เข้าสู่ระบบALANA SAMONTE POV
Hindi alam ni Alana kung gaano katagal silang nagyakap ni Eros. Sa mga sandaling iyon, nawala ang lahat, ang takot, ang pag-aalinlangan, ang boses sa kanyang isip na nagsasabing hindi ito totoo. Naramdaman lang niya ang init ng yakap nito, ang tibok ng puso nito na tila ba kumakanta na tanging siya lang ang nakakarinig. "Aalis ako muna ako," mahinang sabi ni Eros habang hinahaplos ang kanyang likod. "Pero babalik ako. May kailangan lang akong ayusin." Agad na may kung anong sumakmal sa dibdib ni Alana. Takot. Takot na kapag umalis ito, hindi na ito babalik. Takot na kapag natauhan ito sa init ng sandali, mapagtanto nitong ayaw nitong masangkot sa ganitong klaseng gulo. Tulad ng pag-alis ng kanyang ama noong siya ay labing-apat. Tulad ng pangako nitong babalik na hindi naman natupad. "Eros—" Hinalikan siya nito sa noo. "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong babalik ako?" Napatingin siya sa mga mata nito. Doon, sa kabila ng lahat ng nabasa niya tungkol dito sa mga tabloid, sa kabila ng reputation nitong playboy at babaero, may nakita siyang sinseridad na hindi niya maipaliwanag. "Oo," bulong niya. At tuluyan na ngang umalis si Eros. Pagkalabas nito, doon lang siya tuluyang napayakap sa sarili. Ang lamig ng kwarto nang wala ito. Ang tahimik ng apartment nang hindi niya naririnig ang boses nito. "Alana." Napalingon siya sa pinto. Nakatayo roon ang kanyang ina, hawak-hawak ang bayad sa kuryente na hindi naman nito dinala kay Aling Nena. Ang mga mata nito ay puno ng tanong, at may kung anong nasa mga iyon na hindi niya maintindihan. "Inay..." "Gaano na katagal?" walang emosyong tanong ng kanyang ina. Hindi na kailangan pang magpaliwanag ni Alana. Alam niyang narinig ng kanyang ina ang lahat. Ang pag-iyak niya. Ang pag-amin niya. Ang bawat salitang binitawan niya at ni Eros. "Anim na linggo po," mahinang sagot niya. Tumahimik ang kanyang ina. Isang katahimikan na mas nakakatakot kaysa sa anumang sigaw. Dahan-dahan itong lumapit at umupo sa lumang sofa nila. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. "Anak," mahinang tawag nito. "Halika rito." Parang batang nagkasala, lumapit si Alana at lumuhod sa harap ng kanyang ina. Hindi niya kayang tumingin sa mga mata nito. Hindi niya kayang harapin ang disappointment na tiyak na makikita niya roon. "Tingnan mo ako." Dahan-dahan siyang tumingala. At sa hindi niya inaasahan, ang nakita niya sa mata ng kanyang ina ay hindi galit. Hindi disappointment. Kung hindi... pag-aalala. At pagmamahal. "Sino siya?" tanong ng kanyang ina. "Totoo bang Eros Sandoval iyon? Ang Eros Sandoval na may-ari ng Sandoval Holdings?" Tumango si Alana. "At mahal mo ba siya?" Natigilan siya sa tanong. Mahal ba niya si Eros? Paano mo mamahalin ang isang taong isang gabi mo lang nakasama? Paano mo mamahalin ang isang taong halos wala kang alam? Pero bakit ganito na lang ang tibok ng puso niya tuwing naiisip niya ito? Bakit kahit anim na linggo siyang lumalayo, hindi siya nawala sa isip nito? Bakit sa yakap nito kanina, naramdaman niya ang isang bagay na hindi niya naramdaman kahit kanino? "Hindi ko po alam, Inay," tapat na sagot niya. "Pero... may nararamdaman po ako sa kanya. At noong gabing iyon... parang may nangyari sa aming hindi ko maintindihan." Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang mukha. "At siya? Mahal ka ba niya?" "Hindi ko rin po alam. Pero sabi niya... babalik siya." Ngumiti nang pilit ang kanyang ina. May lungkot sa mga mata nito isang klase ng lungkot ng isang inang alam ang hirap na naghihintay sa kanyang anak. "Alana, maraming lalaking nangangako. Maraming nagsasabing babalik. Ang tatay mo..." Napahinto ito. Hindi na nito kailangang tapusin. Alam ni Alana ang istorya ng kanyang mga magulang. Ang kanyang ama na nangakong babalik mula sa ibang bansa pero hindi na nakauwi. Ang kanyang ina na naghintay ng sampung taon bago nalaman na may bagong pamilya na pala ito sa ibang bansa. "Inay, iba si Eros." "Sabi ng bawat babaeng nainlove sa maling lalaki, anak." Hindi nakasagot si Alana. Sa halip, niyakap na lang niya ang kanyang ina. At doon, sa bisig ng babaeng hindi siya iniwan kahit kailan, muli siyang umiyak. --- Lumipas ang tatlong araw. Tatlong araw na walang paramdam si Eros. Tatlong araw na paulit-ulit na kinukumbinsi ni Alana ang sarili na darating ito. Na totoo ang mga salitang binitawan nito. Na hindi siya iiwan. Pero habang tumatagal, lalong lumalakas ang boses sa kanyang isip na nagsasabing nagkamali siya. Na isa lang siya sa babaeng dumaan lang panandalian si kanya. Na ginamit lang siya nito at nang malaman ang tungkol sa bata, natakot ito at tumakbo. "Gaga," bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame ng kanyang maliit na kwarto. "Bakit ka naniwala? Bakit ka umaasa?" Hindi siya nakapasok sa klase. Hindi rin siya nakapagturo. Buong araw siyang nakahiga, pinipilit intindihin ang nangyayari sa kanyang buhay. Ang kanyang ina ay hindi na nagsasalita tungkol kay Eros. Hindi na nito binabanggit ang tungkol sa bata. Tahimik lang itong nagtatrabaho sa karinderya, nagluluto, nag-aalaga sa kanya. At sa katahimikang iyon, mas lalong lumalakas ang ingay sa isip ni Alana. Hanggang sa isang hapon, may kumatok sa kanilang pinto. Hindi na siya umasa. Hindi na siya tumayo. Hayaan na lang niyang ang kanyang ina ang sumagot. Pero nang marinig niya ang boses na kumausap sa kanyang ina, bigla siyang napabalikwas. "Good afternoon po. Ako po si Marcus, personal assistant ni Mr. Eros Sandoval. May ipinadala po siya para kay Alana." Nagtatakang lumabas si Alana mula sa kanyang kwarto. At doon, sa may pintuan, nakita niya si Marcus na may dalang isang mamahaling paper bag at isang sobre. "Kayo po si Miss Alana?" magalang na tanong nito nang makita siya. "O-Opo, ako nga po," mahinang sabi niya. Iniabot sa kanya ni Marcus ang mga dala nito. "Ito po galing kay Mr. Sandoval. At may mensahe po siya." Kinabahan si Alana. "Anong mensahe?" Ngumiti si Marcus. "Sabi po ni Mr. Sandoval, hindi po siya nakabalik agad dahil may inaayos siyang importante. Pero gusto po niyang malaman ninyo na hindi niya kayo nakalimutan. At bukas, alas-onse ng umaga, may susundo po sa inyo." Nanlaki ang mata ni Alana. "Susundo? Saan?" "Sa bahay po nila sa Tagaytay. Gusto po kayong makilala ng kanyang pamilya." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Pamilya ni Eros. Ang mga Sandoval. Isa sa pinakamayaman at pinakamaimpluwensyang pamilya sa bansa. "Ha? Hindi... hindi ako pwedeng—" "Pasensya na po," putol ni Marcus. "Pero iyan po ang bilin sa akin. At sabi ni Mr. Sandoval, huwag po kayong matakot. Siya raw po ang bahala sa lahat." At umalis si Marcus, iniwan siyang nakatulala sa may pintuan. Binuksan niya ang sobre. Naglalaman iyon ng isang tseke, isang tseke na may halagang hindi niya akalain na makikita niya sa buong buhay niya. Isang milyong piso. At sa loob ng paper bag, isang mamahaling gown mula sa isang designer brand na nababasa lang niya sa magazine. Kasama ang isang maliit na note: Alana, Pasensya na at hindi ako nakabalik agad. May kailangan lang akong ayusin, ang kinabukasan natin. Huwag mong pansinin ang tseke. Hindi iyon kabayaran. Gusto ko lang siguraduhing may pang-emergency ka kung sakali. At ang gown... gusto kitang makita sa Tagaytay bukas. Hindi dahil gusto kitang ipagmalaki sa pamilya ko kahit na gusto ko, kundi dahil gusto kong maging komportable ka. Alam kong hindi ito ang mundo mo, pero gusto kitang ipakilala sa mundo ko. Kasama ko. Magkita tayo bukas. Eros Paulit-ulit niyang binasa ang note. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o matatawa. Ang lalaking ito, ang lalaking dapat ay walang paki sa kanya ay nag-ayos ng lahat. Nagpadala ng pera na wala siyang balak galawin, nagpadala ng gown, at inanyayahan siyang makilala ang pamilya nito. "Inay," tawag niya sa kanyang ina na tahimik lang na nanonood sa kanya. "Ano po ang gagawin ko?" Lumapit ang kanyang ina at hinawakan ang kanyang kamay. "Anak, gusto mo ba siyang makita?" "Opo." "Gusto mo bang makilala ang pamilya niya?" Hindi sumagot si Alana. Ang totoo, natatakot siya. Natatakot siyang harapin ang mga taong tiyak na titingin sa kanya nang mababa. Natatakot siyang mapahiya. Natatakot siyang marealize ni Eros na hindi siya bagay sa mundo nito. "Alana," mahinang sabi ng kanyang ina. "Noong dalaga ako, may isang lalaking umakit sa akin. Mayaman siya. Galing sa magandang pamilya. At mahal ko siya. Oo, mahal ko siya. Pero hindi ako pinayagan ng pamilya niya. Sabi nila, hindi raw ako bagay sa kanila. At naniwala ako. Umalis ako. At pinagsisihan ko." Napatingin si Alana sa kanyang ina. Hindi nito madalas ikwento ang tungkol sa kanyang nakaraan. "Inay..." "Ang tatay mo, hindi siya ang unang pag-ibig ko. Pero siya ang naging huli. At mahal na mahal ko siya. Pero may parte sa akin na nagsisisi pa rin, ano kaya ang nangyari kung hindi ako sumuko? Ano kaya ang nangyari kung lumaban ako?" Napaluha si Alana. "Natatakot po ako, Inay." "Alam ko, anak. Pero tandaan mo, hindi ka nag-iisa. Nandito lang ako. At kung totoo ang lalaking iyan, lalaban din siya para sa'yo. Pero kung hindi, anak, huwag kang matakot na lumakad nang mag-isa. Kaya mo 'yan. Kaya natin 'yan." Niyakap ni Alana ang kanyang ina. At sa yakap na iyon, naramdaman niya ang lakas na hindi niya alam na kaya niyang taglayin.ALANA SAMONTE POV Kinabukasan, eksaktong alas-onse ng umaga, may itim na sasakyan na tumigil sa tapat ng kanilang apartment. Si Marcus ang nagmaneho. At sa likod, nakaupo si Eros na nakangiti nang makita siya. Napanganga si Alana nang makita ang reaksyon nito. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong nagbago sa pagtitig nito sa kanya. "Ang ganda mo," bulong ni Eros nang makapasok siya sa kotse. Namula si Alana. Hindi siya sanay sa mga ganitong papuri. Ang gown na suot niya ay isang simpleng light blue na bestida na hindi masyadong magarbo pero napakaganda ng pagkakagawa animo'y pinagawa para lamang sa kanya. Itinago nito ang kanyang tiyan na hindi pa naman halata ang maliit na umbok, at pinakita ang kanyang natural na kagandahan. "Hindi ako sanay sa mga ganito," mahinang sabi niya. "Eros, saan ba talaga tayo pupunta? At bakit kailangan kong makilala ang pamilya mo?" Huminga nang malalim si Eros bago sumagot. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinagsama ang kanila
