Beranda / Romance / Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG) / Chapter 3: My Temper Vs. The Cold New Dean

Share

Chapter 3: My Temper Vs. The Cold New Dean

Penulis: ms.chinita
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-03 12:52:02

Cheska

Buong araw, hindi ako lumabas ng kwarto. Nakahiga lang ako sa kama, nakatitig sa kisame, at paulit-ulit na sinusubukang kalimutan ang mga nangyari kagabi. Pero kahit anong pilit kong itapon sa isip ko, bumabalik pa rin… ’yong mukha ni Damian, ‘yong mainit nyang labi, ‘yong amoy ng hininga nya, ’yong pagkabigla ko nang marinig kong Dad ang tawag sa kanya ni Kier, at ’yong di ko maipaliwanag na hiya at kaba na bumabalot sa buong pagkatao ko.

Mas lalo lang akong nataranta sa tuwing naiisip kong magkalapit lang ang bahay namin. Ilang kanto lang ang pagitan. Ibig sabihin, magtatagpo at magtatagpo pa rin ang mga landas namin, lalo pa’t boyfriend ko si Kier. Minsan gusto ko na lang maglaho o magpakalayo. Pero saan? Paano?

Halos walang tulog ang nangyari sa akin. Nag-uumaga na, pero gising pa rin ang diwa ko. Naisip ko pa ngang umabsent nalang, pero naalala ko ang text kagabi ni Coach, sinabi niyang safe na raw ang spot ko sa varsity team kahit na kailangan kong umulit ng isang taon dahil bumagsak ako sa isang subject. Isa ’yong magandang balita, at alam kong malaking bagay ‘yon kaya naman kailangan ko talagang pumasok.

Kaya kahit parang zombie, pinilit kong bumangon. Nag handa lang ako saglit, nag-ayos ng gamit, at maagang umalis ng bahay… umaasang makakaiwas ako kay Kier o kay Damian kung maaga akong lalakad. Pero tila pinagtripan talaga ako ng tadhana dahil ilang minuto pa lang akong naglalakad, isang pulang kotse ang bumusina sa gilid ng kalsada.

Napalingon ako, at halos matigilan nang bumaba ang bintana. Si Damian.

Para akong tinuklaw ng kuryente. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi alam kung tatakbo o babati. Ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko. Nakita ko rin kung paano siya bahagyang ngumiti, parang naramdaman niya ang kaba ko.

“Good morning,” magaan niyang sabi, ’yong tipo ng ngiti na parang walang nangyari sa aming dalawa. “Need a ride? Gusto mo sumabay ka na sa ’kin. Doon din ang daan ko.”

Halos hindi ako makapagsalita, pero naisip ko na baka ito na ’yong pagkakataon kong linawin ang lahat. Bago pa ako makaisip ng dahilan para tumanggi, tahimik akong tumango at sumakay.

Sa loob ng kotse, puro katahimikan. Ramdam ko ang bawat segundo, bawat paghampas ng hangin sa bintana. Ilang minuto rin bago siya muling nagsalita, kalmado pa rin ang tono ng boses n’ya.

“Alam mo bang napag-usapan ka namin ni Kier kagabi?” aniya, kaswal na parang normal lang ang lahat. “Marami s’yang nai-kwento tungkol sayo. You’re dating each other, right?”

Parang may kung anong lamig na dumaloy sa likod ko. Napalunok na lamang ako. Baka sinabi niya na kay Kier... Tangina paano ko nalang haharapin si Kier mamaya?

“Ah… it’s, uh, it’s like a fling kind of setup pa lang naman po,” pautal kong sagot, pilit na pinapakalma ang sarili.

Tumango lang si Damian, muling nanahimik. Pero ako, halos hindi makahinga. Ilang beses kong pinaglabanan ang kaba bago ko tuluyang nilakasan ang loob ko.

“Sir Damian…” mahina kong bungad. “About… about that night.”

Napatingin siya sa akin, isang mabilis ngunit mabuting tingin na para bang hinihintay ang kasunod. Kinakabahan akong nagpatuloy, “Hindi ko po sinasadya ’yon. Dare lang kasi ng mga kasama ko, tapos… wala po talaga akong choice.”

Ilang segundo siyang tahimik bago bahagyang kumurba ang labi niya sa isang nakakalokong ngiti. “So… hindi totoo na hindi ako magaling humalik?”

