Kinabukasan, nagising si Drita na parang may mabigat na nakadagan sa kanyang katawan. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata upang tingnan kung ano iyon.
Agad na nawala ang kanyang antok nang matanaw niya ang mahabang braso at malaking kamay ng isang lalaking nakapulupot sa kanyang bewang.
“What the hell….” mahina niyang sambit at mabilis niyang inalis iyon sa kanyang bewang.
Sa sobrang pagiging aligaga niya, nahulog siya sa sahig. Dito niya natanaw ang mapupulang marka sa kanyang hita at tiyan. Wala siyang suot na kahit anong saplot kaya kitang-kita niya ang mga markang iniwan ng ginawa nila kagabi.
Sinubukan niyang tumayo at halos maiyak siya dahil sa biglaang pagkirot ng gitna at buong katawan niya.
“Damn you, Drita! Anong ginawa mo?!” naiisip niya, at kahit na hirap siya, isa-isa niyang pinulot ang mga damit na nasa sahig.
Dumapo ang tingin niya sa kanyang cellphone. Nilapitan niya ito at halos manlamig ang buong katawan nang makita ang mga message ng kaibigang si Mia, isa sa mga kaibigang kasama kagabi. Hindi lang siya ang nag-message, marami pa. Iisa lang ang tanong ng mga ito, kung nasaan siya.
Mariin siyang napapikit at napatingin sa wall clock. Napamaang siya dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang seremonya, at nandito pa rin siya.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at dali-daling isinusuot ang mga damit niya. Nang matapos niyang ayusin ang sarili, nagtungo siya sa pinto. Nang akmang bubuksan niya iyon, umalingawngaw ang baritonong boses ng lalaki, na nagpatigil sa kanya.
Unti-unti siyang bumaling sa lalaki, at para bang kinulam siya. Hindi niya kaagad naiwas ang tingin nang magsimulang magtama ang kanilang mga mata.
Lintek na mga mata iyon. Kung hindi lang dahil dito, hindi siya bumigay. Masyadong mapang-akit ang mga mata niya, kaya kahit alam niyang ikakasal na siya, hindi pa rin niya nagawang pigilan ang sarili na malunod sa kanya.
“You're leaving?” wika ng lalaki, at nagsimulang umalis sa ibabaw ng kama.
Nagsimula siyang humakbang papalapit kay Drita, at para itong na-estatwa sa kinatatayuan nang bumaba ang tingin niya sa parte ng katawan ng lalaki na sumira sa kanya kagabi.
“Or, should we have another round?” nakakalokong sambit ng lalaki, at doon lamang nag-angat ng tingin si Drita sa kanya.
Nakagat niya ang kanyang dila dahil sa paraan ng pagtitig ng lalaki. Simpleng ngiti lang iyon, pero halos lamunin na siya nang buo. Ngunit sa sandaling sumagi sa isip niya si Raze, bumalik siya sa realidad.
Ikakasal na siya, at mali ang nagawa niya. Habang buhay niya itong pagsisisihan, at hindi niya alam kung anong gagawin niya sa oras na malaman ni Raze na ibinigay niya ang katawan niya sa isang taong hindi niya kilala.
“Excuse me whoever you are, it's just a one night stand. I'm just drunk and I didn't know what I did last night,” sambit niya sa lalaki.
Ngumisi lamang ito. Sinamaan niya ito ng tingin at agad na binuksan ang pinto at lumabas. Pabato niyang isinara ang pinto at umalingawngaw ang malakas na tunog sa buong hallway.
Bitbit ang sandals, nagsimula siyang tumakbo patungo sa elevator, at nang makapasok, agad niyang tinawagan ang numero ng kaibigan niya.
“Nasaan ka ba?!” bungad nito pagkasagot ng tawag.
Kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi habang sapo-sapo ang noo, hindi alam kung ano ang isasagot.
"Huwag ka na magtanong pa. I'll be there in ten minutes. Pakisabi sa make-up artist,” saad niya at in-end ang tawag.
Huminto ang elevator sa ground floor. Nang bumukas ito, mabilis siyang tumakbo hanggang sa tuluyang makalabas ng building. Agad siyang pumara ng sasakyan at mabuti na lang ay may huminto. Sumakay siya at ibinigay ang address niya.
****
A few hours later…
“Now, let's give a round of applause to the bride!” dinig niya sa MC, at ilang sandali lang ay unti-unting bumukas ang pintuan.
Tumambad sa kanya ang magagandang ngiti ng mga bisita.
Sa mga sandaling iyon, naramdaman niya ang pagbigat ng buong katawan, na para bang ayaw niyang tumuloy at gusto na lang tumakas. Pero hindi niya iyon nagawa nang makita ang maaliwalas na mukha ni Raze, nakatayo sa altar at masayang nakatingin sa kanya.
