Beranda / Romance / USOK / KARANGYAAN NI ANDREA

Share

KARANGYAAN NI ANDREA

Penulis: JJOSEFF
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-16 01:11:33

Makalipas ang dalawang taon at anim na buwan.

"Gusto ko ng Brazilian style, tapos kaunting highlight sa aking buhok"

Ang utos para sa isang babaeng nag assist sa isang napakagandang customer ngayong umaga. Buenas siya sa bagong bukas na branch ng salon na ito. Siya ang naunang customer na inasekaso nila bago paman ang mga sumunod ng ilang minuto.

"Noted Madam."

Umupo ang babaeng customer na ito sa isang upuan upang masimulan na ng isang babae ang nais niyang ipagawa sa kanyang buhok.

"Ah, Miss sorry ah, pwede mo bang e-trim ng kaunti ang dulo ng buhok ko, may nakikita kasi akong split ends gusto ko mawala." sinabi ng babae sa staff habang nag sosoot ng gwantes.

"Sure po Ma'am.. no problem.." sagot naman ng babae.

Halos dalawang oras ang nagamit bago matapos ang pagpapaayos niya ng buhok. Nainip ang kanyang body guard kaya lumapit ito sa kanyang amo na babae.

"Ma'am pwede po ba ako lumabas saglit maninigarilyo lang ako kahit isang stick lang.." pakiusap ng body guard sa among babae.

"Sure, iwan mo sa counter ang mga paper bags, ayaw ko makaamoy ng siragarilyo sa mga pinamili ko, ang mamahal ng mga yan" sagot ng babae na nandidiri ng marinig ang salitang "sigarilyo".

"Opo ma'am, salamat"

Agad umalis ang body guard habang pinapatuyo ng isang babae ang kanyang buhok gamit ang blower. Pagkatapos ay lumapit siya sa counter at inabot ang debit card na nakapangalan sa kanya, upang bayaran ang services ng salon.

Matapos ay nagpunta naman siya sa isang "nails spa" upang mag-relax habang pinapaganda ng staff ng nasabing spa ang kanyang nga kuko sa paa at kamay.

Nakaupo ito na nakasandal ang likod, ipinikit ang mga mata na para bang natutulog. Habang siya ay nananatili sa loob ng spa na iyon ay mahigpit siyang binabantayan ng dalawang body guard at dalawang nanny niya. Sino siya?

Andrea Rosario is the woman sitting in the VIP chair, with her youthful look in 22 years old, with natural large eyelashes, pointed nose, and the smoothness of her white skin? she may be mistaken for a "Chineta" or Filipino-Chinese beauty.

"Madam ok na po.." Ang sabi ng isang babaeng nakatayo sa harap niya. Hindi namalayan ni Andrea na nakatulog siya sa kinaupuan.

"Ahh salamat." Sagot nito. Dahan dahan siyang tumayo at tinawag ang isang nanny sa labas. Lumapit agad ang alalay at inabot sa kanya ang kanyang Louis Vuitton shoulder bag.

Nang mahawakan niya ang kanyang shoulder bag ay agad niyang kinuha at pinapa-swipe and debit card niya sa counter. Saka siya umalis ng spa.

"Guys, do you want something to eat? nagugutom ako." sinabi niya sa kanyang tatlong kasama. Strikta siya ngunit pagdating sa pagkain ay hindi siya madamot. Kung kakain siya sa labas, ay kasama rin niyang kakain sa mesa ang mga ito.

Pumasok sila sa isang Korean restaurant at ang mga body guards niya mismo ang namili ng kakainin nila. Alam nila na mahilig sa sabaw at spicy foods ang kanilang amo na si Andrea, kaya hindi sila nahirapan maghanap nang restaurant na pwede sa kanya.

"Samgyup na..." sabi ng isa.

"Oh cge na nga... ito na.. Ah miss, samgyup Set C good for four people, at samahan mo rin ng lamonade juice pero isa lang para kay madam."

Naririnig ni Andrea ang inorder ng kanyang kasama habang naglalaro ito ng games sa kanyang cell phone. Napangiti pa ang tatlo dahil sa wakas, makakain din sila ng masarap pagkatapos ng ilang oras na pagbubuntot kay Andrea.

Sigundo lang ang inaantay para makapagpahinga. Halos sabay sabay silang nag burp matapos makakain. At agad umalis ang mga ito sa restaurant na iyon para gawin ang normal na gawain.

Habang naglalakad si Andrea patungo ng ground floor kung saan nakaparada ang sports car nito, ay biglang tumunog ang kanyang cellphone, nag vibrate pa ito ng malakas dahilan para maramdaman niyang nagri-ring ang cell phone niya mula sa ilalim ng kanyang shoulder bag. Pagtingin niya sa screen ay numero pala ng nobyo ang tumatawag sa kanya.

"Are you done?" a husky voices ng lalaking nagtatanong sa kabilang line.

"Oo, pabalik na ako sa unit."

"Ok, I'm waiting" sabi ng lalaki at pinutol ang line.

