Share

Chapter 5

Dumiretso agad ako sa room namin para sa sunod kong subject. May laboratory kami ngayon at makikita ko na naman siya. Binalewala ko na ang sinabi niya kanina. Mabilis ko naman agad iyong isiniwalang bahala.

Nang makarating ako sa pintuan ay inayos ko na lamang muna ang aking salamin bago pinihit ang doorknob. Bumungad sa akin ang maingay na boses ng mga kaklase ko. Nakatayo lang sila sa gilid at may nakahilerang tatlong mannequin sa gitna na nakahiga lamang sa pahabang lamesa.

Naghanap muna ako ng puwesto bago magsimulang maglakad pero napatigil nang sabay na bumati ang mga kaklase ko at nakatingin sa akong likod. Bumilis ang tibok ng puso ko pero tumuloy ko parin ang paglalakad at puwesto sa madilim na area.

Professor Zaiden stands in front with a CPR mannequin on the table. The room is buzzing with excitement as nursing students, including myself, gather for the demonstration.

Nakatingin lang ako kay Professor habang nakatayo siya roon suot parin ang eyeglasses niya.

"Today, we'll be covering the basics of CPR - Cardio-Pulmonary Resuscitation," Simula niya. "This skill is vital for any healthcare professional, especially nurses. Now, let's start with the initial assessment."

He demonstrated how to check for responsiveness, tapping on the mannequin's shoulder and shouting, "Are you okay?" We observed attentively, taking mental notes.

"As a nursing student,"Patuloy niya. "you'll often find yourself in situations where immediate intervention is crucial. Now, observe the chest rise and fall, or in this case, the mannequin's chest."

The professor explained the importance of checking for normal breathing and the correct hand placement for chest compressions. I watched intently, eager to grasp the life-saving techniques being demonstrated.

"Remember, in an emergency situation, efficiency is key. Perform chest compressions at a rate of 100-120 compressions per minute," Professor Zaiden emphasized as he demonstrated the proper technique.

Pagkatapos ng demonstration ay pinasubok niya kami isa-isa hanggang sa ako na ang sumubok.

Nakatayo lang siya sa tabi ko at ako naman ay kinakabahan dahil nakatingin ang lahat sa akin. Naghihintay siguro silang magkamali ako na hindi rin naman nangyari.

"Very good, Ms. Valencia. Next student to demonstrate?"

Huminga ako ng malalim at bumalik ulit sa puwesto ko kanina. Napalingon kami nang may kumatok sa pinto at sumilip ang isang babae. Nagsalubong bigla ang kilay ko dahil nakilala ko ang babae.

"Professor Zaiden? Puwede bang makausap ka?" Halatang pick me ang bruha. May pahinhin pang boses na nalalaman.

"Class please continue the demo. President of your class will be the one to observe."

Lumapit siya sa babae at kahit nasa loob pa sila ng laboratory ay hindi na nakaya ng babae at agad siyang hinawakan sa pulso. Bigla akong nasaktan dahil halatang mahal na mahal nila ang isa't Isa. Professor Zaiden is smiling to her. Hindi ko iyan naranasan sa kaniya kahit niisa.

Kumuyom ang kamao ko. That woman smile will be vanished someday. Buburahin ko 'yan.

-----

Inis kong tinapon ang mga gamit ko sa higaan ng apartment. Kanina pa akong nagtitimping sugurin ang babae kanina. She held Professor Zaiden's arms. She even hugged him! That bitch is really testing my patience.

Ginulo ko ang aking buhok at galit na umiiyak. Akin lang siya eh! Akin lang si Professor Zaiden! Aagawin ko siya at bukas na bukas ay hindi ako mahihindian ng Professor.

Tumingin ako sa cellphone ko at ngumisi. I have one ace pero hindi ko iyon gagamitin mo na sa ngayon. I will seduce him until he begged me to stay with him. Kung ayaw niyang humiwalay sa babae, p'wes ako mismo ang gagawa ng paraan upang hanap-hanapin niya ako.

Lumapit ako sa body mirror at mabilis na hinubad ang aking damit. Inayos ko ang buhok kong ginulo at sinuklay gamit ang daliri ko. Wala akong salamin ngayon at kunting ayos lang ay maagaw ko na naman siya ulit.

Kinabukasan ay nagplano akong gumamit muna ng contact lenses. Ikalawang beses ko 'tong gagamitin at pangalawang beses ko ring mag lagay ng kunting make up sa mukha ko. Puting uniporme lang suot namin dahil nga nursing pero sinadya kong buksan ang dalawang botones ng pangtaas ko.

