Se connecterPagkatapos kumain, bumalik na ang lahat sa pagtatrabaho. Lalo kaming nag-ingat sa pag-aarrange ng mga plato at kubyertos dahil nakatingin si Sir Liam. Habang tinitingnan ko ang pagkaka-align ng mga wine glasses, bigla na namang kumirot ang ulo ko.Napahawak ako sa counter at napapikit nang mariin.“Ashanti, dahan-dahan lang. Mag-iingat ka.”Isang boses ang umalingawngaw sa isip ko. Iyon ang boses ni Sir Liam, pero hindi ito galing sa ngayon. Para itong boses mula sa nakaraan."Sheika? Are you okay?"Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Sir Liam na nakatayo na pala sa harap ko. Iyong mukha niya punong-puno ng pag-aalala, at 'yong mga kamay niya tila gustong humawak sa akin pero pinipigilan niya ang sarili."O-Opo, Sir. May naalala lang po ako bigla," sagot ko."What did you remember?" seryoso niyang tanong."Wala po... parang boses lang po niyo na nagsasabing mag-ingat ako," mahina kong sabi.Natigilan si Liam. Kitang-kita ko ang paglunok niya at pamumula ng kanyang mata. "You... you h
"Kapagod 'no?" reklamong bulong ni Via sa akin habang nag-aayos kami ng table cloth. "Pero sana may bonus tayo, ano?""Sana nga, pero mabait naman si Sir Liam kaya siguradong merong bonus," sagot ko sa kanya. "Magpahinga ka kaya? Kanina ka pa nagtatrabaho.""Ayos lang. Nag-e-enjoy naman ako," aniya. "Pero kanina, nakita ko kayo ni Sir, inalagaan ka niya 'no?""Hindi naman. Pinainom lang ako ng gamot," depensa ko."Pareho lang 'yon," giit pa niya. "Baka naaalala niya sa'yo ang asawa niya. Alam mo kung hindi ka lang ikakasal kay Theo, bagay kayo."Napabuntong-hininga na lamang ako. "Iyan ka na naman, Via. Saka anong bagay? Mayaman 'yon, mahirap lang ako.""Hindi naman nasusukat sa yaman ang pagmamahal eh." Natigilan ako sa sinabi niya. "Nasa tao 'yan kung kaya ka niyang ipaglaban. Saka hindi lahat ng mayaman, against sa mahirap."Napapikit ako nang biglang sumakit ang ulo ko. May naririnig akong boses, pero ang gulo. Isang pamilyar na boses ng lalaki na nagsasabing, "Kahit anong mangyar
"You're burning up," boses ni Liam, at sa pagkakataong ito, hindi lang ito otoridad, kundi purong pag-aalala. Hinipo niya ang noo ko gamit ang likod ng kanyang palad. "Sabi ko na nga ba. Your fever is getting worse.""Sir, konti na lang po ang iche-check ko, matatapos na sila..." pilit ko pa ring depensa, pero ang boses ko, paos na."Enough, Ashanti—Sheika," mabilis niyang itinama ang sarili, pero kitang-kita ang panginginig ng kanyang panga. "You are going to rest. Now."Hindi na niya ako hinintay na makasagot. Inalalayan niya ako patungo sa isang sofa sa dulong bahagi ng lobby, malayo sa mga nagtatrabaho. Pinaupo niya ako. Kumuha siya ng isang basong tubig at isang gamot mula sa kanyang bulsa.Ganun ba siya ka-handa?"Take this. It's for the fever," utos niya at inabot ang tablet."Salamat po, Sir," mahina kong sabi at ininom ang gamot.Umupo siya sa tapat ko, hindi inaalis ang tingin sa akin. Para bang natatakot siya na sa isang iglap mawala na naman ako sa paningin niya. Iyong lun
Nagkatinginan kami sandali ni Via bago ko ibinalik ang tingin kay Sir Liam. "S-Salamat po, Sir."Namulsa ito habang nakababa ang tingin sa akin. "If you're not feeling well, you can go home after this meeting.""Sinat lang po ito, Sir, kaya ko pa naman magtrabaho," sabi ko at pilit na ngumiti."We'll see about that," tugon niya at bumalik na sa harap. "Nandito na ba lahat? I will assign each of you for the upcoming seminar. Hindi pangkaraniwan ang mga taong dadalo. Some are from Japan and China, so let's be careful with our actions and words, understand?""Yes, Sir!" sabay-sabay naming sagot.Naramdaman ko ang pagsipa ni Via sa paa ko sa ilalim kaya napatingin ako sa kanya."Bakit?" pabulong kong tanong sa kanya."May something talaga sa inyo ni Sir Liam," aniya, nakangisi pa. Ewan ko sa babaeng 'to, lahat na lang napapansin. Hindi ba pwedeng mabait lang si Sir at priority niya ang welfare ng mga staff dito? "Ano?"Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang atensyon kay Sir Liam da
Sheika's POVPagdating namin sa bahay, palaisipan ko pa rin si Sir Liam. Kahit anong gawin kong pagwaglit ko sa kanya sa isipan, bumabalik pa rin.Ano bang meron sa lalaking 'yon? Bakit pamilyar na pamilyar siya sa akin? Isa ba siya sa mga nakaraan ko? At iyong mga mata niya kanina no'ng dumating si Theo, ang lungkot.Napailing na lang ako at pinunasan ang aking ilong. Natigil lang ako nang mapansin ko ang panyo na may initial niya, LA."Liam Alcantara," mahinang sambit ko sa pangalan niya at parang nakakita ng multo nang mapatingin ako sa repleksyon ni Theo sa may salamin. Nilingon ko ito at pilit na ngumiti. "Nandyan ka pala.""Iyon ba ang pangalan ng boss niyo? Iyong may-ari ng rest house?" tanong niya na mabilis kong tinanguan. "Mabait naman siya?"Tumayo ako ng tuwid at muling tumango. "Oo, sa tingin ko," tugon ko. "Si Nanay? Umalis ba?""Oo, kakausapin daw si Mang Kanor." Tumalikod siya at kumuha ng damit ko sa cabinet."Tungkol saan?" Nagpunas ulit ako ng ilong at nagmugmog."B
Via's POV"Ayos ka lang, Sheika? Ang tahimik mo bigla," usisa ko nang mapansin ko ang pananahimik ni Sheika. "Ang lalim yata ng iniisip mo. Share mo. Baka makatulong ako."Napabuntong-hininga siya na para bang napakalaki ng problema niya. "Hindi ko maintindihan, Via," panimula niya."Alin? Iyong kalakaran dito? O si Sir Liam?"Napahinto siya sa paglalakad. Sabi na eh, tungkol 'to kay Sir Liam. Simula no'ng mangyari no'ng sa presidential suite, palagi na lang malalim ang iniisip niya.Muli siyang napabuntong-hininga. Kahit ako napapabuntong-hininga rin. Ano ba kasi ang problema ng babaeng 'to?"Huwag mong sabihin na may nararamdaman ka kay Sir Liam? Hoy babae! Ikakasal ka na next month kay Theo, 'di ba? Huwag kang magloko! Masama 'yon!""Ssh, ang ingay mo," saway niya sa akin.Bumungisngis na lang ako. Nandito kasi kami sa lobby, nag-aasikaso ng mga kliyente. Pansin ko nga parami na sila nang parami. Nakakapanibago. May araw nga na halos hindi na kami makapagpahinga. Literal na dinagsa







