MasukCheska
Friday na. At grabe, parang isang buwan na ang lumipas sa bagal ng linggong ‘to.
“Ms. Vega!”
Napalingon ako kay Mr. Serrano, halatang inis na inis na naman. “Nabasa mo na ba ‘yung librong pinagbilinan ko sa’yo?”
Libro? Anong libro? Wala akong matandaan na may pinabasa siya.
“Uh, hindi po. Wala po akong idea na may babasahin pala—”
Biglang natahimik ang buong klase. Lahat nakatingin sa’kin. Sakto namang pumasok si Kai, late as usual, pero hindi siya pinansin ni sir.
“You mean to tell me,” madiin niyang sambit, “na hindi mo kinuha ‘yung Noli Me Tángere sa library nung Wednesday after class?”
Napailing lang ako. “Hindi ko po alam na kailangan pala ‘yun, sir. Akala ko po ibang libro ‘yung ifo-focus natin this year.” Hinugot ko pa ‘yung maling libro sa bag ko, para may pruweba.
“So you thought I’d let you off easy?” tanong niya, may halong inis at sarcasm.
“Hindi po, sir. Ang ibig ko lang pong sabihin—”
“Enough. Kumuha ka ng pass sa desk ko, pumunta ka sa library, at kunin mo ‘yung Noli Me Tángere. Kung wala kang dalang libro mamaya, automatic F.”
Turo pa niya sa mesa niya, kaya dali-dali akong nag-ayos ng gamit. Tumatayo na rin sana si Kai, pero agad s’yang pinigilan ni sir.
"Mr. Valencia, saan ang punta mo?" tanong ni Mr. Serrano.
"Sasamahan ko lang po sana si Cheska, sir—"
“At kailan ka pa naging bodyguard ni Ms. Vega?” putol ni Mr. Serrano, walang kaemosyon-emosyon. “Akala mo ba hindi niya kaya mag-isa?”
Napakamot si Kai. Napailing na lamang siya at ramdam kong napahiya talaga s’ya dahil dun.
"Then get back to your seat. Kaya niya 'yang mag-isa."
"Opo, sir. Pasensya na po," sambit ni Kai at naupo ulit. Nilingon ko s’ya at nakasimangot na bumulong ng sorry.
“Ms. Vega, ano pang inaantay mo?”
Ayun, sabay kuha ko sa pass at dali-daling lumabas ng classroom.
Sinadya kong maglakad nang mabagal dahil sa inis, “Bwisit talaga ‘yung prof na ‘yun. Parang laging may regla,” bulong ko sa aking sarili.
Pagdating ko sa library, agad akong nilapitan ng librarian.
“Pass, miss?”
Ipinakita ko at tumango siya. “Anong hanap natin?”
“Uhmm… Noli Me Tángere, miss.”
“Ohh, isang copy na lang ‘yung natitira. Nasa bandang wall, right corner. Good luck,” sabi niya bago bumalik sa desk niya.
Sumunod ako, paikot-ikot pa ng halos sampung minuto bago ko sa wakas nakita ang libro, nasa fifth shelf, syempre ‘yung pinakamataas pa talaga.
Tinaasan ko ng tingkayad at pilit itong inaabot. Konti na lang… konting-konti na lang—
At ayun. Natisod ako.
Pumikit ako, handang-handa nang sumalpak sa sahig… pero imbes na sakit, mainit na bisig ang sumalo sa’kin.
Pagdilat ko, isang gwapong mala anghel na estranghero ang bumungad sa’kin. Mapungay ang mga mata at dark brown ang buhok.
Sh*t. Mas pogi pa siya kay Damian.
“Sa-salamat,” nauutal kong sabi habang inaalalayan niya akong makatayo.
“Muntik ka nang mahulog,” sabi niya, kalmado lang, pero ‘yung boses n’ya… para bang may kasamang lambing at may accent pa.
“Uh, oo nga. Thanks ulit…” Nahihiya kong sambit habang umiiwas ang tingin, pero napansin ko ang tattoo niya sa braso. Since when pinapayagan ‘to sa university?
“Be careful next time, love,” ngiti pa niya, sabay abot ng libro ko.
Tangina. May accent talaga. Half british ba ‘to?
Parang nag-freeze ang utak ko. Hindi ko man lang naitanong pangalan niya o kung transferee siya. At bago pa ako makapagsalita, tumunog na ang bell.
“Anyway, I’ll go now. Catch you later,” sabi niya, sabay talikod.
At ako? Naiwan lang doon, hawak ‘yung libro, tulala, at tinatangkang i-process kung anong nangyari. Ilang segundo rin akong nakatulala bago natauhan. Mabilis akong lumapit sa librarian, iniabot ang libro, at binanggit ang pangalan ko habang tinitingnan niya sa system.
