"Bakit ka pa bumalik?"
"Dahil gusto kita" lalaking nagtanong na may malagkit na mga tingin. "Anong sadya mo sa akin?" "Gusto kita, makita at mahawakan." Ang boses ng lalaking may pagnanasa. "Bakit pa? Kung marami namang iba diyan bakit ako pa?" "Ikaw ang gusto ko, at sayo ako masaya. Pwede ba akin ka na?" sagot ng lalaking handang gagawin ang lahat maangkin lang ang babaeng ito. "Kung yan ang nais mo, bakit mo ako niloko?" tanong ng babaeng nanginginig na sa galit. Naaala niya ang isang gabing nahuli niya ito na may hinatid na babae sa isang kanto. Hinalikan pa niya ito sa pisngi na tila matagal na silang magkarelasyon. Pareho silang masaya sa nagniningning nilang mga mata, pawang kaligayahan na kahit kailan hindi niya naranasan sa kanya. "Hindi kita niloloko, sadyang mainit lang siya sa akin, ayaw niya ako pakawalan ngunit promise matagal na akong nakipaghiwalay sa kanya," ang pagsusumamong boses na sobrang mapagkumbabang lalaki sa balat ng lupa. "Paano ko malalaman na nagsasabi ka ng totoo?" "Anong gusto mong gagawin ko? luluhod ba ako?" sagot ng lalaki. Hindi umimik ang babaeng nananatiling nakatingin sa kanya. He chuckled and say, "Ok fine," Tumayo ang lalaking ito at kahit maraming tao sa loob ng restaurant lumuhod siya sa babae saying, " I'm sorry na... please..." "Tumukim ka ng ibang putahi, sa tingin mo laro lang iyon? Ngayon ba na realize kung alin ang mas masarap?" sinabi ng babae habang nakaluhod ang lalaki sa kanyang harapan. Napatingin sa kanila ang ibang customer pati ang mga waiters ay walang magagawa sa nakita, iniiwasan na lamang nila ito sa daanan nila. "Hindi naman iyon sa ganoon, oo aminin ko, nagtukso ako kaya please... sorry na.." ang pakiusap ng lalaki. "Kaso lang hindi na ako isang pagkain ngayon, na pwede mong tikman kung kailan ka nagugutom." ang sagot ng babaeng masama ang loob, pilit pinigilan ang luhang namuo sa kanyang mga mata. "Ano bang gusto mong gagawin ko para mapatawad mo ako?" "Nothing, wala na ring patutunguhan ang lahat sa atin, ikaw mismo ang sumira ng relasyon natin, wala na rin akong tiwala sayo." sinabi ng babae habang pinagsasalo ng kanyang kamay ang mga luhang gumagapang na ngayon sa kanyang mga pisngi. Kahit sino tunay na maging emosyonal ang eksina kapagka nasaksihan mo mismo ang pangloloko ng taong mahal mo. Higit pa sa isang sugat ng patalim ang dulot sa puso nito. Ika-nga sa kanta, where is a broken heart go? "Kung maaari lang, hayaan mo nalang akong magmove-on. Isa lang ang pakiusap ko sayo.. mahalin mo siya.... alagaan mo siya.. . katulad ng mga ginagawa ko sayo..." Tunaw na ang ice cream, naging tubig inumin na ngayon ang yelong nakalagay sa baso na hindi nalagyan ng tubig. Ang pagkain sa mesa ay lumamig na hindi na galaw na kahit isang kutsara. Kung gaano ka ingay ang mga sasakyan sa labas ng restaurant, kabaliktaran sa loob ng restaurant, maraming customer ngunit natahimik sila para magbigay respito sa dalawa. Gayonman, kasabay ng pagsara ng pinto sa puso ng babae ay tila huminto din ang mga tunog sa paligid. Wala siyang maririnig, wala siyang ganang kumain, manhid na ang damdamin. "Andrea pagusapan natin to, maayos pa