Para akong natuyuan ng laway. “Huh? Ah—eh—ano kasi—hindi ko—” Hindi ko na natapos. Nakita kong napatawa siya, ’yong malalim at medyo mababang tawa na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

“I’m kidding,” sabi niya pagkatapos, habang nakangiti pa rin. “Relax, Cheska. I can tell you’re uncomfortable. Don’t worry… wala kang dapat ipag-alala. Wala akong planong sabihin kay Kier ang nangyari.”

Tumingin siya saglit sa daan bago muling nagsalita. “Mas mabuti sigurong kalimutan na lang natin. Act like it never happened. Plus, ‘wag ka nang mag-po sa akin at ‘wag mo na rin akong tawaging sir. Damian is fine. I’m just twenty-eight, feeling ko tuloy sobrang tanda ko na kapag tinatawag mo akong ganyan.”

Napatigil ako, napatingin sa kanya. Twenty-eight?

Halos hindi ako makapaniwala. Ilan taon na si Kier ulit? Twenty-four. Ibig sabihin… apat na taon lang ang agwat nila? Mas matanda lang siya ng konti sa boyfriend ko? Napakunot ang noo ko, hindi ko alam kung matatawa ba ako o mas lalo lang akong malilito. Ang bata pa pala ni Damian, at ang hirap isipin na stepdad siya ni Kier. Paano kaya ‘yon nangyari?

Napayuko ako, medyo nahiya sa iniisip ko, at mahina akong nagsalita, “Ah… o-okay po—este, okay, Damian. Thank you po—ay, sorry! Thank you, Damian.”

Halos mabulol ako sa sarili kong salita, at hindi ko maiwasang mapahawak sa batok sa sobrang hiya.

Narinig kong natawa siya, ‘yong mababa pero nakakahawang tawa na tila ginawang mas magaan ang hangin sa loob ng kotse. “You’re really bad at this, huh?” natatawang sambit niya. “Pero at least you’re trying.”

Ngumiti ako nang bahagya, ramdam kong unti-unting nawawala ang tensyon. Kahit awkward pa rin, parang mas madali nang huminga. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip, hindi ko na halos napansin ang daan. Tulala pa rin ako, paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang ngiti ni Damian, ang tono ng boses niya, at kung gaano kabata pala siya para maging stepdad ni Kier.

Naputol lang ang pag-iisip ko nang mapansin ko ang pamilyar na mukha sa gilid ng kalsada. Si Kai, ang kaibigan kong sobrang kulit pero siya rin ‘yong tipo ng taong unang aakyat ng stage kapag may aawayin para sa ‘kin.

"Uhm, dito nalang ako, Damian. Sasabay na ako sa friend ko," kinakabahan kong sambit, habang nakaturo kung nasaan si Kai.

"Are you sure? Malapit na tayo sa school mo," tanong niya.

"Ahh oo, okay na dito. Malapit na rin naman eh. Salamat nga pala sa pag hatid." Nakangiti kong sambit.

Tumango lang siya at bahagyang ngumiti. “Sure. Ingat ka, Cheska.”

Nang umalis na ang pulang kotse, napatigil si Kai at nakakunot-noong sinundan ng tingin si Damian. Nang tuluyang mawala ito sa kanto, mabilis siyang lumapit sa akin, dala na agad ang signature niyang ngisi.

“Grabe, Cheska. Ang pogi nun ah!” pang-aasar agad niya. “Don’t tell me may ka-hook up ka habang dinidate mo si Kier?”

Napahinga ako nang malalim, pinilit na hindi siya pansinin. “Kai, mamaya na nga ‘yan. Mahabang kwento at wala pa ‘ko sa mood na simulan ‘yon.”

“Fine,” aniya, pero halata sa tono niyang hindi pa tapos ang pangungulit. “Anyway,” dagdag pa niya, biglang nagbago ang timpla ng boses, “ano palang nangyari last time? You looked really bothered after Mr. Serrano’s class. Sobrang worried kaya ako sa ’yo nun.”

Napangiwi ako sa pagbanggit ng pangalang ’yon. Mr. Serrano. Ang lalaking dahilan kung bakit ako bumagsak. “Ugh, ’wag mo na nga i-remind sa ‘kin ‘yang lalaking ‘yan. I just can’t stand that prof. Alam mo ba, ang natutunan ko lang sa klase niya ay kung paano magpasa ng assignment bago mag-12 a.m.!”

