Share

CHAPTER SIX

last update Last Updated: 2025-01-07 16:12:41

Maricar POV:

"Simula nang ipakilala sa amin si Ericka di na mawala sa isipan ko at pangamba at ang magtanong, kung ano na naman ba ang mga susunod na mangyayari? Ito na ba ang pagkalanta ko.. Ang rosas na ito madali na bang malanta."

"Sorry, di ko sinasadyang masunog ko ang paborito mong polo."

"Paulit ulit na lang Maricar ano ba?! Kaylan ka ba tatanda!!" Sigaw niya sa akin

"Sorry talaga honey." nakayukong sabi ko na lamang

"Lahat na lang!! Pati ba naman ito di mo kayang gawin ng maayos ang pag paplantsa mo!!"

Ako na tanging nakayuko pa rin, ***"Kaylangan bang ganito magalit... yong tipong sasabog na din ang eardrum namin sa kakasigaw niyo sa amin?.."**

Napapaiwas pa ako dahil sa bawat salitang binibitiwan niya, siyang pag aamba naman na ihahampas niya sa akin ang pulo na hawak hawak niya.

"Di ko alam kung sadyang tanga ka lang talaga o ano eh!!" na parang isang kutsilyo na patuloy na tumatagos sa aking pagkatao, pinupunit ang bawat bahagi ng aking pagkatao hanggang sa abutin nito ang kahabaan ng aking kaluluwa.

Ayan na ang mas lalong nakakasakit sa mga salita niya na parang pana na bumabaon sa akin dibdib. Na mas malala pa sa mga tinik na naka tusok sa buo kong katawan.

"Teka?!! Ilang beses na bang ganito ang eksena naming dalawa?!! Ahh' maraming beses na... o di na mabilang.... sa bawat salitang mga masasakit na binibitiwan niya... iniisip ko na sana hindi marinig ng mga anak ko... sa bawat pag amba niya sa akin.. sana walang matang inosente ang makakakita sa bawat pag ilag ko... At sana sa pag laki ng mga anak ko di mararanasan itong mga nararanasan ko.."

"Ano?! Ngayon nag bibingi-binihan ka naman ngayon!" Sigaw niya na halos malapit na sa mukha ko ang halos mag aapoy na ang kanyang mukha sa galit, ang pag balik ng ulirat sa akin.

"Bwesit!! Mag asawa ka nga naman na walang alam ohh!!" ang huling salita niya bago tuluyang lumisan, isang pana na dumururog sa aking damdamin, isang pana na tila humihiwa sa aking pagkatao, na tila walang humpay na dumudugo sa aking puso.

****

Tahimik na nililigpit ko ang mga kinalat niyang gamit, habang ang mga mata ko'y may mga luha lumalabas. Ang pag pasok naman ni Lyca na umiiyak ito. BIgla ko naman pinusan ang aking mga luha.

"Mama sorry po huhuhuh!!"

"Shh' di mo po kasalanan iyon anak."

"Naawa na po kasi ako sa inyo, mag hapon na po kayong pagod sa pag lalaba, kaya po naisipan kong ako ang mamalansta sa mga damit at pati polo po ni Papa."

"Sshh' opo naiintindihan ko iyon anak, pero wag mo ng uulitin iyon hmm, paano kong ikaw ang napaso di magkaka peklat pa iyang makinis mong kutis." natatawang wika ko naman para maibsan ang pagkabahala niya sa akin.

"Dahil po sa katigasan ng ulo ko nasigaw sigawan na naman kayo ni Papa."

"Wala iyon anak, kaysa naman ikaw ang mapalo ng Papa mo, tsaka syempre magagalit din iyon dahil hinayaan kitang ikaw ang gumawa na dapat ako iyon."

Niyakap niya ako bigla

"Sorry po talaga mama hayaan niyo binibilisan ko na pong lumaki para mattulungan na po kita dito sa mga gawaing bahay."

"Anak, basta mag focus lang muna kayo ng ate niyo sa pag aaral, pag butihin niyo lang."

"Mama para ka pong si Wonder woman!"

"Hahaha pasaway nambula ka pa nga, ang ganda ganda non ni Wonder Woman kaya."

"Ahh' basta kayo po ang wonder woman namin mag kakapatid!!"

"Siya sige sige na po... ako na iyon hahah"

"Hayaan mo anak, mag luluto ako ng paboritong ulam ng Papa mo at ihahatid ko sa office niya. Para mawala ang galit ng Papa mo sa atin."

"Sige po Mama" Excited naman na sabi niya..

