Share

My Husband’s Half Brother’s Possession
My Husband’s Half Brother’s Possession
Author: TaleEndure

CHAPTER ONE: Negative

Author: TaleEndure
last update Last Updated: 2025-10-21 22:27:10

Negative.

Dismaya at sakit ang bumalot sa puso ko habang tinitignan ang pregnancy test sa harapan ko. Sa loob ng tatlong taong kasal, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami binibiyayaan ng anak. Tatlong taong umaasa, tatlong taong sumusubok at tatlong taong nabibigo. Paulit-ulit pero hindi pa rin ako nagsasawang humiling. Bagsak ang balikat, lumabas ako ng banyo.

Nasalubong ko ang blankong mukha ng aking asawa. Mukha ng lalaking pinakamamahal ko. Si Tomi.

Sinalakay ng hiya ang buo kong katawan, wala akong magawa kundi ang mapayuko. Hindi ko man lang maibigay ang kagustuhan ng asawa ko... Kahit gaano ko pa ito ipagdasal sa iba't-ibang santo o halos sa demonyo.

"It's..." nanunuyo ang lalamunan ko, "N-negative."

Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya, at mas lalo pang dinudumog ng kaba ang puso ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at kahit naduduwag, nilakasan ko ang aking loob at sinalubong ang paningin ni Tomi. Wala akong mabasa na kahit ano roon. Para lang akong nakatingin sa walang katapusang madilim na butas.

"As expected," walang ano-anong sabi niya, bago ako tinalikuran para maghanda sa pagpasok niya.

As expected. Paulit-ulit na nag-iingay iyon sa utak ko. Tila walang katapusan. Walang hanggan. Tila ba isang patalim ang dalawang salita na iyon, paulit-ulit na tumutusok sa puso ko. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha at para akong maduduwal sa kinatatayuan ko ngayon pero nilalakasan ko ang loob ko.

Sanay na ako sa reaksyon ni Tomi sa tuwing ganito ang resulta ng pregnancy test ko, pero kahit gaano pa ako kasanay, palagi pa rin akong nasasaktan. Bilang isang asawa, mahalaga sa amin ang magka-anak. Sa akin, mahalaga sa akin iyon. Gusto kong iparanas sa anak ko kung ano ang hindi ko naranasan noon, ang mahalin ng isang magulang.

The universe never granted me the chance to know what love felt like. My parents were stolen by a car accident when I was only four, leaving me with nothing but a void. I don't even have a single photograph or a fleeting memory to hold onto. Tita Glaiza told me I spent years lost in a coma, and when I finally woke up, she was the one who claimed my life as her own.

But she didn't take me in to be a daughter. I wasn't an orphan she wanted to love. I was an investment she wanted to groom. I was a blank canvas she could paint with her own versions of 'perfection'-a porcelain doll crafted to serve a purpose. Kinupkop niya ako hindi dahil sa awa, kundi dahil kailangan nila ng isang tau-tauhan na itatabi kay Tomi. I wasn't a part of the family, I was just another piece of their expensive furniture.

She claimed my life, but it was Tomi who claimed my world.

Noong mga panahong pilit kong kinikilala ang sarili ko sa gitna ng kadiliman, siya lang ang tanging mukhang pamilyar sa akin. He was the one who held my hand when I couldn't even remember my own name. Siya ang boses na nagpapaalala sa akin na may halaga ako, kahit na ang totoo ay ang halagang iyon ay nakadepende lang sa kaniya.

In the absence of a past, Tomi became my everything. Siya ang naging sandigan ko sa dagat ng kalituhan. Slowly, that gratitude twisted into something I mistook for a fairy tale. I learned to love him-not because he was perfect, but because he was the only one who stayed. I fell in love with my captor, unaware that the 'safety' he offered was just a gilded cage, and the love I felt was merely a symptom of my own survival.

Tumikhin ako upang alisin ang bikig sa lalamunan ko at magkaroon ng tapang, "Papasok ka na?"

Walang lingon-lingon siyang sumagot, "Of course, just to fed my worthless wife who couldn't conceive my child."

Great. More painful than those two words.

Akmang tatalikuran niya na sana ako nang mabilis ko siyang hinabol at hinigit ang braso niya upang pigilan. Kitang-kita ko kung paano gumuhit ang inis sa mga mata niya, noong nilingon ako. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko habang matapang na sinasalubong ang mga mata ni Tomi, kahit pa gusto ko nang umiwas dahil nag-aapoy sa galit ang mga iyon.

Gamit ang nanginginig na labi, nagsalita ako. "Nag... Nagluto ako sa baba, kumain ka muna bago ka umalis o baonin mo man lang iyon para may lakas k-"

"Get off," mabilis niyang putol sa lintaya ko, walang pakialam sa kung ano man ang nararamdaman ko.

Umiling ako. Pilit nilalakasan ang loob.