“Uhmm… Miss, kilala n’yo ba ‘yung lalaking kakalabas lang?” tanong ko, umaasang may clue siya kung sino ‘yung gwapo kanina.
Napakunot noo ang librarian, halatang nag-iisip. “Ah, ‘yung matangkad na pogi? Hindi ko siya kilala, eh. First time ko lang siyang nakita dito. Pero may visitor pass siya sa damit.”
“Ahh, ganon po ba…” sagot ko, dismayadong tumango na lang.
Paglabas ko ng library, saka lang ako natauhan—late na naman ako. Kailangan ko pang bumalik sa klase ni Mr. Serrano. Pero dahil huli na rin naman ako, wala nang saysay magmadali pa. Manigas siya sa kakahintay.
Habang naglalakad, hindi ko mapigilang mapangiti. Iniisip ko kung gaano na naman siya kagalit pagdating ko.
Pagpasok ko sa classroom, hindi pa man ako nakakaupo ay agad niya na akong binato ng tanong, “Bakit ka ba palaging late, Ms. Vega?”
Napabuntong-hininga ako. “Pasensya na po, sir. Iisa na lang po kasi ‘yung copy, tapos nahirapan pa ‘kong maghanap kanina—”
“You always have excuses.”
Napasinghap ako. Mag-iinit na sana ulo ko nang magsalita pa siya, “Go to your next class. Late ka na.”
“Opo, sir,” sagot ko, pilit pinipigilan ang inis bago lumabas ng room.
Pagkasara ng pinto, napabulong ako, “Argh! May araw ka rin sa’kin!” sabay madiing hakbang palayo.
…
Pagkatapos ng huling klase ko, parang may tumunaw ng kaluluwa ko sa pagod. Wala na ‘kong ibang gusto kundi ang yakapin ‘yung unan ko at humilata.
Pero bago pa ako makalayo, may tumawag na naman sa akin.
“Cheska!”
Si Miss Reina, ang art teacher ko, kumakaway, kaya naman lumapit ako agad.
“Gusto ka raw makausap ni Mr. Delmar. Pinapatawag ka niya sa teachers’ office.”
Bigla kong naalala ‘yung last time na nagkita kami. Yung mapanukso n’yang ngiti. Namiss n’ya ba ako agad? Siguro ay hindi n’ya na ako matiis at gusto na naman n’yang matikman ang labi ko.
“Okay po,” sambit ko, kahit may kung anong kaba at saya sa dibdib.
Pagpasok ko sa office, una kong nakita si Mr. Delmar pero hindi lang siya mag-isa. Nando’n din si Mr. Serrano.
Great. As if this day couldn’t get any worse. Akala ko pa naman…
“Sir, hinahanap n’yo raw po ako?” tanong ko, pilit pinipigil ang irita.
Tumango si Mr. Delmar. “Yes. Kailangan nating pag-usapan ‘yung recent assignments mo.”
Iniabot niya ang isang papel. “Marami kang mali, Cheska. Kung magpapatuloy ‘to, baka bumagsak ka sa class ko… first week pa lang.”
Napayuko ako. Ramdam kong namumula na ang pisngi ko sa hiya.
“Ang concern ko naman…” sabat ni Mr. Serrano habang inaabot ‘yung essay ko. “Your last essay wasn’t great. Pangalawang take mo na ng class ko, pero mukhang babagsak ka ulit.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa. Nangingilid na ‘yung luha ko habang pinipigilan kong suminghot.
“Pasensya na po,” halos pabulong kong sambit, pilit kong pinipigilan ang pag-iyak pero nasamid ako sa sarili kong hikbi. “Hindi ko po napansin na ganito na pala kalala…”
“Concern kami para sa’yo, Cheska,” mahinahong sabi ni Mr. Delmar. “Kaya nga kita pinatawag.”
Sakto namang bumukas ang pinto. Lumingon ako at natigilan.
Siya ‘yun. ‘Yung pogi sa library.
“Siya si Mr. Velasco,” sabi ni Mr. Serrano. “Pinatawag namin siya para maging tutor mo.”
Parang na-reset utak ko. “Tutor?!” gulat kong tanong. “Nag-assign kayo ng tutor para sa’kin?”
Tumango silang dalawa, seryoso pa rin.
Hindi ko napigilan. Bigla akong tumawa. Hindi ‘yung mahinhin na tawa, ‘yung hysterical at wala-sa-ayos na tawa.
Inilapag ko ang mga papel sa mesa, umiiling habang natatawa.
“No thanks.” Mataray kong sagot. Sa totoo lang, ayaw ko talaga sa idea ng tutor. Marami na akong sinubukang tutor noon, pero wala namang pumapasok sa utak ko.
