Home / Romance / Unexpectedly Yours, Doctor / Chapter 1 – Just One Night

Share

Unexpectedly Yours, Doctor
Unexpectedly Yours, Doctor
Author: SiaSays

Chapter 1 – Just One Night

Author: SiaSays
last update Last Updated: 2025-06-01 20:56:41

“Pwede kang maging artista.”

Napalingon ako kay Jessa, sabay irap. “Tigilan mo nga ako.”

“Hindi, seryoso! Tingnan mo ‘yang katawan mo sa dress na ‘yan, girl. Para kang leading lady sa teleserye. Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong rich girl ka na bored sa buhay,” she giggled habang inaayos ang lipstick niya sa salamin ng event hall.

Nakangiti ako pero ramdam kong hindi ako belong sa lugar na ‘to. Hindi talaga ako mahilig sa ganitong party-party, lalo na’t ang purpose lang naman ng conference na ’to ay para sa CPD units at ilang oras na pahinga mula sa napakastress naming trabaho sa ospital.

Pero dahil napilit ako ng bestfriend kong si Jessa—na kasama ko na since nursing school—heto ako ngayon, suot ang itim na backless silk dress na masyadong revealing para sa panlasa ko, at naka-heels na hindi ko alam kung kaya kong tiisin buong gabi.

“Mas okay pa rin sana kung naka-scrubs tayo,” bulong ko habang inaayos ang suot kong dress.

“Girl, magpahinga ka muna sa pagiging NBSB-slash-martir nurse. Gabi na ng kalayaan natin ‘to! Magpanggap muna tayong hot at walang problema.”

Natawa ako kahit papaano.

Sa loob ng limang taon ko sa ospital, hindi ko maalala kung kailan ako huling nagpa-parlor o nagpaganda para lang sa sarili ko. Puro pasyente, overtime, at bills ang laman ng utak ko araw-araw. Nurse ako sa neurology ward—at minsan, pakiramdam ko pati utak ko pagod na.

“Minsan lang ‘to, Cel,” dagdag ni Jessa habang kinikindatan ako. “Deserve natin ‘to. Isa pa, may libreng wine. ‘Wag kang killjoy.”

Napabuntong-hininga na lang ako. “Fine. Pero isang glass lang.”

Pagpasok namin sa main hall, umaalingawngaw na agad ang tunog ng jazz music. Eleganteng setup, may chandelier, mahahabang mesa ng food, at isang bar sa kanan kung saan may mga kilalang doctors na nakikipagkwentuhan habang may hawak na wine glasses.

Medical conference daw, pero para lang itong upper-class reunion.

Naglakad kami papunta sa buffet table. Sa bawat hakbang, ramdam kong maraming matang sumusuri sa amin. Maybe dahil bihira kaming makita sa ganitong ayos—naka-make up, naka-heels, at hindi may hawak na chart or syringe.

“Uy, ‘wag kang stiff diyan. Parang maganda ka pero galit sa mundo,” sabi ni Jessa sabay abot sa akin ng isang glass ng red wine.

“Kasi nga hindi ako sanay dito.”

“Exactly why you need this.” Tumango siya. “Cheers.”

Napilitan akong iangat ang baso ko. One sip won’t kill me, right?

Isa… dalawa… tatlong baso.

Hindi ko namalayan kung paano naging apat.

Unti-unting nagiging magaan ang pakiramdam ko. Ang ingay ng paligid, parang nagiging music lang sa background. Para akong lumulutang, pero in a good way.

“Told you, Cel! Bagay sayo magpaka-loose kahit isang gabi lang.” Hinila ako ni Jessa papunta sa dance floor. Tumawa ako habang nagpapa-ikot siya sa akin. Para akong bumalik sa college days namin, noong wala pa kaming iniintinding duty, code blue, o buhay ng pasyente.

Habang umiikot ako, napatingin ako sa bar, and that’s when I saw him.

