Se connecterNasa loob lang ng kwarto si Martin noon. Ramdam pa rin niya ang hilo mula sa nainom. Umupo siya sa gilid ng kama, nakatalikod sa pinto, pinipilit ayusin ang sarili habang humihilot sa sentido.
Hindi niya namalayan na bumukas ang pinto nang marahan. Pumasok si Nancy, kasunod si Cassy, na halatang tipsy, namumungay ang mga mata, at parang wala sa tamang ulirat matapos ang buong gabing pagsisilbi sa birthday ng kambal na CEO. Hindi agad nakilala ni Nancy ang lalaking nakatalikod. Basta’t ang alam niya—iyon ang lalaking inupahan niya. “’Yan na siya,” bulong ni Nancy, mahina pero buo ang loob, hawak ang braso ng nalilito at pagod na Cassy. “Tapusin mo na ’yan bago pa magbago isip ko.” Bahagyang umatras si Cassy, pero dahil sa hilo, napaupo siya sa tabi ng lalaki. Napalingon si Martin, nagulat sa dalawang biglang sumulpot. “Hoy—sino kayo?” garalgal niyang tanong, pero halatang malabo pa ang isip. Napatigil si Nancy. Saglit siyang nakiramdam. Tila bumagsak ang lahat ng plano niya, pero huli na para umatras. Hindi niya namukhaan si Martin—ni hindi niya alam na siya pala iyon, hindi ang inupahang lalaki. Si Cassy naman, dahil sa init sa katawan at pagkalasing, ay bumigay sa bawat dampi, bawat hingang nagtatama, habang unti-unti silang nadadala sa tensyon sa loob ng kwarto. Si Martin, lasing at gulong-gulo, ay hindi na rin nakaiwas nang tuluyang sumubsob si Cassy sa balikat niya, humihingal, naghahanap ng komportableng sandalan. Naghalo ang pagkalito, init, at pagkadulas ng sitwasyon, hanggang sa tuluyang lamunin sila ng gabing iyon sa paraang hindi inaasahan ng kahit sino sa kanila. At sa labas, bago lumabas ng hotel, may ngiti sa labi si Nancy, ni hindi alam na mali ang lalaking naitulak niya sa pinsan niya. Nagising si Martin sa malamig na sikat ng umagang pumapasok sa kurtina. Mabigat ang ulo niya, parang binibiyak. Ngunit mas mabigat ang pakiramdam nang maramdaman niyang may ibang taong nakahiga sa tabi niya. Dahan-dahan siyang bumangon. At doon niya nakita si Cassy, tulog pa, magulo ang buhok, at may bakas ng luha sa gilid ng mata, tila umiiyak bago makatulog. Parang binuhusan si Martin ng malamig na tubig. “Diyos ko…” mahina niyang bulong. Hindi niya kilala ang babae. Hindi niya matandaan ang nangyari. Hindi niya alam kung bakit siya naroon. Sa kabilang banda ng kwarto, nakabukas pa rin ang pinto, naalala niyang parang may dalawang anino kagabi. Pero lahat ay malabo, putol-putol, hindi magkadugtong. Tumayo si Martin, agad nagsuot ng damit, halatang nanginginig. Hindi niya kayang harapin ang gulo ng sitwasyon, lalo’t wala siyang malinaw na alaala. Bago siya tuluyang lumabas, tumingin siya kay Cassy nang huling beses. May kung anong kurot sa dibdib na hindi niya maipaliwanag. Pagkalabas niya, unti-unti na ring nagising si Cassy. Nagmulat siya ng mata na parang may punit sa dibdib. Wala siyang maalala nang buo. Piraso-pirasong eksena lang, iyong hilong-hilo siya sa paglalakad papasok sa kwarto, ang malamig na kamay ni Nancy sa braso niya at ang pakiramdam na parang may tinutulak siyang hindi niya maintindihan. Pagtingin niya sa kama… wala na ang lalaki na katabi niya kagabi. Sa sahig, nakita niya ang nahulog na ID ng hotel staff na naglilinis ng rooms, hindi iyon sa lalaking katabi niya. Wala tuloy siyang clue kung sino ang kasama niya kagabi. At doon siya tuluyang nanghina. Humagulgol siya, hindi dahil sa nangyari lang, kundi dahil wala siyang kontrol na nagawa at mas lalo siyang natatakot dahil parang may pwersang nagtulak sa kanya. At sa labas ng hotel, si Nancy ay nakasandal sa pader, hawak ang cellphone, nanginginig ang kamay, hindi dahil sa pagsisisi, kundi dahil napagtanto niyang mali ang lalaking napasok nila. At kahit siya rin ay natataranta, pinili niyang manahimik. “Wala nang atrasan,” bulong niya sa sarili, habang unti-unting nagkukuyom ang kamao. “Hindi na pwedeng malaman ni Cassy ang totoo.” Hindi mapakali si Martin mula nang umalis siya ng hotel. Pakiramdam niya ay may mabigat na tanikala sa dibdib, ang mukha ng babaeng natagpuan niyang katabi sa kama. Pagkabukas niya ng pinto ng kotse, agad siyang