot ako pero nang sundan ko ang direksyon ng kanyang daliri, muntik na akong mabilaukan. “Ayun oh, yung guy na mag-isa sa VIP table. I dare you to kiss him… and then sabihin mo sa kanya na hindi siya marunong humalik.”

Nalaglag ang panga ko. “What?! Hell no!” sigaw ko.

Pero bago pa ako makapalag, ramdam ko na ang kamay nila sa braso ko, hinihila ako papunta sa direksyon ng lalaki. Wala na akong kawala.

“Okay. Fine! Kaya ko na ’to!” singhal ko, kahit na sa loob-loob ko’y bumibilis ang tibok ng puso ko. Seriously? Sa dami ng pwedeng dare, ito pa talaga?

Huminga ako nang malalim, inayos ang buhok at damit, at naglakad papalapit. Habang dahan-dahan akong lumalapit sa misteryosong lalaki, ramdam ko ang bawat hakbang na para bang hinahatak ako sa isang bagay na hindi ko kayang kontrolin.

Naka-upo siya, tila hindi namamalayan ang ingay sa paligid. Ang mga mata niya’y nakatutok lang sa dance floor, parang may kung anong iniisip na malayo sa lugar na ito.

“Hey,” bati ko, pilit pinapakalma ang sarili. Agad niyang iniangat ang paningin niya sa akin, at doon ako natigilan. “You’re alone? Wait, are you single?” prangka kong tanong, wala nang paligoy.

Napansin ko ang bahagyang ngisi sa kanyang labi bago niya inubos ang laman ng baso. “I suppose, I am.” Malamig ang tono ng boses niya. May parang bigat akong nararamdaman.

Broken. That’s the word that immediately came to my mind.

Pero wala na akong oras para kilatisin siya. Naalala ko ang dare. Lumingon ako saglit at nakita ang mga ka-squad ko, lahat sila nakatutok, naghihintay sa susunod kong gagawin.

Bago pa ako ma-guilty, isinampa ko ang aking mga tuhod sa upuan niya at dumiretso umupo sa hita niya. Isang halo ng amoy ang sumalubong sa aking ilong. Ang matapang na amoy ng alak sa kanyang hininga ay humahalo sa kanyang pabango… oasis at sandalwood. Nakakabaliw na amoy.

Kita ko ang gulat sa mukha niya. Pero mabilis din iyong napalitan ng isang seryosong ekspresyon, parang maskarang ayaw niyang tanggalin. At doon ko napansin ang mga mata niya… kulay hazel at tila ba nang-aakit nang walang kahirap-hirap. His gaze was pulling me in, deeper than I was prepared for.

“What do you want?” malamig niyang tanong. Walang halong emosyon, pero ramdam kong sinusuri niya ako.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Wala nang atrasan. Hindi na ako pwede pang umatras sa harap ng mga kaibigan ko. Bago pa maglapat ang aming mga labi, mahina kong bumulong. “I want you.”

At tuluyan na ngang nagtagpo ang mga labi namin.

Ramdam ko ang init ng kanyang hininga. Ang halimuyak ng whiskey at sandalwood ay tila ba gumagapang sa buong sistema ko. Pansin kong nanigas siya, parang hindi makapaniwala sa nangyayari. Pero isang iglap lang, bahagyang gumalaw ang labi niya. Mabagal na tila ba’y hinuhubaran ako sa bawat galaw ng kanyang labi. At doon ako natigilan.

Mas magaling pa siyang humalik kesa kay Kier.

Sh*t.

Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman kong baka madala na ako. At bago pa ako tuluyang matangay, agad ko siyang itinulak nang marahan. Pinilit kong ngumisi, pilit pinatitigas ang boses kahit nanginginig.

“Y-you’re not a good kisser,” sambit ko, kahit halatang hindi kapani-paniwala ang tono ko.

Tumawa siya. Isang malalim, malamig na halakhak na tila puno ng pagdududa, na parang naglalaro sa tenga ko. “Are you sure?” tanong niya, nakatitig diretso sa’kin, para bang hinahamon ako na ulitin pa.

Nairita ako bigla. Umirap ako at mabilis na tumayo. Hindi ko na siya nilingon.

Pagbalik ko sa mesa, sumabog ang tilian ng buong squad. Ang iba halos mahulog sa sahig sa kakatawa. Yung iba naman, tuwang-tuwa na parang nanalo ng jackpot.

Ako? Hindi ako makatawa.

Kasi sa kabila ng lahat, ramdam ko pa rin ang init ng labi niya… at ang titig niyang hanggang ngayon, hindi ko matanggal sa isip ko.

