Share

Kabanata 32

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-08-08 04:17:05

"Ayaw kong umasa ka sa wala. Besides, we already decided na ampunin na ang baby ni Rynette. Pwede bang makuntento ka na lang doon?" medyo may pagtataas sa boses na giit ko at napatayo na ako. Naiinis na ako sa kanya! Iritado pa ako kanina, nadagdagan pa ngayon.

"I can't help it. Kahit gusto kong makuntento doon. Hindi pa rin. Paano ko ihaharap sa ibang tao ang batang hindi ko dugo't laman? Hindi ko kamukha. How can I make people believe na tayo ang magulang kung ako nga hindi sigurado sa magiging mukha ng batang 'yon!"

"Maganda naman si Rynette ah? May mukha din naman 'yong asawa niya. At saka hindi naman iyon 'yong mahalaga. Kapag nakita ng pamilya mo ang bata, kahit hindi mo pa kamukha, lahat sila mag aagawan sa pinagmanahan ng bata. Pero kung hindi ka pa rin kuntento. Pwes, maghanap ka ng ibang bubuntisin. Kasi ako. . . Hindi ko 'yon maibibigay sa 'yo. Too bad, napakasalan mo na ako."

"Neo said you're pregnant. He's a doctor, Serra. He might see something in you kaya niya nasabi iyon."

Napapikit ako ng mariin kasabay ng paghinga ko ng malalim.

"Bakit ba pinagpipilitan mong buntis ako? Hindi nga ako buntis! Walang signs! Can you just please stop?!"

Binasa niya ang labi niya. Kunot na kunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin.

"Please. Stop," may riing sabi ko bago ko siya nilagpasan at padabog akong nagmartsa palabas ng kwarto. Randam ko ang pagsunod niya sa akin at akala ko'y susundan niya ako papuntang sala pero ang tanging narinig ko lang ay ang malakas na pagkakasarado ng pintuan na halos mapatalon pa ako sa gulat.

Huminto ako sa paglalakad sa pasilyo at inis na nilingon ang nakasarado niyang p***o. Marahas akong napabuga ng hangin saka nagpasyang bumalik sa kwarto ko upang kunin ang cellphone at pitaka ko saka ako nagsuot ng jacket. Mabilis akong nakalabas ng village at agad na pumara ng taxi.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakasakay na ako ng taxi nang nagsimula akong magsisi kung bakit ako lumabas. Buti na lang at may pocket money ako na galing sa perang iniregalo ng mommy ni Spike no'ng kasal. Hindi pa kasi ako nakakasahod sa kompanya ni Spike kaya wala pa talaga akong pera na matatawag ko na akin.

Halos hindi ako makababa pagkakita sa walang katao-taong warehouse. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit dito ako nagpahatid. Minsan hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ko.

"Sigurado po kayong dito kayo bababa, ma'am? Mukha pong walang tao."

"Marami 'yan sa loob, manong. Salamat po," sagot ko saka bumaba ng taxi.

Hinintay ko pa munang mawala sa paningin ko ang taxi na sinakyan ko bago ako nagpasyang pumasok sa loob ng warehouse. Agad na nahinto ang lahat sa pag iingay at paglalaro ng tongits nang buksan ko ang p***o at pumasok ako.

"Si Yoko?" agaran kong tanong.

"Si Ma'am Serra," rinig kong naibulalas ng isa.

"Nasa likod po, ma'am. May ano— ma'am!"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad na akong lumabas upang umikot papuntang likuran nitong warehouse. Doon kasi ay may apartment kung saan ginawang pahingahan ng iba sa mga tauhan ni Yoko.

Malayo pa lang ay rinig ko na ang hagikhikan ng mga babae. Huminto ako sa paglalakad, dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Saka ko tuluyang binuksan ang pintuan ng isang kwarto kung saan ko narinig ang mga hagikhik na 'yon.

"Woah!" gulat na naibulalas ni Yoko. Hubo't hubad siya ng datnan ko. May tatlong babae na nakapalibot sa kanya. Ang isa pa nga'y nakaluhod at nakahawak sa pagkalalaki niya.

"Nag imbita ka pa ng isa?" agad na tanong ng morenang babae na nasa kaliwa niya.

"Saan siya pepwesto?" tanong naman ng nasa kanan.

Nagmadali sa pagtayo si Yoko na para bang ngayon niya lang na-realize ang pagdating ko. Natataranta niyang pinaghahahanap ang damit niya, tila lalaking nahuli ng asawa kasama ang kabit. Napairap ako.

"Take your time," sabi ko at tinalikuran sila.

"Bakit ka nagbibihis?"

"Oo nga. Kakasimula pa nga lang natin."

"Yoko, tapusin na muna natin 'to. Sino ba 'yon?"

"Crush ko. Sorry girls, tawagan ko na lang ulit kayo kapag free na ulit ako."

Napapairap ako sa kawalan habang pinapakinggan ang reklamo ng mga babae ni Yoko. Wrong timing pa nga yata ang pagdating ko.

"Madaling araw na. Anong nakain mo't naisipan mong bisitahin ako dito?"

Nilingon ko si Yoko nang narinig ko ang tanong niyang 'yon. Kita kong bihis na bihis na siya at umaalingasaw ang samu't-sari niyang amoy.

"Sh*t! Ba't ang baho mo?!" singhal ko sa kanya. Hindi ko siya naamoy kanina, ngayon lang na malapit siya sa akin.

"Anong mabaho? Ang bango ko nga, kaliligo ko lang!"

Sunod-sunod na lumabas ang tatlong babae na nagdadabog pa. Inirapan pa ako ng isa, samantalang no'ng isa ay nakamamatay ang titig sa akin. Pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Ang talagang nakakuha sa atensyon ko ay ang matapang na amoy ng iba't-ibang klase ng mga pabango ng gamit nila. At kumapit iyon kay Yoko. Hindi ko alam kung bakit pero para akong masusuka. Ang tapang ng amoy niya!

"Pwede bang maligo ka muna bago tayo mag usap? Halo-halo kasi amoy mo."

"Anong halo-halo? Nag c-crave ka sa halo-halo?"

Tinitigan ko siya ng masama. Agad siyang nagtaas ng dalawang kamay.

"Ito naman hindi mabiro. Alam mo ang ganda mo talaga. Ang swerte ng Guillermo na 'yon sa 'yo. Kung ako sana unang naningil, e."

"Pwede ba?!"

"Ito na nga. Ito na. Maliligo na ulit," aniya at nauna na ngang maglakad papunta sa pinakadulong kwarto at ang pinakamalaki sa lahat. Kung saan ang alam kong pagmamay-ari at okupado niya.

"Pahamak naman na ilong 'yan. Napakasensitive. Teka—" Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. "Buntis ka ba? Ang alam ko kasi kapag buntis—"

"HINDI! HINDI AKO BUNTIS!" puno ng panggigigil na sigaw ko.

Sana pala hindi na lang ako nagpunta dito. Mas lalo lang nadagdagan ang inis ko sa gabi na ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status