Napapikit siya, bago inis na sinuklay ang buhok. Sapilitan niyang kinalas ang dalawang palad ko na nakayapos sa braso niya. Sa sobrang lakas ng pwersa niya ay hindi ko mapigilang mapadaing sa sakit. Magmamatigas pa sana ako pero nagtagumpay siyang kumalas mula sa kapit ko. Matalim niya muna akong tinignan bago tumalikod sa akin at malakas na sinarado ang pinto.

Nag-unahang tumulo ang mga luha ko habang nakatulala sa pintong nilabasan ni Tomi. Ang bawat salitang binibitawan niya ay punyal na tumutusok sa puso ko, pero naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling.

Paano... Paano ba napunta sa ganitong sitwasyon ang pamilyang pinapangarap ko? Simula pa lang noon pangarap ko ng magkaroon ng simple ngunit masayang pamilya. May asawa at anak. Bakit sa lahat ng tao sa mundo ako pa... ako pa ang hindi pinagpala magkaroon ng anak. Bakit ako pa?

Ilang sandali pa akong nakatulala bago napagdisesyunang bumaba sa kusina. Bumungad sa akin doon ang pagkaing hinanda ko. Maaga akong gumising, inaakalang ang araw na ito ay magiging maganda. I lang linggo na rin kasi akong nakakaranas ng morning sickness at ilang symptoms pa ng pagbubuntis. Gano'n pa rin pala.

"Yaya Loling," tawag ko sa aming katulong. Siya ang nakakasama ko tuwing nasa trabaho si Tomi. Minsan kasi, inaabot ng ilang araw si Tomi bago makauwi kaya kinailangan ko talaga ng makakasama sa bahay.

"Ano iyon, ija?"

Tinuro ko ang pagkaing nasa lamesa. "Sa inyo na lang po iyon."

"Bakit? Ang akala ko ba'y hinanda mo iyan para sa asawa mo? Ang aga mo pang nagising," takang tanong niya sa akin.

Mahina akong tumawa bago itinuon ang paningin sa lamesa, "Maaga po siyang umalis, hindi niya siguro napansin ang hinanda ko."

Alam naming dalawa ang totoo. Hindi naman bulag at bingi si Yaya Loling, pero mas pinili niyang manahimik. Maliban kasi sa pag-aasikaso sa bahay, bayad din ang boses, tainga at mata niya. Nakita ko ang awa sa mga mata ni Yaya Loling kahit alam kong pilit niya iyong tinatago mula sa akin, at iyon ang ayaw kong makita sa kahit na sino lalong-lalo na sa kaniya.

Hindi ko gustong kaawaan ako sapagkat ako ang pumili ng ganitong buhay-ako ang nagdisesyon para sa akin.

Tumalikod na ako at agad umakyat sa kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag ni Yaya Loling pero hindi na ako lumingon.

Matutulog na lang siguro ako kaysa mag-isip nang mag-isip sa mga bagay-bagay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER FORTY-SEVEN

    Abot hanggang langit ang kabang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung paano ako aakto ng normal sa harapan nila. Pinagdadasal ko na lang na sana ay magbukas ang lupa at lamunin ako ngayon din at sana ay panaginip lang ang lahat ng ito.“So good to see you too, Tita! Hindi nga ako makapaniwala noong sinabi ni Anthony na gusto mo akong pumunta sa anniversary party niyo ni Tito Edgar.”Iyon kaagad ang narinig ko pagkalapit na pagkalapit namin ni Lazarro at hindi ko mapigilang makaramdam ng kirot sa puso ko. So it was Tita Glaiza who invited her. Hindi lang basta sumama si Ashta, imbitado siya. Ibig sabihin, tanggap siya. Ibig sabihin, ako ang naiwan sa dilim.“Hi, mom.” malambing na bati ni Lazarro kay Tita Glaiza, dahilan para malipat dito ang atensyon ng huli.“Lazarro!” Agad nagliwanag ang mukha ni Tita Glaiza at mabilis na lumapit kay Lazarro upang yakapin ito. “I was looking for you…”“I just went around and then I saw Diamon on my way here.” Lazarro pointed my direction behind

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER FORTY-SIX:

    Tila ba tumigil ang ikot ng mundo ko. May ideya na ako kanina nang umamin sa akin si Kuya Emong, pero hindi ko iyon pinakinggan. Hindi ko hinayaang lamunin nito ang utak ko. Hindi ko pinaniwalaan dahil umaasa ako na kahit kaunti ay may natitira pang respeto si Tomi para sa akin, para sa kasal namin at... para sa pagkakaibigan namin.Akala ko natatapos na lahat doon, subalit hindi pa pala dahil bigla na lang lumabas mula sa mansiyon si Tita Glaiza, at buong saya na sinalubong ang dalawa. Malaking-malaki ang ngiti sa mga labi ni Tita Glaiza habang niyakap si Ashta. Yung uri ng yakap na parang tunay na anak ang kaharap niya, hindi ang babaeng nakaw-espasyo sa buhay namin.Mula pa noong makilala ni Tomi ang grupo nila Ashta, lapit na talaga ito kay Tita Glaiza. Isa rin iyon sa ikinakaselos at ikinagagalit ko. Hindi lang siya bad influence kay Tomi, kundi inaagaw niya rin lahat ng mga taong nasa paligid ko. Pati ang pamilya ni Tomi, parang unti-unti nang nadadala sa kanya. At ngayon, nakik