****

Pagkaluto ko ng isdang sarciado, tinawagan ko naman si Lisa para siya na muna ang mag bantay sa mga bata. Buti at pumayag naman siya.

"Ahm' Hello po" bating agaw atensyon ko naman kay kuya guard.

"Bakit po Ma'am?"

"Hmm' tatanong ko lang po sana kung saan po banda ang office ni Nathan Villanueva?" hindi pa kasi ako nakakapunta sa office niya.

"Kaano ano po kayo ni Sir Nathan?"

"Uhm..Wife niya po." nahihiyang banggit ko pa sa kanya.

"Wife po?!!" Nagkagulatan naman ang dalawang guard at nagkatinginan pa ang mga ito.

"Naiwan niya po kasi ang baon niyang inihanda ko." dahilan ko na lang at pinakita ko ang dala dala kong lunch box

"Uhm....sa.... sa second floor tas-

"Samahan mo na lang si Ma'am, ako na dito." sabi naman ng kasama niya.

"Uhm, sige.... tara na po Ma'am." wika naman nito at sumunod naman ako

"Salamat" naka niting wika ko naman sa isa niyang kasamahan na nag pa iwan, iwan at parang meron kakaiba ata sa mukha ko at mga kakaiba ata ang mga tingin ng dalawa guard na ito sa akin, naninibago atang ngayon lang nakakita ng pangit. At tanging naka longsleeve at maluwag na pants lang suot ko.

Mga nakakasalubong kasi namin mga naka suot ng magaganda at mga naka pang office attire ang mga ito, kahit sila napapatingin din sa akin. Na bawat mga tingin nila sa akin, nakakaiba, di ko maiwasan na makaramdam na manliit sa sarili ko at maingit sa kanila.

"Ma'am wait lang po kayo dito." Sabi naman ni kuya guard at may nilapitan itong babae at kinusap ito.

"Najan si Sir Nathan?"

"Oo bakit?"

"Nandito kasi asawa niya, hinahanap siya." kapareho ng mga reaksyon ng dalawang guard nanlalaking mga mata at tumingin pa ito sa akin at saka tunmingin kay kuya gurad na parang nag uusap pa sa pamamagitan lamang ng kanilang mga mata. Saka tumango ito, at saka din lumapit sa akin si kuya.

"Bakit kaya...?" bigla naman akong nakramdam ng kakaibang kaba dahil sa mga kilos nilang dalawa.

"Ma'am, ayon po ang office ni Sir Nathan..

"Sige... salamat.."

"Salamat po" wika ko naman don sa babae.

"Siguro isa din sa katrabaho niya."

"Pasok na po kayo Ma'am" sabi pa nito na ngumiti at isang tumango naman ang tinugon ko

Kakatok na sana ako, ngunit napaisip pa ako kung kakatok pa ba ako o hindi an para ma surprice siya na andito ako sa office niya. Kaya agad kong hinawakan ang doorknob at ang pag pihit ko naman dito pabukas.

"Honey?" Tawag ko sa kanya ang inaasahan ko na masu-surprice siya na makita ako, ako pala ang magugulat sa madadatnan ko.

Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko ngayon... ang asawa ko at ang pakilala niyang Ericka na kaibigan at katrabaho niya ay naghahalikan habang si Ericka naman ay naka patong sa lamesa, at ang asawa ko...... ang asawa ko.... napatuptop ako sa aking bibig di ko kayang magsalita dahil sa sobrang panginginig ng panga ko.

"Boggss" ingay ng lunch box dahil di ko namalayan na nabitiwan ko

"My God!! Sino bang?!"

"Maricar?!!"

Napapailing ngunit pinilit ko parin na lumuhod upang pulutin ang mga pagkain na nakalat sa sahig.

"Pa-pasensya na... di... di ko...sina..sinasadyang.... matapon.." Hirap na sambit ko habang pinupulot ko mga pag kain.

"Ano ba iyan... magkakaroon pa ng kakaibang amoy itong office na ito,,,, ang langsa!!" Wika nama ni Ericka na parang hindi ako nakikilala

Ang pag lapit naman ni Nathan sa akin at tumulong na din sa paglalagay sa lunch box

"Bakit ka pa pumunta dito?!" na pahinto naman ako sa tanong niya, hindi ko inaasahan na ganon pa ang kanyang sasabihin, dahil ang inaasahan kong maririnig sa kanya ay "Paliwanag at Sorry" Bigla ata akong nabingi dahil may sinasabi pa si Ericka diko na ito maintindihan...