Agad nagmamadali si Andrea ng malamang dumating na pala ang nobyo niya. Tatlong araw itong hindi niya nakasama kaya na excite siyang makita ito. May surpresa man o wala, masaya na siyang magsayang ng ilang oras sa lalaking ito, ang pagsilbihan ang lalaki ay iyon ang tangi niyang kaligayahan.

"Ilang gabi na akong nananaginip ng paulit ulit na pangyayari, sa tingin ko kailangan ko ng magpa check up sa doctor" Ang sabi ni Andrea habang nakayakap sa nobyo na parehong nakahiga sa kama. Ito ay matapos ang pagmi-make love ng dalawa.

"Hindi mo kailangan ng doctor, ang kailangan mo lang ay libangin ang sarili mo. Marahil ay na bored kana, gusto mo ba mamasyal?" Ang sagot ng lalaki.

"Why not, punta ka sa ibang malaking mall may mga bagong branded ngayon na mga damit na babagay sayo, yong iba naka sale at may freebies pa, gusto mo ba yon?"

Dagdag na sinabi ng lalaki habang sinusuklay ang mabango at mahabang buhok ni Andrea, dahil sa bagong gawa ng mamahaling salon.

"Hmm. Ok magtse-check ako sa website. Pwede ko ba hiramin saglit ang laptop mo?"

Tanong ni Andrea, sabay pa-cute ng itsura nito sa lalaki para makombinse itong magpahiram ng gamit.

Ang lalaki ay nakatitig sa kanya, tila nagiisip kong magpapahiram siya ng sensitive na gamit, lalo na ang kanyang laptop. Sa laptop nito ay doon naka-save ang kanyang mga original files sa negosyo, ilang passwords ng iba't ibang accounts niya, kasama na ang bank accounts. Sino ang lalaking ito?

Rafael Buenavista, 48 years old, A Filipino businessman and the mayor of one city in some part of Visayas. He has a legal wife, but his favorite princess is Andrea Rosario.

Walang alam si Rafael tungkol sa background ni Andrea. At hindi siya interesadong alamin pa iyon. Ang gusto lang niya ay manatili si Andrea sa unit na iyon. Ito ay nasa ika-38th floor ng Buenavista Hotel, na pagmamay-ari ni Rafael Buenavista dito sa Manila. Ang tanong, magtitiwala ba siya kay Andrea? Ngayong alam niya na wala itong naaalala sa kanyang nakaraan.

Hinalik-halikan ni Andrea ang pisngi ni Rafael habang inaantay ang sagot nito, para itong bata na naglalambing para ibigay ang gusto. Tumigil lang ito ng biglang sumagot si Rafael at sinabing,

"Sure,"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • USOK    MABAHALA SA SEKRETO

    "Oh, Jobert how are you pre? long time no see.." Pagbati ng lalaking kakapasok pa lang sa loob ng bahay. Siya ang sinasabing asawa ng magandang babae. Ang babaeng ito ay ang unang amo ni Jobert, siya ay tinatawag na Miss Lee. Habang ang lalaking bagong dating ay may pangalang Anton Lee. Mayaman din ito, dahil sa kasalukuyang pinagkaabalahan nitong negosyo sa abroad, while doing that bihira lang ito nakakauwi ng pilipinas, sapagkat all of the time nasa trabaho siya at iyon ang alam ni Miss Lee. Paalis na sana si Jobert nang makasalubong niya sa pinto si Mr. Anton Lee. Si Jobert ay kilalang kilala ni Mr. Lee kaya pareho silang natuwa nang magkita muli. "Magandang araw sa iyo Mr. Lee.." Pagbati ni Jobert na nagkangiti. "Oh no. Ikaw pala kaibigan. Masyado kang formal ngayon. Ayoko ng ganyan gusto ko na eturing mo akong kaibigan, magtropa tayo hindi ba?" nakangiting sinabi ito ni Mr. Lee "Oo naman po. Pero nakakahiya lang kasi.." "Hayst.. Wala nang paliwanag. Halika at sabayan

  • USOK    ANG BABAENG AMO NI JOBERT

    "Matagal din tayong hindi nagkita Jobert. Ang akala ko ay hindi ka darating.." isang matangkad na babae ang nagsasalita. Binuhusan niya ng tubig ang isang flower vase na nilagyan niya kanina ng mga bagong pitas na mga rosas. Nasa isang private resort si Jobert ngayon, na kilala sa tinatawag na staycation area sa isang probinsiya. Malayo ito sa syudad ng Quezon City. Ang matangkad na babaeng nagsasalita, ay may magandang hubog ng katawan, maputi at makinis. Kung magbibitaw siya ng salita ay saka mo lang masasabi na isa siyang matalino, at mayamang babae. Katulad ni Jobert, ang kanyang pagkatao ay nagtatago din sa dilim, ngunit ang kaibahan lang ay hindi siya pumapatay ng tao, negosyo ang pinapatakbo niya at ito ay mga illegal na negosyo sa pilipinas, kasama na dito ang droga. "Ang totoo ay isa na akong kalaban sa mga mata ni Don Rafael. Hindi mo na ako pwedeng e-hire para sa kanya. Higit sa lahat, hindi na dapat mag cross ang landas naming dalawa. Yan ang dahilan, kung bakit nagpu

