LOGINCheska
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
“Cheska?” nagtatakang tawag ni Kier habang bumababa mula sa hagdan. Paglapit niya sa amin, kaswal pa siyang nakangiti, walang kamalay-malay sa tensyon sa pagitan namin ng tinatawag n’yang dad.
“Babe, this is my stepdad, Damian Delmar. Dad this is Cheska, my girlfriend.”
Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. Ang mga salitang iyon, paulit-ulit lang na umuugong sa isip ko. Stepdad.
Si Damian… si Damian Delmar. Ang misteryosong lalaking bigla ko nalang hinalikan kagabi.
Para bang gusto kong mahulog na lang sa sahig. Nakatingin lang ako sa kanya, at sa halip na magulat o magpaliwanag, ngumiti lang siya… isang kalmadong, halos nakakainis na ngiti.
Sh*t. Sasabihin n’ya ba kay Kier ang nangyari sa amin kagabi? Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat kay Kier.
“Hi, Cheska,” magaan niyang bati, parang wala lang nangyari kagabi.
Napalunok ako. “H-hi po,” halos pabulong kong sagot, pero halos hindi lumabas ang boses ko. Nanlalambot na ang mga tuhod ko, parang anumang sandali ay bibigay na lang ako.
“Dad, sorry ah,” sabat ni Kier, nakangiting pilit. “Nakainom kasi kami kagabi, baka may tama pa ng alak ‘to si Cheska. Hindi pa siguro gising nang maayos.”
Napatingin ako kay Kier, pilit kong pinilit ang sarili kong ngumiti pero walang lumabas na kahit anong maayos na reaksyon. Gusto kong magpaliwanag, gusto kong magtago, gusto kong maglaho.
“Uh—I, I should go,” nauutal kong sambit sabay talikod. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Kier o ni Damian.
Halos matisod ako sa pagmamadali palabas ng bahay. Ramdam kong namumula ang mukha ko sa hiya, at kahit malamig ang simoy ng umaga, parang nilalagnat ako sa tensyon.
Pagkalabas ko ng gate, mabilis akong naglakad. Buti na lang, ilang kanto lang ang pagitan ng bahay namin. Simula nang naging kami ni Kier, madalas na akong pumupunta ro’n, pero ngayon ko lang nalaman kung sino talaga ang stepdad na madalas nyang makwento sa akin.
Damian Delmar.
Ang lalaking hinalikan ko kagabi.
Ang stepdad ng boyfriend ko.
Napahawak ako sa noo, pilit pinapakalma ang sarili. Sa isip ko, naglalaro ang mga kwento ni Kier noon, na matagal nang hiwalay ang mama niya at ang stepdad niya, na iniwan siya ng mama nya at si Damian na lang ang nag-alaga sa kanya. Pero kahit kailan, hindi ko pa siya nakikita.
At gano’n pa talaga ang unang pagkikita namin.
Habang tulirong naglalakad, biglang huminto sa tabi ko ang isang itim na kotse. Bumaba ang tinted window, at halos manlumo ako nang bumungad ang mukha ng Kuya Calix ko. Wala pa siyang sinasabi pero ramdam ko na agad ang bigat ng galit at pag-aalala sa mukha niya. Magsasalita na sana ako nang bigla syang bumaba at mabigat ang bawat hakbang papalapit sa akin.
“Get in the car,” malamig ngunit puno ng pag-aalalang wika ni Kuya.
Tahimik lang akong sumakay, ni hindi ko magawang tumingin sa kanya. Ang tanging naririnig ko lang ay ang ugong ng makina at ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Ilang minuto ang lumipas bago siya muling nagsalita. “Cheska, can you please stop this bullshit?” mariin ang tono ng kanyang boses, ngunit halata ang pag-aalala sa ilalim nito. “’Di pwedeng ganito ka na lang palagi. Naiintindihan naming lahat na nasaktan ka ng sobra simula nang mawala si Mama, pero sobra-sobra na ’to. Halos gabi-gabi ka nalang umiinom kung saan-saan. Ni hindi mo pa magawang magpaalam sa amin ni Papa. Ka-babae mong tao!”
Napakapit ako sa tuhod ko. ’Yung tono ng boses niya, ’yung galit na pilit niyang tinatago sa ilalim ng pag-aalala, ang sakit marinig. Pero mas masakit maramdaman na para bang wala silang naiintindihan.
“Seriously?” napatawa ako ng mapakla habang unti-unting may namumuong luha sa mga mata ko. “I’m 23 years old already, alam ko ang ginagawa ko. Eh ikaw? Always acting like the ideal son, umaarteng responsable, para lang mapaboran ka ni Papa? Tangina, nakakasuka!”