natin to," sigaw ng lalaki na hinihila ang pinto ng restaurant. Hinahabol niya ang babaeng kasintahan na ngayon ay patuloy sa pag iyak habang naglalakad sa tabi ng kalsada. "Hindi na nga pwede.. ayoko na!" sigaw ng babae sa kanya "Andrea... hindi ako susuko mapatawad mo lang ako..." ang muling pakiusap ng lalaki. "Aray.. Hoy! magdahan dahan ka naman sa paglalakad mo sinisira mo mga paninda ko!" sigaw ng mataba at matandang babae na nagtitinda sa gilid ng kalsada, nasagi ng lalaki ang maliit na mesang may mga paninda. "Sorry po... pasensya na..." habol ng lalaki sa pagkasabi, at agad umalis pagkalingon niya ay malayo na si Andrea mula sa kanya. Napahinto siya at tulalang pinagmamasdan ang babaeng minamahal niya na unti unting lumayo. Ngunit huli na ang lahat para sa babaeng ito, three weeks matapos itong makipaghiwalay sa karelasyon, ay saka niya nalamang buntis siya na nasa dalawang buwan na. Hindi obvious sa katawan niya dahil may katabaan ito, kaya nagdesisyon siyang makipagkita uli sa ex-boyfriend. "Ano pa ba ang dapat nating pag usapan?" Ang sabi ng ex-boyfriend. Nagkita ang dalawa sa isang malapit na central park. "Buntis ako, two months." ang nahihiyang sagot ng babae. "Gosh, ikakasal ako tapos ngayon mo lang sinabi? Saan ba nakalagay ang utak mo?" "Pero kasi, last day ko lang nalaman. I thought hindi lang balance ang menstruation period ko kaya hindi ko mina-mind." Ang paliwanag ng babae. Napapatulala ang lalaki na animoy nag iisip. Tumingin ito sa paligid nila, may mga couples na nagkwe-kwentohan at mga batang naglalaro. Saka bumalik ang tingin niya sa babae na nag aantay ng kanyang sasabihin. "Sigurado ka ba talaga na akin yan?" Biglang tanong ng lalaki. "Abah! Oo naman.. wala akong .. uy! teka saan ka pupunta?" Hindi paman tapos magsalita ang babae ay biglang umalis sa harapan niya ang lalaki. Mabilis itong nakatawid sa kalsada ngunit hinabol pa rin siya ng babae. "Uy, Jobert sandali lang, mag usap naman tayo para sa bata" sigaw ng babae. Nakatawid na sana ang buntis na babae ngunit may mamahalin na sasakyan na umikot mula sa kanto, Mabilis ang pag ikot nito at dumeretso ang direksyon sa babaeng hinahabol ang ex-boyfriend na naunang tumawid. Sa bilis ng pangyayari ay deretso ding gumulong sa gilid ng kalsada at tumama ang ulo sa isang bakal nang nakatayong basurahan. Malakas ang impact ng pagkatama nito at dumugo ang ulo, pati na ang nasa ibabang bahagi niya na tila may panubigang pumutok ngunit iyon ay hindi tubig o ehi ng babae kundi puro dugo. Gulat na gulat ang lahat ng nakakakita pati na ang lalaking may pangalang Jobert na hinahabol siya bago pa ang incident. Ilang mga tao ang nagsigawan at nagtakbohan sa pinangyarihan ng incident. Labis ang kanilang pag aalala ng makitang duguan ito na parang wala na ring buhay. Ang driver na nakabangga ay nataranta din at agad tumawag ng ambulance. Mabuti at may malapit sa hospital sa lugar kaya mabilis nakarating ang ambulance. Ang driver na nakabangga ay halos mangiyak iyak na sa kanyang nagawang kasalanan. Bago pa man maka alis ang ambulance ay nauna na siyang pinusasan ng mga pulis para dalhin sa malapit na precint. Samantala, isang