ログインALANA SAMONTE POV
Dahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang ina. At doon, sa may pintuan ng kanilang munting apartment na labinlimang taon na nilang tinitirhan, nakatayo si Eros Sandoval. Nakasuot ito ng mamahaling gray na suit na tila ba galing sa fashion magazine. Ang presensya nito ay biglang nagpaliit ng kanilang munting tahanan. Ang amoy nito na pamilyar na pamilyar kay Alana ay ang pumuno sa buong kwarto. Amoy ng mamahaling pabango, ng tagumpay, ng gabing hindi niya makalimutan. Nanlamig si Alana. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga. "Alana," sabi ni Eros, at kahit isang salita lang iyon, ramdam niya ang bigat na dala nito. Napatingin ang kanyang ina sa kanilang dalawa, nagtataka pero pilit inuunawa ang sitwasyon. "Eros... anak, pasensya na sa hindi kaaya-ayang bahay. Sana man lang nagsabi kayo para nakaayos kami—" "Ma," putol ni Alana, ang boses ay nanginginig. "Ma, pakiabot nga po kay Aling Nena ng pambayad sa kuryente? Parang nakalimutan ko raw kasing ibigay kanina." Nagtatakang tumingin ang kanyang ina. "Ha? Pero anak, kakakita ko lang kay Aling Nena—" "Ma, please." May kung anong nasa mata ni Alana na nagpaunawa sa kanyang ina. Bagama't labag sa kalooban nito, kinuha nito ang bayad sa kuryente na nasa mesa at lumabas, hindi nakalimutang lumingon kay Eros na may ngiting puno ng paghanga. "Sandali lang po, Mr. Sandoval. Alana, ikaw na muna ang bahala dito sa bisita natin." Nang tuluyang makalabas ang kanyang ina, nanatili silang nakatayo ni Eros na parang estatwa. Ilang segundo o ilang minuto ang lumipas na walang nagsasalita. Si Alana ang unang bumasag ng katahimikan. "Anong ginagawa mo rito, Eros?" Hindi niya maitago ang panginginig sa kanyang boses. "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Hindi sumagot si Eros. Sa halip, dahan-dahan siyang lumapit. Ang mga mata nito ay hindi inaalis sa kanya, tila ba sinusuri ang bawat galaw niya, bawat ekspresyon ng kanyang mukha. "Bakit ka umalis nang hindi nagpapaalam?" Natigilan si Alana. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. "Dahil... kailangan ko nang umalis noong araw na 'yon," mahinang sagot niya. "Wala namang dahilan para magpaalam pa." "Walang dahilan?" Muling lumapit si Eros. Isang metro na lang ang layo nila ngayon. "Anim na linggo kitang hinanap, Alana. Anim na linggong hindi mawala sa isip ko ang gabing iyon. At sasabihin mo lang na walang dahilan?" Humigpit ang panga ni Alana. Kailangan niyang maging matatag. Hindi pwedeng malaman nito. "Ano bang gusto mo, Eros? Isang gabing—" "Isang gabing ano?" mabilis na putol nito. "Isang gabing walang kahulugan? Iyon ba para sa'yo?" Hindi nakasagot si Alana. Ang totoo, hindi niya alam kung ano ang tawag sa gabing iyon. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag na kahit isang gabi lang, binago nito ang buong pagkatao niya. "Bakit mo ako hinahanap?" tanong niya sa halip. Dahan-dahang lumapit si Eros. Ngayon, ilang pulgada na lang ang layo nila. Ramdam ni Alana ang init na nagmumula sa katawan nito, parehong init na bumalot sa kanya noong gabing iyon. "Because I can't stop thinking about you," mahinang sabi ni Eros. "At alam kong hindi lang ako ang may nararamdaman. May nangyari sa atin noong gabing iyon, Alana. Hindi lang basta sex iyon." Napalunok si Alana. Tama ito. Hindi lang basta sex iyon. Para sa kanya, iyon ang unang pagkakataon na may nakakita sa kanya nang totoo, na may nagpakita sa kanya kung gaano kasarap ang mahalin at pahalagahan kahit isang gabi lang. Pero hindi pwedeng mangibabaw ang nararamdaman. "Wala kang alam sa akin, Eros," sabi niya, pinipilit maging