Share

Kabanata 2

Pilit kong pinapabitaw si Linden sa kamay ko dahil panay hawak siya ro'n.

Pababa na kami pero ayaw pa rin niyang bumitaw at ang mas masaklap pa dito pinagsiklop pa niya ang mga daliri namin.

"Linden naman." Saway ko sakanya.

"You stole my first kiss." Kanina pa niya iyan sinasabi.

Mas lalo ata siyang naging clingy. Kung itulak ko kaya siya sa hagdan? Kidding aside.

Nadatnan kami ni Mama pero hindi niya pinansin ang magkahawak naming kamay ni Linden.

"Jan anak punta lang ako sa flower shop natin, dalhin ko lang itong basket doon."

"Tita kami na lang po ni Janjan ang pupunta ro'n, mukhang pagod na po kayo. Dadaan din naman po kami ro'n saka po mukhang mabigat iyan." Aniya saka mabilis na dinaluhan si Mama sa baba na medyo ikinagulat ko.

Marahan ang pagkakakuha niya ng basket mula kay Mama at ngumiti pa siya bago bumaling sa akin ng tingin.

Nakita kong natuwa si Mama sa ginawa ni Linden. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko tumigil sandali ang mundo ko.

Binalikan niya ako and with his free hand, nagawa pa niyang makipag-hawak-kamay sa akin. Wala na talaga siyang hiya.

"Halika na? Baka naghihintay na sila Belle at Claus doon." Saad niya at marahan niyang pinisil ang kamay ko.

Nakatitig lang ako sa mukha niya. Natauhan lang ako nang marahan niyang i-untog ang noo niya sa noo ko.

"Ahh oo," naiiling na sagot ko. "Ma! Punta na kami ah? Pasabi na lang kay Papa na nag-sleep over kami nila Linden sa bahay nila." Paalam ko bago tuluyang lumabas ng bahay.

"Sige 'nak, mag-iingat kayo." Nakatanaw lang sa amin si Mama habang kumakaway.

Pansin ko ang pananahimik ni Linden, kinulbit ko siya sa tagiliran gamit ang hintuturo ko.

Nagtaka ako nang mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Ano naman kaya ang sumapi dito?

Yumuko pa siya lalo na nakapagpatigil sa amin sa paglalakad. Humarap ako sa kanya at inangat ang kanyang mukha.

Isang butil ng luha ang tumakas sa kanyang kaliwang mata. Natigilan ako nang pumutak iyon sa magkahawak naming kamay.

Lumapit siya sa'kin at binaon ang baba sa aking balikat. Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdam ko, pero parang pinipiga ang puso ko sa kalagayan niya ngayon.

Anong problema niya? Why he's acting likte this all of a sudden?

"Linden—" Magsasalita pa sana ako nang kabigin niya ako ng mahigpit na yakap at hinalikan sa leeg ng ilang ulit.

"I will definitely miss you. And your family too." Hikbi niyang sabi at nagsumiksik sa'kin.

"Ano bang pinagsasabi mo? Aalis ka ba? Bakit parang namamaalam ka?" That's hit me, aalis ba siya?

"I'm not leaving, okay?" Kumalas siya ng yakap at ginawaran ng halik ang aking noo.

Pakiramdam ko may hindi siya sinasabi sa'kin. Tinalikuran niya ako. Napagtanto kong malapit na kami sa tindahan kung saan kami magkita-kita.

Tanaw ko na rin sila Belle at Claus na ngayon ay kumakaway sa amin.

"Linden!" tawag ko sakanya pero hindi niya ako nilingon.

Binitawan na niya rin ang kamay ko nang makarating na kami sa tindahan.

"Tara na?" malamig niyang sabi at inunahan niya kaming maglakad.

"Anong nangyari doon?" takang tanong ni Claus.

Nagkibit-balikat na lang ako. "Hindi ko alam, baka sinusumpong, may saltik eh. Tara na?" pag-anyaya ko.

Ngayon ko lang din nakitang gano'n si Linden, siya kasi iyong tipong may saltik talaga. Hindi maintindihan.

Hindi ako mapakali, I haven't seen him like that na umiyak. Can't he tell me? Is it too heavy for him to tell me?

"Parang kinakabahan ako." Pareho kaming napatingin ni Claus kay Belle.

"Bakit naman? Do you think may mali kay Linden?" Ani Claus at humalukipkip.

"Wait! According dito sa nakita ko sa newsfeed, the Altamerano family will permanently reside in Manila. So there's a chance that Linden will also be there, staying for good, I guess." Pahayag ni Belle at pareho silang napatingin sa'kin ni Claus na may pag-aalala sa mga mata.

"Wala na tayong magagawa doon kung gusto ng pamilya nila na doon manirahan." Matamlay kong sagot.

"Both of you should talk. Confront him." Claus suggested.

Umiling ako. "Hindi na, kung gusto niyang sabihin sa akin, sasabihin niya, kung hindi, huwag nang pilitin." Sagot ko.