ALANA SAMONTE POVHindi alam ni Alana kung gaano katagal silang nagyakap ni Eros.Sa mga sandaling iyon, nawala ang lahat, ang takot, ang pag-aalinlangan, ang boses sa kanyang isip na nagsasabing hindi ito totoo. Naramdaman lang niya ang init ng yakap nito, ang tibok ng puso nito na tila ba kumakanta na tanging siya lang ang nakakarinig."Aalis ako muna ako," mahinang sabi ni Eros habang hinahaplos ang kanyang likod. "Pero babalik ako. May kailangan lang akong ayusin."Agad na may kung anong sumakmal sa dibdib ni Alana. Takot. Takot na kapag umalis ito, hindi na ito babalik. Takot na kapag natauhan ito sa init ng sandali, mapagtanto nitong ayaw nitong masangkot sa ganitong klaseng gulo.Tulad ng pag-alis ng kanyang ama noong siya ay labing-apat.Tulad ng pangako nitong babalik na hindi naman natupad."Eros—"Hinalikan siya nito sa noo. "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong babalik ako?"Napatingin siya sa mga mata nito. Doon, sa kabila ng lahat ng nabasa niya tungkol dito sa m
ALANA SAMONTE POVDahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang ina. At doon, sa may pintuan ng kanilang munting apartment na labinlimang taon na nilang tinitirhan, nakatayo si Eros Sandoval.Nakasuot ito ng mamahaling gray na suit na tila ba galing sa fashion magazine. Ang presensya nito ay biglang nagpaliit ng kanilang munting tahanan. Ang amoy nito na pamilyar na pamilyar kay Alana ay ang pumuno sa buong kwarto. Amoy ng mamahaling pabango, ng tagumpay, ng gabing hindi niya makalimutan.Nanlamig si Alana. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga."Alana," sabi ni Eros, at kahit isang salita lang iyon, ramdam niya ang bigat na dala nito.Napatingin ang kanyang ina sa kanilang dalawa, nagtataka pero pilit inuunawa ang sitwasyon. "Eros... anak, pasensya na sa hindi kaaya-ayang bahay. Sana man lang nagsabi kayo para nakaayos kami—""Ma," putol ni Alana, ang boses ay nanginginig. "Ma, pakiabot nga po kay Aling Nena ng pambayad sa kuryente? Parang nakalimutan ko raw kasing ibigay kanina."
ALANA SAMONTE POVANIM NA LINGGO ANG NAKARAAN.Hindi na bumalik si Alana sa mundong iyon.Pinilit niyang ibalik sa normal ang kanyang buhay, ang pag-aaral sa unibersidad, ang pagsasama sa mga kaibigang walang kamalay-malay sa nangyari noong gabing iyon, ang simpleng routine ng isang babaeng hindi dapat napadpad sa party ng isang bilyonaryo.Pero paano mo babalik sa normal ang isang bagay na magpakailanman nang nagbago?Nakatitig si Alana sa maliit na plastic stick na hawak-hawak niya. Dalawang guhit. Positive. Paulit-ulit niyang binasa ang instructions kahit alam niyang tama ang pagkakaintindi niya rito. Baka nagkamali siya. Baka peke ang testing kit na nabili niya sa botika sa kabilang kanto.Pero alam niya sa sarili niya. Alam niya kahit bago pa siya bumili ng pregnancy test.Ang pagkahilo tuwing umaga. Ang pag-ayaw sa paborito niyang adobo. Ang madalas na pag-ihi. Ang pananakit ng kanyang dibdib na para bang may kakaibang nangyayari sa kanyang katawan.At higit sa lahat ay ang hind
ALANA SAMONTE POVAng gabing iyon ay parang isang panaginip na ayaw nang matapos.Nakatitig si Alana Samonte sa malaking salamin ng guest room ni Eros Sandoval. Basang-basa pa ang buhok niya mula sa hindi inaasahang pagbuhos ng ulan habang naghahanap ng masisilungan. Napadpad siya sa party na ito dahil sa kaibigan, ngunit hindi niya inasahang maiiwan siya rito nang biglang umalis ang mga ito kasama ang iba pang mga kaibigan.Kumalabog ang dibdib niya nang maramdaman ang presensya ng lalaki sa likuran niya. Hindi na siya nag-abalang lumingon. Alam niyang siya iyon. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito kahit isang metro pa ang layo nila.“You shouldn’t be here, Alana.” Boses ni Eros, mababa at paos. “This is not a place for someone like you.”Napasinghap siya nang maramdaman ang mga daliri nito na marahang humawak sa kanyang bewang. Sa pamamagitan ng repleksyon sa salamin, nasaksihan niya kung paanong nilalamon ng mga mata nito ang bawat parte ng kanyang katawan. Nakabalot