hangin ang nananatiling namuo sa pamamagitan ng mga tao sa pinangyarihan, na tila may isang kaluluwang naiwan sa lugar sa pag alis ng ambulance. Dumeretso ang hangin na ito sa lalaking tulala ngayon na nababalotan ng takot, marahil ay nagsisisi ito ngunit bakit parang walang pakialam sa nangyari? Pagkatapos ay umalis ang lalaki sa tinatayuan at tumakbo papalayo sa lugar."Oh, Jobert how are you pre? long time no see.." Pagbati ng lalaking kakapasok pa lang sa loob ng bahay. Siya ang sinasabing asawa ng magandang babae. Ang babaeng ito ay ang unang amo ni Jobert, siya ay tinatawag na Miss Lee. Habang ang lalaking bagong dating ay may pangalang Anton Lee. Mayaman din ito, dahil sa kasalukuyang pinagkaabalahan nitong negosyo sa abroad, while doing that bihira lang ito nakakauwi ng pilipinas, sapagkat all of the time nasa trabaho siya at iyon ang alam ni Miss Lee. Paalis na sana si Jobert nang makasalubong niya sa pinto si Mr. Anton Lee. Si Jobert ay kilalang kilala ni Mr. Lee kaya pareho silang natuwa nang magkita muli. "Magandang araw sa iyo Mr. Lee.." Pagbati ni Jobert na nagkangiti. "Oh no. Ikaw pala kaibigan. Masyado kang formal ngayon. Ayoko ng ganyan gusto ko na eturing mo akong kaibigan, magtropa tayo hindi ba?" nakangiting sinabi ito ni Mr. Lee "Oo naman po. Pero nakakahiya lang kasi.." "Hayst.. Wala nang paliwanag. Halika at sabayan
"Matagal din tayong hindi nagkita Jobert. Ang akala ko ay hindi ka darating.." isang matangkad na babae ang nagsasalita. Binuhusan niya ng tubig ang isang flower vase na nilagyan niya kanina ng mga bagong pitas na mga rosas. Nasa isang private resort si Jobert ngayon, na kilala sa tinatawag na staycation area sa isang probinsiya. Malayo ito sa syudad ng Quezon City. Ang matangkad na babaeng nagsasalita, ay may magandang hubog ng katawan, maputi at makinis. Kung magbibitaw siya ng salita ay saka mo lang masasabi na isa siyang matalino, at mayamang babae. Katulad ni Jobert, ang kanyang pagkatao ay nagtatago din sa dilim, ngunit ang kaibahan lang ay hindi siya pumapatay ng tao, negosyo ang pinapatakbo niya at ito ay mga illegal na negosyo sa pilipinas, kasama na dito ang droga. "Ang totoo ay isa na akong kalaban sa mga mata ni Don Rafael. Hindi mo na ako pwedeng e-hire para sa kanya. Higit sa lahat, hindi na dapat mag cross ang landas naming dalawa. Yan ang dahilan, kung bakit nagpu
"Anong naiisip mo Gardo?" tanong ni Rick Cordial. Kilala ni Rick si Gardo, mahaba ang pasensya nito ngunit sensitibo sa mga detalye. Pareho silang nagpapataasan at nagpapagalingan sa trabaho, lalo na kapag kaharap si Don Rafael. Pinapakita nila ang kanilang galing at talino sa trabaho upang makita ng lahat kung sino ang mas superior sa kanilang dalawa, sa ngalan ng monitoring system at securities ng buong hotel. Dahil tinatanong ni Rick si Gardo. Napilitang magpaliwanag si Gardo. "Nakuhanan ng camera natin ang pagpasok niya sa kotse, at siya ay tila nakangiti. Makikita din sa buong paligid na walang tao sa baba. Ang kanyang paglabas sa oras na ito ay naganap within 25 seconds. Ito ang oras ng palitan ng mga bantay doon. Bukod pa rito, kung may laman ang kanyang pitaka, mag-tatago siya sa ibang area kung saan walang makakakita. Dahil sa pagmamadali, hindi din niya pweding iwanan ang petaka sa library dahil maraming tao doon." "Hmm. Maaaring tama ang analysis na yan Gardo. Pero