  • USOK    SA TUWINA'Y NAAALALA KA

    "Anong naiisip mo Gardo?" tanong ni Rick Cordial. Kilala ni Rick si Gardo, mahaba ang pasensya nito ngunit sensitibo sa mga detalye. Pareho silang nagpapataasan at nagpapagalingan sa trabaho, lalo na kapag kaharap si Don Rafael. Pinapakita nila ang kanilang galing at talino sa trabaho upang makita ng lahat kung sino ang mas superior sa kanilang dalawa, sa ngalan ng monitoring system at securities ng buong hotel. Dahil tinatanong ni Rick si Gardo. Napilitang magpaliwanag si Gardo. "Nakuhanan ng camera natin ang pagpasok niya sa kotse, at siya ay tila nakangiti. Makikita din sa buong paligid na walang tao sa baba. Ang kanyang paglabas sa oras na ito ay naganap within 25 seconds. Ito ang oras ng palitan ng mga bantay doon. Bukod pa rito, kung may laman ang kanyang pitaka, mag-tatago siya sa ibang area kung saan walang makakakita. Dahil sa pagmamadali, hindi din niya pweding iwanan ang petaka sa library dahil maraming tao doon." "Hmm. Maaaring tama ang analysis na yan Gardo. Pero

  • USOK    TIMBANGIN ANG BIGAT

    Iba ang maging takbo ng buhay ng isang tao kapag may nahahawakang pera. Kaya nitong anayin ang tiyan, sa dami na pweding kainin, at pweding gawin. Ngunit kapag nagulat ka sa biglang yaman na hindi mo naman pinagpaguran ay maaaring mawala ito ng parang bula, kapag di ka marunong dumiskarte sa buhay. Ngunit kapag dugo't pawis ang pinuhunan mo, masasabi mong masarap mahawakan ang perang pinaghirapan, kaya marami sa atin ang nagsusumikap. In reality, napabuntong hininga si Andrea, piniling huwag isipin ang tanong, at ibinaling ang tingin sa orasan. Mag aalas-kwatro pa lang ng umaga, naiinis siya sa biglang pagka-gising niya sa oras na ito. Pangatlong araw na, ngunit wala pa ring anino ni Jobert ang nagpapakita. Hanggang sa naaalala ni Andrea ang paguusap nila ni Alfred: "Ate.. kailan ba kita makakasama muli? namimiss ko na ang luto mong spicy na adobo, na may maraming patatas, at black beans." tanong ni Alfred.

  • USOK    ANG BAGONG NAKILALA

    "For three years na hindi ka nagparamdam, hindi mo na agad ako kilala?" halatang nagulat ang lalaking ito, kaya binalikan niya si Andrea ng tanong. Bukod pa dito, ay nagtataka siya kung bakit may hawak itong flower vase na alam niyang ebabato niya ito sa kanyang ulo. "What the heck! bakit may hawak kang flower vase, huwag mong sabihin gusto mo ako patayin?" sunod na sinabi ng lalaki. "Ang tanong ko ang sagotin mo? Sino ka?! paano ka nakapasok dito?!" sigaw ni Andrea malapit sa kanyang mukha. "Ok.ok. Magpapaliwanag na ako. Pwede ba ate ibaba mo na yang flower vase na yan! Kaloka ka naman, lasing ka ba kagabi?" "Anong ate... pinagsasasabi mo diyan?!" kunot noong sinabi ni Andrea. Nagulat siyang marinig na tinatawag siyang ate, gayong walang tumatawag sa kanya ng ganoon, kahit pa mga staff ng restaurant na kinakainan niya o kahit sa mga spa at salon na pinupuntahan niya madalas upang magpaayos. "Haler! Ate? Ate.. ako eto si Alfred, ako lang eto ang bakla mong kapatid, di mo ako

  • USOK    PATAMA

    "Boogsh" Parang bombang sumabog ang malakas na paghampas ng pinto, na tumilapon sa dingding. Ang tunog ay nagpagulat nga mga taong nasa loob ng bawat kwarto. "Uuuhh!" "Itaas ang mga kamay!" sigaw ng isang leader na mga taohan ni Don Rafael. "Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa amin?" nanlaki ang mga mata ng isang matandang lalaki na hubo't hubad pa, kasama ang kanyang babae sa kama. "Sino ang kasama ninyo dito? sagot!" "Wala ho! wala kami lang ang mag kasama dito simula kagabi, galing pa kami ng probinsiya. Ano ho ba nagawa namin bakit kayo nandito?" pag aalalang tanong ng matandang lalaki. Nagulat ito at nanginginig sa takot dahil naka-armado ang mga lalaki na biglang pumasok sa kinaroroonan nila. "Tingnan ninyo ang bawat sulok, baka nagtatago lamang siya!" sunod na utos ng leader nila. "Pasensya na.. may hinahanap lang sila.." isang babae na may kaedaran ang nagsalita ng mahinahon sa isang magka-pares na nasa kama. Ito ay ang tunay na may-ari nang nasabing hotel.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status