Share

Kabanata 1

Napahilamos ako ng mukha. Sleep over sakanila? Paano ako magpapaalam nito kay Mama? Hindi ko alam kung papayagan niya ako lalo pa't sa bahay ng isang lalaki although apat naman kaming mag s-sleep over doon kung sakaling matuloy.

"Right away, see you!" Belle grinned at me.

"Dito na lang tayo magkita-kita." Sabi ni Claus bago tuluyang umalis kasama si Belle.

"Sa kuwarto ko ikaw matutulog ha? Sa kama ko, tabi tayo para may kayakap ako sa pagtulog. I won't do anyting, I promise." And here we go again with his teary-eye.

Gusto 'kong tumanggi pero grabe kung mangumbinsi ang mga mata niya. Sobrang lungkot ng mga iyon na para bang anytime soon babagsak ang mga luha mula roon.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Hanggang kailan kaya ako magpapadala sa mga mapupungay niyang mga mata at sa pagiging pabebe?

"Do I have choice? Oo na! Sige na! Hindi na ako tatanggi. Basta tabi lang ah, walang yakap." Sabi ko kasi hindi ako komportable kapag gano'n. "At walang maglilikot na kamay ha?" banta ko pa.

Mas lalong pumungay ang mga mata niya. Ah! I can't do this anymore! Dalang dala na ako. Gusto talaga niyang yumakap sa akin? May unan naman ah.

"Oh good God! Fine, yakap lang ah?" I rolled my eyes.

Biglang sumigla ang kaninang malungkot niyang mukha. Ano bang klaseng spell ang ginamit niya sa'kin para pagbigyan ko siya palagi?

Tumigil siya sa paglalakad at pumunta sa likod ko. Niyakap niya ako mula sa likuran dahilan para matigilan ako mula sa paglalakad. Damn it! Kailan ba siya titigil sa ganitong gawain niya sa'kin? Nakakagulat! Mabuti na lang talaga at one way lang 'tong daan papunta sa bahay, at walang tao.

Ito lang iyong bukod tanging nakatagong bahay dito sa lugar namin kung saan may mini-garden sa dulo tapos nagmistulang pader iyong bermuda grass na nagco-cover sa daan na may maliliit na bulaklak kung saan si Papa ang gumawa.

"Ang clingy mo," sambit ko habang nakanguso. "Bitaw na."

"Gusto mo naman, eh. You didn't push me away. You just let me hug you, and I could tell that you enjoyed it, and I did too." Parang bata niyang sabi. Napatalon ako sa gulat nang ibaon niya sa balikat ko ang baba niya.

Nanuot sa ilong ko ang amoy ng gel at hininga niya.

"Chill, aamoyin ko—" I cut him off.

"Nasa daan tayo Linden, pagkakamalan ka nilang ano diyan."

"Boyfriend? Sure, that's fine with me. I can be your boyfriend, no problem. Look oh, ganda." Sinundot-sundot niya 'yong pisngi ko while pouting his lips.

He's baby talking and siya lang siguro ang tatanggapin ko na nagba-baby talk na lalaki.

Natampal ko aking noo. God, send help. Bakit ba kasi ako ang kinuha niyang tutor, dumagdag pa ang Mama niya at si Ma'am when in fact marami naman kaming academic achiever.

Kinalma ko ang sarili at baka masapak ko ang lalaking 'to pero hindi ko itatanggi na nakakadala baby talk niya.

"S-shut up, malapit na tayo sa amin." Banta ko nang matanaw ko ang nakaawang na maliit na gate.

I could feel my cheeks heating up. Panay ba naman ang hipan niya sa mukha. Kung hindi lang siguro ako nagpipigil ay baka napapikit na ako sa bango ng hininga niya. Ano ba kasing gamit niyang menthol nang makahingi.

Narinig 'ko ang mahina niyang pagtawa na nakapag-pairita sa akin. "You're blushing."

Sige ipaglandakan mo pang h*******k ka. Kasalanan mo 'to kapag na-fall ako sa'yong gago ka.

"Oh come on Linden! Kapag ako hindi tumuloy, ikaw din." Banta ko. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya.

"Oo na, sorry na. Tatahimik na ako." Mahina pa rin siyang tumatawa.

"Isa!" Banta ko ulit. Tumigil din ang may saltik. "Bakit pala ang bilis mong nakarating dito sa amin?" Pag-iiba ko ng topic at saka siya sumabay sa'kin sa paglalakad.

"Tumalon ako doon sa bintana ng kuwarto tapos naghanap ng shortcut, mayroon pala pero hindi tayo dadaan doon ngayon, kailangan tayong dalawa lang may alam no'n."

Umarko ang kilay ko. "At bakit tayong dalawa lang?"

"The path is special because I was the first one to discover it, and since you're special to me, it's only meant for the two of us." My cheeks flushed once again.

Goodness gracious! What am I going to do with him? He's so vocal.

"Ikaw palang ang dadalhin ko ro'n at sigurado akong magagandahan ka." I was too stunned to speak nang pagsiklupin niya ang mga daliri namin. "Am I saying the right things to you?" he added. He stood in front of me and pressed his face against my neck, causing us to pause once again in our walk.

"Gago! Nandito na tayo sa bahay, umayos ka kung ayaw mong sipain kita palabas ng bahay."