He was wearing a black suit, sleeves rolled just enough to show a hint of veins and a silver watch. His hair was styled perfectly messy, may hawak siyang whisky sa isang kamay habang nakasandal sa counter. His face was sharp—matangos ang ilong, defined ang jawline, at may malalim na tingin na parang diretso sa kaluluwa mo tumatama.

Our eyes met. He didn’t look away. His lips curled into a half-smile, parang sinadyang nakakaasar pero hindi mo magawang mainis.

Parang sinasabing, “So nakita mo na ako. Now what?”

Nakaramdam ako ng kakaibang init sa dibdib. O baka epekto lang ng cocktail na hawak ko. Pero hindi ko na maitago ang ngiti ko.

“Cel!” tawag ni Jessa habang lumapit. “Tingnan mo sa bar. Yung naka-itim. Gwapo, ‘di ba? Parang galing sa isang series!”

“Gwapo nga,” amin ko, sabay inom. “Mukhang mayaman pa.”

“Baka naman siya na si Mr. One Night Stand,” biro niya, sabay tawa.

“Excuse me?” Umirap ako pero kinilig din kahit papaano. “Hindi ako gano’n, noh.”

“Hindi pa,” bulong niya sabay kindat.

Napailing ako, pero hindi ko napigilang silipin ulit ang bar. Nandoon pa rin siya. Nakatitig. At sa gulat ko, inangat niya ang baso niya… then, he winked.

Tangina.

Tinablan ako, kahit ayaw kong aminin.

Lumipas ang ilang oras. Lalo akong uminit sa alak, sa ilaw, sa musika. Humalo na ang tawa at amoy ng pabango ng mga tao. Pero kahit ilang shots pa, isa lang ang consistent—yung presence niya. Ramdam ko kahit hindi ko siya kaharap.

Paglingon ko, nawala siya sa bar.

Pagharap ko ulit, nandoon na siya sa harapan ko.

“Hey,” bungad niya. British accent? American? Basta conyo. Deep, smooth, and nakakakuryente.

“Hi?” sagot ko, medyo tipsy pero aware.

“You okay?” tanong niya, casual lang, pero may concern.

“I think so,” sagot ko. “You?”

“Was better when you were looking at me.”

Natawa ako, pero kinabahan din ng konti. “Wow. You’re smooth.”

“Thanks, I practice.” Napangiti siya. “Want some air?”

Hinila niya ang coat niya, nilagay sa balikat ko as if we’ve known each other for years. Ang bango niya—halong expensive cologne at whisky. Hindi ko alam kung bakit ako sumama, pero hindi rin ako nagprotesta.

Sa labas ng function hall, tahimik. Malamig ang hangin, pero hindi ko naramdaman dahil sa init ng pisngi ko.

“Name?” tanong ko, curious kahit sinabi ko sa sarili ko kanina—no names,dahil ayaw kong may makakilala sakin sa gabing to maliban sa mga kaibigan ko.

He chuckled. “Let’s skip that. Tonight doesn’t need names.”

“Huh. Mysterious ka pa.”

“Mas fun ‘pag walang label. Like us, right now.”

Nagkatitigan kami. Ilang segundo. Walang salita. ‘Yung parang nasa pelikula. ‘Yung parang may sariling background music.

He leaned closer, enough to hear his breath.

“You’re stunning, by the way. I’ve been staring since you walked in.”

“You’re not bad yourself,” sagot ko, tinatantsa ang lakas ng loob ko.

“Not bad? That’s harsh,” he teased.

“Well, maybe a little bit attractive.”

“Hmm. You’re either very drunk or very honest.”

“Maybe both.”

Napangiti siya, and before I knew it, hinawakan niya ang kamay ko.

“Come with me,” bulong niya.

And I did.

Pagdilat ko ng mata, masakit ang ulo ko.

Maliwanag ang kwarto. Malamig ang aircon. Tahimik. Nasa hotel room ako, hindi sa kwarto ko.

Nakahiga ako sa malambot na kama, fully naked under the sheets. Napatingin ako sa kaliwa. Wala siya it was just an empty space. Pero naamoy ko pa rin siya sa unan.

