ログインALANA SAMONTE POV
ANIM NA LINGGO ANG NAKARAAN. Hindi na bumalik si Alana sa mundong iyon. Pinilit niyang ibalik sa normal ang kanyang buhay, ang pag-aaral sa unibersidad, ang pagsasama sa mga kaibigang walang kamalay-malay sa nangyari noong gabing iyon, ang simpleng routine ng isang babaeng hindi dapat napadpad sa party ng isang bilyonaryo. Pero paano mo babalik sa normal ang isang bagay na magpakailanman nang nagbago? Nakatitig si Alana sa maliit na plastic stick na hawak-hawak niya. Dalawang guhit. Positive. Paulit-ulit niyang binasa ang instructions kahit alam niyang tama ang pagkakaintindi niya rito. Baka nagkamali siya. Baka peke ang testing kit na nabili niya sa botika sa kabilang kanto. Pero alam niya sa sarili niya. Alam niya kahit bago pa siya bumili ng pregnancy test. Ang pagkahilo tuwing umaga. Ang pag-ayaw sa paborito niyang adobo. Ang madalas na pag-ihi. Ang pananakit ng kanyang dibdib na para bang may kakaibang nangyayari sa kanyang katawan. At higit sa lahat ay ang hindi pagdating ng kanyang regla. "Hindi pwede," bulong niya sa sarili habang nakaupo sa sahig ng banyo ng kanilang maliit na apartment. "Isang gabi lang iyon. Paanong..." Pero alam niya kung paano. Hindi sila nag-ingat ni Eros. Pareho silang nilamon ng init ng sandaling iyon. At ngayon, may ebidensya na hindi niya na maikakaila. Napahagulhol siya. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanyang ina na nag-iisang bumubuhay sa kanila mula nang mamatay ang kanyang ama. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga kaibigang umaasang siya ang unang magtatagumpay sa kanilang barkada. Hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang pangarap na maging ganap na guro. At higit sa lahat. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Eros Sandoval na magiging ama ito. Gusto kaya niyang malaman? Naisip niyang itago na lang. Lumipat ng ibang lugar. Magpalipas ng siyam na buwan na parang walang nangyari at magsimulang muli. Pero nang hawakan niya ang kanyang tiyan, kakaiba ang naramdaman niya. Hindi pa man halata ay mahal na niya ang binubuong buhay sa kanyang sinapupunan. Pinunasan niya ang kanyang luha at tumayo. Kailangan niyang mag-isip nang maayos. Kailangan niyang magplano. Hindi niya kayang sirain ang kinabukasan ng kanyang pamilya dahil sa isang gabing kahinaan. At higit sa lahat, hindi niya kayang harapin si Eros. Lumipas ang isa pang linggo. Pinilit ni Alana na magpatuloy sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Tuwing umaga, bago sumikat ang araw, gumigising siya para tulungan ang kanyang ina sa pagluluto ng pagkain na ibebenta nito sa maliit nilang karinderya. Tuwing hapon, pumapasok siya sa klase, pinipilit intindihin ang mga leksyon kahit ang isip niya ay laging lumilipad sa hinaharap na hindi niya maintindihan. Tuwing gabi, nagtuturo siya ng Math at English sa mga batang nangangailangan ng tulong sa kanilang pag-aaral. Walang nakakaalam. Walang nakakapansin. At gusto niyang manatiling ganito na tanging siya lang ang may alam, siya lang ang may dala ng sikretong ito. Hanggang sa isang hapon, pauwi siya galing sa unibersidad. Napansin niya ang isang mamahaling itim na kotse na nakaparada sa tapat ng kanilang apartment. Hindi siya masyadong nagdalawang-isip noong una dahil may mga mayayaman namang pumupunta minsan sa karinderya ng kanyang ina dahil sikat ang liempo nito sa lugar. Pero may kung anong kakaiba sa kotse na iyon. Parang pamilyar. Pumasok siya sa kanilang