Share

UHR 2

Author: KYLIEROSE
last update Last Updated: 2025-08-01 15:46:45

BRY STEVE

SOBRANG sakit ng ulo ko pagkagising. Halos madaling araw na rin natapos ang inuman namin. Kahit sobrang lasing, nakapag drive pa rin ako pauwi sa condo ko. Hindi na ako umabot sa aking silid, nakatulog na agad ako sa sofa.  Agad ko naman kinuha ang cellphone ko at tumambad sa akin ang maraming miscalls ni Damon.

Agad ko naman ito tinawagan. “Bro? What's up.”

“Akala ko patay ka na. Nasaan ka ba?” malamig ang boses na tanong niya.

Mahina naman ako napatawa. “Sa condo. Kagigising ko lang. Kahapon lang tayo nagkita ah.”

“Bry, may meeting ang company ngayon. Ikaw ang pupunta at may mas importante akong pupuntahan.”

“Hindi ako pwede-.”

“Sa ayaw at sa gusto mo, Bry! Hindi ako pwede lumiban sa family day na gaganapin sa school ng mga bata!” 

Napangisi na lang ako. Malaki talaga ang pinagbago ng kapatid ko. 

“Okay. Okay. I'll take a shower first.”

“Okay, good. Bye. And by the way, ayoko ko na balita na may tinangay ka na naman na mga babaeng employees sa kompanya.”

Humalakhak naman ako. Napakasigurista talaga ni Damon. 

 Mabilis naman ako naligo at gumayak na rin. Labinlimang minuto rin ang biyahe ko bago nakarating sa kompanya. 

“Good morning, Sir Bry,” bati ng mga empleyado sa akin. Tinanguan ko lang ang mga ito. Ni hindi ako ngumingiti sa mga ito. Kilala akong arogante at suplado bilang boss nila. 

“Good morning, sir. Naka-ready na po ang lahat. Nasa conference room na po ang lahat,” pagsalubong naman ng sekretarya sa akin. Pero hindi ako nakatingin rito, nakatitig lang ako sa mga naka-unipormeng estudyante. 

“Sino sila?” tanong ko naman.

“Ahmm..sir, sila po ang mga intern students. Naka-approved na rin po ito kay Sir Damon.”

Lalo naman nanliit ang dalawang mata ko pagkakita sa isang babaeng estudyante. Si Gabrielle. Nagtataka ako kung bakit dito sa kumpanya namin kumuha ng internship. Akala ko, medical student ito. 

“Sir? Naghihintay na po ang mga board-.”

Hindi ko naman pinansin ang sekretarya at mabilis ang hakbang na nilapitan si Gabrielle.

“Gabrielle.”

Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga na nakatingin sa akin.

“What are you doing here?!” 

“A-ako?” aniya na itinuro pa ang sarili.

Tinaasan ko naman ito ng kilay. “Who else?”

“D-dito kami mag-.” agad naman ito tumahimik dahil lumapit ang sekretarya.

“Sir, naghihintay na po ang mga board.”

Tiningnan ko naman si Gabrielle at tumalikod. Napabuntong-hininga naman ako. Gumaganda ito lalo sa paningin ko. 

“Pakihanda ang mga papeles na kailanganin ko,” Sabi ko naman sa sekretarya ko.

Ilang oras din bago natapos ang meeting. Hindi na ako tumagal sa conference room. Agad ko naman hinanap si Gabrielle.

“Nasa canteen po ang mga intern students, sir. Lunch break na po nila eh,” aniya naman ng Accounting Manager.

Agad naman ako dumiretso sa canteen. Ni hindi pa nga ako nakapunta sa canteen na ito. Mostly sa office lang ako nagpapahatid ng pagkain or sa labas kumakain. Pagpasok ko sa canteen, halos lahat ng mga empleyado nakatingin sa akin. Ang iba, nakatulala pa. Bihira lang ako nila ako makita dito sa kompanya. Si Damon kasi ang lagi nandito.

Dumiretso ako sa counter at nag-order ng kape. Napansin ko naman ang mga babaeng empleyado na nakapila na ito sa likuran ko. Nagkibit-balikat na lang ako. Naalala ko tuloy ang bilin sa akin ni Damon na huwag ko biktimahin ang mga empleyado sa kumpanya.

“Here's your coffee, sir,” kiyemeng saad ng tindera.