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER-FORTY FIVE: The Toxic Connection

    He looked absolutely breathtaking. He was wearing a tailored black suit that fit him like a glove, accentuating his broad shoulders and muscular frame. His dark hair was slightly messy, adding a touch of wildness to his otherwise sharp and sophisticated look. But it was his eyes—those piercing, blue-grey eyes that seemed to see right through me—that held me captive. There was an intensity in them, a darkness that both terrified and fascinated me, making it impossible for me to look away.Hindi ko inaasahan na naririto pa pala siya dahil nakaraang linggo pa ang huli naming pagkikita at wala naman siyang paramdam sa akin, kahit text o tawag, kaya ang akala ko ay bumalik na siya sa Russia. "My myshka..."Hindi ko maiwasang makaramdam ng kung anong nagliliparan sa loob ng tiyan ko nang muling marinig ang boses niya. Mayroon ding bumubulong sa kaibuturan ng utak ko na takbuhin at yakapin siya, pero agad ko itong sinaway bago pa man ako magkamali at makita ko na lang ang sarili ko na n

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER FORTY-FOUR: The Mystery

    I opened the car door, and Kuya Emong immediately assisted me. Standing in front of us was the grand Dela Cruz mansion and from here, I could already see group of people coming in and out of the mansion, dressed in their lavish outfits.Nilingon ko si Kuya Emong na tahimik lang sa tabi ko. "Kuya Emong, akala ko po ba'y naririto na si Tomi?" Simula kasi kaninang umaga matapos ang umagahan namin ay hindi ko pa siya nakikita. Kahit tawag o text ay hindi niya ginawa. Ang sabi naman ni Kuya Emong noong nasa byahe pa lang kami ay baka nauna na raw rito. "Baka po nasa loob lang,""Kuya Emong..."Napakamot sa batok si Kuya Emong, tila ba hindi na alam ang gagawin niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Kanina pa lang sa sasakyan, alam ko na agad na nagsisinungaling siya dahil hindi niya man lang ako matignan sa mga mata habang nagsasalita."Ma'am, ang totoo po niyan ay may dinaanan pa po si Sir Anthony, pero hindi ko alam kung ano iyon dahil matapos ko siyang ihatid, pinaalis niya na rin a

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER FORTY-THREE: Defensive

    They say the mind has its own place, capable of creating a sanctuary or a prison, a heaven or a hell. But what happens when you are a prisoner in a room with no windows, and the person who holds the key is someone you no longer recognize?Psychology says that our identity is a built of continuity. Isang tulay ng mga alaala na nagkokonekta sa kung sino tayo kahapon at kung sino tayo ngayon. Pero ang kabilang bahagi ng tulay ko na iyon ay tuluyan nang nawasak twenty-two years ago, matapos kong magising na hindi kilala maging ang sarili ko.I am just a mere reconstruction, a figure sculpted from the stories told to me by others, rather than the truth I discovered for myself. I feel like a borrowed soul. Every habit I have, the way my hands trembled when I'm terrified, the way my laughter sounds—it all feels crafted. It's as if I am a book where the first half of the pages were ripped out, and the rest were written in a paper that isn't even mine. A terrifying question has begun to ea

  • My Husband’s Half Brother’s Possession   CHAPTER FOURTY-TWO: Who Am I?

    I looked down at my hands, watching how they turned into white because of how hard I clenched them into fists. Yumukod papalapit si Doktora Emma at malumanay na nag-salita, walang bahid ng panghuhusga. "Our mind has a way of bringing things to a surface when we are ready to face them, even if we don't think we are. Iyong panaginip mo, iyong mga nararamdaman mo... hindi sila lumitaw para lang takutin ka pero baka turuan kang harapin ang mga kinatakatakutan mo. Maybe it was a messages, Diamon. A sign that there are things in your present life that are triggering what you've tried so hard to bury.""But how do I face everything?" I asked, my voice barely a whisper. "Even the dreams. Maraming katanungan sa isip ko kung bakit kailangan kong maranasan ang mga ganoon... Sino ba talaga ako bago ako maging ako? Bakit kahit gaano na katagal matapos ng trahediyang sinabi nila, hindi pa rin bumabalik ng tuluyan ang ala-ala ko. Bakit... pakiramdam ko kulang ako? Pakiramdam ko madudurog ako.""Ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status