“I don’t need a tutor. Hindi po effective ‘yan para sa’kin. Mag-aaral na lang po ako on my own. Salamat na lang,” dagdag ko.
“Cheska, ginagawa namin ito para tulungan ka. Gusto namin—” umpisa ni Mr. Delmar, pero umiling lang ako, hindi ko na s’ya pinatapos.
“No! Ginagawa niyo ‘to kasi naaawa kayo sa’kin,” galit na pagsagot ko. Napansin ko sa bintana na habang nagsasalita ako ay dumaan si Mr. Rivera at pumasok na rin s’ya sa office. Pinagtutulungan ba talaga ako ng apat na ‘to?
Napabuntong-hininga ako at hinarap silang apat. “Hindi ko po kailangan ng tulong ninyo. Salamat na lang.”
“Pero—” umpisa ni Mr. Serrano na parang gustong magpaliwanag, pero hindi na ako nakinig at agad na umalis ng office.
Lumabas ako diretso sa cafeteria, kailangan kong huminga at palamigin ang ulo ko. Inihagis ko ang bag sa upuan at padabog na umupo. “Tangina, ganoon na ba talaga ako ka-bobo?” mura ko, sinampal-sampal ang mesa para mailabas ang inis.
Inilabas ko ang aking phone, plano ko na tumawag kay Kuya para magpa-sundo, nang may lumabas na mensahe galing kay Coach. Huminga ako nang malalim bago buksan… gusto n’ya raw akong makausap. Sana ay hindi ‘to panibagong problema.
Pagdating ko sa open field, hinanap agad ko si Coach. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkadismaya bago pa n’ya ako maka-usap.
“Cheska, nandito ‘yung weekly grade report mo,” panimula niya habang iniabot ang slip. “Hindi ako natutuwa sa mga nakikita ko.”
Tinignan ko ‘yung papel, at biglang bumagsak ang mundo ko. Puro kulay pula ang grado ko. Iilan lang ata ‘yung subject na nai-pasa ko.
“I’m giving you two weeks para pataasin mo ‘yan, or else tatanggalin kita sa team,” malamig niyang paliwanag sa’kin. “Pasensya na, Cheska… pero utos ‘to ng dean.”
WTF. Utos na naman ni Mr. Rivera? Talagang pinagkakaisahan nila ako.
“Naiintindihan ko po, Coach. Gagawin ko po ang lahat,” sagot ko, pilit na ngumiti. Tumango naman s’ya at kita sa mga mata na nagtitiwala s’yang magagawan ko ‘to ng paraan.
Hindi pwedeng matanggal ako sa team, lalo na bilang captain. Pinaghirapan ko ‘to. Hindi ko hahayaang sirain ‘to ng apat na kumag na 'yon.
CheskaKinabukasan, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Guilt. Excitement. Takot.Kailangan ko ng alak. Kailangan ko ng girls' night nina Stephanie at Lizzie para lang malimutan ang nangyari sa park."Grabe kahapon, ang laki ng kinita natin sa bake sale," sabi ni Stephanie sabay tungga ng shot.Huwag niyo nang banggitin ang bake sale. Naaalala ko lang ang mga kamay nila sa balat ko. Nakakatakot na nagiging ibang tao ako kapag kasama ko sila. Nawawala ang wisyo ko."Sobra, hindi ko akalain na ganun karami ang bibili," dagdag ni Lizzie habang umiinom ng wine cooler.Paano namang hindi kikita, eh
DamianDapat ay tumalikod ako. Dapat ay naglakad ako palabas ng bahay na iyon at hindi na muling lumingon. Dapat ay nagmaneho ako pabalik sa trabaho at kinalimutan ang lahat. Pero hindi ko ginawa.Hawak ko ang journal na ito habang pilit na inuukit ang bawat kasalanan ko sa papel. Ito lang ang paraan para hindi sumabog ang utak ko.Hindi ko siya dapat hinawakan. Hindi ko dapat ipinasok ang mga daliri ko sa masikip at basang-basa niyang pagkatao. Pero ginawa ko. Ninamnam ko ang bawat patak ng tamis niya. Dinilaan ko ang sarili kong mga daliri hanggang sa malinis ang mga ito, tinitikman ang ebidensya ng pagsuko niya sa akin.Mali ang lahat ng ito. Pero sa bawat haplos ko sa kanya, pakiramdam ko ay doon lang ako naging buhay.Sariwa pa sa isip ko ang itsura niya. Ang mukha niyang punong-puno ng sarap. Ang mga mata niyang nakatitig sa kawalan habang nilulunod ko siya sa sensasyon. Gusto ko siyang angkinin hanggang sa ang pangalan ko na lang ang tanging salitang alam niyang bigkasin.Isina