matatag ang boses. "At wala akong alam sa'yo. Isang gabi lang iyon. Magkaiba tayo ng mundo. Hindi mo kailangang hanapin ako." "Mundo?" Ngumiti si Eros nang pilit. "Alana, hindi mo ba alam na kaya kong sirain ang anumang pader na naghihiwalay sa atin? Kung mundo lang ang pag-uusapan, kaya kitang dalhin sa mundo ko." "At ano namang gagawin ko roon?" Hindi na napigilan ni Alana ang pait sa kanyang boses. "Maging isa sa mga babae mo? Isa sa mga laruan na paglalaruan mo hanggang magsawa ka? Alam ko ang reputation mo, Eros. Nababasa ko sa tabloid. Nababalitaan ko sa mga kaibigan." Biglang nanigas si Eros. May kumislap sa kanyang mga mata ito'y hindi galit, kundi sakit. "Iba ka," mahinang sabi nito. "At alam mong iba ka. Kaya nga kita hinahanap." "Hindi sapat iyon." "Alana—" "Hindi sapat," ulit niya, at ngayon ay nanginginig na ang kanyang boses. "Hindi sapat na sabihin mong iba ako. Hindi sapat na hanapin mo ako. Ano bang gusto mong mangyari, Eros? Seserryosohin mo ba ako? Magkakaroon ba tayo ng tunay na relasyon? O gusto mo lang ulit ng isa pang gabi?" Natahimik si Eros. At sa katahimikang iyon, nakuha ni Alana ang sagot. Napangiti siya nang pilit, pinipigilan ang luhang gustong pumatak. "Iyon nga. Wala kang sagot. Kaya umalis ka na. At huwag mo na akong guluhin pa." Tumalikod na sana siya nang biglang hinawakan ni Eros ang kanyang braso. Dahan-dahan ngunit mahigpit. "Alana," sabi nito, ang boses ay paos at tila ba may pinipigilang sabihin. "Hindi ko alam kung ano ang gusto kong mangyari sa atin. Pero ang alam ko, hindi kita kayang kalimutan. At hindi ko kayang isipin na hindi na kita makikita pa." Nanatiling nakatalikod si Alana. Hindi niya kayang harapin ito. Hindi niya kayang tingnan ang mga matang iyon na parang bumubutas sa kanyang puso. "Tigilan mo na ako, Eros." "Hindi." "Bakit ba?" Napasigaw na siya. Hindi na niya napigilan. "Bakit mo ba ginagawa ito? Bakit hindi mo na lang ako iwan? Bakit kailangan mong lumitaw ngayong... ngayong..." Hindi niya natuloy. Napansin ni Eros ang pag-aalangan niya. Dahan-dahan nitong hinarap siya. "Ngayong ano, Alana?" Biglang bumalik sa kanya ang lahat, ang pregnancy test na nakatago sa ilalim ng kanyong kumot, ang kinabukasang hindi niya alam kung paano haharapin, ang takot na hindi niya kayang sabihin kanino man. At tumulo ang kanyang luha. "Alana," mahinang tawag ni Eros. Ngayon ay may pag-aalala na sa kanyang boses. "Anong problema? May sakit ka ba? Bakit ka umiiyak?" Umiling-iling si Alana. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung paano sasabihin. Hindi niya alam kung gusto niya bang sabihin sa binata. "Alana, look at me." Dahan-dahan siyang tumingin kay Eros. At sa unang pagkakataon, nakita niya ang lalaking nasa likod ng imahe ng bilyonaryong walang puso. Nakita niya ang pag-aalala, ang pagmamalasakit, ang isang bagay na hindi niya maipaliwanag. "Buntis ako," bulong niya. Tumigil ang mundo. Nanlaki ang mata ni Eros. Hindi ito kumikibo. Hindi ito humihinga. Parang may malakas na puwersang sumampal sa kanya at iniwan siyang tulala. "Ano?" "Buntis ako," ulit ni Alana, at ngayon ay tuluyan nang umagos ang kanyang luha. "Sa'yo. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa'yo. Hindi ko alam kung gusto kong malaman mo. Kaya nga kita iniwan ng walang paalam. Kasi... kasi natakot ako." Natahimik si Eros. Ilang segundo o ilang minuto ang lumipas na walang nagsasalita. Ang tanging naririnig lang ay ang mahinang hikbi ni Alana at ang tunog ng mga sasakyan sa labas. At pagkatapos ay gumalaw si Eros. Hindi tulad ng inaasahan ni Alana na magagalit ito o tatalikuran siya. Hindi. Lumapit ito sa kanya at dahan-dahan siyang niyakap. Mahigpit. Totoo. Para bang pinoprotektahan siya nito. "Bakit ka natakot?" mahinang tanong nito sa kanyang tenga. "Bakit mo naisip na itataboy kita? Bakit mo naisip na hindi ko gugustuhing malaman?" "Kasi... kasi hindi naman tayo," humagulgol si Alana. "Wala namang tayo. Isang gabi lang 'yon. At ikaw si Eros Sandoval. At ako ay... ako lang ito." Hinawakan ni Eros ang kanyang mukha at marahang pinunasan ang kanyang luha. "Alana, makinig ka sa akin," seryosong sabi nito. "Wala akong pakialam kung isang gabi lang iyon. Wala akong pakialam kung sino ako o kung sino ka. Ang mahalaga, may nabuo sa atin noong gabing iyon, hindi lang ito dahil sa batang dinadala mo, kundi pati na rin ang isang bagay na hindi ko maintindihan pero alam kong totoo. At hindi kita iiwan. Hindi ko kayo iiwan." Natigilan si Alana. Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Pero... paano? Ang pamilya mo? Ang mundo mo? Ang reputation mo?" "Ako na ang bahala sa akin," nakangiting sabi ni Eros kahit may lungkot sa kanyang mga mata. "Sa ngayon, ang mahalaga, alam ko na. At nandito ako. At handa akong panindigan ang anumang kahihinatnan nito." Napayakap si Alana kay Eros at doon na lang siya umiyak nang umiyak. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang bigat ng lahat ng nangyayari. Ang sikretong anim na linggo niyang dala-dala, biglang nabunyag. Ang takot na anim na linggo niyang kinakimkim, biglang nawala. At kahit hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanila, kahit hindi niya alam kung magtatagal ba ito o panandalian lang, sa sandaling iyon, habang yakap-yakap siya ni Eros, naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa. Hindi niya alam na sa labas ng kanilang apartment, nakatayo ang kanyang ina na umiiyak din, hindi dahil sa narinig, kundi dahil sa hindi niya maintindihan kung bakit umiiyak ang kanyang anak. Hindi niya alam na sa mga susunod na araw, darating ang mga pagsubok na hindi niya akalain, ang galit ng pamilya ni Eros, ang panghuhusga ng lipunan, ang tanong kung magtatagal ba ang isang relasyong isang gabi lang nagsimula. Pero sa sandaling iyon, mahalaga lang na magkasama sila. At iyon ang simula ng lahat.ALANA SAMONTE POV Kinabukasan, eksaktong alas-onse ng umaga, may itim na sasakyan na tumigil sa tapat ng kanilang apartment. Si Marcus ang nagmaneho. At sa likod, nakaupo si Eros na nakangiti nang makita siya. Napanganga si Alana nang makita ang reaksyon nito. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong nagbago sa pagtitig nito sa kanya. "Ang ganda mo," bulong ni Eros nang makapasok siya sa kotse. Namula si Alana. Hindi siya sanay sa mga ganitong papuri. Ang gown na suot niya ay isang simpleng light blue na bestida na hindi masyadong magarbo pero napakaganda ng pagkakagawa animo'y pinagawa para lamang sa kanya. Itinago nito ang kanyang tiyan na hindi pa naman halata ang maliit na umbok, at pinakita ang kanyang natural na kagandahan. "Hindi ako sanay sa mga ganito," mahinang sabi niya. "Eros, saan ba talaga tayo pupunta? At bakit kailangan kong makilala ang pamilya mo?" Huminga nang malalim si Eros bago sumagot. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinagsama ang kanila
