Share

Kabanata 3

Napainom ako ng tubig at napangiwi nang malasahan iyon. Lintek talagang Belle. Kung anu-ano na lang trip sa buhay na ikakamatay ko.

Ramdam kong may pumulupot na kamay sa tyan ko at maingat akong inangat mula sa tubig.

Tawang-tawa si Belle habang nakaturo sa amin pagkatapos ay tumalon na rin siya pool kaya umalon ng malakas at sumaboy sa amin ang tubig.

"Ayos ka lang ba?" nilingon ko si Linden na nasa likuran ko at napayakap sa kanya dahil sa lakas ng alon.

Hindi ko alam kung bakit nanlambot ako nang yakapin niya ako pabalik. Okay lang sa'kin kung ipulupot niya ang kamay sa tyan ko ngunit nakaramdam ako ng init nang tumaas iyon.

Hahawakan niya ba ako ro'n?

Actually hindi ako gano'n karunong lumangoy at hindi ko alam kung anong sumapi sa babae'ng iyon at itinulak pa ako. Gusto na ata akong mawala sa mundong ibabaw.

Hinigpitan pa lalo ni Linden ang pagkakayakap sa akin na ang tanging nakasuporta lang sa amin para hindi lumubog ay ang isa niyang kamay.

"Huwag ka nang magalit sa akin please. Mag-usap tayo mamaya." Namamaos niyang sabi malapit sa tenga ko.

Hinarap ko siya at sinalubong ang mga mata niyang pumupungay na animo'y may gustong sabihin.

Mula sa mata niya, bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang mga labi habang kagat iyon.

"Jan?" pagtawag niya sa'kin kaya nag-angat ako muli ng tingin sakanya. "We'll talk mamaya, hm?"

Hindi kaagad ako nakasagot dahil para akong na-starstruck sa kagwapuhan taglay niya lalo pa na basang-basa siya na mas lalong nakapagdag sa kakisigan niya.

Naramdaman kong tumaas pa lalo ang kamay niya kaya umawang ang labi ko. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa pagkakahawak niya hanggang sa maramdaman ko na lang na sinapo niya ang mayayaman kong dibdib sa ilalim.

Napakurap ako ng ilang beses nang mas lalong pumungay ang mga mata niya habang kagat ang pang-ibabang labi. He's raking hot while bitting his lower lip.

"Magkaibigan pa ba iyan?" nanunuksong sambit ni Belle at nakipag-apiran kay Claus na ngayon ay pinapanood kami. "Eh 'di nagka-ayos rin."

"Gusto mo bang more than friends?" he asked almost a whispered dahilan para manlaki ang mga mata ko. "Okay lang naman sa'kin."

Nag-init ang pisngi ko sa kung paano niya ako lapitan at bulungan. Pumisil ang kaliwang kamay niya sa kaliwang dibdib ko kaya napaawang ang labi ko.

"K-kasasabi mo lang kanina sa Mama mo na magkaibigan lang tayo. Saltik ka talaga." Umikot ako para sumampa sa likuran niya.

Hindi ko ata kakayanin kong lamasin pa niya iyon dahil baka tuluyan na akong bumigay.

"I'll explain it to you later." Paanas niyang sabi.

"Whatever Linden, umahon na tayo, nilalamig na ako."

"Gusto mong painitin natin?" pilyong tanong niya.

My eyes widened. "What the fudge Linden?" Hinampas ko nga sa balikat.

"Biro lang naman, eh. Manang, iyong snack namin pakihanda na po at pakihatid na rin po dito." Lumangoy siya patungo sa side ng pool.

Inangat niya ako at pina-upo ro'n sa tabi. Sandali siyang tumitig sa'kin at pilyong ngumiti. Ano na naman kaya iniisip? Iniisip ba niya iyong kanina sa ilalim ng pool?

Ugh! Hindi ko tuloy matanggal sa isip ko kung paano niya ako hinawakan doon.

Maliligo pa sana siya nang marahan kong hilahin ang buhok niya. "Namumula." Tukoy ko sa braso niyang hinampas ko.

"Kiss mo para mawala." Nakangising niyang wika at ibinuka ang mga hita ko at pumagitna ro'n.

He placed his hands on my thighs habang nakalublob ang kalahati ng katawan sa tubig.

"Ayie!" Tukso sa amin ni Belle at Claus na ngayon ay papalapit sa amin.