Napaupo ako, dahan-dahan kong tinignan ang paligid. Wala siyang iniwan. Walang note. Walang pangalan.

Pero bawat parte ng katawan ko, ramdam pa rin ang init ng gabi.

Naalala ko ‘yung halik niya—marahan sa una, tapos magiging gutom na gutom. ‘Yung kamay niyang mainit at marunong. Hindi siya nagmamadali. Parang sinisigurado niyang tatatak siya sa isip ko. At oo, tumatak.

Napangiti ako, kahit gusto kong mahiya.

What the hell did I do?

And more importantly… who the hell was he?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 26 - The confrontation

    Nag-freeze ang mga daliri ko habang nakatitig sa screen. Parang hindi gumagalaw ang mundo. Parang kahit huminga, mali.Basa ko ulit. Ilang beses. Sana nagkamali lang ako. Sana hallucination lang ng pagod kong utak. Pero hindi. Nandoon ang pangalan ko. Ang mukha ni Damian. Headline ng isang Twitter thread na umabot na ng libo ang retweets.“BREAKING: Residency scandal sa St. Asuncion Medical Center. Nurse reinstated despite alleged romantic involvement with the new head of neurology.”Attached: screenshots ng email ko kay HR, isang candid photo naming dalawa sa labas ng hospital cafeteria, at may isa pang blurred photo—ako, nasa hallway, hawak ang tiyan ko habang sinusundan ni Damian mula sa likod.Hindi ko alam kung paano ito nakuha. Hindi ko alam kung sino ang may galit na ganito kalalim. Pero alam ko—deliberado ito. Sinasadyang saktan, sirain, i-expose. At hindi lang ako ang tinarget. Pati si Damian.Tumayo ako mula sa sofa, nanginginig ang kamay habang hawak ang phone. Bumukas ang

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 25 – What People Don’t See

    Ginising ako ng malamig na sikat ng araw na tumatama sa balat ko, habang pilit kong binabalikan kung panaginip lang ba ang lahat ng nangyari kagabi. Sa tabi ko, ramdam ko pa ang banayad na hinga ni Damian, mahigpit ang pagkakayakap ko sa sarili habang nakatalikod sa kanya. Hindi ko alam kung anong mas matimbang—ang pagod ng katawan kong buong linggo nang walang pahinga, o ang bigat ng mga matang paulit-ulit na pinipilit huwag umiyak kahit alam kong wala na akong ibang gustong gawin kundi bumigay. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, iningatang huwag magising si Damian. Lumabas ako ng kwarto, tuluy-tuloy sa banyo, at saka hinugasan ang mukha. Tumingin ako sa salamin—parehong mukha pa rin, pero parang hindi na ako. Parang isang piraso na lang ng kung sino ako dati. Hindi na ako sigurado kung sino pa ba ang tinitingnan ko. Buntis ako, oo. Nurse ulit ako, oo. Pero parang wala na akong puwang sa mundong dati kong kinabibilangan. Pagbaba ko sa kusina, naamoy ko agad ang bagong timplang

  • Unexpectedly Yours, Doctor   chapter 24 - ready or not

    Mabilis ang takbo ko papunta sa Room 6 nang marinig ko sa PA system:“Code White, Room 6. Immediate response required.”Alam ng lahat sa ospital—’pag sinabing Code White, may pasyente na nagka-psychological emergency. Either violent behavior, aggressive episode, or sudden mental breakdown. Kadalasang may risk sa sarili niya o sa staff.Tumakbo rin si Jessa mula sa kabilang hallway, may hawak na med cart.“Pedia patient daw, post-surgery. Biglang nagwawala.”Pagpasok namin sa kwarto, nag-uunahan ang hininga ko at ang kaba. Isang batang lalaki, mga siyam na taong gulang, nakapiring ang mga mata at sumisigaw habang hinahampas ang kama. Dalawang nurse ang pilit siyang pinapakalma—si Celine at si Alvin, parehong interns na nasa rotation ko.“Wag mo akong hawakan! Ayoko dito! Ayoko na!”“Celine, hawak sa balikat. Alvin, pakikuha ng 2.5 lorazepam IM sa tray,” utos ko agad, siniguradong firm pero hindi hysterical ang boses ko.“Already drawing,” sagot ni Alvin, nanginginig ang kamay pero mabi