Inayos ang katamtaman kong buhok at pinakulot ang dulo, pati bangs ko ay inayos ng maigi upang maibalandra ang noo ko. Naglagay ako ng kunting blush on, lipstick at nagkilay rin ako. Lahat 'yan ay galing sa YouTube na pinanood ko.

Alam ko naman na may ikakabuga rin ako sa katawan at mukha pero wala akong pakialam noon. Ngunit kung para nalang rin na maagaw ko ng tuluyan ang Professor sa impakta niyang fiance, gagawin ko ang lahat at uunahin ko ang sarili ko. Lalaki siya at alam kong hanap-hanapin niya pa rin ako.

Ginamit ko rin ang bago kong bag na binili ng ate ko last week. Pagkatapos kong mag ayos ay sinara ko ng maigi ang pintuan bago ko tinahak ang labas.

May nakasalubong pa akong ilang mga kalalakihan at nang mapasulyap sila sa gawi ko ay halos hindi na iyon naalis. Binalewala ko lang sila dahil may plano ako ngayon at hindi sila kasali roon.

Kahit sa Jeep ay hindi mawala-wala ang tingin ng mga tao sa akin. Lalo na ang mga lalaki. Todo sulyap sila sa puwesto ko. May mag asawa pang nag aaway kaya kahit hindi pa sila nakarating sa paparuonan nila, bumaba na agad sila.

Nang makarating ako sa labas ng University namin, doon na ako kinabahan ng maigi dahil alam kong maraming makakapansin sa akin lalo na at wala naman akong salamin na suot. Pero incase na may mangyari, dinala ko parin.

Maaga ako ngayon pero wala pa akong balak na hintayin si Professor Zaiden dahil klase naman niya ngayon sa amin. Hinubad ko lang ang salamin ko para ipaalala sa kaniya ang pinagsaluhan naming dalawa.

Taas noo akong naglakad at hindi man lang nilingon ang mga taong nakatingin sa gawi ko. Lalo na ang mga lalaking lagi akong tinutukso. Halata sa mga mukha na hindi nila ako namumukhaan. Hindi ko alam kung bakit dahil salamin lang naman ang humaharang sa mukha ko.

Oo nga pala, they know me as a crazy nurse here. Hindi nila ako halos tinitigan at bakit raw ako nag nurse kung may mental disorder raw ako. Ambobo nila.

Sakto lang ang oras nang dumating ako sa labas ng classroom at halatang bagong dating palang si Professor Zaiden dahil bago niya palang nilagay ang laptop niya sa mesa. Ngumiti ako at pumasok na sa pintuan.

"Good morning, Professor."

Halos lahat ay napatingin sa gawi ko. Nanahimik sila at pinasadahan ako ng tingin.

"Who is she? May transferee?" Nagkibit balikat lang ang kausap nito.

Ang mga lalaki naman ay ibang tingin ang pumupukol sa akin. Ibang-iba lalo na at alam ko kung anong tingin iyon.

Lumingon si Professor Zaiden sa puwesto at halatang nagulat siya nang dumapo ang tingin niya sa akin. Ngumisi lamang ako at dumiretso sa aking upuan.

Doon na umingay ang bulungan nang umupo ako dahil sino pa ba ang uupo sa pinakatalikod? Ako lang naman.

"What the fuck? Si Valencia? Tangina, ang ganda pala." Rinig kong sabi ng lalaking lagi akong binubully.

"Kung ganiyan lang naman pala kaganda ang baliw, mas mabuti kung gano'n. Ang sexy pa!" Ngumiwi lamang ako sa huling sinabi ng classmate ko lalo na at lumingon pa sa akin habang sinasabi iyon. Nagpapatay malisya nalang ako at kinuha ang notebook ko.

Tumikhim si Professor Zaiden dahil mukhang umingay na lalo at halatang ako ang pinag uusapan. Hinuli ko ang mata ni Professor pero mukhang iniiwasan niyang dumapo ang mata niya sa puwesto ko.

Nagsimula na siyang magsalita at nahahalata kong pinagpapawisan siya. Bakit kaya ganoon? Ang lamig naman ng room. Hindi ko inaalis ang mata ko sa kaniya at sa wakas, tiningnan niya rin ako at tumagal iyon ng ilang minuto habang nagsasalita parin.