Sinamaan ko sila ng tingin saka naman umahon si Linden at naupo sa tabi ko. Kumuha siya ng tuwalya at ipinaikot sa aming dalawa. Malaki naman iyon kaya kasya kami. Hindi pa siya nakuntento ay umakbya na rin siya para hindi raw gaano kalamig. Para-paraan mga 'te.

"Much better," rinig kong bulong niya kaya siniko ko at napatingin sa'kin. "Bakit gusto mo na lang bang yakapin kita?"

Tinaliman ko siya tingin. Kahit kailan 'tong lalaki na 'to puro pananansing ang nasa isip.

"Alam niyo kung ibang makakakita sa inyo, pagkakamalaman talaga kayong mag-jowa." Sabi ni Claus habang sumisimsim sa baso na may lamang gatas na kakalapag lang kanina no'ng kasambahay.

"I agree, may something na ba?" at tumawa na naman si Belle. Nahawaan na ata ni Linden ang isang 'to.

"Kapag hindi ka pa tumigil ay lulunurin na talaga kita Belle." Banta ko pa pero tinawanan lang niya.

"Hindi ka naman gano'n ka ekspertong lumangoy, manlunod pa kaya." Ngisi-ngising sagot niya kaya inirapan ko.

"Whatever." Malditang sabi ko at pinag-krus ang kamay sa dibdib.

"Tuturuan naman kita. Here, drink your milk and eat some cookies para mainitan ang tiyan mo." Si Linden na isinubo sa'kin ang isang pirasong cookies na siyang ikinagulat ko.

Wala akong nagawa kundin ang kainin iyon at sumimsism sa baso na may lamang gatas.

"Sana all may Linden na super caring!" tumitiling sambit ni Belle na parang kinikiliti.

"Gaga! Ako na, aasarin na naman tayo ng dalawang iyan kesyo ganito-ganyan," hinatak ko kay Linden ang cookies at gatas na nasa kamay niya. "Uminom ka ng gatas, kanina ka pa ata naliligo." Sabi ko pero imbes na kunin ang sa kanya ay iyong sa akin ang kinuha niya at sumimsim doon.

Tulala ako habang nakatitig sakanya. Gustong-gusto talaga niyang ka-share niya ako sa pagkain.

"Mukha kasing masarap kesa doon sa isa," sambit niya at matapos niyang inumin ang kalahati ro'n ay binalik niya sa akin. "Inom ka na rin."

"Halika na Claus, mukhang may sariling mundo ang dalawa na iyan. Out of place tayo dito."

"Humanap kana rin ng jowa, Belle, o kaya nandito naman ako. I'm free." Tumatawang sambit ni Claus dahilan para samaan siya nito ng tingin.

Gwapo naman si Claus, matalino rin, talented, may kaya sa buhay, hindi ko alam kung bakit hindi siya magustuhan ni Belle, siguro ay dahil sa kilos babae si Claus kaya naguguluhan kung papatulan o hindi na lang.

In-isang lagok ko ang natitirang gatas sa baso bago tumingin kay Linden na ngayon ay nakatingin lang sa tubig.

"Are you having a hard time to decide Linden?" tanong ko saka siya dahan-dahan tumingin sa akin at tumango.

"You should follow your parents. Doon ka magko-kolehiyo sa Manila 'di ba?" he nodded again. "Chance mo na iyan para ma-close mo sila."

Nasabi niya sa'kin dati na malayo ang loob niya sa kanyang mga magulang dahil siguro abala sa kanilang mga trabaho.

"Paano tayo?" natigilan ako sa tanong niya. "Parang hindi ko kaya."

Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit kusang tumulo ang luha ko.

Huminga ako ng malalim. "Magkikita pa naman siguro tayo."

"Walang kasiguraduhan, hindi ko kaya." Mabilis niyang pinunas ang luha sa aking pisngi.

"I'll try to ask my parents kung papayagan nila akong mag-aral sa Manila." Sabi ko kahit na parang malabong mangyari iyon.

Tumango siya ulit. "Magkikita tayo, nila Belle at Claus doon," napasinghap ako nang yakapin niya ako bigla. "Naging parte na kayo ng buhay ko, lalo kana Janjan kaya kahit anong mangyari, magkikita pa rin tayo."

Tango lang ako ng tango sa kanya.

"This is the hardest decision I've ever made to myself. Sana ay hindi ko pagsisihan." Bulong pa niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

"We'll see each other again in college." Said Belle at nakiyakap na rin sa amin kasama si Claus.

When will that time come?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status