apartment at nagtatakang nakita ang kanyang ina na abala sa pag-aayos ng kanilang maliit na sala. May dalang mga bulaklak at prutas na hindi niya alam kung saan galing. "Ana, may naghahanap sa'yo," sabi ng kanyang ina, hindi maitago ang excitement sa boses. "Nasa lobby. Sabi ko ay maghintay muna habang pinaaayos ko ang bahay. E, bigla kasing dumating, e. Sana man lang nagpaalam para nakapagayos at linis tayo." Nanlamig si Alana. "Sino po, Ma?" "E, 'di si Eros! Sabi niya kakilala mo raw. Eros Sandoval daw ang pangalan. Grabe, anak, ang gwapo! At ang yaman! Tingnan mo nga ang dala niyang prutas, mamahalin! At ang mga bulaklak—" Hindi na narinig ni Alana ang kasunod na mga salita ng kanyang ina. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Parang may malaking bato na biglang bumagsak sa kanyang dibdib. Parang gusto niyang sumuka, tumakbo, at mawala sa pagkakataong iyon. Eros. Nandito si Eros. Paano niya nalaman kung saan siya nakatira? Bakit siya naghahanap sa kanya? Ano ang gusto nito? Agad sumagi sa isip niya ang tungkol sa bata. Hindi. Hindi pwede. Hindi pa siya handa. Ayaw niyang malaman nito. Ayaw niyang makita siya sa ganitong kalagayan, ako na nakatira sa maliit na apartment, ako na naglalakad pauwi galing klase, ako na malayo sa mundong ginagalawan nito. "Ayaw kong makipagkita, Ma," mabilis na sabi niya. "Sabihin niyo pong may sakit ako. Sabihin niyo pong wala ako." Nagtatakang tumingin ang kanyang ina. "Bakit naman? E, andiyan na nga! Anak, kilala mo ba kung sino 'yang si Eros Sandoval? Isa siya sa pinakamayayaman sa bansa! Ang kompanya nilang Sandoval Holdings, halos lahat ng mall, hotel, at property sa Metro Manila, sa kanila! Bakit ayaw mo siyang harapin?" "Ma, please lang po. Hindi ko po gaanong kakilala. Hindi po ako handang makipagkita sa kanya." Pero huli na ang lahat. May kumatok sa kanilang pinto. Tatlong marahan ngunit tiyak na katok.ALANA SAMONTE POV Kinabukasan, eksaktong alas-onse ng umaga, may itim na sasakyan na tumigil sa tapat ng kanilang apartment. Si Marcus ang nagmaneho. At sa likod, nakaupo si Eros na nakangiti nang makita siya. Napanganga si Alana nang makita ang reaksyon nito. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong nagbago sa pagtitig nito sa kanya. "Ang ganda mo," bulong ni Eros nang makapasok siya sa kotse. Namula si Alana. Hindi siya sanay sa mga ganitong papuri. Ang gown na suot niya ay isang simpleng light blue na bestida na hindi masyadong magarbo pero napakaganda ng pagkakagawa animo'y pinagawa para lamang sa kanya. Itinago nito ang kanyang tiyan na hindi pa naman halata ang maliit na umbok, at pinakita ang kanyang natural na kagandahan. "Hindi ako sanay sa mga ganito," mahinang sabi niya. "Eros, saan ba talaga tayo pupunta? At bakit kailangan kong makilala ang pamilya mo?" Huminga nang malalim si Eros bago sumagot. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinagsama ang kanila
ALANA SAMONTE POVHindi alam ni Alana kung gaano katagal silang nagyakap ni Eros.Sa mga sandaling iyon, nawala ang lahat, ang takot, ang pag-aalinlangan, ang boses sa kanyang isip na nagsasabing hindi ito totoo. Naramdaman lang niya ang init ng yakap nito, ang tibok ng puso nito na tila ba kumakanta na tanging siya lang ang nakakarinig."Aalis ako muna ako," mahinang sabi ni Eros habang hinahaplos ang kanyang likod. "Pero babalik ako. May kailangan lang akong ayusin."Agad na may kung anong sumakmal sa dibdib ni Alana. Takot. Takot na kapag umalis ito, hindi na ito babalik. Takot na kapag natauhan ito sa init ng sandali, mapagtanto nitong ayaw nitong masangkot sa ganitong klaseng gulo.Tulad ng pag-alis ng kanyang ama noong siya ay labing-apat.Tulad ng pangako nitong babalik na hindi naman natupad."Eros—"Hinalikan siya nito sa noo. "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong babalik ako?"Napatingin siya sa mga mata nito. Doon, sa kabila ng lahat ng nabasa niya tungkol dito sa m
