Maricar POV:
***Masakit sa kanilang mga mata kapag kakaibang mga kinikilos ng iyong mga anak... mapupuna ka nila kahit ano pa man,, kahit ano pa man ang gawin mo, kahit gaano mo pa subukang itama ang kanilang mga aksyon o baguhin ang kanilang ugali, palaging may mga taong maghahanap ng butas at magbibigay ng kanilang opinyon na kadalasan ay hindi mo na kayang matanggap ang kanilang mga saloobin.**
"Tingnan mo ang mga apo ko' kakaiba diba? Imbes na nakikipaglaro din sa mga kapwa nila bata dito .... aba'y tingnan niyo mga nakaupo lamang na parang mga statwa."
"Ano ka ba mare, mas okay ka nga kasi hindi suwayin... ang babait nga ohh diba?"
"Sus! mahirap kaya ang ganyan imbes na magkukumilos, mga naka upo lang kakalakihan iyan ng mga iyan... bandang huli mga tamad.mamanahin pa ata ang kanila ina!"
"Masyado mo naman inaano ang mga apo mo mare.."
"Hindi kasalanan ng mga apo ko iyan.... Kundi kasalanan ng Ina nila kung paano at anong padidisiplina ang ginagawa niya kung bakit ganyan ang mga iyan!!"
"Naku mare, hinay hinay nga muna sa mga pananalita mo, nakakalimutan mo ata na kaarawan mo ngayon."
"Kaya nga mare dapat good vibes at chill lang dapat tayo ngayon, lalo ka na at ikaw ang birthday girl."
Ang paglapit naman sa akin ni Nanay Martha, at bahagyanng hinimas himas ang likod ko. Kahit papaano naibsan ibsan ang nararamdaman kong sakit kanina.
"Hayaan niyo na lamang po sila Ma'am Maricar." wika niya
Napangiti naman ako sa mainit na pagmamahal at pang-unawa ni Nanay Martha. Sa gitna ng mga salita niya, unti-unting nawala ang bigat sa aking dibdib, at napalitan ng kalakasan ang aking loob. Nagpapasalamat parin talaga ako sa kanya at siya lang tanging nakakaintindi sa akin lalo na pagdating dito sa bahay ng byenan ko.
"Pakinggan niyo lamang po sila' tapos ilabas niyo lang po sa kabilang teynga."
"Maraming salamat po, Nanay Martha," pasasalamat ko sa kanya habang binabalik ang ngiti. "Ganito lang po talaga ang buhay, may mga pagkakataon na kailangan nating harapin ang mga hamon at pagsubok. Pero sa mga ganitong sandali, mas nakakagaan ng loob na may kasama tayong nagmamalasakit at tumutulong sa atin, kayo lamang po ang nakakaintindi sa akin dito sa bahay."
Binigyan niya ako ng maalab na ngiti at pinalakas ang kanyang pagkakapit sa aking mga kamay.
"Huwag kang mag-alala, Ma'am Maricar," sabi ni Nanay Martha nang may kumpiyansa sa boses. "Kasama niyo po ako sa anumang pagsubok na haharapin natin. Magtulungan tayo, at sa pagkakaisa, malalampasan natin ang anumang hamon sa ating buhay."
Ang kanyang mga salita ay tulad ng isang himig ng pag-asa at lakas, nagbigay inspirasyon sa aking puso na harapin ang mga darating na pagsubok nang may tapang at determinasyon. Sa tulong ni Nanay Martha at sa suporta ng aking pamilya, alam kong malalampasan namin ang lahat ng unos na darating sa aming buhay.
"Papa?!!" Rinig ko naman na tawag ni Lyca at kahit ako na excite din dahil na dumating na din Nathan. Nagmamadaling hinugasan ko ang aking kamay at pinupunas ko pa ito sa apron na nakasuot pa sa akin upang matuyo agad. At mabilis na mga hakbang na lumapit sa kanya, nakita ko pang nakatayo lamang si Lyca malapit sa may tapat ng pintuan.
"Lyca, Eunice? Ang Papa niyo na nga ba ang dumating?" Pagsisiguro ko pa dito dahil nanatili lamang ang mga itong mga nakatayo at mukhang statwang walang kagalaw galaw.
Ako naman na parang naging mabagal ang paligid at ang pag hakbang ko habang ang mga mata ko ay palipat lipat sa kanilang dalawa.