Parang sinaksak ng punyal ang puso niya. Nadudurog iyon para sa kanya, sobrang gandang ngiti ni Raze, at wala man lang siyang ideya kung ano ang ginawa ng babaeng mapapangasawa niya bago ang kanilang kasal.
Alam niya na darating ang napakalaking karma, pagdating ng panahon. Alam niyang iresent siya ni Raze kapag nalaman niyang nakipag-isa siya sa iba.
Tuluyan na siyang nakalapit kay Raze. Inilahad nito ang kanyang palad, sandali niyang tinitigan bago unti-unting tinanggap ang kamay nito, at magkahawak silang nagtungo sa harapan ng pari.
Nagsimula ang pari sa seremonya. Naka-ring na sila at nagpalitan ng vows.
Hindi nagtagal, umabot na sila sa pinakahuling bahagi ng seremonya. Tumingin kay Drita si Raze, hindi man lang nabura ang magandang ngiti sa kanyang labi, habang unti-unting sinakop ng kanyang mga palad ang magkabilang pisngi niya.
Dahan-dahan siyang lumapit hanggang sa tuluyang maglapat ang kanilang mga labi. He kissed her tenderly... ramdam niya kung gaano kabutihin ang halik ni Raze. Ibang-iba ito sa paraan ng halik ng lalaki kagabi.
“I love you, Drita,” bulong ni Raze matapos humiwalay sa halik.
Ngumiti siya sa kanya, hindi mapigilang mapangiti nang may halong pait, dahil muling sumagi sa isip niya ang bagay na hindi niya dapat ginawa.
Pagkatapos ng seremonya, nagtungo sila sa reservation para sa mini celebration. Lahat ng bisita, kasama ang mga kamag-anak, ay masayang nakikipagkwentuhan.
Si Drita at Raze ay nilapitan ang ilan sa kanilang mga kaibigan upang batiin at pasalamatan.
“Hi!” masiglang bati ng isang babae, isa ito sa mga kaibigan ni Raze noong university days.
Nakangiti itong lumapit kay Drita at b****o.
“Thank you for coming,” saad niya, at tumango lang ito.
Bumaling ito kay Raze at nakipag-shakehands. Ilang sandali pa ay nagsipalapitan ang ibang kaibigan ni Raze, pero hindi nagtagal, umingay ang cellphone ng babae.
Nagtaka si Drita dahil sobrang laki ng ngiti ni Raze habang kausap ang nasa cellphone. Ilang segundo matapos iyon, bumaling siya sa entrance. Sinundan ni Drita ang tingin niya at halos manlambot ang buong katawan niya.
Mula sa pinto ng bulwagan, isang hindi inaasahang presensya ang biglang sumulpot.
Nakasuot ng purong itim at may madilim na ekspresyon sa mukha. Hindi niya inasahan, hindi niya naisip… ngunit narito talaga siya.
Nang magtagpo ang kanilang mga mata, para siyang nalunod sa lalim ng tingin nito.
Mapusyaw ang hazel ng mga mata nito, at sa gitna nito, sumisiklab ang maliliit na gintong tuldok na parang mga bituing nagliliyab sa ilalim ng gabi.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang lapitan ito ni Raze at mahigpit na niyakap, ngunit nanatili ang tingin nito kay Drita.
Inakbayan ni Raze ang lalaki, at sabay silang naglakad patungo sa kanya. Para siyang nanigas sa kinatatayuan, hindi niya magawang ibaling ang atensyon sa ibang direksyon.
“This is my wife... Drita Samaniego Caruso,” nakangiting sambit ni Raze.
Bumaling ito sa kanya, pinagkatitigan siya, at maya-maya pa, unti-unti nitong inilahad ang palad niya kay Drita.
“Love, this is Desmond. Siya yung sinasabi ko sayo,” ani ni Raze.
Pilit siyang ngumiti, nanginginig ang mga kamay nang tinanggap ang palad ng lalaki, at halos mapamura siya nang tuluyang magdikit ang kanilang mga palad.
“It’s nice to finally meet you, Drita. I am Desmond Caruso, your husband's brother.”