Mabilis ko siyang itinulak nang makita ko ang pigura ni Mama mula sa kanyang garden.

Busangot ang mukha niya nang tanggalin ko ang kamay niya sa'kin. Kapag kami nakita ni Mama, patay ako.

"Janjan anak, nandito kana pala, ikaw pala hijo, pasok ka." Bungad sa amin ni Mama na mukhang abala sa pagdidilig.

"Ma naman, iyong towel niyo oh." Nahulog kasi iyon, pinulot ko at pinagpagan ng ilang beses saka ipinunas sa kanyang namamawis na noo.

Nakatingin lang sa amin si Linden na para bang na-starstruck sa ginagawa ko.

"Anak, atupagin mo ang bisita mo, medyo abala ako rito, ikaw na muna. Pasensiya kana hijo ha?"

"Okay lang po, ipagpapaalam ko lang po sana si Janjan kung puwede po siyang mag-sleep over sa amin, kasama iyong iba naming mga kaibigan, mag-group study lang po." Nahihiya pang sambit ni Linden habang napapakamot ng buhok.

"Ayos lang hijo, basta huwag masyado magpuyat baka hindi magising ng maaga." Rinig 'kong sabi pa ni Mama nang pumasok ako sa loob ng bahay.

Lumabas ulit ako at hinatak papasok sa loob ng bahay si Linden. "Pahinga po, Mama!"

"Payag na si Mama natin, ano? Mag-impake kana, ibabahay na kita." Ngisi pa niyang sabi.

Nag-iwas ako ng tingin nang bumaba ang tingin ko sa namamasa niyang labi sabay kagat pa ro'n.

"Ibabahay ka dyan," nag-angat ako ng tingin bago pa niya ako asarin kakatitig doon. "Umupo ka."

Tumungo ako sa kusina at binuksan ang ref at dumukot doon ng isang set na yakult. Iniabot ko sakanya na agad naman niyang tinanggap. My favorite, his favorite too.

"Mag yakult ka muna, lima iyan, alam 'kong gusto mo iyan kaya huwag kang mag-maang-maangan. Sa taas lang ako at kukuha ng mga damit. May chocolate cake sa ref kung gusto mo mag-miryenda." Paakyat na sana ako sa taas nang hilain niya ang kamay ko paharap sa kanya.

What now, Linden? Ano na naman problema niya?

Sinamaan ko siya ng tingin and for the second time, dumako ang tingin ko sa labi niya.

"Share tayo, hindi ko 'to mauubos kung hindi ka iinom." Inabot niya sa akin ang nainuman niyang yakult. May laman pa naman iyon kaya nagtaka ako.

"Anong gagawin ko diyan? Nainuman muna ah? Ubusin mo, sayang." May saltik talaga, hindi pa uubsuin eh, unless gusto niya kaming magshare— alright, mukhang gano'n na nga.

"Share nga tayo eh. Kulit ng lahi. Inumin muna iyong natira dali o baka gusto mong idadaan ko sa bibig—"

Napangisi siya nang kunin ko 'yon mula sakanya at napainom ng wala sa oras.

"Iinom ka rin naman pala eh. May indirect kiss na tayo sunod na iyong totoong kiss? Anong gusto mo french? Torrid? Passionate?"

Tinakpan ko ang bibig niya at inirapan. Kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig niya. I turned away from him, but halfway up the staircase, I stopped abruptly, causing him to bump into my back.

Hinirap ko siya at pinagtaasan ng kilay. Kunot noo'ng nakatingin siya sa akin habang napapakamot ng buhok.

"Sasama ka hanggang kuwarto?" humalukipkip ako.

"Yes, why not? Gusto kong makita ang kuwarto mo na magiging kuwarto ko na rin in the future." Pa-inosenting sabi pa niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ako mananalo sa lalaking 'to.

"Ito kana naman Linden, bakit ka ba ganyan?"

"What? Totoo naman, ikaw kaya—"

Sa ingay niya at sa mga pinagsasabi ay wala sa sariling hinalikan ko siya.

Finally, he fell silent. I couldn't help but grin at his surprised reaction.

"Halika na." Pag-anyaya ko na parang walang nangyari.

Nang makarating sa harap ng kuwarto ay doon ko palang siya nilingon.

I tried to act normal, as if nothing happened with the kiss, but deep inside, my heart couldn't contain the pressure I was feeling. It was racing so fast, as if trying to escape my chest.

"Tumahimik ka rin, tara na sa loob." Marahan kong itinulak ang pinto at nilawakan ang pagkakabukas.

Nabigla ako nang marahas niya akong itinulak papasok sa loob kuwarto at sa kasamaang palad bumagsak kami pareho sa kama. Nakadagan siya sa'kin, mabibigat ang paghinga na animo'y nagpipigil.

"You're my first kiss," he said in disbelief. "And you initiated it. Damn!" He brought his face dangerously close to mine.

"Should I do the same? Returning the favor," he teased, laughing when he saw me almost closing my eyes.

With him so close, I couldn't breathe properly. I squirmed and pushed him away. "Stop fooling around. I did that to make you shut up and stop."

"Wait for my revenge, Janjan. You'll surely like it," he said with a mischievous smile.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status