“Thanks,” agad ko naman kinuha at naghahanap ng mauupuan. Natamaan ko naman ang grupo nila Gabrielle. May bakanteng upuan pa ito kaya doon na ako dumiretso.

“Can I sit here?” tanong ko naman pero nakatuon ang mga mata ko kay Gab.

“Y-Yes, sir. Upo po kayo!” natarantang sagot naman ng kasamahan niya.

Umupo naman ako sa tabi ng dalaga. Nakayuko lang ito habang kumakain. 

“Gab?” tawag ko rito. Umangat naman ito ng tingin at humarap sa akin. Napangiti naman ako na nakatitig sa mukha niya. May kanin pa ito sa gilid ng bibig niya. Dahan-dahan ko naman ito tinanggal. Narinig ko naman ang singhapan ng tao sa paligid namin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • UNDER HIS RULE   UHR 19

    BRY STEVE“YOU'RE INSANE! Ipapahamak mo lang ang sarili mo, Bry!” galit na sigaw ni Damon.“Alam ko ang ginagawa ko, bro. Hindi na bago ito sa akin.”Ang daming nangyari. Halos mabaliw ako noong araw na nawala si Gabrielle. Hindi kami tumigil kahahanap sa dalaga hangga’t hindi namin ito natagpuan. And I doubted Carmella. President Lee told us about that woman. She's also a secret agent hired by the president for Gabrielle. Nang gabing nahanap na namin si Gab, sinubukan rin namin hanapin di Carmella. Pero hindi namin ito makita. Tanging bakas ng dugo sa gubat ang nakita namin. “Is she alive?” tanong naman ni Damon.“Who?” sagot ko. Parang wala ako sa aking sarili.“Carmella.”Napabuntong-hininga naman ako. “I don't know. I also investigated her. Paano siya nakapasok sa company natin ang secret agent iyon. Nakikita ko lang siya araw-araw isang normal na empleyado.”“Huwag ka na magtaka. Even us, we can do that. Baka hindi lang si Carmella ang nasa company natin, baka marami pa ang naka

  • UNDER HIS RULE   UHR 18

    GABRIELLE LEE “GAB? Anak?” Naririnig ko ang boses ni mommy. Ramdam ko rin ang paghaplos niya ng aking mukha. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad agad sa akin si mommy na umiiyak.“Anak? Okay ka lang ba?” tanong niya sabay halik sa aking noo.“M-mom.”Niyakap naman niya ako ng mahigpit. “Nag-aalala ako ng sobra, Gabrielle!”Niyakap ko din ito ng mahigpit. “I-I'm sorry, mommy. S-sana nakinig na lang ako sa inyo.”Umangat ang ulo ni mommy at tinitigan ako. “I-Ikaw ang kahinaan ng daddy mo, anak. Halos lahat ng sundalo ipadala niya para hanapin ka. At alam ng mga kalaban niya, na may anak siyang babae. At kilala ka na nila.”Bumaling naman ako ng tingin sa nakakabit na aparato sa aking kamay. Napansin ko rin na maraming galos ang braso ko at binti.“M-mom, nasaan si C-Carmella? I-iyong magandang babae. Matangkad at maputi? Pumunta po ba siya dito?”“Carmella? Walang pumunta dito sa hospital kundi ang mga kuya mo at ang iyong daddy. Private clinic ito ng Kuya Gold mo.”“P

  • UNDER HIS RULE   UHR 17

    GABRIELLE LEE HINDI ko na alam kung saang lugar na kami. Patuloy lang ang pagmamaneho ni Carmella at ni hindi ito nagsasalita. Hindi rin ako makatiis at ako na ang nagbasag ng katahimikan. “Saan tayo pupunta?” mahina pero kalmadong tanong ko rito. “Sa isang ligtas na lugar,” sagot ng dalaga at saglit lang ako tiningnan. “Do you know him? It's Mr.Blake.” “Yeah. Why?” aniya at itinigil muna niya ang sasakyan sa gilid ng daan. “Wait me here inside, na flat yata ang gulong ng sasakyan,” agad naman ito bumaba at sumunod din ako. “Kung kilala mo si Mr.Blake then you know me also. Sino ka ba talaga? Kalaban ka ba? O i-isa ka ring inutusan ni da-..ng presidente!” “Ayusin ko muna ang gulong. Keep on eye, baka may sumunod na kalaban.” Napabuntong-hininga naman ako. Nakamasid lang ako sa bawat kilos ni Carmella. Namangha din ako kung paano niya palitan ng mabilis ang bagong gulong ng sasakyan. Parang hindi man lang ito nahirapan. “Iuwi mo na ba ako?” hindi na ako makatiis na ta