ALANA SAMONTE POVDahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang ina. At doon, sa may pintuan ng kanilang munting apartment na labinlimang taon na nilang tinitirhan, nakatayo si Eros Sandoval.Nakasuot ito ng mamahaling gray na suit na tila ba galing sa fashion magazine. Ang presensya nito ay biglang nagpaliit ng kanilang munting tahanan. Ang amoy nito na pamilyar na pamilyar kay Alana ay ang pumuno sa buong kwarto. Amoy ng mamahaling pabango, ng tagumpay, ng gabing hindi niya makalimutan.Nanlamig si Alana. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga."Alana," sabi ni Eros, at kahit isang salita lang iyon, ramdam niya ang bigat na dala nito.Napatingin ang kanyang ina sa kanilang dalawa, nagtataka pero pilit inuunawa ang sitwasyon. "Eros... anak, pasensya na sa hindi kaaya-ayang bahay. Sana man lang nagsabi kayo para nakaayos kami—""Ma," putol ni Alana, ang boses ay nanginginig. "Ma, pakiabot nga po kay Aling Nena ng pambayad sa kuryente? Parang nakalimutan ko raw kasing ibigay kanina."
ALANA SAMONTE POVANIM NA LINGGO ANG NAKARAAN.Hindi na bumalik si Alana sa mundong iyon.Pinilit niyang ibalik sa normal ang kanyang buhay, ang pag-aaral sa unibersidad, ang pagsasama sa mga kaibigang walang kamalay-malay sa nangyari noong gabing iyon, ang simpleng routine ng isang babaeng hindi dapat napadpad sa party ng isang bilyonaryo.Pero paano mo babalik sa normal ang isang bagay na magpakailanman nang nagbago?Nakatitig si Alana sa maliit na plastic stick na hawak-hawak niya. Dalawang guhit. Positive. Paulit-ulit niyang binasa ang instructions kahit alam niyang tama ang pagkakaintindi niya rito. Baka nagkamali siya. Baka peke ang testing kit na nabili niya sa botika sa kabilang kanto.Pero alam niya sa sarili niya. Alam niya kahit bago pa siya bumili ng pregnancy test.Ang pagkahilo tuwing umaga. Ang pag-ayaw sa paborito niyang adobo. Ang madalas na pag-ihi. Ang pananakit ng kanyang dibdib na para bang may kakaibang nangyayari sa kanyang katawan.At higit sa lahat ay ang hind
ALANA SAMONTE POVAng gabing iyon ay parang isang panaginip na ayaw nang matapos.Nakatitig si Alana Samonte sa malaking salamin ng guest room ni Eros Sandoval. Basang-basa pa ang buhok niya mula sa hindi inaasahang pagbuhos ng ulan habang naghahanap ng masisilungan. Napadpad siya sa party na ito dahil sa kaibigan, ngunit hindi niya inasahang maiiwan siya rito nang biglang umalis ang mga ito kasama ang iba pang mga kaibigan.Kumalabog ang dibdib niya nang maramdaman ang presensya ng lalaki sa likuran niya. Hindi na siya nag-abalang lumingon. Alam niyang siya iyon. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito kahit isang metro pa ang layo nila.“You shouldn’t be here, Alana.” Boses ni Eros, mababa at paos. “This is not a place for someone like you.”Napasinghap siya nang maramdaman ang mga daliri nito na marahang humawak sa kanyang bewang. Sa pamamagitan ng repleksyon sa salamin, nasaksihan niya kung paanong nilalamon ng mga mata nito ang bawat parte ng kanyang katawan. Nakabalot







