Share

KABANATA IV

Author: HAKUJI
last update Last Updated: 2026-03-16 22:15:40

ALANA SAMONTE POV

Kinabukasan, eksaktong alas-onse ng umaga, may itim na sasakyan na tumigil sa tapat ng kanilang apartment.

Si Marcus ang nagmaneho. At sa likod, nakaupo si Eros na nakangiti nang makita siya.

Napanganga si Alana nang makita ang reaksyon nito. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong nagbago sa pagtitig nito sa kanya.

"Ang ganda mo," bulong ni Eros nang makapasok siya sa kotse.

Namula si Alana. Hindi siya sanay sa mga ganitong papuri. Ang gown na suot niya ay isang simpleng light blue na bestida na hindi masyadong magarbo pero napakaganda ng pagkakagawa animo'y pinagawa para lamang sa kanya. Itinago nito ang kanyang tiyan na hindi pa naman halata ang maliit na umbok, at pinakita ang kanyang natural na kagandahan.

"Hindi ako sanay sa mga ganito," mahinang sabi niya. "Eros, saan ba talaga tayo pupunta? At bakit kailangan kong makilala ang pamilya mo?"

Huminga nang malalim si Eros bago sumagot. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinagsama ang kanilang mga daliri.

"Alana, may sasabihin ako sa'yo. At gusto kong makinig ka muna bago ka mag-react, okay?"

Kinabahan si Alana. "Ano iyon?"

Tiningnan siya ni Eros nang diretso sa mata. "Pakakasalan kita."

Para siyang tinamaan ng kidlat.

"Ha?"

"Pakakasalan kita, Alana. Hindi dahil sa bata. Hindi dahil sa obligasyon. Kundi dahil... dahil hindi kita kayang bitawan. At gusto kong maging maayos ang lahat para sa atin at sa anak natin. Kaya ko gustong ipakilala ka sa pamilya ko. Kasi gusto kong malaman nila na seryoso ako sa'yo."

Hindi makapagsalita si Alana. Hindi siya makahinga. Hindi siya makakilos.

"Eros... h-hindi pwedeng ganyan kabilis baka..."

"Bakit hindi?"

"Kasi... kasi hindi naman tayo nagkakilala nang maayos. Hindi naman tayo nagka-developan. Isang gabi lang 'yon"

"Alana, stop," mahinang sabi ni Eros. "Oo, isang gabi lang tayo. Pero sa isang gabing iyon, may nakita ako sa'yo na hindi ko nakita sa iba. May naramdaman ako na hindi ko naramdaman kahit kanino. At sa anim na linggong hinanap kita, lalo kong napatunayan na ikaw lang ang gusto ko."

Napaiyak si Alana. Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak. Hindi niya alam kung sa tuwa ba o sa takot.

"Hindi mo pa ako kilala, Eros."

"Kaya nga gusto kitang makilala. At gusto kong makilala mo ako. Yung totoong Alana at totoong Eros. Walang pretensyon. Hayaan mo lang akong patunayan sa'yo na seryoso ako."

"At kung ayaw ng pamilya mo?"

Napahinto si Eros. Sa unang pagkakataon, may nakita si Alana sa mga mata nito pakiwari niya'y may pag-aalinlangan ito. Hindi para sa kanya, kundi para sa pamilya nito.

"I'll fight for you," matatag na sabi nito. "Para sa'yo. Para sa atin."

Ngumiti si Alana nang pilit. Gusto niyang maniwala. Gustong-gusto niyang maniwala.

Ngunit hindi niya alam na sa loob ng mansyon ng mga Sandoval sa Tagaytay, may naghihintay na hindi niya inaasahan, ang ina ni Eros na si Donya Conchita Sandoval, isang babaeng kilala sa pagiging mapagmanipula at walang puso pagdating sa pangalan ng pamilya.

At may kasama ito.

Isang babaeng nagngangalang Shamcey Gomez, ang babaeng itinakda ng pamilya para kay Eros mula pa noong mga bata pa sila.

Hindi alam ni Alana na sa pagpasok niya sa mansyon na iyon, hindi lang pakikipagkita sa pamilya ni Eros ang kanyang haharapin.

Kundi isang laban para sa kaniya at para sa isang buhay sa sinapupunan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unang Tikim (SSPG)   KABANATA IV

    ALANA SAMONTE POV Kinabukasan, eksaktong alas-onse ng umaga, may itim na sasakyan na tumigil sa tapat ng kanilang apartment. Si Marcus ang nagmaneho. At sa likod, nakaupo si Eros na nakangiti nang makita siya. Napanganga si Alana nang makita ang reaksyon nito. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong nagbago sa pagtitig nito sa kanya. "Ang ganda mo," bulong ni Eros nang makapasok siya sa kotse. Namula si Alana. Hindi siya sanay sa mga ganitong papuri. Ang gown na suot niya ay isang simpleng light blue na bestida na hindi masyadong magarbo pero napakaganda ng pagkakagawa animo'y pinagawa para lamang sa kanya. Itinago nito ang kanyang tiyan na hindi pa naman halata ang maliit na umbok, at pinakita ang kanyang natural na kagandahan. "Hindi ako sanay sa mga ganito," mahinang sabi niya. "Eros, saan ba talaga tayo pupunta? At bakit kailangan kong makilala ang pamilya mo?" Huminga nang malalim si Eros bago sumagot. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinagsama ang kanila