  • UNDER HIS RULE   UHR 16

    GABRIELLE LEE TEARY EYED. Gwen is so beautiful with her white dress. Maya’t mayat naman ang pagpunas ng luha sa aking mga mata. “Gusto mo din ba ikasal like that?” biglang tanong naman ni Bry sa akin.“P-pangarap halos ng mga kababaihan ang ganyan sa lalaking minamahal nila.”“Well, let's see,” sagot ng binata na pasimple ko naman tiningnan.Napansin ko naman ang pagtaas ng kamay ni Gwen at pinapunta ako sa gitna. Agad naman ako nagpaalam kay Bry at pinuntahan si Gwen.“Gab, come here. Picture taking na,” nakangiting saad ni Gwen.Panay naman ang ikot ng mata ko. Hinahanap ko kasi si Carmella.“Where's Carmella?” tanong ko.Hinanap din ito ng mga kasama ko.“Nandito lang iyon kanina ah. Saan ba pumunta ang babaeng iyon?” Nagsimula na ang photographer kunan kami ng litrato. “Gabrielle sali ka mamaya sa games ha?” Sabi naman ni Gwen.Ngumiti na lang ako. Habang abala ang lahat sa kanya-kanyang pagkuha ng litrato kasama ang bride, hindi namin napansin ang pagpasok ng mga armadong la

  • UNDER HIS RULE   UHR 15

    GABRIELLE LEE UNANG gabi sa bahay nila Gwen. Sobrang nahirapan ako makatulog. Tiningnan ko naman ang cellphone ko at alas dose na ng hatinggabi. Sa isang kuwarto, apat kami rito. Dalawa kasi ang kama, at mahimbing naman ang tulog ng katabi ko. Dahan-dahan naman ako bumangon at lumabas. Gusto ko kasi uminom ng tubig. Paglabas ko ng kuwarto, marami pa rin ang gising at abala ang mga ito sa kasal ni Gwen mamayang alas otso ng umaga.“Gising ka pa pala, ineng. Gusto mo ba ng kape?” tanong naman sa akin ng may edad na lalaki.“Hindi po. Kukuha lang sana ako ng tubig.”“Hindi ka ba makatulog? Naninibago ka siguro. Sumama ka sa akin sa likod bahay, nagkuwentuhan doon sila baka mawili ka.”“S-sige po, manong.”Pagdating namin sa likod-bahay, halos mga matatanda ang nandoon. Abala sa paglilinis ng mga karne at paggawa ng iba't ibang kakanin.“Halika ka dito, ineng,” Aya ng matandang babae. Napatigil naman ako dahil hindi ko inaasahan na makita rin si Carmella.Kagat-labing lumapit ako at umup

  • UNDER HIS RULE   UHR 14

    GABRIELLE LEE“DAD?”“Yes, sweetie?” nakangiti naman si daddy pagharap sa akin. Pagganitong oras, nasa library ito palagi.“Hmmm..may sasabihin po sana ako.”“Tell me. Is it about your job or anything? You want something?”“Hindi po. Magpapaalam po sana ako. Kasal po ng kaibigan ko. Si Gwen po. Puwede po ba ako makadalo? Kasama rin po ang ibang empleyado and kasama rin po si Sir Bry.”Sinenyasan naman ako ni daddy na lumapit rito.“I love you so much, Gabrielle. I always wanted your safety. Yours brothers can handle themselves. But you, princess. I'm afraid that someone knows you're my daughter.”Yumuko naman ako. “Okay lang po, daddy. Sabihin ko na lang po kay Gwen na may importante pa po akong gagawin.”Hinawakan naman ni daddy ang mukha ko at hinalikan sa noo. Ngumiti ito sa akin.“No. Sumama ka. Mag-enjoy ka. I don't want to steal your freedom. Gusto ko pa rin maranasan mo ang normal na pamumuhay katulad nila.”Niyakap ko naman ito ng mahigpit. “Thank you, dad!”“But in one condit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status