Belle sighed at nailing na lang din si Claus. We continued walking until we reached our flower shop.

Nakasandal si Linden sa tabi ng pintuan ng shop na hindi pa rin binibitawan ang basket.

Sandali kaming nagkatitigan pero agad din akong nag-iwas. Kinuha ko mula sa kanyang kamay ang basket. Binuksan ko ang pinto at deri-deritsong pumasok sa loob.

Rinig kong bumuntong hininga siya pero isinantabi ko na lang. Kung gusto niyang sabihin sa akin, eh 'di sabihin. Wala namang mangyayari eh, aalis pa rin siya.

Kung anu-anong pinagsasabi niya sa akin kanina tapos iyong issue ng pag-alis niya ay hindi? Bahala siya.

"Jan..." pagtawag niya sa'kin.

"Bakit?" malamig kong sagot. Hindi ko siya nilingon dahil abala ako sa pag-aayos ng mga bulaklak.

"Galit kaba?" nahihimigan ko ang kaba sa boses niya.

"Hindi," deritsong sagot ko. Wala akong karapatan magalit, desisyon ng pamilya nila iyon. "Gusto mong mauna na? Sunod na lang kami."

"You're not even looking at me. Fine, mauuna na ako." Ramdam ko ang yabag niya palabas ng shop.

Sa sobrang paninikip ng dibdib ko ay hindi ko namalayang natusok ako no'ng tinik ng rosas.

Pumatak ang dugo sa sahig. "Ang galing!" I shouted in annoyance.

"Ayos ka lang, Jan? Natusok ba?" I nodded to Claus while Belle is smirking like an idiot.

"Masakit ba?" nanunuksong tanong niya pa. "Iyan kasi, nahulog na ba?"

Sinamaan ko ng tingin si Belle. "Shut up Belle, walang nahulog. Natusok lang ako."

"Exactly! Emotionally." She blurted out like a crazy.

"Ewan ko sayo Belle, tara na nga! Kung anu-ano pinagsasabi mo diyan."

Tinawanan lang ako ng gaga. Pagkatapos kong ayusin lahat, sabay-sabay na kaming lumabas saka nilock ang pinto. Nagsimula na kaming maglakad papuntang bahay nila Linden.

"Bakit padabog na umalis si Linden kanina?" Hindi talaga ako tatantanan ng babae'ng 'to.

"Ewan, sabi sayo may sumpong, eh." Iritang sagot ko.

"Owwh, is that so?" hagikhik pa niyang sabi.

Habang papalapit na kami sa bahay nila Linden, dobleng kaba ang nararamdaman ko.

"Chill, mag-usap kayo." Belle patted my back na tinanguan lang din ni Claus.

Pagkarating doon sa loob ay sinalubong kami ng mga kasambahay nila at pinagbuksan ng gate.

"Si Linden po?" Belle asked.

"Sa pool po, naliligo. Doon daw muna kayo." Sagot ng isang kasambahay na tinanguan lang ni Belle.

"It's ligo time, tara lets!" hinatak ako ni Belle papunta sa pool area habang si Claus maman ay naghubad na ng pang-itaas.

Wala na, tinakasan na sila ng hiya sa katawan. Ngunit no'ng malapit na kami, pare-pareho kaming natigilan nang marinig naming may kausap si Linden.

"Ma! Let me think, okay? Huwag atat. I can manage to run our business in Manila. Oo, papalaguin ko Ma! Kilala mo ako. Wala akong dini-date dito. Ma naman! Si Jan po? We—" sandali siya natigilan. Kinabahan ako sa susunod niyang sabihin. "Magkaibigan lang kami no'n, no more! Ma naman! Sige na Ma, tatawag na lang po ako."

Nagkatinginan kami ni Belle at saka niya ako tinapik ng mahina sa braso habang naiiling. "Na-friendzone tayo mga 'te. Tara at huwag nang umasa."

"Sa magkaibigan naman talaga kami." Depensa ko.

"Oo na lang, Jan. It is not what I see in your eyes. Come on!" hinila na niya ako sa pool area.

Nilingon kami ni Linden ngunit no'ng magtama ang mga mata namin ay agad siyang naglihis ng tingin.

"Nandyan na pala kayo," aniy sa mababang boses. "Dito kayo." Tinapik niya kung saan siya naka-upo.

"Hindi ako maliligo, kayo na lang, magrereview na lang ako." Walang ganang sabi ko dahilan para mapatingin siya sa'kin.

"No, no! Maliligo tayo." Sapilitan akong hinila ni Belle sa tabi ng pool pagkatapos kong ilapag ang mga gamit na dala.

"Belle naman, wala akong dalang pamalit. Hindi ko naman alam na maliligo tayo." Pagtanggi ko at nakitang lumusong si Linden sa tubig.

"May damit naman siguro si Linden, humiram ka nalang sakanya." Pagpupumilit pa ni Belle.

"Pero— Belle!" umawang ang bibig ko nang itulak niya ako.

"Linden catch!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status