Nagpatay malisya lang ako at casual na inayos ang buhok ko para makita ng maayos ang leeg ko. Lumingon ulit ako sa kaniya at napansin kong napahinto na siya sa pagsasalita at tinitigan lang ako.

"Sir, what about-"

Naputol ang pagtitigan namin nang may nagtanong sa kaniya. Kalmado lamang niya iyong sinagot at ako naman ay lihim na napangiti.

Pagkatapos niyang mag discuss ay nag short quiz. May Iba ngang nagreklamo dahil ang bilis raw mag quiz tapos ngayon lang nag discuss. Mabuti nalang ay nakinig ako sa kaniya at dalawa lang mali ko. Pinapasa niya ang mga short quiz namin para marecord niya kaya isa-isa kaming pumunta sa unahan.

"The class ended and there's no class later, teachers are having a meeting. So, you may rest early today."

Naghiyawan lahat sa sinabi ni Professor Zaiden pero ako ay hindi man lang nag react at nag iisip kung paano ko siya aakitin ngayong araw. Should I go inside to his office? Pero wala naman akong Ira-rason.

"Uh, Ms. Valencia. May ipapagawa ako sa'yo ngayon bago ka umuwi. Follow me in my office."

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Blessing in disguise ang ipapagawa niya sa akin. Pinipigilan kong huwag ngumiti at tumango lamang. Nangunot ang noo niya sa reaction ko. I won't let him know what my next move.

"Okay po, Professor."

Nakabuntot pa rin ang mga mata ng lahat sa akin hanggang sa lumabas na ako. Doon na ako huminga ng malalim dahil para akong malalagutan ng hininga dahil sa tingin nila.

Ang layo na ni Professor Zaiden kaya binilisan ko nalang ang lakad ko hanggang sa ilang metro na kami. Nakatingin lang ako sa malapad niyang likod. Mataas si Professor habang ako ay mukhang sa balikat niya lang. Tiningnan ko lang siyang buksan ang opisina niya.

May separate office siya rito pero katabi lang naman rin niya ang ibang office ng mga teachers pero sa kaniya ay nasa pinakadulong bahagi.

Nagkatinginan kaming dalawa at may napansin akong kislap roon bago siya nagbawi ng tingin. Ngumisi ako dahil kahit hindi siya magpahalata kanina ay effective ang paghubad ko ng eyeglasses. Paano nalang kaya kapag damit ko na ang huhubarin ko?

Pumasok na siya at sumunod lang rin ako. Nilibot ko ang paningin ko at kahit ilang beses kong nakikita ang opisina ni Professor Zaiden, namamahangha parin ako lalo na at may mga paintings roon at ibang sculptures na maliliit.

Malaki ang opisina niya, may couch pa nga sa gilid tapos malaking Vase. Mukha na tuloy opisina sa mga malalaking company ang itsura. May mga nakatambak rin na mga papel na marahil ay sa mga estudyante iyon.

"Is it okay if you will clean my office? Don't worry, I will pay you later."

Lumingon ako sa kaniya. I got confused all of a sudden, kahapon ay halos iwasan niya ako pero ngayon ay siya na mismo ang lumalapit sa akin. But anyways, it's better this way. Hinubad niya ang suot niyang long sleeves at binalandra nalang sa aking mata ang puti niyang panloob. Napansin niya ang pagtingin ko roon kaya agad ko nalang iniwas ang tingin ko at kunwaring chi-neck ang alikabok sa taas ng cabinet kung saan may flower vase na may plastic na rose.

"Mukhang need na talaga linisin, Prof. Mag uumpisa na po ako."

"Yes, please. Thank you."

Hinubad ko ang aking bag at nilagay lang sa couch. Dahil nilugay ko lang ang buhok ko ay pinuyos ko muna iyon habang hinahanap ng aking mata ang lagayan ng walis. Mabuti nalang at mabilis ko Iyong nakita at dumiretso agad ako roon at kinuha ang panlinis.

Tiningnan ko siyang papalabas na hawak ang cellphone niya pero bago siya lubusang lumabas ay tiningnan niya muna ako.

"I'll be back. I'll buy food for lunch. Do you want anything?"

"Um, kahit ano nalang po siguro."

"Alright." Maikli niyang sagot at tumalikod na.

Sinimulan ko na ang panlilinis at mabilis lang ako natapos dahil hindi naman talaga madumi ang office niya. Ang linis nga 'eh. Hindi ko lang alam kung bakit niya ako pinaglinis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status