Narinig ko siyang napalunok, parang nagpipigil ng salita. Sandali siyang napatingin sa’kin bago ibinalik ang tingin sa kalsada.
“Cheska, this is not about me—”
“Hindi ba?” mabilis kong putol, ramdam kong kumukulo na ’yong dugo ko. “Eh ’di ba ikaw naman talaga ’yong perpekto sa ating dalawa habang ako ’yong palpak na anak? ’Yong laging nagdadala ng kahihiyan sa pamilya?”
“Hindi ’yan totoo,” sagot niya agad, pero halatang apektado. “Ang gusto ko lang ay ’yong makakabuti para sa ’yo.”
Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Hindi ko na alam kung galit pa ba ako o pagod lang. Ang hirap. Parang kahit anong paliwanag ko, lagi akong mali sa paningin nila.
“Alam ko…” mahina kong sabi, halos pabulong. “Pero sana naman intindihin n’yo rin ako. Okay ako, Kuya… gusto ko lang, tanggapin ninyo ni Papa kung sino at ano ako ngayon.”
Muling binalot kami ng katahimikan. Tanging tunog ng biglang buhos ng ulan sa windshield at ang mahinang paghinga namin ang maririnig. Sa bawat patak ng ulan, parang naririnig ko si Mama. Naalala ko kung paano niya kami pinagsasabihan dati kapag nag-aaway kami ni Kuya… pero ngayong wala na siya, parang lahat ng sigaw at galit namin, walang humahadlang.
Tama naman si Kuya. Simula nang mawala si Mama, nawala rin ako. ’Yong dating ako… ’yong masayahing Cheska na puno ng plano sa buhay, unti-unting naglaho. Hindi ko naman ginusto, pero sa bawat araw na dumadaan, mas madali na lang maging ganito… uminom, magpanggap na okay, at makalimot kahit sandali.
“Sorry, Kuya…” mahina kong sabi, pinahid ko ang luha ko bago pa niya mapansin. “Hindi ko sinasadya.”
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. “Okay lang ’yun,” mahinahon niyang sagot, sabay tapik sa balikat ko. “Nandito lang si Kuya. Tara na, umuwi na tayo. Hinahanap na tayo ni Papa.”
Tumango lang ako. Pinilit kong ngumiti, kahit ramdam kong mabigat pa rin ang dibdib ko. Sa labas ng bintana, tuloy-tuloy ang ulan… parang ayaw din akong tantanan ng mga alaala ng kagabi. At kahit pilit kong nilalabanan, hindi ko pa rin maiwasang bumalik sa isip ko ang mukha ni Damian Delmar… ang lalaking akala ko ay isang estranghero lang sa bar, pero ngayo’y hindi ko na alam kung paano ko haharapin kapag muling nagtagpo ang mga mata namin.
CheskaKinabukasan, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Guilt. Excitement. Takot.Kailangan ko ng alak. Kailangan ko ng girls' night nina Stephanie at Lizzie para lang malimutan ang nangyari sa park."Grabe kahapon, ang laki ng kinita natin sa bake sale," sabi ni Stephanie sabay tungga ng shot.Huwag niyo nang banggitin ang bake sale. Naaalala ko lang ang mga kamay nila sa balat ko. Nakakatakot na nagiging ibang tao ako kapag kasama ko sila. Nawawala ang wisyo ko."Sobra, hindi ko akalain na ganun karami ang bibili," dagdag ni Lizzie habang umiinom ng wine cooler.Paano namang hindi kikita, eh
DamianDapat ay tumalikod ako. Dapat ay naglakad ako palabas ng bahay na iyon at hindi na muling lumingon. Dapat ay nagmaneho ako pabalik sa trabaho at kinalimutan ang lahat. Pero hindi ko ginawa.Hawak ko ang journal na ito habang pilit na inuukit ang bawat kasalanan ko sa papel. Ito lang ang paraan para hindi sumabog ang utak ko.Hindi ko siya dapat hinawakan. Hindi ko dapat ipinasok ang mga daliri ko sa masikip at basang-basa niyang pagkatao. Pero ginawa ko. Ninamnam ko ang bawat patak ng tamis niya. Dinilaan ko ang sarili kong mga daliri hanggang sa malinis ang mga ito, tinitikman ang ebidensya ng pagsuko niya sa akin.Mali ang lahat ng ito. Pero sa bawat haplos ko sa kanya, pakiramdam ko ay doon lang ako naging buhay.Sariwa pa sa isip ko ang itsura niya. Ang mukha niyang punong-puno ng sarap. Ang mga mata niyang nakatitig sa kawalan habang nilulunod ko siya sa sensasyon. Gusto ko siyang angkinin hanggang sa ang pangalan ko na lang ang tanging salitang alam niyang bigkasin.Isina