Iba ang maging takbo ng buhay ng isang tao kapag may nahahawakang pera. Kaya nitong anayin ang tiyan, sa dami na pweding kainin, at pweding gawin. Ngunit kapag nagulat ka sa biglang yaman na hindi mo naman pinagpaguran ay maaaring mawala ito ng parang bula, kapag di ka marunong dumiskarte sa buhay. Ngunit kapag dugo't pawis ang pinuhunan mo, masasabi mong masarap mahawakan ang perang pinaghirapan, kaya marami sa atin ang nagsusumikap. In reality, napabuntong hininga si Andrea, piniling huwag isipin ang tanong, at ibinaling ang tingin sa orasan. Mag aalas-kwatro pa lang ng umaga, naiinis siya sa biglang pagka-gising niya sa oras na ito. Pangatlong araw na, ngunit wala pa ring anino ni Jobert ang nagpapakita. Hanggang sa naaalala ni Andrea ang paguusap nila ni Alfred: "Ate.. kailan ba kita makakasama muli? namimiss ko na ang luto mong spicy na adobo, na may maraming patatas, at black beans." tanong ni Alfred.
"For three years na hindi ka nagparamdam, hindi mo na agad ako kilala?" halatang nagulat ang lalaking ito, kaya binalikan niya si Andrea ng tanong. Bukod pa dito, ay nagtataka siya kung bakit may hawak itong flower vase na alam niyang ebabato niya ito sa kanyang ulo. "What the heck! bakit may hawak kang flower vase, huwag mong sabihin gusto mo ako patayin?" sunod na sinabi ng lalaki. "Ang tanong ko ang sagotin mo? Sino ka?! paano ka nakapasok dito?!" sigaw ni Andrea malapit sa kanyang mukha. "Ok.ok. Magpapaliwanag na ako. Pwede ba ate ibaba mo na yang flower vase na yan! Kaloka ka naman, lasing ka ba kagabi?" "Anong ate... pinagsasasabi mo diyan?!" kunot noong sinabi ni Andrea. Nagulat siyang marinig na tinatawag siyang ate, gayong walang tumatawag sa kanya ng ganoon, kahit pa mga staff ng restaurant na kinakainan niya o kahit sa mga spa at salon na pinupuntahan niya madalas upang magpaayos. "Haler! Ate? Ate.. ako eto si Alfred, ako lang eto ang bakla mong kapatid, di mo ako
"Boogsh" Parang bombang sumabog ang malakas na paghampas ng pinto, na tumilapon sa dingding. Ang tunog ay nagpagulat nga mga taong nasa loob ng bawat kwarto. "Uuuhh!" "Itaas ang mga kamay!" sigaw ng isang leader na mga taohan ni Don Rafael. "Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa amin?" nanlaki ang mga mata ng isang matandang lalaki na hubo't hubad pa, kasama ang kanyang babae sa kama. "Sino ang kasama ninyo dito? sagot!" "Wala ho! wala kami lang ang mag kasama dito simula kagabi, galing pa kami ng probinsiya. Ano ho ba nagawa namin bakit kayo nandito?" pag aalalang tanong ng matandang lalaki. Nagulat ito at nanginginig sa takot dahil naka-armado ang mga lalaki na biglang pumasok sa kinaroroonan nila. "Tingnan ninyo ang bawat sulok, baka nagtatago lamang siya!" sunod na utos ng leader nila. "Pasensya na.. may hinahanap lang sila.." isang babae na may kaedaran ang nagsalita ng mahinahon sa isang magka-pares na nasa kama. Ito ay ang tunay na may-ari nang nasabing hotel.