LOGINHindi pa nga nag iinit ang puwet ko sa gutter kung saan ko piniling umupo ay may huminto ng mga sasakyan sa harapan ko't isa sa mga iyon ay agad na iniluwa si Spike.
"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING, SERRA? I CLEARLY TOLD YOU TO WAIT FOR ME!" galit at agad niyang bulyaw sa akin na halos mapapikit ako sa sobrang lakas. "I-" Napatingin agad ako kay Sebastian na agad kinuha ang maleta sa gilid ko. "Umuwi na tayo," aniya. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at akmang hihilain papasok sa sasakyan pero mabilis kong binawi ang kamay ko. "Hindi na ako babalik sa bahay niyo ni Merila, Spike." Agad na kumunot ang noo niya. Huminga ako ng malalim. "Just let us go. Kami ng mga anak mo. Isang anak lang naman ang kailangan mo 'di ba? Ang kailangan mo lang ay isa para makuha mo ang mana mo mula sa pamilya. So we're done. Just give me my share. The things you promised me. My freedom, my house, my company. Kasi ginawa ko naman lahat ng gusto mo 'di ba? Tsaka akin na lang itong mga bata..." Sinubukan kong maging matigas. Sinubukan kong magtapang-tapangan sa harapan niya. Pero traydor itong mga luha ko. Sunod-sunod ba namang tumulo ng walang pasabi. "Bigay mo na lang sa akin." Umiling siya. Napapikit ako ng mariin. "Ano pa bang gusto mo?" Hindi mo ba nakikitang nasasaktan ako? Nahihirapan ako? Gusto ko man iyong sabihin sa kanya ay hindi maaari. Ano? Hahayaan ko siyang pagtawanan ako kasi nahulog ako? Kasi nagkamali ako't minahal ko siya? No! I ca't let him know na pati puso ko nakuha niya! "Umuwi muna tayo," kalmado niyang sabi. Napahawak ako sa noo ko't napahawi sa aking buhok dahil sa sobrang inis. "Fuck!" Muli niya akong hinawakan sa palapulsuhan at sapilitang pinapasok sa sasakyan. Gusto ko mang buksan ang p***o upang makatakas ay agad na iyong ni-lock ng driver. Wala akong ginawa kung 'di ang manahimik buong byahe pauwi. I was expecting to see Merila waiting and smirking for me when I got home. Pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Maybe she's in a hotel? Kung saan nila ginawa ni Spike ang anak nila. I sarcastically laughed at the thought of it. "Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit mo pa ako iniuwi dito," sabi ko nang humarap ako kay Spike. "Hindi pa tapos ang kontrata natin." "Is it still working? After all these? Pagkatapos mong mag anak sa iba ay sasabihin mo sa aking hindi pa tapos ang kontrata natin? God, Spike! Ganyan ka ba kagahaman at pati ako at mga anak ko ayaw mong palayain?" "Hindi ako sigurado kung anak ko ba ang dinadala ni Merila." Sarkastiko akong natawa. "Sinabi niya sa aking makailang ulit kayong nag sex noong mga panahong inuumaga ka ng uwi. Sa tingin mo maniniwala ako sa palusot mong 'yan?" Kumunot ang noo niya. "Why are you acting like this? Hindi naman kita totoong asawa. So what kung makabuntis ako ng iba? Anong pake mo, Serra kung makipag-sex ako kay Merila?" Agad na umawang ang bibig ko. What the fuck! Pinauwi lang yata niya ako dito para pahirapan ng husto. Hinawakan niya ako sa siko. "Tell me. Bakit ganito ang reaksyon mo?" "I-I was just..." nag iwas ako ng tingin sa kanya. "You were just? Iyong totoo? Sagutin mo ng totoo ang mga tanong ko. Ano sa iyo kung magkaroon man ako ng anak kay Merila? Kung tutuusin wala akong ginagawang masama. Sa mata ng iba nambabae ako. Pero alam mong hindi. Alam mong may karapatan akong makipag sex sa iba kasi hindi naman totoong tayo. Naka kontrata lang tayo. Hindi kita totoong asawa. Wala kang karapatang magselos o umaktong ganito na para bang malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo." Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Yeah. You're right." Tumango ako kahit pa sunod-sunod na ang pagtulo ng mga luha ko. Pilit akong tumawa kahit pa hindi ko na mapigilan ang pag agos ng mga luha ko at hindi ko na maiwasan ang sunod-sunod kong paghikbi dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko. Ang sakit niyang magsalita! Sobrang sakit! Alam ko naman iyon, e. Naiintindihan ko naman ang lugar ko sa buhay niya pero kailangan bang ipagduldulan niya iyon sa akin? "Why are you crying? Anong nakakaiyak sa sinabi ko?" Imbis na sagutin siya ay mas lalo lang akong naiyak. Umiling ako nang umiling. "I'm sorry. I am so sorry. H-hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang magalit. Sorry. Sorry." "Stop," he said. "Sorry. Sorry talaga." "Just fucking stop!" "H-hindi ko sinasadya. S-siguro nabigla lang ako? Sorry. Baka nakalimutan ko lang kung anong lugar ko sa buhay mo?" Pilit akong tumawa kahit na wala namang tigil sa pagbuhos itong mga luha ko. "Sorry. Masyado yata akong napa in character kaya ganoon?" Hinawakan niya ako ng mariin sa palapulsuhan ko na halos mapa-aray ako sa sobrang higpit. Nasasaktan ako pero mas nananaig iyong sakit ng dibdib ko ngayon. Ganito pala talaga ang pagmamahal? Masakit pala talaga kapag natamaan ka. "Just fucking answer my damn question, Serra. Bakit ka umiiyak?" Umiling ako. "H-hindi ko alam. Hormones?" "Fuck! Stop lying! Are you jealous? Nagseselos ka kay Merila?" "Hindi ako nagsisinungaling! Hindi ko talaga alam. A-ano bang gusto mong marinig? Na nasasaktan ako kaya ako umiiyak? E, ano naman kung masaktan ako? Anong pakealam mo kung masaktan man ako? As if that will change the fact na hindi mo naman ako totoong asawa. Na hindi naman totoong tayo. Sorry. Wala, e! Tanga, e! Nahulog." Umigting ang kanyang panga. Kita ko kung paanong mag apoy sa galit ang kanyang mga mata. "Mahal mo na ako?" "Hindi ko ito ginusto. Bigla na lang nangyari. Hindi ko na-control. Sinubukan ko namang pigilan pero ayaw, e. Kaya sorry kung ganito akong umakto. Sorry kung ngayon nasasaktan man ako. I promise you na hindi kita sinisisi and that I will not hold you accountable for this. Wala kang kasalanan. Kasalanan ko ito. Ako itong tanga. Sorry. Ako iyong nagkamali-" "Mahal mo na ba ako?" Dahan-dahan akong tumango. "Mahal na mahal na," muli akong napahikbi matapos ko iyong sabihin. "Pero pangako ko sa iyo susubukan kong alisin ito sa sistema ko-" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko dahil bigla na lang lumapat ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at kita kong nakapikit siya. Gumapang ang isa niyang palad mula sa bewang ko papunta sa aking likod. Nang itulak niya ako papalapit sa kanya at gumalaw ang labi niya, sinusubukang palalimin ang halik ay napapikit ako't tumugon na rin. Nang lumayo siya ay nagmulat ako ng mga mata. "Ang dami mo pang sinasabi. Iyon lang naman ang gusto kong marinig."SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