Humagalpak kami pareho ng tawa, ’yong tipong tawang wala nang pakialam sa paligid. Pero bago pa man ako makahinga sa katatawa, isang pamilyar na malamig na boses ang pumunit sa hangin sa likuran namin.

“Really, Ms. Vega?”

Parang biglang nanigas ang buong katawan ko. Dahan-dahan akong lumingon at ayun nga, parang gumuho ang kaluluwa ko.

PUTA! SI MR. SERRANO!

Ngumiti si Kai, halatang pinipigilan ang tawa, habang ako naman ay halos mawalan ng boses. “G-good morning, Mr. Serrano,” nauutal kong bati. “Hindi po… ako—uhm, hindi po kayo ‘yung pinag-uusapan namin.”

Bahagyang tumango si Mr. Serrano, pero bakas sa mga mata niya na hindi siya naniniwala. Isang maliit na ngiti lang ang lumitaw sa labi niya, pero ’yong ngiting ’yon ay sapat na para manlamig ako.

“If all you’ve learned from my class was how to hand in assignments before 12 a.m.,” aniya, kalmado pero may halong tuso sa boses, “you really deserve to retake my class, Ms. Vega.”

At bago pa ako makapagsalita, naglakad na siya palayo, maayos, composed, parang wala lang, samantalang ako’y literal na nakatayo lang doon, tulala, hindi alam kung tatawa ba o lulubog sa hiya.

“Diyos ko, Cheska…” mahinang sabi ni Kai, pilit pinipigilan ang halakhak. “Grabe, timing is real. Na-summon mo talaga si Mr. Serrano sa pamamagitan ng chismis! Mukhang mapapasabak ka na naman kay Mr. Beast mo.”

Napairap ako at tinulak siya ng mahina. Sinamaan ko siya ng tingin pero natawa rin ako kahit pa ramdam kong bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko sa kaba. “Tigilan mo nga ako, Kai. Baka bigla na namang magpa-pop quiz ‘yun dahil sa akin.”

Pagkatapos ng usapan namin ni Kai ay dumiretso na ako sa gym para sa cheer practice. I needed this. Isang buong araw akong balisa, and I was hoping na kahit papaano, makalimot ako.

Habang nasa kalagitnaan kami ng aming routine, bigla na lang nagsalita ang aming coach.

“Girls! Since we only have seniors here, may gusto lang sana akong itanong sa inyong lahat. Gather here, please.”

Agad kaming nagsilapit, pawis na pawis at habol-hininga.

“As you can see, nandito ulit si Cheska for another year,” sabi ni Coach, sabay ngiti sa akin. “So, do you want her to stay as captain, or do you want to choose a new one?”

Bago pa man ako makapagsalita, agad nang nagtaas ng kamay si Stephanie.

“Coach, ikaw lang naman at si Cheska ang nagbuhat sa buong team papuntang cheer nationals. We definitely want Cheska to stay as captain,” sabi niya nang may kumpiyansa.

Mabilis namang sumang-ayon ang lahat, sabay sigawan at palakpakan.

Sumenyas si Coach na tumayo ako sa tabi niya, na agad ko namang sinunod.

“Well, that settles it. Since nagkakasundo naman lahat, Cheska will be your captain for another school year.”

Nagsigawan ulit ang buong team. Kahit pagod ay pilit pa rin akong ngumiti. For the first time that day, I actually felt proud of myself.

Pero habang may dini-discuss si Coach, may napansin akong lalaki sa dulo ng gym.

Probably an admin. Ang ayos ng suot, may hawak na clipboard, pero may kung anong presensiya na parang lahat ng mata ay kusa nang napapalingon sa kanya. Napadalawang sulyap pa ako. Kasing tangkad niya si Damian… and he looked bulky too.

Nang tumingin siya sa direksyon ko, para akong napako sa kinatatayuan ko.

Man, he was so good-looking, with those piercing blue eyes and jet-black hair. Mas gwapo sana kung hindi siya mukhang bossy.

Lumakad siya palapit. Agad namang nanahimik ang buong cheer squad, at narinig ko ang sarili kong lumunok nang marahas.