"Papa sino po iyang kasama niyo?" Si Eunice na nabasag sa katahimikan namin apat.
"Ah' ahmm' Eunice Lyca? Mag hi kayo sa Tita Ericka niyo, kaibigan ko at ka offimate ko."
"Ericka ang asawa ko naman si Maricar, Maricar si Ericka."
"Ka-kamusta ka" Nanginginig na kamay ngunit mas pinilit kong huwag at, pinunasan ko pa ulit, upang masiguro na di na basa ang kamay ko, bago nakipag kamay dito.
"O-okay lang" Wika naman nito, halata sa mukha niya na mukhang nandidiri pang pinunasan niya din ang kamay niyang pag katapos kong makipag kamay sa kanya.
Inaasahan kong may sasabihin pa ang asawa ko ngunit dumiretso lamang silang dalawa kila Mama.
Naramdaman ko na lang ang pag hawak sa kamay ko ni Eunica at tumingin sa akin ng puno ng pag aalala at may bahig na katanungan, ngunit mas painili na lamang nitong wag umimik, at binalik niya ang tingin sa kanya ama.
****
"Mama' si Ericka po siya yong tinutukoy ko sa pagtawag ko sa inyo kanina na gustong sumama ngayon dito at para batiin kayo." Rinig ko naman na pakilala ni Nathan sa Mama niya at sa mga kaibigan din nito.
Kung ganon tumawag pala siya kay Mama kanina, pero kahit man lang isa tawag sa akin wala akong natatanggap. Sa isip ko habang ang mga mata ko ay nakatutok lamang sa kanila, na para bang nanonood lamang ako ng pelikula. Ay mali kaming mag iina pala, pinapanood silang mga naka ngiting matatamis na abot teynga, habang tinatanggap ang inaabot na regalo ni Ericka kay Mama. At pati na din ang asawa ko. Inalalayan niya pa itong umupo.
Hindi ko maitago ang katotohanang lumilitaw. Sa mga mata mong kakaibang kislap sa bawat ngiti mong meron kakaibang kulay. Sa mga kinikilos mo pa lang asawa ko meron ng ibig sabihin ito na pinipilit ko lang maging bulag-bulagan.
At habang ang tinuturing na rosas na ito ay nananatiling nakatayo, ang aking mga sariling tinik ay patuloy na tumutusok sa aking balat,
Naramdaman ko na lang ang pag hawak sa kamay ko ni Eunice, at sa kabila naman ay si Lyca.
"Mama?" Tawag ni Eunice na alam ko sa tuno niya ay nag papahiwatig na "Okay lang po ba kayo?"
Ngumiti naman ako dito at pinisil pisil ko ang kamay nila pareho, kahit papaano na ibsan ang nararamdaman kong kakaiba ngayon.
"Kumain na din kayo anak, tawagin niyo na din sila Jerald at Jacobe, doon kayo sa kabilang table ipaghahanda ko kayo." wika ko naman
"Sige po mama, sumabay na din po kayo samin."
"Uhmm" tango ko naman, at silang nag sipuntahan na din sa kabilang table. Ako naman ay bumalik sa kusina kahit na pakiramdam ko ay bumigat bigla ang aking mga paa. Ang gilid ng aking mga mata ay nasisilayan ang mga ngiti ng asawa ko habang kausap ang kanyang bisita at pati na din sila Mama mga ngiti nilang... para bang may makahulugan.
"Ma'am Maricar?"
"Bakit po Nanay Martha?"
Sa bigla ko, nang bigla niya akong yakapin
"Anak, sobrang hanga ako sayo... napaka tatag mo!" Wika nitong may pag himas himas pa sa aking likod
Ako naman ay napayakap na din sa kanya.
"Sige po Nanay Martha ihahatid ko na muna po ito sa mga anak ko, sumabay ka na din po sa amin."
"Mamaya na po ako Ma'am."
Tumango na lang ako at bumalik sa pinag pe-pwestuhan ng mga anak ko. Pag ka lapag ko ng pag kain, saka ko naman tinanggal ang apron na suot-suot ko. Napansin kong may mga matang sa akin natuon ng tingin, pag angat ko ng tingin ang asawa ko, na pinagtataka ko naman.