sinalubong ni Mang Froi, nakaabang, tulad ng nakasanayan. “Sir, derecho na po ba tayo sa office?” tanong nito habang inaayos ang seatbelt. Umupo si Martin sa likod, hinahabol ang hininga na parang may mabigat na buhol sa lalamunan. “Mang Froi… hindi. Kailangan nating hanapin ’yong babae. ’Yong babaeng nasa kama ko kanina.” Napakurap si Mang Froi sa rear-view mirror. “Sir? Baka nalasing lang kayo. O baka naman—” “Huwag mo na pong pagdudahan ang babaeng iyon,” putol niya, may nanginginig sa tono. “Hindi ko siya kilala, pero parang pamilyar siya sakin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa amin. Pero kailangan kong malaman kung ayos lang siya. Mang Froi, ibalik mo ako sa hotel. Hanapin natin siya. Kausapin natin ’yong staff, CCTV o kahit ano.” Tumango si Mang Froi, nag-aalala ngunit sanay na sundin ang bata. “Sige po, sir.” Umandar na ang kotse. Pero kakaiba ang pakiramdam ni Mang Froi rito. Parang may sabit. May kalabog. Isang mahinang ugong na hindi normal. “Mang Froi… ano ’yon?” tanong ni Martin, napapakapit sa hawakan. “Parang may natanggal, sir. Pero… kakapa-check ko lang nito kahapon—sandali, titigil ako sa gilid para tingnan—” Ngunit bago pa niya maipreno, tumigas ang pedal sa ilalim ng paa niya. Nanginig ang boses ni Mang Froi. “Sir… walang preno ang kotse niyo!” Parang bumagal ang paligid. Nakikita ni Martin ang mabilis na paglapit ng intersection, ang nagliliparang papel, ang bus na paparating mula sa kanan. “Mang Froi!!!” sigaw niya, kumakabog ang puso. “Iwas! Iwas!” Kumikiskis ang gulong sa kalsada, pero walang kapangyarihan ang kotse. Wala itong preno, may natanggal, may tumiklop, may kumalas na hindi dapat kumalas. At ngayon, humaharurot ang sasakyan na parang bulag na hayop. “Mang Froi, hanapin mo ’yong babae!” sigaw ni Martin sa gitna ng takot. “Kahit ano’ng mangyari, hanapin mo siya!” “Sir, kumapit ka!” May pumutok na kung ano. Isang hampas na parang biniyak ang mundo. Tumagilid ang kotse, gumulong, nabasag ang windshield. Tumilapon ang usok, langis, at mga sigaw ng tao. Sa likod, si Martin ay nakahandusay, duguan, humihingal nang pira-piraso. Sa unti-unting pagdilim ng paningin niya, isang mukha lang ang malinaw, ang babaeng hindi niya kilala, pero kailangang-kailangan niyang mahanap. At bago siya bumagsak sa kawalan, narinig niya ang mahina ngunit desperadong tinig ni Mang Froi. “Sir, hindi ko kayo iiwan rito ha.”(Martin’s POV) Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabing direkta kay Gabriel ang tunay na rason kung bakit kailangan kong malaman ang tungkol doon sa babae. “Alamin mo kung taga saan siya.” Mahina pero matigas ang boses ko, at alam kong sapat na iyon para malaman ni Gabriel na hindi ako nagbibiro. “Taga saan, sir? Ibig sabihin ay…” Ramdam ko ang pagkalito niya. Wala namang bago. Hindi ako basta nagbibigay ng utos na walang paliwanag, pero ngayon… hindi ko kayang bigyan siya ng kahit anong clue. “Alamin mo ang address niya. Background. Pero wala kang gagawin oras na malaman mo. Wala kang lalapitan. Wala kang kukunin na kung ano man sa kanya. Alamin mo lang.” Hindi ko tiningnan si Gabriel. Ayokong makita ang reaksyon sa mukha niya, dahil masyado nang halata ang tensyon sa dibdib ko. Kahit ako, hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko, e. “Warning po ba ‘yon para sa kanya?” tanong niya ulit, hindi makapaniwala. Hindi ako sumagot. Hindi ko rin kailangan na sumagot. Ang
(Martin's POV) Tahimik ang umagang iyon, o at least, gano’n ang gusto kong paniwalain ang sarili ko. Sa totoo lang, wala ni isang araw na naging tahimik para sa’kin mula nang hindi na ako makalakad. Kung hindi board meetings, deadlines, o mga mata ng mga empleyado kong laging nakaabang sa bawat kibot ko. Limang taon na ang nakalilipas mula nang magsimula ulit akong maghanap. Tatlong buwan mula nang bumalik ang isang alaala na matagal ko nang sinubukang ilibing, o baka hindi ko talaga kailangang ilibing, dahil kahit pilitin ko, hindi ko siya makalimutan. Limang taon na ang lumipas, pero sariwa pa rin sa isip ko ang gabi na ‘yon. Hindi ko alam ang pangalan niya noon. Hindi ko alam ang buhay niya, ang pamilya niya, o kung kasama ba siya ng iba. Ang tanging naiwan sa akin ay ang mukha niya, iyong simpleng mukha na may mapungay na matang nakatingin sa akin. Pero habang tumatagal, imbes na mawala siya sa isip ko, mas lalo ko siyang naaalala. Minsan iniisip ko, totoo ba talaga ang nang
