LOGINKumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya at kung anong ibig niyang sabihin.
"A-anong sinabi mo?" He smiled a little bit. "Mahal na din kita, Serra." Hindi ako nakasagot sa sobrang gulat. Napatitig lamang ako sa kanya at hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. This is the simpliest but the most shocking confession I have ever experienced. Though I wished for him to love me back. Pero hindi ko naman akalaing magiging totoo ang wish ko na 'yon. Na naniwala akong napakaimposible kaya ngayon ay halos hindi ako makapaniwala. "Are you alright?" Umiling ako. "Are you bluffing? Pinaglalaruan mo ba ako kasi sinabi ko sa iyong mahal kita?" "What? No! I really mean-" Itinaas ko ang isa kong palad upang patigilin siya sa pagsasalita. "I'm fine with you not reciprocating my feelings, Spike. Pero huwag naman sanang ganito. Huwag mo naman sana gawing biro lang ang lahat." "I am not joking. I meant in. I love you too, Serra." Sandali akong natahimik habang nakatingin sa kanya. Pilit kong hinahanapan ng mali ang kanyang mga mata but all I can see is his sincerity. I pouted my lips. "For real?" Tipid siyang napangiti bago tumango. Hindi ako nilulubayan ng kanyang mga mata. Titig na titig siya sa akin na para bang binabantayan ako dahil baka anytime ay pwede akong maglaho na parang bula. "Hindi mo ako niloloko? You have feelings for me too?" Doon lang siya nag iwas ng tingin at mahinang nagmura. "Fuck! Magaling ba talaga akong magtago ng feelings?" Hininaan pa niya, rinig ko pa rin naman. Ngumuso ako upang pigilan ang pagngiti ko. Mahina kong sinundot ang tagiliran niya dahilan upang mapalingon siya sa akin. "Kailan ka pa may feelings sa akin?" He shrugged and then looked up. Ilang minuto siyang nag isip at kahit matagal ay naghintay ako sa sagot niya. "Hindi ko matandaan. I just realized it when I found out that you're pregnant." "Bakit? I mean papaano mo na-realize?" Edi, mas nauna pala siyang nagkaroon ng feelings sa akin? Kasi ako, na-realize ko lang naman na mahal ko na siya noong nagsimula na akong magselos sa bestfriend niyang si Merila. "Bakit ang dami mong tanong? Isn't it enough na sinabi ko sa iyong mahal na rin kita? Do I really have to prove it?" "Why not?" Lumapit siya sa akin at hinapit niya ang bewang ko upang magdikit ang aming mga katawan. He then claimed my lips. Napapikit ako and immediately responded to his fiery and deep kisses. "Sapat na bang pruweba na ikaw lang ang nais kong halikan ng ganito. Na ang labi mo lang ang nais kong balik-balikan?" Nagtaas ako ng isang kilay. "You sure? Akala ko ba nag e-enjoy ka rin kay Merila." Agad na kumunot ang noo niya. "Who told you that? Isang beses lang may nangyari sa amin ni Merila. And I was drunk back then. I thought it was you so... It accidentally happened. I never cheated, Serra. And I have no plans of cheating nor betraying you." Muli, ay pinakatitigan ko ang kanyang mga mata. Hanapan ko man ng kasinungalingan ay pati mata niya'y nagsasabi ng katotohanan. Ito ang unang beses na magmamahal ako ng totoo kaya ngayon lang akong natakot talaga ng ganito. Pakiramdam ko... Kung maniniwala ako sa kanya ay para bang binigyan ko siya ng tsansang saktan ako. Pero ganito naman siguro talaga hindi ba? Where there is love, there is pain. Kasi laging anino ng pagmamahal ang sakit. "This is my first time, Spike. So I'm afraid..." Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko kaya nagbaba ako ng tingin doon. "I promise to not hurt you, Serra. Hangga't mahal kita, hinding-hindi ka masasaktan. Hangga't mahal kita, hindi ko hahayaang matuyuan ng luha ang iyong mga pisngi." Tipid akong napangiti. "W-what about the contract?" "We both breached it so parehas tayong makukulong sa isa't-isa." Agad akong natawa. "Corny." Natawa rin siya saka niya ako niyakap. "I never thought I was until this happened. So brace yourself kasi marami pang kakornihang darating." Gumanti rin ako ng yakap sa kanya. Sumandal ako sa kanyang dibdib at doon pumikit. Dahan-dahang hinahaplos ng isa niyang kamay ang aking buhok habang ang isa niyang kamay ay naroroon sa aking likuran. "Pinapakinggan mo ba ang tibok ng puso ko?" tanong niya matapos ang ilang sandaling katahimikang namutawi sa aming dalawa. Marahan akong tumango. "Mabilis. Para bang hinahabol," tugon ko. "Mabilis. Sunod-sunod na tinatawag ang pangalan mo." Muli na naman akong natawa saka ko siya marahang tinulak upang mapalayo siya sa akin. "Tumigil ka na nga! Para ka namang baliw, e!" "Baliw sa'yo! Yiee!" Humagalpak na talaga ako ng tawa. Hindi ko na kinakaya itong mga pinanggagagawa niya. "Why are you laughing? Hindi ba nakakakilig?" Umiling ako, hindi pa rin matigil sa pagtawa. "What? Fucking Zoren! Sabi niya nakakakilig daw 'yon. Tsh! Hindi naman effective mga pick up lines niya." "Wait, nagpa-tutor ka pa sa kaibigan mong fuckboy?" Kumunot ang noo niya. "Your mouth, Serra." "What? Totoo naman 'di ba? Pati ba mga moves mo sa pakikipag-sex sa kanya mo natutunan?" Kumunot ang noo niya. "Anong moves? Hindi ako nagpapaturo ng ganoon no!" Tumango ako. "Ahh... So natutunan mo lang sa iba. Nakapag-practice ka kaya pagdating sa akin magaling ka na sa kama." Mas lalong kumunot ang noo niya. Iyong tipong abot na abot na ang dalawa niyang kilay na kulang na lang ay maging isa ang mga iyon. "Saan ba papunta ang usapang ito? I was virgin when you first had me, Serra!" "Ows? Nang ganoon kagaling? Virgin? Maniwala ako sa'yo!" Unti-unti siyang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit. Lumapit siya sa akin. Biglang nag iba ang mga tingin niya na kung kanina ay tila galit ngayon ay para nang mangangain. My gosh! "Bakit? Gaano ba ako kagaling para masabi mong hindi ko first time 'yon? Gusto mo ulitin natin ngayon so you can compare kung mas magaling ba ako ngayon kaysa noong una." Hinaplos niya ang kaliwa kong pisngi gamit ang likod ng kanyang palad. "I love you a damn lot, my wife."SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