“What were you saying again?” walang emosyon na tanong ni Desmond sa isang lalaki.Habang naghihintay siya ng sagot at dumiretsyo sa isang bakanteng silya, naupo siya roon at nakasandal ang buong bigat sa swivel chair.“The traitor was one of the members of the brotherhood, Satur Volo,” tugon ng lalaki sa kanya.Dumapo ang mata ni Desmond sa isang itim na invitation card sa ibabaw ng lamesa. Sandali niya itong tinitigan at nang mapansin iyon ng lalaki, humakbang siya upang lapitan si Desmond at maipaliwanag kung para saan iyon.“That invitation was given to us by one of Paraz's men. He's expecting you to attend that event next week,” anito.Marahang tumango ang binata at pagkatapos ay ipinatong ang ulo niya sa head rest ng silya, nakapikit ang mga mata habang nilalaro ang punyal sa kanyang kamay.“Call him, tell him to do the examples. I want it public. Just make him suffer for a bit, but I kill him myself. And right after you deliver my order, go to Italy and tell them to start clean
“Mabuti naman at dumating ka sa kasal ko. I'm glad to see you, even though you're late,” nakangiting wika ni Raze sa kapatid na ilang taon hindi nakita.Nasa reception pa rin sila, pero wala na ang mga bisita. Hatinggabi na rin kasi, kaya nagsiuwian na ang lahat. Ang mga magulang ni Drita ay umuwi na rin, pati ang mother at father-in-law niya.Tatlo na lang ang naiwan doon—Si Drita, si Raze, at si Desmond.Pilit pinapanatili ni Drita ang atensyon niya kay Raze, pero kahit anong gawin niya ay parang may kung anong malakas na humihila sa kanya para sulyapan si Desmond.Labis siyang nagpipigil na mapalingon dito, kung kaya halos kumapit na siya sa silyang inuupuan niya. Doon siya kumukuha ng lakas upang pigilan ang sarili na gumawa ng bagay na hindi niya dapat gawin.“Stop drinking, you're drunk,” usal niya at inagaw ang baso sa kamay ni Raze.Paano kasi, kahit halos isuka na nito ang iniinom na alak, ay patuloy pa rin ito sa pag-inom.“Let him be, Drita. Kasal naman niya, hayaan mo siya
Kinabukasan, nagising si Drita na parang may mabigat na nakadagan sa kanyang katawan. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata upang tingnan kung ano iyon.Agad na nawala ang kanyang antok nang matanaw niya ang mahabang braso at malaking kamay ng isang lalaking nakapulupot sa kanyang bewang.“What the hell….” mahina niyang sambit at mabilis niyang inalis iyon sa kanyang bewang.Sa sobrang pagiging aligaga niya, nahulog siya sa sahig. Dito niya natanaw ang mapupulang marka sa kanyang hita at tiyan. Wala siyang suot na kahit anong saplot kaya kitang-kita niya ang mga markang iniwan ng ginawa nila kagabi.Sinubukan niyang tumayo at halos maiyak siya dahil sa biglaang pagkirot ng gitna at buong katawan niya.“Damn you, Drita! Anong ginawa mo?!” naiisip niya, at kahit na hirap siya, isa-isa niyang pinulot ang mga damit na nasa sahig.Dumapo ang tingin niya sa kanyang cellphone. Nilapitan niya ito at halos manlamig ang buong katawan nang makita ang mga message ng kaibigang si Mia, isa sa mga
“Narinig mo na ba ang balita? Your half-brother is getting married. Your father wants to see you at the wedding tomorrow morning,” wika ng ina ni Desmond habang naroon sila sa hapag kainan.Malalim na bumuntong-hininga ang binata, pilit na hindi pinapansin ang sinasabi ng kanyang ina. Itininuon niya ang kanyang atensyon sa pagkain, pero muling nagsalita ang babae.“Mom, why are so obsessed about me getting along with those bàstards? Have you forgotten what he did? He left us the moment he found out that he had a son with that whòre.”Umigting ang panga ni Desmond at binitawan niya ang hawak na kubyertos. Bumaba ang kanyang tingin sa ibabaw ng mesa bago unti-unting binalingan ang kanyang ina na abala sa pagkain.“Mom...”“Just do what your father asks. Go to the Philippines, stay there for a week, and be nice to his new family.” Hindi iyon pakikiusap kundi utos. "You're still a Caruso."Wala na siyang magagawa. Ayaw niya sa ideya ng kanyang ina, pero hindi niya rin ito magawang suwayin
Naikuyom ni Drita ang palad sa sobrang galit na nararamdaman sa lalaking kaharap.“Pwede bang tigilan mo na ako, Desmond? Simula ng dumating ka sa buhay ko ay naging magulo ang lahat! I was supposed to live happily in my marriage with your brother, but guess what? You're ruining everything!”“Stop blaming me for that nonsense, Drita. Magiging magulo pa rin ang pagiging mag-asawa niyo kahit na hindi ako dumating,” putol ni Desmond sa kanya.Napatigil si Drita at mas lalo siyang tumingala sa lalaki. Ang tingin nito ay bumaba para salubungin ang sa kanya; sobrang tangkad nI Desmond kaya kailangan pa niyang tumingala para masiguro niyang diretsong matingnan ito sa mga mata.“Paano mo naman nasabing magiging magulo? Everything was perfect before you came into the picture! Raze is way better compared to you! You're nothing but a jèrk!” mariing sambit ni Drita.Ang buong akala niya ay magagalit si Desmond, pero agad siyang nagulat nang makita ang dahan-dahang pagsilay ng isang nakakalokong n