LOGINMapanuksong mga tingin ng mga magulang ni Spike ang sumalubong sa akin pagbaba ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sila. Hindi ko akalaing darating sila ngayon at maririnig nila ang kabaliwang pinanggagagawa ko.
"M-ma, Pa, L-lola..." isa-isa akong b****o sa kanila bago ako lumapit kay Spike na kasalukuyang nasa hamba ng pintuan ng kusina at umiinom ng tubig. "Kayo haaa! Hindi niyo man lang naisip na baka marinig kayo nitong si Merila na nandito sa baba," patutsada ni mama. "It's fine, tita. We all married here naman so it's normal," ani Merila. "Merila," agad na saway ni Spike kay Merila. "What, Spike? After what you two did? Ngayon pa kayo mahihiya?" natatawa namang tugon ni Merila kay Spike. "Stop it," Spike answered. They were all laughing. While I'm here, hindi alam kung paano sasabihin kay Spike ang tungkol sa dugong nakita ko sa bedsheet kanina. It was just a little stain lang din naman. Hindi rin naman sumasakit ang tiyan ko. Nagawa ko pang maligo after kong makita iyon at mapakalma ko ang sarili ko. Saka lang ako nagmadali pababa. Gusto ko sanang umalis at magpa-check pero ayaw kong mag-panic silang lahat. Especially now that they were laughing and having fun. Kinagat ko ang labi ko saka ako lakas loob na lumapit kay Spike na ngayo'y tinatabihan na ni Merila. "Can we talk?" mahina kong tanong sa kanya. "About what?" "Hoy, Serra! Ano yan? Humihingi ng round two? Parang hindi buntis ah!" biro pa ni Merila na agad niyang sinundan ng tawa kaya nagtawanan din ang mga matatanda. Gusto ko sanang sumabay sa joke pero hindi ko magawa. Alanganing ngiti lang ang ginawa ko. "Excuse us," pagpapaalam ni Spike saka ako hinawakan sa kamay at hinila paalis. Muli kaming umakyat sa kwarto. Pero bago iyon ay nakita ko pa ang pag irap na ginawa ni Merila. "Anong gusto mong pag usapan?" agad na tanong ni Spike pagkapasok namin. Imbis na sagutin siya ay itinuro ko ang bed sheet na may dugo. Agad na nanlaki ang mga mata niya at agad akong nilingon. Hinawakan niya ako sa mga braso ko. "Galing sa iyo?" "I-I don't know. Pero d'yan ako nakaupo kanina." "So galing nga sa'yo? Don't tell me..." Umiling ako. "Wala naman akong sakit na nararamdaman, Spike." "Go get your jacket. Let's get rush to the hospital." "Spike—" "SERRA!" Agad akong napatalon sa gulat dahil sa ginawa niyang pagsigaw. "We were talking about the child here. We can't lose him, okay?" Hindi ako nakasagot. Ilang sandali pa akong nakatitig sa kanya bago ko nagawang tumango. Right! Susi niya 'yong anak niya para makuha ang kayamanang inaasam niya. Kaya hindi pwedeng mawala ang bata. Hindi ako pwedeng makunan. "Saan ang punta niyo?" tanong ni Merila. Agad na napatayo sina mama at papa. Pare-pareho silang nakaupo sa sofa at kumakain ng cake pagkababa namin. "Just somewhere," tugon ni Spike nang hindi man lang tumitigil sa paglalakad. Napatingin agad ako sa kanya. Bakit kaya hindi niya sinabing magpapa-check ako sa doktor? "What? Date ba 'yan? Baka pwedeng third wheel ako?" pabiro pang sigaw ni Merila bilang pahabol. Hindi siya nilingon ni Spike pero nagawa ko siyang lingunin upang makita kung paano nawala ang ngiti sa labi niya. Ang halos isang oras na byahe papuntang hospital ay ginawang kinse minutos ni Spike. Hindi ko alam kung paano niya nagawang patakbuhin ng ganoon kabilis ang sasakyan nang hindi kami nadidisgrasya. Nanatili akong tahimik kahit pa mabilis na kaming naglalakad sa hallway ng hospital, papunta sa opisina ng ob-gynecologist ko. Ramdam ko kasing galit si Spike. Ayaw ko namang masigawan niya ulit ako tulad ng ginawa niya kanina. "Dinugo siya." Ang mga salitang iyon ang agad na ibinungad ni Spike sa doktor pagkapasok namin sa room nito. Kumunot ang noo ni Doc Fabian habang nakatingin kay Spike bago ito nagbaling ng tingin sa akin at hinead to foot ako. "Dinugo pero mukhang okay naman siya. Come here, hija. Check natin heartbeat ng baby mo," tawag nito sa akin. Papasok na kami sa maliit pa nitong room na hindi ko matandaan kung anong tawag. Pero bago tuluyang makapasok ang doktor ay tinawag pa ito ni Spike. "Doc... Please tell me our baby's safe." "Sorry to disapppoint you, Mr. Guillermo but I can't promise you that." Agad akong pinahiga ng doktor. She then immediately manipulated the machine at inilagay iyon sa tiyan ko, for us to hear our baby's heartbeat. It was loud and clear. Agad akong napangiti. Our baby is doing fine. But... "Bakit ganito?" tanong ng doktor. The heartbeat. Hindi ito katulad sa narinig namin na heartbeat ng anak ni Rynette. Mas malakas ito at sunod-sunod. Iyong tipong hindi pa nga natatapos ang isa ay may sumasabay na. "I can hear not just one heartbeat, Mrs. Guillermo.« "What do you mean, doc?" Ginalaw-galaw niya ang fetal doopler sa tiyan ko, nagpalipat-lipat ito ng posisyon. "Kambal ang anak niyo?« tanong pa nito. Aba! Malay ko? Siya ang doktor pero bakit ako ang tinatanong? Agad akong napatingin sa kanya. "Kambal ang anak namin?" tanong ni Spike na ngayo'y nakasilip na sa pintuan. "Possible, Mr. Guillermo." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Hindi ko kasi maintindihan ang ekspresyon ng mukha ni Spike. Alanganing ngiti ang nakikita ko na kung sino man ang makakakita ay iisiping hindi siya natuwa sa balita na 'yon. Hindi ako pinaalis ng doktor sa higaan at ngayo'y inultrasound naman ako para makita kung ilan talaga ang batang nasa tiyan ko. And it was not just two. "Congratulations, you've got triplets!" anunsyo ng doktor na para bang sumali kami sa lotto at pera ang napanalunan namin. Napangiti ako. Pero sa muli kong paglingon kay Spike ay kita ko kung paanong kumunot ang noo niya at umigting ang kanyang panga bago niya kami tinalikuran at lumabas siya ng silid. Nawala ang ngiti sa labi ko. Bakit kaya ganoon ang ekspresyon niya? Ano kayang iniisip niya? Hindi ba siya natutuwa na hindi lang isa ang anak namin, kung hindi tatlo? Ibig sabihin lang nito tatlo ang magiging tagapagmana niya. Ayaw ba niya sa mga anak namin?SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