"Mukhang napangitan pa nga ata sa suot ko." sa isip ko
****
Natapos ang okasyon na ni wala man lang kaming pag uusap ni Nathan, kinumusta lang kami ng mga anak niya, ni di niya kayang iwan si Ericka ng matagal na mag isa at bumabalik na ito kaagad sa tabi ni Ericka. Na pilit ko namang pinapasok sa isipan na huwag akong mag siip n kung ano man. At taimtim ako nananalangin na sana bigyan ako ng matibay na loob at sapat na lakas ng kalooban sapat na kaisipan. Pati na rin sa pagbibigay suporta at pag-unawa kay Nathan.
"Mauna na kayong umuwi ng mga bata, ihahatid ko pa si Ericka sa kanila." wika niyang ni di man lang tumitingin sa akin ng deritso
Bahagya naman akong tumango ngunit ang puso at isipan ko ay malakas na tumatanggi.. At kahit ang mga anak ko ay meron bahid na mga katanungan sa kanilang mga mata sa kanilang ama, nanatili lamang ang mga itong tahimik sa tabi ko.
***"Ang puso kong kanina pa nasasaktan ang isipan kong kanina pa gugulo ang mga katanungan na dapat kanina pa ibabato sayo. Sino nga ab si Ericka sayo, asawa ko? At bakit ganyan ka na lang kung mag effort sa kanya.Kung paano mo siya alalayan sa pag upo. Kung paano mo siya lagyan ng pagakain sa plato niya.. Ang mga ngiti mo kanina ay sobrang kakaiba... ni di ko makita iyon sayo kapag tayo ang magkakasama."
THIRD PERSON:“Maricar!” sigaw ng pamilyar na tinig habang papalapit sa direksyon niya. “Si Kathlyn oh! Ang sungit-sungit sa akin! Hindi naman siya ganyan sa'yo nung ikaw pa ‘yung nagmo-model sa kanya!”Parang batang nagsusumbong si Lisa, buhat ang bag habang halos mauna pa sa lahat sa paglapit kay Maricar. May dala itong halong inis at tawa sa mukha, parang naghahanap ng kakampi.Napailing si Maricar, saka ngumiti nang may halong tuwa. “Eh paano ba naman daw kasi, aba’y kayong dalawa ni Miguel, pasaway talaga,” sabay tingin kay Miguel na nakayuko lang at tila umiiwas ng tingin. “Sinabihan na ngang huwag lumalabas ng dis-oras ng gabi. Lalo na’t sikat na kayong dalawa. Dapat kayong maging ehemplo sa mga baguhan—hindi problema sa schedule ni Kathlyn.”“Saktong-sakto,” singit ni Kathlyn, lumapit habang naka-pamaywang, halatang hindi pa rin tapos ang inis. “Kung alam niyo lang kung ilang manager ang tinawagan ko kagabi kakahanap sa inyo. Akala ko na-kidnap na kayo!” na may pag amba pa ngan
THIRD PERSON:Kahit mabibigat ang mga paa, pinilit pa rin ni Maricar na humakbang papasok sa dating tahanan nila ni Nathan. Bawat yapak niya sa loob ng bahay ay tila may kasamang pasaning hindi makita—parang binabalikan ng bawat sulok ang mga alaala nilang mag-iina.Pagpasok pa lamang sa sala, agad na bumungad sa kanya ang katahimikang naglalaman ng mga alaala, masaya at masakit. Sa mga dingding, sa upuan, sa lamesa, lahat may kwento, lahat may iniwang damdamin.Napahinto siya sa tapat ng sofa kung saan madalas silang magkasama ng mga bata. Doon na rin niya naramdaman ang mabigat na kirot sa kanyang dibdib. Parang hinaplos ng nakaraan ang puso niya, marahan pero masakit. Isa-isang nagsulputan ang alaala ng mga sigawan, tampuhan, at matatalim na salitang binitiwan ni Nathan. Paano siya minamaliit. Paano siya pinapalampas. Paano siya hindi pinapakinggan.Napapikit siya. Napakapit sa dibdib. Ramdam niya ang pagkuyom ng damdamin, parang sinasakal ng mga alaala.Pero sa gitna ng sakit, lum