"Ang sabi ko bakit ka pa pumunta dito?!!" Inulit niya pa ngunit nag e-echo ang kanilang mga boses, akong napatitig na lamang sa kanya, sa isip kong punung puno na ng mga katanungan ngunit nanatili lamang akong kagat labing walang balak magsalita.

"Hayaan mo na nga iyan diyan, tutal siya naman ang nakatapon niyan, siya na lang ang pag linisin mo!"

"Tatanga tanga kasi!" dugtong pa ni ericka

"Pa-pasensya na" ako na parang ako lang ata ang nakakarinig ng boses ko

"Umuwi ka na sa bahay pag katapos mong linisin ito!" pagdiin na sabi niya

Bahagya naman akong tumango, at umalis ang dalawa na parang ibang tao lang ako... parang ibang tao lang ako sa asawa ko.

"Ma'am? O-okay lang po ba kayo?" biglang pumasok naman si kuya guard, puno ng pag-aalala sa kanyang mga mata, at inalalayan niya akong tumayo. akala ko bumalik na ito sa entrance, parang alam niya din ata ang mangyayari at hinintay pa ata ako nito.

Pilit na ngiting tumango naman ako sa kanya...

"Ma'am tumayo na po kayo diyan, papalinis ko na lamang po sa janitor namin dito."

"Okay lang po....".....okay lang??..."  tanging nasa isip ko na lamang

***Alam ko pa pala ang salitang okay...... Napahinto naman ako nang makita ko ang aking sarili sa salamin nitong pader. Ang aking imahe ay unti-unting nagbago at naging isang rosas, isang rosas na isa-isang nalalagasan ng mga dahon, at ang mga tinik nitong nakabaliktad ay nakaturok sa katawan nito, na parang sumasakit ang bawat galaw, habang may mga dagtang lumalabas, kulay pulang dagta na sumasagisag sa bawat patak ng kirot at pighati na nararamdaman ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   FINAL CHAPTER

    THIRD PERSON:“Maricar!” sigaw ng pamilyar na tinig habang papalapit sa direksyon niya. “Si Kathlyn oh! Ang sungit-sungit sa akin! Hindi naman siya ganyan sa'yo nung ikaw pa ‘yung nagmo-model sa kanya!”Parang batang nagsusumbong si Lisa, buhat ang bag habang halos mauna pa sa lahat sa paglapit kay Maricar. May dala itong halong inis at tawa sa mukha, parang naghahanap ng kakampi.Napailing si Maricar, saka ngumiti nang may halong tuwa. “Eh paano ba naman daw kasi, aba’y kayong dalawa ni Miguel, pasaway talaga,” sabay tingin kay Miguel na nakayuko lang at tila umiiwas ng tingin. “Sinabihan na ngang huwag lumalabas ng dis-oras ng gabi. Lalo na’t sikat na kayong dalawa. Dapat kayong maging ehemplo sa mga baguhan—hindi problema sa schedule ni Kathlyn.”“Saktong-sakto,” singit ni Kathlyn, lumapit habang naka-pamaywang, halatang hindi pa rin tapos ang inis. “Kung alam niyo lang kung ilang manager ang tinawagan ko kagabi kakahanap sa inyo. Akala ko na-kidnap na kayo!” na may pag amba pa ngan

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-FIVE

    THIRD PERSON:Kahit mabibigat ang mga paa, pinilit pa rin ni Maricar na humakbang papasok sa dating tahanan nila ni Nathan. Bawat yapak niya sa loob ng bahay ay tila may kasamang pasaning hindi makita—parang binabalikan ng bawat sulok ang mga alaala nilang mag-iina.Pagpasok pa lamang sa sala, agad na bumungad sa kanya ang katahimikang naglalaman ng mga alaala, masaya at masakit. Sa mga dingding, sa upuan, sa lamesa, lahat may kwento, lahat may iniwang damdamin.Napahinto siya sa tapat ng sofa kung saan madalas silang magkasama ng mga bata. Doon na rin niya naramdaman ang mabigat na kirot sa kanyang dibdib. Parang hinaplos ng nakaraan ang puso niya, marahan pero masakit. Isa-isang nagsulputan ang alaala ng mga sigawan, tampuhan, at matatalim na salitang binitiwan ni Nathan. Paano siya minamaliit. Paano siya pinapalampas. Paano siya hindi pinapakinggan.Napapikit siya. Napakapit sa dibdib. Ramdam niya ang pagkuyom ng damdamin, parang sinasakal ng mga alaala.Pero sa gitna ng sakit, lum