“Maghanap ka nang matutuluyan ni Miss Dela Vera bukas. Update me about it,” malinaw na utos ni Martin kay Gabriel pero labis siyang nagulat. “Pero, Sir.. Binayaran niyo na po ang kulang na renta niya, di ba? Okay na po siguro iyon para sa kanila,” tutol ni Gabriel. Masama tuloy ang tingin ni Martin sa kanyang bodyguard. Pagkatapos ay umulit siya ng sabi, “Hanapan mo sila o ikaw ang maghahanap ng bago mong trabaho? Mamili ka.” Nanlaki ang mga mata ni Gabriel sa sinambit ng kanyang amo. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ang utos nito. Hindi maintindihan ni Gabriel kung bakit biglang nag-utos si Martin na humanap ng bagong tutuluyan para kina Cassy at ng kambal nitong sina Liam at Levi. Sanay siya na sumusunod sa bawat utos ng kanyang amo, mula sa pagbabantay sa opisina hanggang sa pag-asikaso sa personal nitong seguridad. Pero, kakaiba ang request na ito. Hindi pangkaraniwan, hindi rin simple. At lalong hindi niya alam kung bakit biglang ganito ka-protective si Mart
Wala nang nagawa ang landlady kundi tumango. At nang lumapit si Gabriel at iniabot ang envelope, ngumiti agad ito, yung ngiting napaka-ayos bigla pagkatapos sumigaw kanina. “Salamat po, Sir! Pasensya na po sa gulong dala ko…” Tapos mabilis itong umalis. Tumayo si Cassy nang mahinang-mahina ang tuhod niya. “S-Sir… hindi ko po alam kung bakit niyo ginawa iyon pero hindi ko po hinihiling na bayaran niyo—” hindi na natapos ang kanyang sinasabi. Tumingin si Martin sa kanya, malamig, diretso, at walang emosyon. “Hindi libre ang tulong ko sa'yo.” Napalunok si Cassy. Napaatras. Parang biglang lumitaw ang malinaw na dahilan ng pangamba niya. Hindi siya sanay tumanggap ng tulong mula sa isang estranghero. Lalo na mula sa isang lalaking tulad ni Martin, na kitang-kita sa postura, sa bihis, sa kilos, na may kapangyarihan ito. Kapangyarihang hindi basta nalalapitan. “A-ano pong ibig sabihin?” tanong niya, napakababa ng boses. Hindi agad sumagot si Martin. Parang pinag-iisipan pa kung sasagu
Maagang-maaga. Hindi pa sumisikat nang husto ang araw, ngunit binulabog na ang katahimikan ng buong apartment complex.Malakas ang katok mula sa pinto.Kasunod ang malakas at nakakabusang sigaw.“Cassy! Cassy Dela Vera! Lumabas ka riyan, kundi wawasakin ko talaga ito!”Napabalikwas si Cassy mula sa kanyang manipis na kutson. Nagkatinginan sina Levi at Liam, parehong nagising at kinakabahan.“Mama… sino po ba ‘yan?” halos bulong ni Liam.“Ah, yung landlady lang, pero don’t worry, Mama will talk to her,” pilit na kalmado niyang sagot kahit ang puso niya’y kumakabog.Tumayo siya, mabilis na inayos ang buhok, at lumabas ng kwarto. Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa galit na mukha ng landlady na si Aling Mercy, pulang-pula ang pisngi at singhigpit ng bakal ang titig.“Ayan ka pala! Dalawang buwan kang hindi nagbabayad! Akala mo siguro pwede mo akong paikutin, ano?!” sig
Pagkadating nila sa mansyon, mabilis na bumaba ang mga staff para salubungin si Martin. Tahimik siyang itinulak ng isa pang bodyguard papasok sa grand foyer, habang si Gabriel naman ay nasa likod, hawak ang daily report tablet. Malawak ang loob ng mansyon. Ito ay marmol ang sahig, malalaking chandelier, at malalamig na kulay ng ilaw na sumasalamin sa katahimikan ng tirahan ng isang CEO. Pero sa likod ng katahimikan na iyon, kumukulo ang dugo ni Gabriel sa tanong na kanina pa niya pinipigilang bitawan. Hindi na niya kinaya. “Sir,” mahinahon ngunit ramdam ang pag-aalinlangan niyang sabi, “pwede ko po bang itanong… bakit hindi n’yo pinarusahan yung babae kanina sa elevator?” Hindi tumingin si Martin. Sa halip, dahan-dahan niyang tinanggal ang blazer at ipinatong sa armrest ng wheelchair. Tahimik. Matipid. Parang wala siyang naririnig. Pero hindi pwedeng bingi si Martin. Lalo na kapag siyang C