  • Unang Tikim (SSPG)   KABANATA III

    ALANA SAMONTE POVHindi alam ni Alana kung gaano katagal silang nagyakap ni Eros.Sa mga sandaling iyon, nawala ang lahat, ang takot, ang pag-aalinlangan, ang boses sa kanyang isip na nagsasabing hindi ito totoo. Naramdaman lang niya ang init ng yakap nito, ang tibok ng puso nito na tila ba kumakanta na tanging siya lang ang nakakarinig."Aalis ako muna ako," mahinang sabi ni Eros habang hinahaplos ang kanyang likod. "Pero babalik ako. May kailangan lang akong ayusin."Agad na may kung anong sumakmal sa dibdib ni Alana. Takot. Takot na kapag umalis ito, hindi na ito babalik. Takot na kapag natauhan ito sa init ng sandali, mapagtanto nitong ayaw nitong masangkot sa ganitong klaseng gulo.Tulad ng pag-alis ng kanyang ama noong siya ay labing-apat.Tulad ng pangako nitong babalik na hindi naman natupad."Eros—"Hinalikan siya nito sa noo. "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong babalik ako?"Napatingin siya sa mga mata nito. Doon, sa kabila ng lahat ng nabasa niya tungkol dito sa m

  • Unang Tikim (SSPG)   KABANATA II

    ALANA SAMONTE POVDahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang ina. At doon, sa may pintuan ng kanilang munting apartment na labinlimang taon na nilang tinitirhan, nakatayo si Eros Sandoval.Nakasuot ito ng mamahaling gray na suit na tila ba galing sa fashion magazine. Ang presensya nito ay biglang nagpaliit ng kanilang munting tahanan. Ang amoy nito na pamilyar na pamilyar kay Alana ay ang pumuno sa buong kwarto. Amoy ng mamahaling pabango, ng tagumpay, ng gabing hindi niya makalimutan.Nanlamig si Alana. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga."Alana," sabi ni Eros, at kahit isang salita lang iyon, ramdam niya ang bigat na dala nito.Napatingin ang kanyang ina sa kanilang dalawa, nagtataka pero pilit inuunawa ang sitwasyon. "Eros... anak, pasensya na sa hindi kaaya-ayang bahay. Sana man lang nagsabi kayo para nakaayos kami—""Ma," putol ni Alana, ang boses ay nanginginig. "Ma, pakiabot nga po kay Aling Nena ng pambayad sa kuryente? Parang nakalimutan ko raw kasing ibigay kanina."

  • Unang Tikim (SSPG)   KABANATA I

    ALANA SAMONTE POVANIM NA LINGGO ANG NAKARAAN.Hindi na bumalik si Alana sa mundong iyon.Pinilit niyang ibalik sa normal ang kanyang buhay, ang pag-aaral sa unibersidad, ang pagsasama sa mga kaibigang walang kamalay-malay sa nangyari noong gabing iyon, ang simpleng routine ng isang babaeng hindi dapat napadpad sa party ng isang bilyonaryo.Pero paano mo babalik sa normal ang isang bagay na magpakailanman nang nagbago?Nakatitig si Alana sa maliit na plastic stick na hawak-hawak niya. Dalawang guhit. Positive. Paulit-ulit niyang binasa ang instructions kahit alam niyang tama ang pagkakaintindi niya rito. Baka nagkamali siya. Baka peke ang testing kit na nabili niya sa botika sa kabilang kanto.Pero alam niya sa sarili niya. Alam niya kahit bago pa siya bumili ng pregnancy test.Ang pagkahilo tuwing umaga. Ang pag-ayaw sa paborito niyang adobo. Ang madalas na pag-ihi. Ang pananakit ng kanyang dibdib na para bang may kakaibang nangyayari sa kanyang katawan.At higit sa lahat ay ang hind

  • Unang Tikim (SSPG)   PROLOGUE

    ALANA SAMONTE POVAng gabing iyon ay parang isang panaginip na ayaw nang matapos.Nakatitig si Alana Samonte sa malaking salamin ng guest room ni Eros Sandoval. Basang-basa pa ang buhok niya mula sa hindi inaasahang pagbuhos ng ulan habang naghahanap ng masisilungan. Napadpad siya sa party na ito dahil sa kaibigan, ngunit hindi niya inasahang maiiwan siya rito nang biglang umalis ang mga ito kasama ang iba pang mga kaibigan.Kumalabog ang dibdib niya nang maramdaman ang presensya ng lalaki sa likuran niya. Hindi na siya nag-abalang lumingon. Alam niyang siya iyon. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito kahit isang metro pa ang layo nila.“You shouldn’t be here, Alana.” Boses ni Eros, mababa at paos. “This is not a place for someone like you.”Napasinghap siya nang maramdaman ang mga daliri nito na marahang humawak sa kanyang bewang. Sa pamamagitan ng repleksyon sa salamin, nasaksihan niya kung paanong nilalamon ng mga mata nito ang bawat parte ng kanyang katawan. Nakabalot

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status