CheskaHalos matapos na ang period ni Mr. Serrano nang makarating kami. Himalang hindi siya nagalit. Inabutan lang niya ako ng listahan ng mga cookies na nagawa namin at ang goal para sa araw na 'to.Nang tumunog ang bell, sinenyasan niya ako na lumapit."Una na kayo. May gagawin lang ako," bulong ko kay Kai habang mabilis na lumalabas ang mga kaklase ko."Kukuha ka lang ng d—"Pinigilan ko siya at kinurot nang madiin sa braso. "Subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo. Alis!""Opo na, boss." Lumabas na si Kai habang tumatawa."Yes, Mr. Serrano?" tanong ko habang nililigpit ang gamit ko."Siguraduhin mong nasa student store ka on time. Huwag kang male-late gaya ng ginawa mo sa klase ko ngayon."Tumango ako, ramdam ang bigat ng titig niya. "I understand. Maaga sana ako kung hindi lang dahil sa mga hormones ng kuya ko at ni Kai na nagkakalat kung saan-saan."Tumawa siya nang mahina. "Go to class, Cheska.""Yes, sir." Nag-salute ako sa kanya at narinig ko pa ang tawa niya hanggang sa makal
CheskaKamartesan na kung kamartesan, pero sawang-sawa na ako. Huwebes pa lang pero pakiramdam ko katapusan na ng mundo. Isang buwan na sa school pero ‘yung grades ko, parang hininga ni Kier—amoy failure.Speaking of Kier, nakakasuka na. Gets ko namang girlfriend niya ako, pero wala na ba siyang ibang alam gawin kundi gawing Rated R ang lahat? Nakakapagod maging object ng obsession ng isang taong utak-itlog."Cheska, work on your essay," untag sa akin ni Mr. Velasco.Nabali ang iniisip ko. Nakapaligid silang apat sa akin sa loob ng bahay ni Mr. Serrano. Dapat ay pinag-uusapan namin ang school fundraiser para sa laro bukas, pero heto ako, nakikipagtitigan sa puting screen ng laptop ko para sa Noli Me Tang
CheskaAkala ko sa mga teleserye lang uso yung mga babaeng parang ipinanganak na may korona sa ulo. Yung tipong titingnan ka mula ulo hanggang paa na parang isa kang maduming mantsa sa mamahalin nilang carpet. Hindi ko alam na nage-exist pala sila sa totoong buhay hanggang sa sandaling ito.Nakatayo siya sa harap ko. Blonde. Nakaangat ang baba. Ang mga mata niya, diretso at hindi kumukurap, parang may kung anong scanner na naghahanap ng bawat butas sa pagkatao ko. Ramdam ko yung init ng titig niya sa balat ko. Nakakaasiwa. Nakakairita.“Okay, well, whenever you have the time, Mr. Delmar,” sabi ko. Pinilit kong panatilihing matatag ang boses ko habang humahakbang pababa sa patio nila.Pagkasara ng pinto sa likod ko, huminga ako nang malalim. Gusto ko na lang matapos ang umagang ito. Gusto ko na lang maglaho.“Cheska!”Napahinto ako. Lumingon ako at nakita ko ang pamilyar na sasakyan ni Mr. Velasco na umaatras sa driveway ni Mr. Delmar. Bumaba siya, dala yung tipikal niyang ngiti na lag
Damian“Manhattan,” sabi ko sa bartender, diretso ang tingin. Umupo kami ni Axel sa mataas na upuan sa bar.“Negroni sa akin,” tugon ni Axel. Pagkatapos, bumaling siya sa akin. Ramdam ko ang bigat ng tingin niya, parang may tanong na matagal na niyang iniipon at ngayon lang puwedeng bitawan. “Kanina sinabi mo, may kinuha si Kier sa’yo. Ano ba ‘yun?”Ayoko talagang pag-usapan.Para akong may pasanin na malaking bato sa dibdib. Sa bawat pag-iisip, mas lalo itong dumadagan, humihigpit hanggang sa halos hindi na ako makahinga.Inilapag ng bartender ang baso ko.Tahimik si Axel, naghihintay. Wala na akong lusot. Ang katahimikan niya ang pumilit sa akin.“Yung speech niya kay Cheska,” bulong ko. Kinuha ko ang yelo sa baso ko at dahan-dahan itong hinalo. Ang sikmura ko, biglang kumirot. Sakit. “Galing ‘yun sa isang confession letter na sinulat ko para sa kanya noong nakaraan.”Noong narinig ko ang boses ni Kier at ang mga salitang lumalabas sa bibig niya, agad itong tumama sa utak ko. Isang