“Sino ang cheer captain n’yo?” tanong niya, malamig ang tono.

Nagkatinginan kami ng mga kasama ko, at ilang segundo rin akong nagdalawang-isip bago ko itinaas ang kamay ko. “Ako po. I’m Cheska Vega, the cheer captain,” taas noong sambit ko.

“I see.” Nilipat niya ang tingin sa buong team, then back to me. “Now, I want you to discipline your members, cheer captain. Hindi dahil mga cheerleaders kayo ng university na ‘to ay may karapatan na kayong magkalat. Lahat kayo ay may detention. Naiintindihan?”

Ramdam kong nanginginig ang kamay ko, pero tila mas nangingibabaw ang pride ko kaysa takot.

“At sino ka naman ba,” sagot ko, halos pabulong pero ramdam ang inis, “para pagsabihan kami?”

Tumigil siya. Tumingin diretso sa mga mata ko. “I’m Oliver Rivera, the new dean of this university,” aniya, malamig pa rin ang tono.

Para akong nanlamig sa kinatatayuan ko.

“Pa-pasensya na po, sir. Hindi ko po kasi alam—” utal-utal kong paliwanag, pero tinalikuran lang niya ako at tuloy-tuloy na umalis.

Agad akong nilapitan ni Coach, may halong gulat at pag-aalala sa mukha. Pero halos hindi ko siya marinig. Ang utak ko ay umiikot lang sa isang bagay—mukhang bad shot na agad ako sa bagong dean.

At sa loob-loob ko, para akong tinamaan ng reality check, mukhang hindi pa tapos ang listahan ng mga lalaking kayang pahirapan ang buhay ko sa unibersidad na ‘to.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
hala....sana tuloy update nito
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 24: Virgin Problems

    CheskaKinabukasan, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Guilt. Excitement. Takot.Kailangan ko ng alak. Kailangan ko ng girls' night nina Stephanie at Lizzie para lang malimutan ang nangyari sa park."Grabe kahapon, ang laki ng kinita natin sa bake sale," sabi ni Stephanie sabay tungga ng shot.Huwag niyo nang banggitin ang bake sale. Naaalala ko lang ang mga kamay nila sa balat ko. Nakakatakot na nagiging ibang tao ako kapag kasama ko sila. Nawawala ang wisyo ko."Sobra, hindi ko akalain na ganun karami ang bibili," dagdag ni Lizzie habang umiinom ng wine cooler.Paano namang hindi kikita, eh

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 23: Cheska’s Dark Confession

    DamianDapat ay tumalikod ako. Dapat ay naglakad ako palabas ng bahay na iyon at hindi na muling lumingon. Dapat ay nagmaneho ako pabalik sa trabaho at kinalimutan ang lahat. Pero hindi ko ginawa.Hawak ko ang journal na ito habang pilit na inuukit ang bawat kasalanan ko sa papel. Ito lang ang paraan para hindi sumabog ang utak ko.Hindi ko siya dapat hinawakan. Hindi ko dapat ipinasok ang mga daliri ko sa masikip at basang-basa niyang pagkatao. Pero ginawa ko. Ninamnam ko ang bawat patak ng tamis niya. Dinilaan ko ang sarili kong mga daliri hanggang sa malinis ang mga ito, tinitikman ang ebidensya ng pagsuko niya sa akin.Mali ang lahat ng ito. Pero sa bawat haplos ko sa kanya, pakiramdam ko ay doon lang ako naging buhay.Sariwa pa sa isip ko ang itsura niya. Ang mukha niyang punong-puno ng sarap. Ang mga mata niyang nakatitig sa kawalan habang nilulunod ko siya sa sensasyon. Gusto ko siyang angkinin hanggang sa ang pangalan ko na lang ang tanging salitang alam niyang bigkasin.Isina

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 22: You taste so good, Cheska