THIRD PERSON:Sa bawat channel ng balita, sa radyo, sa social media, iisa ang laman ng ulat.Karumal-dumal na Trahedya sa Selebrasyon ng Valdez Corporation:Isang di-malilimutang trahedya ang sumira sa dapat sana’y matagumpay na selebrasyon ng Valdez Corporation, kung saan opisyal na ipinakilala si Maricar Valdez bilang bagong CEO. Sa harap ng daan-daang bisita, media, at mga personalidad sa negosyo, naganap ang isang insidente ng karahasan na ikinagimbal ng lahat.Binawian ng buhay si Nathan Villanueva, matapos nitong harangin ang bala na dapat sana’y para kay Maricar. Ang bumaril, si Ericka, ang naging kasintahan ni Nathan, ay lumusob sa okasyon habang may dalang baril at tila wala sa sarili.Ayon sa mga saksi, puno ng galit at panibugho ang kilos ni Ericka. Itinutok nito ang baril kay Maricar habang sumisigaw ng mga akusasyon at hinanakit. Ngunit bago pa man niya maiputok ang baril, mabilis na sumugod si Nathan at ginamit ang sariling katawan upang harangin ang bala—isang kabayanih
⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:Ang bawat hakbang niya’y mabigat, tila sinasalubong ng galit ang bawat pulgada ng sahig. Ang bawat tingin niya’y naglalagablab, punô ng hinanakit, punô ng pagkawasak.Walang umimik. Lahat ay natigilan. Isa-isang napaatras ang mga tao. Ang dating masiglang selebrasyon ay biglang naglaho, napalitan ng malamig at nakakakilabot na tensyon.Si Maricar, nanatiling nakatayo—napako ang tingin kay Ericka, na ngayo’y unti-unting inaangat ang hawak na baril... direkta sa direksyon niya.Mabilis na gumalaw si Alejandro, pilit siyang haharangin, pero mas lalong itinutok ni Ericka ang baril, kasabay ng mas lalong nanlilisik na mga mata.“Sige, subukan n’yong kumilos—may babagsak sa inyo.” Matigas. Matinis. Puno ng galit at poot ang tinig ni Ericka. Para bang bawat salitang lumalabas sa bibig niya’y punô ng pangakong kapahamakan.Tila tumigil ang oras sa buon
⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:"Ang kapal ng mukha mo!!!" galit na sigaw ni Ericka habang nakatitig sa screen kung saan kitang-kita niya si Maricar—nakangiti, pinapalakpakan, kinikilala ng lahat bilang bagong CEO ng Valdez Corporation. Sa bawat flash ng camera at bawat palakpak ng mga bisita, tila ba unti-unting dinudurog ang kanyang dignidad.Nanginginig ang kanyang mga kamay sa sobrang galit. Ang dibdib niya’y kumakabog, punô ng poot, inggit, at pagkasuklam."Uupo ka lang d'yan na parang walang kasalanan? Na parang wala kang inagaw?!" sigaw niya muli, halos sumisigaw sa kawalan, habang naglalakad paikot ng sala, parang mababaliw sa damdaming kumukulo sa dibdib.Bigla, isang putok ng baril ang umalingawngaw.Napapitlag si Ericka, agad na napakapit sa dibdib habang mabilis na naghanap ng pinanggalingan ng tunog. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig."Ayy!! Diyos ko po!!
THIRD PERSON:Matapos bilhin ni Don Sebastian ang kompanya ni Don Rafael, napagkasunduan ng mga board member na pag-isahin ito sa Valdez Corporation sa ilalim ng pamumuno ni Maricar Valdez.Ngunit bago pa man siya pormal na ipakilala bilang bagong CEO, mas pinili ni Maricar na unahin muna ang pagsasaayos ng lahat ng gusot sa kompanya ni Don Rafael. Isa-isa niyang hinarap ang mga problema, mula sa mga pending na kaso, pabaya sa sistema, hanggang sa mga empleyadong sapilitang tinanggal at hindi nabigyan ng tamang sahod. Sa kabila ng limitadong kapangyarihang hawak niya noon, tumulong si Maricar sa abot ng kanyang makakaya, personal niyang kinausap ang mga empleyado, nakipag-negosasyon sa mga supplier, at pinilit itama ang mga mali sa loob ng kumpanya.Ang lalim ng malasakit na iyon ang lalong nagbigay ng respeto at paghanga sa kanya ng mga board member, lalo na ng kanyang Lolo, si Don Sebastian. Ngunit higit sa lahat, tumatak sa kanilang isipan ang kundisyon na sinabi mismo ni Maricar b