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 23 – Tell Me Something You’ve Never Said Out Loud

    Hinihila ng babae ang bedsheet habang nakapatong sa kanya ’yung lalaki. Pawis sila, magkadikit, bawat galaw may halong halinghing at ungol. Bumitaw ang kamay ng lalaki, dumulas pababa sa hita ng babae, huminto sa pagitan ng mga hita niya. Napapikit siya. Huminga ng malalim. Napasinghap.Umangat ang lalaki para halikan siya sa leeg, sa dibdib, sa ilalim ng panga. Mabagal, masinsin. Gumulong sila sa kama, pareho nang halos walang saplot. ’Yung ilaw sa background dimmed red—at ang tunog ng TV halos parang hininga na lang.Nakahinga ako nang malalim—at saka ko lang na-realize na hawak ko ’yung throw pillow nang parang sandata.Then I blinked. Wait.TV nga pala ’to.Bigla akong napatagilid. Damian was right beside me on the couch, pretending to look calm but obviously too still to be casual. Pareho kaming hindi gumagalaw.And yes—nagka-awkward silence.“You okay?” tanong niya, dry pero amused ang tono.“Uh-huh,” sagot ko, mabilis. “You?”“Thrilled,” he muttered. “Didn’t expect full-on erot

  • Unexpectedly Yours, Doctor   chapter 22: crumbled walls

    Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi. Basta ang naaalala ko lang ay ’yung katahimikan ng gabi at ang paalala ni Damian:“You don’t have to hold it alone.”Pagmulat ko, may liwanag na sa bintana. Tanghali na. Tahimik pa rin ang unit. Walang tunog ng TV, walang radyo. Wala ring kumakatok. Pero may naamoy akong niluluto.Bumangon ako. Mabigat pa rin ang katawan ko, pero at least, buo ang tulog ko. Paglabas ko ng kwarto, bumungad agad sa akin si Damian sa kusina—naka-gray shirt at may hawak na pan spatula, kasalukuyang naghahalo ng itlog.“Morning,” bati niya nang mapansin akong nakatayo lang sa hallway.“Anong oras na?”“Past ten. Let me guess—you forgot to set your alarm.”“Hindi talaga ako nag-set.”Ngumiti siya. “Good. You needed rest.”Umupo ako sa dining table. Tahimik lang. Pinapanood ko siyang kumilos—maingat, kalmado, parang sanay na sanay sa kilos sa loob ng maliit na kitchen namin. May lutong kanin, itlog, at tinadtad na kamatis.Simple lang. Pero sobrang bi

  • Unexpectedly Yours, Doctor   chapter 21 :Quiet return

    Hindi ko alam kung anong oras na nang mapilit kaming umuwi ni Clarice. Si Mama, stable. May assigned nurse. May direct order ang doktor: pahinga muna kami. Bawal bumagsak.Clarice was exhausted. Halos hindi na makalakad paalis ng ICU. Damian offered to drive us home—sa lumang bahay sa San Felomina. Wala nang tanong. Walang pagtutol.Pagdating namin, diretso si Clarice sa kwarto. Ako naman, nanatili sa sala. Tahimik. Nasa sofa si Damian, pero hindi siya nagtanong kung anong iniisip ko. Hindi rin ako tinanong kung okay lang ako. Alam niyang hindi ko rin masasagot.Napatingin ako sa luma naming dingding. May bakas pa ng lumang larawan doon—’yung graduation picture ko sa nursing. Si Mama ang may pakana noon. Proud na proud siya.“Gising ka pa?” tanong ni Damian.Tumango lang ako. “Hindi ako makatulog.”“Me neither.”Tahimik.“Pero dapat kang matulog,” dagdag niya. “You need to recharge.”Napangiti ako, kahit sobrang banayad lang. “Recharge talaga?”“Sorry. Doctor term. Pero totoo naman.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status