    CheskaHalos matapos na ang period ni Mr. Serrano nang makarating kami. Himalang hindi siya nagalit. Inabutan lang niya ako ng listahan ng mga cookies na nagawa namin at ang goal para sa araw na 'to.Nang tumunog ang bell, sinenyasan niya ako na lumapit."Una na kayo. May gagawin lang ako," bulong ko kay Kai habang mabilis na lumalabas ang mga kaklase ko."Kukuha ka lang ng d—"Pinigilan ko siya at kinurot nang madiin sa braso. "Subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo. Alis!""Opo na, boss." Lumabas na si Kai habang tumatawa."Yes, Mr. Serrano?" tanong ko habang nililigpit ang gamit ko."Siguraduhin mong nasa student store ka on time. Huwag kang male-late gaya ng ginawa mo sa klase ko ngayon."Tumango ako, ramdam ang bigat ng titig niya. "I understand. Maaga sana ako kung hindi lang dahil sa mga hormones ng kuya ko at ni Kai na nagkakalat kung saan-saan."Tumawa siya nang mahina. "Go to class, Cheska.""Yes, sir." Nag-salute ako sa kanya at narinig ko pa ang tawa niya hanggang sa makal

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 21: A Deal with Four Devils

    CheskaKamartesan na kung kamartesan, pero sawang-sawa na ako. Huwebes pa lang pero pakiramdam ko katapusan na ng mundo. Isang buwan na sa school pero ‘yung grades ko, parang hininga ni Kier—amoy failure.Speaking of Kier, nakakasuka na. Gets ko namang girlfriend niya ako, pero wala na ba siyang ibang alam gawin kundi gawing Rated R ang lahat? Nakakapagod maging object ng obsession ng isang taong utak-itlog."Cheska, work on your essay," untag sa akin ni Mr. Velasco.Nabali ang iniisip ko. Nakapaligid silang apat sa akin sa loob ng bahay ni Mr. Serrano. Dapat ay pinag-uusapan namin ang school fundraiser para sa laro bukas, pero heto ako, nakikipagtitigan sa puting screen ng laptop ko para sa Noli Me Tang

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 20: A Taste of Daddy Issues

    CheskaAkala ko sa mga teleserye lang uso yung mga babaeng parang ipinanganak na may korona sa ulo. Yung tipong titingnan ka mula ulo hanggang paa na parang isa kang maduming mantsa sa mamahalin nilang carpet. Hindi ko alam na nage-exist pala sila sa totoong buhay hanggang sa sandaling ito.Nakatayo siya sa harap ko. Blonde. Nakaangat ang baba. Ang mga mata niya, diretso at hindi kumukurap, parang may kung anong scanner na naghahanap ng bawat butas sa pagkatao ko. Ramdam ko yung init ng titig niya sa balat ko. Nakakaasiwa. Nakakairita.“Okay, well, whenever you have the time, Mr. Delmar,” sabi ko. Pinilit kong panatilihing matatag ang boses ko habang humahakbang pababa sa patio nila.Pagkasara ng pinto sa likod ko, huminga ako nang malalim. Gusto ko na lang matapos ang umagang ito. Gusto ko na lang maglaho.“Cheska!”Napahinto ako. Lumingon ako at nakita ko ang pamilyar na sasakyan ni Mr. Velasco na umaatras sa driveway ni Mr. Delmar. Bumaba siya, dala yung tipikal niyang ngiti na lag

  • Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)   Chapter 19: Axel’s Girlfriend

    Damian“Manhattan,” sabi ko sa bartender, diretso ang tingin. Umupo kami ni Axel sa mataas na upuan sa bar.“Negroni sa akin,” tugon ni Axel. Pagkatapos, bumaling siya sa akin. Ramdam ko ang bigat ng tingin niya, parang may tanong na matagal na niyang iniipon at ngayon lang puwedeng bitawan. “Kanina sinabi mo, may kinuha si Kier sa’yo. Ano ba ‘yun?”Ayoko talagang pag-usapan.Para akong may pasanin na malaking bato sa dibdib. Sa bawat pag-iisip, mas lalo itong dumadagan, humihigpit hanggang sa halos hindi na ako makahinga.Inilapag ng bartender ang baso ko.Tahimik si Axel, naghihintay. Wala na akong lusot. Ang katahimikan niya ang pumilit sa akin.“Yung speech niya kay Cheska,” bulong ko. Kinuha ko ang yelo sa baso ko at dahan-dahan itong hinalo. Ang sikmura ko, biglang kumirot. Sakit. “Galing ‘yun sa isang confession letter na sinulat ko para sa kanya noong nakaraan.”Noong narinig ko ang boses ni Kier at ang mga salitang lumalabas sa bibig niya, agad itong tumama sa utak ko. Isang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status