ALANA SAMONTE POVHindi alam ni Alana kung gaano katagal silang nagyakap ni Eros.Sa mga sandaling iyon, nawala ang lahat, ang takot, ang pag-aalinlangan, ang boses sa kanyang isip na nagsasabing hindi ito totoo. Naramdaman lang niya ang init ng yakap nito, ang tibok ng puso nito na tila ba kumakanta na tanging siya lang ang nakakarinig."Aalis ako muna ako," mahinang sabi ni Eros habang hinahaplos ang kanyang likod. "Pero babalik ako. May kailangan lang akong ayusin."Agad na may kung anong sumakmal sa dibdib ni Alana. Takot. Takot na kapag umalis ito, hindi na ito babalik. Takot na kapag natauhan ito sa init ng sandali, mapagtanto nitong ayaw nitong masangkot sa ganitong klaseng gulo.Tulad ng pag-alis ng kanyang ama noong siya ay labing-apat.Tulad ng pangako nitong babalik na hindi naman natupad."Eros—"Hinalikan siya nito sa noo. "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong babalik ako?"Napatingin siya sa mga mata nito. Doon, sa kabila ng lahat ng nabasa niya tungkol dito sa m
ALANA SAMONTE POVDahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang ina. At doon, sa may pintuan ng kanilang munting apartment na labinlimang taon na nilang tinitirhan, nakatayo si Eros Sandoval.Nakasuot ito ng mamahaling gray na suit na tila ba galing sa fashion magazine. Ang presensya nito ay biglang nagpaliit ng kanilang munting tahanan. Ang amoy nito na pamilyar na pamilyar kay Alana ay ang pumuno sa buong kwarto. Amoy ng mamahaling pabango, ng tagumpay, ng gabing hindi niya makalimutan.Nanlamig si Alana. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga."Alana," sabi ni Eros, at kahit isang salita lang iyon, ramdam niya ang bigat na dala nito.Napatingin ang kanyang ina sa kanilang dalawa, nagtataka pero pilit inuunawa ang sitwasyon. "Eros... anak, pasensya na sa hindi kaaya-ayang bahay. Sana man lang nagsabi kayo para nakaayos kami—""Ma," putol ni Alana, ang boses ay nanginginig. "Ma, pakiabot nga po kay Aling Nena ng pambayad sa kuryente? Parang nakalimutan ko raw kasing ibigay kanina."
ALANA SAMONTE POVANIM NA LINGGO ANG NAKARAAN.Hindi na bumalik si Alana sa mundong iyon.Pinilit niyang ibalik sa normal ang kanyang buhay, ang pag-aaral sa unibersidad, ang pagsasama sa mga kaibigang walang kamalay-malay sa nangyari noong gabing iyon, ang simpleng routine ng isang babaeng hindi dapat napadpad sa party ng isang bilyonaryo.Pero paano mo babalik sa normal ang isang bagay na magpakailanman nang nagbago?Nakatitig si Alana sa maliit na plastic stick na hawak-hawak niya. Dalawang guhit. Positive. Paulit-ulit niyang binasa ang instructions kahit alam niyang tama ang pagkakaintindi niya rito. Baka nagkamali siya. Baka peke ang testing kit na nabili niya sa botika sa kabilang kanto.Pero alam niya sa sarili niya. Alam niya kahit bago pa siya bumili ng pregnancy test.Ang pagkahilo tuwing umaga. Ang pag-ayaw sa paborito niyang adobo. Ang madalas na pag-ihi. Ang pananakit ng kanyang dibdib na para bang may kakaibang nangyayari sa kanyang katawan.At higit sa lahat ay ang hind
ALANA SAMONTE POVAng gabing iyon ay parang isang panaginip na ayaw nang matapos.Nakatitig si Alana Samonte sa malaking salamin ng guest room ni Eros Sandoval. Basang-basa pa ang buhok niya mula sa hindi inaasahang pagbuhos ng ulan habang naghahanap ng masisilungan. Napadpad siya sa party na ito dahil sa kaibigan, ngunit hindi niya inasahang maiiwan siya rito nang biglang umalis ang mga ito kasama ang iba pang mga kaibigan.Kumalabog ang dibdib niya nang maramdaman ang presensya ng lalaki sa likuran niya. Hindi na siya nag-abalang lumingon. Alam niyang siya iyon. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito kahit isang metro pa ang layo nila.“You shouldn’t be here, Alana.” Boses ni Eros, mababa at paos. “This is not a place for someone like you.”Napasinghap siya nang maramdaman ang mga daliri nito na marahang humawak sa kanyang bewang. Sa pamamagitan ng repleksyon sa salamin, nasaksihan niya kung paanong nilalamon ng mga mata nito ang bawat parte ng kanyang katawan. Nakabalot







