INICIAR SESIÓNTahimik kami buong byahe pauwi. Hindi siya nagsasalita at ganoon din ako. I wanna know kung anong nasa isip niya pero nagdadalawang isip ako. He seems to be in a bad mood.
The doctor gave us an explaination about the spotting. Pati na rin 'yong pag sakit ng pagkababae ko whilen we're doing it ay naitanong ko na rin. Only to find out na may yeast infection ako kaya sumasakit. Ang pagdurugo din ay maaaring stress ako. "Maybe I should get Merila a hotel room para hindi na siya tumira sa bahay natin if that what makes you stressed," biglaang sabi ni Spike na nagpalingon sa akin sa kanya. "I'm fine, Spike. You don't have to worry about me." "Alam kong iyong sitwasyon ang nagbibigay ng stress sa iyo, Serra. Ikukuha ko na lang ng hotel room si Merila." "No!" agad kong sabi. Patitirahin niya si Merila sa hotel? Tapos ano? Bibisitahin niya doon. Sa hotel kung saan wala ako? Para free silang mag sex? No way! I will not fucking give them a chance! "Why? Akala ko ba ayaw mong nakatira siya sa bahay natin?" I took a deep sigh. "Merila told me about the house, Spike." Biglaang nga brake si Spike kaya agad kong naitukod ang mga palad ko sa dashboard ng sasakyan. "What? Merila told you what?" "She mentioned it to me. Na magkahati kayo sa ownership ng bahay. So may karapatan siyang tumira sa bahay mo. Niyo pala. Kaya hindi na niya kailangang tumira sa hotel kasi may bahay naman siyang uuwian. Besides, alam kong mas gusto mong nasa bahay siya at nakikita mo. Kaya ayos lang sa akin, Spike. Ayos lang sa akin kasi nakikitira lang din naman ako sa bahay niyo at wala akong karapang mag desisyon," sabay ngiti ko ng pilit. "Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Merila 'yan sa iyo." Hindi ako sumagot at tipid lang akong ngumiti sa kanya. Pumikit siya ng mariin at isinandal ang ulo saka niya marahang hinilot ang sentido niya. "Gusto mo bang mamasyal muna tayo bago umuwi?" "Naghihintay sina mama at papa mo sa bahay, Spike. Saka nandoon din ang lola mo." "I don't care about them, Serra." "Hindi na, Spike. Mas gusto kong umuwi at magpahinga." Kinagat niya ang labi niya. Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago dahan-dahang tumango. "If that's what you want," aniya bago muling minaniobra ang sasakyan. "So how was your date?" salubong sa amin ni Merila pagkarating namin sa bahay. "Hindi kami nag date, Merila. We went to the hospital." "Bakit, hijo?" tanong ni lola. "Ipina-check ko si Serra. And we found out na hindi lang isa ang batang nasa sinapupunan niya. We're having a triplets, everyone!" ani Spike. Hindi katulad kanina ay malaki ang ngiti niya ngayon. Nakangiti pati ang kanyang mga mata. He's acting like he's on a celebration of something! Pero alam kong pilit ito at puno ng pagpapanggap. Napagtanto kong hindi talaga gusto ni Spike na magkaanak. He just wanted it because of his greed for wealth. "Congratulations, mga anak! I'm so happy for the both of you!" si mama na agad akong niyakap ng napakahigpit. "Good job, anak!" sabi naman ni papa at may pagtapik pa sa balikat ni Spike. "Lalaki ba ang mga ito? O babae? Ano ang mga kasarian nila? Pwede ba naming makita ang resulta ng ultrasound?" tanong ni lola. Nagkatinginan kami ni Spike. Ang resulta ng ultrasound ay naiwan ko doon sa sasakyan. Pero kahit pwede ko siyang kunin ay hindi ko pa rin iyon pwedeng ipakita sa kanila. Mayroon kasing nakalagay doon kung ilang linggo na akong buntis. At hindi nila iyon pwedeng makita. Kasi sa pagkakaalam nila ay mag li-limang buwan na akong buntis. Kahit na ang totoo ay mag ta-tatlo pa lang. "Sorry, La. Naiwan namin sa hospital," tugon ni Spike. "Sayang naman. Gusto ko pa naman sanang makita ang mga apo ko. Excited na akong manganak ka, hija!" nakangiti pa nitong sabi sa akin. "Pasensya na, La ah? Balak din po kasi naming i-surprise kayo sa magiging gender ng mga apo niyo," nakangiti kong tugon. Ang totoo ay hindi pa namin alam kung anong gender ng mga bata. Hindi pa raw kasi nakikita iyon ng ganito kaaga ayon sa doktor. "We should call this a celebration!" ani mama ni Spike na may pagpalakpak pa. "Ma, huwag na!" agad na pigil ni Spike sa mama niya. "Oh no, apo! Tama ang mama mo. Isa itong magandang balita! Dapat nga ay may selebrasyon! Dapat itong malaman ng mga kumare ko!" malawak ang ngiti sa labi ng lola ni Spike nang sabihin ito bilang pag sang-ayon sansuhestiyong selebrasyon ni mama. "Pero, La—" "Huwag ka nang umapela d'yan, Spike!" ani mama. Napapikit na lang si Spike at napailing dahil sa kakulitan ng mama at lola niya. Napatingin ako kay Merila na kanina pa tahimik. Normal lang siyang nakatingin sa akin pero kita ko ang talim sa mga tingin niyang iyon. Alam kong galit siya at hindi niya lang iyon mailabas dahil nandito si Spike at ang pamilya nito. "What do you think, Merila? Do you think it's a good idea na magpa-party tayo as a celebration for our triplets?" She was taken aback. Nagtaas siya ng isang kilay sa akin. "Well, as for me okay naman din 'yon. There's nothing wrong with it. But isn't it too early to celebrate? Besides, hindi pa naman din natin alam ang gender ng mga babies." "Pwede naman iyon. I'm so excited na! Wait, I'll call the caterer," ani mama. "I'll call the reporters too. Dapat malaman ng lahat ang big news!" sabi naman ni lola. Wala kaming nagawa kung 'di ang sumabay na lang sa kanila. Kitang-kita ko ang excitement nila kaya sino ba naman ako para alisin iyon? "I can imagine it. Me retiring from being the chairman of the board tapos tatambay lang ako sa bahay habang tinatanaw ang mga apo kong masayang naglalaro sa bakuran," nakangiting sambit ng papa ni Spike. Parang tinusok ng kung anong patalim ang dibdib ko. He's looking forward for a happy family. Ang hindi nila alam, maaaring hindi iyon mangyari. Dahil ngayon, napagdesisyonan kung dalhin ang mga anak ko pagkaalis ko dito. No matter what the circumstances are, hindi ko sila kayang iwan.SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