Bago pa magsimula ang panibagong round ng laro, biglang nag-vibrate ang phone ko. Nasilip ko sa screen, si Kier.

Napasinghap ako at agad tumayo. “Guys, wait lang ha. Sagutin ko muna ‘to,” paalam ko, bago dumiretso palabas ng bar.

Pagka-swipe ko ng tawag, agad kong narinig ang boses niya.

“Hey, babe! Kasama mo pa ba sila? Nasa kabilang bar lang ako. Gusto mo ba sunduin na lang kita para sabay tayong tumambay dito?”

Napatingin ako pabalik sa loob kung saan patuloy na nagtatawanan at nag-iingayan ang squad. Hindi ko pa gusto umuwi. At least kung si Kier ang kasama ko, safe naman siguro.

“Okay,” sagot ko, kahit may bahid ng pag-aalinlangan. “Diyan ka na lang, diretso nalang ako diyan.” 

Pinatay ko ang tawag at bahagyang napangiti, pilit na binabalewala ang kaba sa dibdib ko dahil sa nangyari kanina. At ‘yun na ang huling malinaw na natatandaan ko.

Pagdilat ng mga mata ko, napabalikwas ako ng bangon. Hindi pamilyar ang silid na bumungad sa akin, malapad ang kama, puti ang mga kurtina, at amoy hotel ang paligid. Ang mas ikinabigla ko?

Si Kier. Nakahiga siya sa tabi ko at sobrang himbing ng tulog.

At ako—nakahubad. Walang saplot mula taas hanggang baba.

Halos hindi ako makahinga. Nanlamig ang kamay ko habang pinipilit kong maalala ang mga sumunod na nangyari matapos kaming magkita kagabi. Mga putol-putol na imahe lang ang pumapasok sa isip ko… alak, tawanan, ang kamay ni Kier na nakahawak sa baywang ko… ang pagkaka-lean ko sa dibdib niya… pero hanggang doon lang.

“May nangyari ba talaga?” bulong ko sa sarili ko, ramdam ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Kinapa ko ang kumot at lalo kong itinatakip sa katawan ko. May kakaibang init na gumapang sa pisngi ko habang pinagmamasdan ko siya. Parang gusto kong itanong nang direkta, pero natatakot ako sa magiging sagot.

Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya.

Bigla—

Tumunog ang phone ko, malakas at sunod-sunod na vibration na para bang may sunog. Napahinto ako, mabilis na dinampot iyon sa gilid ng kama. Si Kuya Calix.

Kinabahan ako. Hindi pa ako nakaka-recover sa pagkabigla, pero napilitan akong sagutin.

“Cheska! Nasaan ka na?! Bakit hindi ka umuwi kagabi?!” malakas na boses ni Kuya agad ang bumungad, puno ng pag-aalala at galit.

“Kuya… Eh… Ah k-kasi—” nauutal kong sagot, pilit na hinahanap ang tamang salita.

Bago pa ako makapagpatuloy, gumalaw si Kier sa tabi ko. Kinukusot-kusot pa ang kan’yang mata, halatang bagong gising.

“Argh! Ang aga-aga n’yo namang magbangayan. Pwede bang mamaya na ‘yan??” reklamo niya, at halos ibaon pa ang unan sa mukha niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata ko.

“Cheska?!” Sigaw ni Kuya Calix, mas lalo pang tumindi ang tono ng boses niya. “Sino ‘yung lalaki?! Nasaan ka ngayon? Sabihin mo sa’kin at susunduin kita!”

Kinapalan ko na ang mukha ko at sa taranta, bigla kong pinindot ang end call bago pa masabi ni Kier kung nasaan kami. Nanginginig ang kamay ko habang mabilis na hinagilap ang mga damit ko at nagsuot nang wala sa ayos.

Kailangan kong makaalis. Ngayon na.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, mabilis akong lumabas at bumaba sa hagdanan. Habang papalapit sa first floor, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

Pagdating ko sa dulo ng hagdan, bigla akong natigilan.

Naabutan kong may lalaking nakaupo sa may sala. Nakaupo siya nang relax sa sofa, may hawak na tasa ng kape at nakabukas ang dyaryo. Parang hindi siya nababahala sa ingay namin ni Kier kanina sa taas.

Nakasuot siya ng simpleng itim na t-shirt, pero litaw ang porma at aura niya. Ang presensya niya, malamig pero mabigat… para bang siya talaga ang may-ari ng bahay na ‘to.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang dahan-dahan niyang ibaba ang dyaryong hawak.

Hazel eyes.

Cold and unreadable stare.

Parang pinutol ang hininga ko. TANGINA.

Ang misteryosong lalaki sa bar kagabi.

