Share

Chapter 18 Good news to her

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakialam sa buhay ng may buhay. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa isang madilim na kwarto kesa makihalubilo sa kanila pero sa nakikita ko ngayon ay mas hinahayaan ko pa ang sarili ko na makalapit sila sa akin. Kung noon, mas iniisip ko pa ang sarili kong buhay, ngayon maging sila ay pumapasok na rin sa isip ko. Kung anu-anong mga pangaral pa ang sinasabi ko kay Shawn na parang alam na alam ko ang lahat ng sinasabi ko.

Sa kabilang banda, tingin ko ay wala namang mga mali sa pinagsasabi ko. Sinabi ko lang kung anong gusto kong ipabatid sa kanila ngunit hindi ko pa rin maiwasan na isipin kung bakit ko ba ginagawa ang lahat ng ‘to. Nangangamba ako sa hindi maipaliwanag na kadahilan dahil iniisip ko na baka matuloy-tuloy pa ito.

Hindi ko na talaga nakilala ang sarili ko sa tuwing kaharap ko sila. Dapat ko bang ipagpasalamat ‘yon o kagalitan sila dahil may nagbabago sa ‘kin.

Hindi ko din alam. Hanggang dito ba naman ay wala akong maisip na kasagutan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status