CheskaHalos matapos na ang period ni Mr. Serrano nang makarating kami. Himalang hindi siya nagalit. Inabutan lang niya ako ng listahan ng mga cookies na nagawa namin at ang goal para sa araw na 'to.Nang tumunog ang bell, sinenyasan niya ako na lumapit."Una na kayo. May gagawin lang ako," bulong ko kay Kai habang mabilis na lumalabas ang mga kaklase ko."Kukuha ka lang ng d—"Pinigilan ko siya at kinurot nang madiin sa braso. "Subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo. Alis!""Opo na, boss." Lumabas na si Kai habang tumatawa."Yes, Mr. Serrano?" tanong ko habang nililigpit ang gamit ko."Siguraduhin mong nasa student store ka on time. Huwag kang male-late gaya ng ginawa mo sa klase ko ngayon."Tumango ako, ramdam ang bigat ng titig niya. "I understand. Maaga sana ako kung hindi lang dahil sa mga hormones ng kuya ko at ni Kai na nagkakalat kung saan-saan."Tumawa siya nang mahina. "Go to class, Cheska.""Yes, sir." Nag-salute ako sa kanya at narinig ko pa ang tawa niya hanggang sa makal
CheskaKamartesan na kung kamartesan, pero sawang-sawa na ako. Huwebes pa lang pero pakiramdam ko katapusan na ng mundo. Isang buwan na sa school pero ‘yung grades ko, parang hininga ni Kier—amoy failure.Speaking of Kier, nakakasuka na. Gets ko namang girlfriend niya ako, pero wala na ba siyang ibang alam gawin kundi gawing Rated R ang lahat? Nakakapagod maging object ng obsession ng isang taong utak-itlog."Cheska, work on your essay," untag sa akin ni Mr. Velasco.Nabali ang iniisip ko. Nakapaligid silang apat sa akin sa loob ng bahay ni Mr. Serrano. Dapat ay pinag-uusapan namin ang school fundraiser para sa laro bukas, pero heto ako, nakikipagtitigan sa puting screen ng laptop ko para sa Noli Me Tang
CheskaAkala ko sa mga teleserye lang uso yung mga babaeng parang ipinanganak na may korona sa ulo. Yung tipong titingnan ka mula ulo hanggang paa na parang isa kang maduming mantsa sa mamahalin nilang carpet. Hindi ko alam na nage-exist pala sila sa totoong buhay hanggang sa sandaling ito.Nakatayo siya sa harap ko. Blonde. Nakaangat ang baba. Ang mga mata niya, diretso at hindi kumukurap, parang may kung anong scanner na naghahanap ng bawat butas sa pagkatao ko. Ramdam ko yung init ng titig niya sa balat ko. Nakakaasiwa. Nakakairita.“Okay, well, whenever you have the time, Mr. Delmar,” sabi ko. Pinilit kong panatilihing matatag ang boses ko habang humahakbang pababa sa patio nila.Pagkasara ng pinto sa likod ko, huminga ako nang malalim. Gusto ko na lang matapos ang umagang ito. Gusto ko na lang maglaho.“Cheska!”Napahinto ako. Lumingon ako at nakita ko ang pamilyar na sasakyan ni Mr. Velasco na umaatras sa driveway ni Mr. Delmar. Bumaba siya, dala yung tipikal niyang ngiti na lag
Damian“Manhattan,” sabi ko sa bartender, diretso ang tingin. Umupo kami ni Axel sa mataas na upuan sa bar.“Negroni sa akin,” tugon ni Axel. Pagkatapos, bumaling siya sa akin. Ramdam ko ang bigat ng tingin niya, parang may tanong na matagal na niyang iniipon at ngayon lang puwedeng bitawan. “Kanina sinabi mo, may kinuha si Kier sa’yo. Ano ba ‘yun?”Ayoko talagang pag-usapan.Para akong may pasanin na malaking bato sa dibdib. Sa bawat pag-iisip, mas lalo itong dumadagan, humihigpit hanggang sa halos hindi na ako makahinga.Inilapag ng bartender ang baso ko.Tahimik si Axel, naghihintay. Wala na akong lusot. Ang katahimikan niya ang pumilit sa akin.“Yung speech niya kay Cheska,” bulong ko. Kinuha ko ang yelo sa baso ko at dahan-dahan itong hinalo. Ang sikmura ko, biglang kumirot. Sakit. “Galing ‘yun sa isang confession letter na sinulat ko para sa kanya noong nakaraan.”Noong narinig ko ang boses ni Kier at ang mga salitang lumalabas sa bibig niya, agad itong tumama sa utak ko. Isang