Ang lalaking hinalikan ko sa harap ng buong squad!

Ramdam ko ang pamumuo ng kaba sa sikmura ko. Para bang gusto ko na lang lamunin ng lupa at maglaho. Ngunit taliwas sa pagkalito at takot ko, nanatiling walang reaksyon ang lalaki. Nakaupo pa rin siya, tahimik, diretso lang ang titig sa akin na parang hinuhukay ang kaluluwa ko.

“W-what… what are you doing here?” nauutal kong tanong, halos hindi makatingin nang diretso.

Walang sagot. Wala ni isang galaw. Para bang sinadya niyang pahirapan ako sa katahimikan niya.

Pero bago pa man siya makapagsalita, bumaba mula sa hagdan si Kier, n*******d pa ang pang-itaas at inaantok ang itsura.

“Oh, Dad. Nakauwi ka na pala? I thought magtatagal ka pa sa province?” kaswal niyang sambit.

Para akong binatukan ng buong kalawakan. Napalingon ako kay Kier, sabay balik ng tingin sa lalaki.

“D-DAD?!” halos pasigaw kong bulalas, ramdam ang pamamanhid ng katawan ko.

Hindi ko alam kung mas matatakot ba ako o mahihimatay na lang sa hiya.

Ang misteryosong lalaking hinalikan ko kagabi… siya pala ang daddy ng boyfriend ko.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 9: I Care About Her

    Mateo“Cheska,” tawag ko, pero dumiretso lang siya, nakayuko, abala sa cellphone niya.“Cheska,” ulit ko, mas malakas na ngayon. Doon lang siya tumigil at lumingon sa’kin.“Oh, good morning, Mr. Serrano,” bati niya, puno ng sigla. Tinanggal niya ang isang earbud, sabay ngiti. ’Yung tipong masyadong maaliwalas para sa ganitong oras ng umaga.“Morning. Aga mo ngayon,” sambit ko habang pilit ikinakalma ang sarili ko. Kahit may bahid ng inis sa loob, pinilit kong magmukhang composed.“Naalala ko kasi ‘yung sinabi n’yo last Friday. Sabi ko, siguro nga dapat magbago na ‘ko,” tugon niya, may kumpiyansa sa boses. Tumuwid pa siya ng tayo, parang proud na proud sa sarili.She’s cute.“Good,” maikli kong sagot, sabay tango. Hindi ko mapigilang mapangiti nang bahagya.Maglalakad na sana siya paakyat ng hagdan, pero muli ko siyang tinawag.“Uhm... how are you?” tanong ko, habang idinantay ang kamay sa railing, bahagyang humarang sa daraanan niya.“Okay naman po, especially for a Tuesday,” sagot ni

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 8: A Problem Mateo Didn't Need to Solve

    Cheska“Guys, luto na! Tara, kain na!” sigaw ko habang inaayos ang mga plato at kubyertos sa mesa. Napangiti ako, proud na proud sa sarili ko sa kinalabasan ng niluto ko. Ang bango ng sinigang, grabe.“Coming!” sigaw ni Kai mula sa kung saan sa bahay, halatang excited.Kinuha ko ang sandok at dahan-dahan kong isinilid sa bawat mangkok ang mainit na sabaw. Sumama agad ‘yung amoy ng sampalok at sili sa hangin… ‘yung tipong kumakapit sa ilong mo at nagpapagutom nang todo. Nilagay ko ‘yung mga piraso ng baboy, tapos sinabayan ng kangkong at sitaw. Ang sarap tingnan, lalo na’t umuusok pa.“Ano’ng niluto mo?” sigaw naman ni Caleb mula sa sala, curious ang tono.“Sinigang na baboy!” sagot ko pabalik, may halong yabang sa boses. Ilang segundo lang, narinig ko na ‘yung mga yabag nila papunta sa kusina, parang mga batang gutom na gutom.Wala pang limang segundo, ayun na sila, nakaupo sa mesa, mga nakangisi, at halatang ready na sumugod sa pagkain.“The best talaga ang luto mo,” sabi ni Kai, sab

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 7: I Want You Inside Me, Mr. Tutor