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-FOUR

    THIRD PERSON:Sa bawat channel ng balita, sa radyo, sa social media, iisa ang laman ng ulat.Karumal-dumal na Trahedya sa Selebrasyon ng Valdez Corporation:Isang di-malilimutang trahedya ang sumira sa dapat sana’y matagumpay na selebrasyon ng Valdez Corporation, kung saan opisyal na ipinakilala si Maricar Valdez bilang bagong CEO. Sa harap ng daan-daang bisita, media, at mga personalidad sa negosyo, naganap ang isang insidente ng karahasan na ikinagimbal ng lahat.Binawian ng buhay si Nathan Villanueva, matapos nitong harangin ang bala na dapat sana’y para kay Maricar. Ang bumaril, si Ericka, ang naging kasintahan ni Nathan, ay lumusob sa okasyon habang may dalang baril at tila wala sa sarili.Ayon sa mga saksi, puno ng galit at panibugho ang kilos ni Ericka. Itinutok nito ang baril kay Maricar habang sumisigaw ng mga akusasyon at hinanakit. Ngunit bago pa man niya maiputok ang baril, mabilis na sumugod si Nathan at ginamit ang sariling katawan upang harangin ang bala—isang kabayanih

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-THREE

    ⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:Ang bawat hakbang niya’y mabigat, tila sinasalubong ng galit ang bawat pulgada ng sahig. Ang bawat tingin niya’y naglalagablab, punô ng hinanakit, punô ng pagkawasak.Walang umimik. Lahat ay natigilan. Isa-isang napaatras ang mga tao. Ang dating masiglang selebrasyon ay biglang naglaho, napalitan ng malamig at nakakakilabot na tensyon.Si Maricar, nanatiling nakatayo—napako ang tingin kay Ericka, na ngayo’y unti-unting inaangat ang hawak na baril... direkta sa direksyon niya.Mabilis na gumalaw si Alejandro, pilit siyang haharangin, pero mas lalong itinutok ni Ericka ang baril, kasabay ng mas lalong nanlilisik na mga mata.“Sige, subukan n’yong kumilos—may babagsak sa inyo.” Matigas. Matinis. Puno ng galit at poot ang tinig ni Ericka. Para bang bawat salitang lumalabas sa bibig niya’y punô ng pangakong kapahamakan.Tila tumigil ang oras sa buon

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-TWO

    ⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:"Ang kapal ng mukha mo!!!" galit na sigaw ni Ericka habang nakatitig sa screen kung saan kitang-kita niya si Maricar—nakangiti, pinapalakpakan, kinikilala ng lahat bilang bagong CEO ng Valdez Corporation. Sa bawat flash ng camera at bawat palakpak ng mga bisita, tila ba unti-unting dinudurog ang kanyang dignidad.Nanginginig ang kanyang mga kamay sa sobrang galit. Ang dibdib niya’y kumakabog, punô ng poot, inggit, at pagkasuklam."Uupo ka lang d'yan na parang walang kasalanan? Na parang wala kang inagaw?!" sigaw niya muli, halos sumisigaw sa kawalan, habang naglalakad paikot ng sala, parang mababaliw sa damdaming kumukulo sa dibdib.Bigla, isang putok ng baril ang umalingawngaw.Napapitlag si Ericka, agad na napakapit sa dibdib habang mabilis na naghanap ng pinanggalingan ng tunog. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig."Ayy!! Diyos ko po!!

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-ONE

    THIRD PERSON:Matapos bilhin ni Don Sebastian ang kompanya ni Don Rafael, napagkasunduan ng mga board member na pag-isahin ito sa Valdez Corporation sa ilalim ng pamumuno ni Maricar Valdez.Ngunit bago pa man siya pormal na ipakilala bilang bagong CEO, mas pinili ni Maricar na unahin muna ang pagsasaayos ng lahat ng gusot sa kompanya ni Don Rafael. Isa-isa niyang hinarap ang mga problema, mula sa mga pending na kaso, pabaya sa sistema, hanggang sa mga empleyadong sapilitang tinanggal at hindi nabigyan ng tamang sahod. Sa kabila ng limitadong kapangyarihang hawak niya noon, tumulong si Maricar sa abot ng kanyang makakaya, personal niyang kinausap ang mga empleyado, nakipag-negosasyon sa mga supplier, at pinilit itama ang mga mali sa loob ng kumpanya.Ang lalim ng malasakit na iyon ang lalong nagbigay ng respeto at paghanga sa kanya ng mga board member, lalo na ng kanyang Lolo, si Don Sebastian. Ngunit higit sa lahat, tumatak sa kanilang isipan ang kundisyon na sinabi mismo ni Maricar b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status