    CheskaPapalabas pa lang ako ng kwarto ay sumalubong na agad sa akin ang mabangong amoy ng tuyo, mukhang masarap ang agahan namin ngayong araw kaya dali-dali akong tumakbo papasok ng kusina. Nadatnan kong nagluluto si Calix at Kai, habang si papa naman ay naka-upo na sa hapag."Good morning, anak. Dadating nga pala mamaya ang tutor mo, si Mr. Velasco. Siguraduhin mong makikinig ka ng maayos sa mga ituturo n’ya sayo," sabi niya na may seryosong mukha. Tumango lang ako."Opo, Papa," sabi ko, sabay ngiti at upo sa mesa.“He’s a good guy,” sabi niya, may bahagyang ngiti. “At oo nga pala, nakakagulat ‘yung tungkol kay Damian, ha? Professor na siya sa San Elíseo? Alam mo ba anak matagal ko na yang kilala si Damian at hindi ko naman din inaakalang stepdad pala s’ya ni Kier.”“Last time ko lang din s’ya nakilala in person nung bumisita ako sa bahay nila Kier,” sagot ko habang naglalagay ng sinangag na kanin sa plato ko. “Paano po pala kayo nagkakilala?”Binuklat ni Papa ‘yung diyaryo niya. “N

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 6: Unexpected Wild Night

    AxelMarahan akong nag lakad papasok sa loob ng bahay ni Damian, maingat na huwag masagi ang kahit ano.Si Damian kasi, sobrang metikuloso sa gamit niya. Kahit konting kalat lang, siguradong mapapansin niya.Pagpasok ko sa kusina, andoon si Oliver, may hawak na beer. “Grabe, bro, this has been a rough week,” sabi niya sabay abot sa akin ng bote, may pilit na ngiti sa labi. “Sobrang gulo sa San Elíseo. Hindi nakapagtataka kung bakit umalis ‘yung dating principal.”“‘Yung student na si Cheska, parang may lihim na galit sa inyo,” natatawa kong panimula, habang binubuksan ang beer ko.Naalala ko kasi nung una ko siyang makilala sa library… mahinhin, tahimik, at sobrang cute. Nagkakandautal pa nga siya nung masalo ko. Pero nang makita ko ulit siya kasama sila, ibang-iba na. Parang may switch na nag-flip, naging palaban at mataray.“Nakakapagtaka tuloy kung bakit ang bilis niya akong tanggihan bilang tutor niya…” sambit ko, napakunot ang noo. “Isang taon na niyang ayaw sa ‘kin. Ni ako, di

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 5: Clashing With The Four

    CheskaFriday na. At grabe, parang isang buwan na ang lumipas sa bagal ng linggong ‘to.“Ms. Vega!”Napalingon ako kay Mr. Serrano, halatang inis na inis na naman. “Nabasa mo na ba ‘yung librong pinagbilinan ko sa’yo?”Libro? Anong libro? Wala akong matandaan na may pinabasa siya.“Uh, hindi po. Wala po akong idea na may babasahin pala—”Biglang natahimik ang buong klase. Lahat nakatingin sa’kin. Sakto namang pumasok si Kai, late as usual, pero hindi siya pinansin ni sir.“You mean to tell me,” madiin niyang sambit, “na hindi mo kinuha ‘yung Noli Me Tángere sa library nung Wednesday after class?”Napailing lang ako. “Hindi ko po alam na kailangan pala ‘yun, sir. Akala ko po ibang libro ‘yung ifo-focus natin this year.” Hinugot ko pa ‘yung maling libro sa bag ko, para may pruweba.“So you thought I’d let you off easy?” tanong niya, may halong inis at sarcasm.“Hindi po, sir. Ang ibig ko lang pong sabihin—”“Enough. Kumuha ka ng pass sa desk ko, pumunta ka sa library, at kunin mo ‘yung

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 4: Should I Drop Out??

    CheskaSobrang malas ko talaga ngayong school year.Una, si Damian.Pangalawa, si Mr. Serrano.At ngayon, may bago na namang dagdag sa listahan ng mga taong gusto ko nang iwasan habambuhay, ‘yung bagong dean na aakalain mong galing sa impyerno sa sobrang sungit.Pakiramdam ko tuloy, sinasabotahe ako ng tadhana. Lutang akong naglalakad sa hallway, halos hindi ko na namamalayan ang mga taong dumadaan sa gilid ko. Hanggang sa… bam! may nabangga akong matigas.“Cheska!” sigaw ng pamilyar na boses. Pag-angat ko ng tingin, si Kai pala, nakangiti habang hawak ang kan’yang binder. “Anong next class mo? Sino professor mo?” tanong niya, parang laging may energy kahit hapon na.Napangiwi ako at agad kong hinanap ang phone ko sa bag. “Mmm… Precalculus with…” napahinto ako, tiningnan ang schedule, at napa-angat ang kilay. “Um, walang nakalagay na pangalan ng professor eh,” sabi ko, sabay pakita ng screen kay Kai.“Oh, baka ‘yan ‘yung bagong prof na sinasabi nila. Room 213, tama?” tanong niya. Tuma

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status